Chapter Four: Meet The Family

3138 Words
“Bakit kaya may isang aleng nakatulala diyan sa isang tabi?” Wala sa sariling nilingon ni Rose ang kaibigang si Claudine na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanyang work station. Kanina pa siya parang timang na nakalutang sa alapaap habang iniisip ang ginawang paghalik sa kanya ni Ben sa lobby nang ihatid siya nito. Hindi tuloy niya matapos-tapos ang mga pesteng report na kailangan niyang i-submit sa kanilang operations manager dahil hindi niya magawang mag-focus sa mga files na nasa kanyang harapan. Halos buong shift siyang nakatitig sa computer monitor habang iniisip na ganoon pala kagaling humalik si Ben. Maya’t maya niyang nakakapa ang sariling labi nang wala sa loob dahil parang nararamdaman niya pa rin ang init na hatid ng halik na iyon ng lalaki. Kung paanong muntik na siyang mapaungol sa bawat galaw ng labi at dila nito. Nanuyo ang lalamunan niya sa naisip kaya mabilis niyang inabot ang tumbler at uminom ng tubig. Noon niya lang napansin na kakaiba ang paraan ng pagngiti at pagtingin ng kaibigan sa kanya. “May problema ba? Bakit ang weird mong makatingin ngayon? Mangungutang ka no?” “Hindi ako mangungutang, sira. Kakasuweldo lang kaya natin. Pero tama ka naman, may problema talaga ako. May friend kasi akong nakakainis eh. Ayaw mag-share ng bagong update sa lovelife niya.” natatawang sagot nito sa kanya. Napakunot-noo si Rose. Siya ba ang pinaparinggan nito? Bago pa siya nakapagtanong ay impit na napatili na lang siya dahil sa biglang paghampas ni Claudine sa braso niya. “Bruha ka! Paano mo naatim na isikreto sa akin yun? May boyfriend ka na pala pero di mo man lang itsinika sa akin! Kainis ka!” Nanlaki ang mata ni Rose. “Paano mo nalaman yan? Sino’ng nagsabi sayo?” tarantang tanong niya dito. Humatak ng isang silya at naupo sa harap niya si Claudine. “Tatlong agents ko lang naman ang naka-witness sa kissing scene niyo ng boylet mo sa lobby. Kaya pala kinikilig ang mga iyon pagbalik dito after nilang mag-yosi break. Nag-uunahan pa kung sino ang magkukuwento sa akin. Pang-pelikula nga daw ang halikan niyo eh. Kainggit tuloy kasi hindi ko nakita.” naka-pout pang reklamo nito. Agad gumapang ang pamumula sa mukha niya. Makukurot niya talaga ang lokong Benjamin na iyon pag nagkita sila ulit! Dahil sa ginawa nito kanina, mukhang magiging tampulan pa siya ng tukso at tsismis sa opisina nila. Oh no! Saktong dumaan sa harap nila si Erica. Huling-huli nila ang pag-ismid sa kanya ng babae bago ito dumiretso sa sarili nitong work station. May halong pagdadabog pa ang kilos. “Huwag mo ng pansinin. Kasi naman, aside from my agents, nakita rin ni Erica yung halikan niyo kanina. I’m sure naiinggit na naman yan. Malamig kasi ang Pasko niya samantalang ikaw, mukhang hindi lang nag-iinit, kumukulo pa.” napapabungisngis na bulong nito sa kanya. Shit! Ang dami palang nakakita sa kanila kanina pero bakit parang hindi niya yata namalayan ang presensiya ng mga ito? Ganoon ba talaga kalakas ang epekto sa kanya ng halik ni Ben kaya dito lang na-focus ang buong atensiyon niya? Nahawa na lang siya sa pagtawa ng kaibigan. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Sooner or later, talaga namang kakailanganin niyang ipakilala si Ben sa mga kaibigan at katrabaho dahil sa pagpupumilit nitong ihatid siya dito sa opisina. She just need to brace herself for more questions and reactions like this. “Tama na nga ang pang-aasar mo diyan. Sige ka, baka hindi kita i-introduce kay Ben.”  “So, his name is Ben? So cute naman. Parang boy next door lang ang dating.” Kahit pagkukunwari lang ang kanilang relasyon, hindi pa rin maiwasan ni Rose ang makaramdam ng tuwa at pagmamalaki dahil sa ‘boyfriend’ niya. “Boy next door nga pero daig pa daw ang hero ng isang erotic romance novel kung humalik. Ang suwerte mo, friend!” pilyang hirit ni Claudine na dinugtungan pa nito ng nakakaloko nitong tawa. “Ah, ganon? Suwerte pala ha!” Impit na napatili ito nang bigla na lang niyang kurutin sa braso. Araw ng linggo. Alas diyes pa lang ng umaga ay sinundo na siya ni Ben sa bahay nila. Ngayon ay ang takdang araw para ipakilala siya ng binata sa pamilya nito. Nasa biyahe pa lang sila ay inaatake na siya ng nerbiyos. Kibuin-dili tuloy niya ang binata na hindi alam kung matatawa o maaawa sa ikinikilos niya. Tila nadoble pa ang kanyang kaba nang marating nila ang bahay ng pamilya Falcon sa Forbes Park. Mali pala. Nakakahiyang tawaging bahay ang lugar na kinaroroonan nila ngayon. It’s a freaking mansion!  Iyong tipong ginagamit na setting para sa mga mayayamang karakter sa mga pelikula o teleserye. Tatlong palapag ang all-white na Spanish style mansion at mayroon itong napakalawak na solar. May kanugnog din itong malaking garahe na sigurado siyang kinalalagyan ng ilang mamahaling klase ng sasakyan. Kung gaano kaganda ang labas ng mansiyon ay ganoon din ka-enggrande ang loob noon. Halatang mamahalin ang bawat kagamitang makikita sa loob ng kabahayan. Nakakalulang tingnan ang buong kapaligiran dahil hindi niya inakalang ganito pala kayaman ang pamilya Falcon. Ni hindi man lang siya na-orient ni Ben sa ganitong mga bagay. Hindi niya tuloy mapigilang ma-conscious. Napaka-plain yata ng suot niyang knee-length blue dress at two-inch stilettos para sa lugar na ito. Baka sa itsura pa lang niya ay magtaasan na ang kilay ng pamilya ni Ben at mapahiya pa ito nang dahil sa kanya.  Isang marahang pisil sa kanyang kamay ang nagpalingon kay Rose sa lalaking kaagapay niya sa paglalakad. Nakakaunawa ang tingin at ngiting ibinigay sa kanya ni Ben. “Don’t worry too much. Andito lang ako lagi sa tabi mo, Rose. We can do this. Hindi kita papabayaan.” Those simple and sincere words worked like magic. Nawala ang tensiyong nararamdaman ni Rose at nagawa na niyang gantihan ang ngiti nito. Oo nga naman. Hindi siya nag-iisa at kahit sandali pa lang silang magkakilala ni Ben, ramdam niyang hindi siya nito hahayaang mapahamak o mapahiya sa harap ng pamilya nito. With renewed confidence in her strides, she braced herself for the inevitable. Pagdating sa maluwang na dining room, apat na pares ng mga mata ang tumutok sa kanila. Agad niyang natukoy ang ama ni Ben dahil malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Mas seryoso at istrikto nga lang ang aura nito.  Sa kanan ng lalaki ay nakaupo naman ang isang babaeng natitiyak niyang esposa nito. Ang stepmother ni Ben. Napakaelegante ng suot nito kahit nasa loob lang naman ng bahay. Aristokrata ang ganda ng may-edad na babae, iyong tipong mataas ang tingin sa sarili kaya hindi mo basta basta maaaring lapitan at kausapin. Parang pinaghalong Cherie Gil at Princess Punzalan ang dating ng babae. Talagang kontrabida ang peg lalo na nang bumadha sa mukha nito ang disgusto pagkakita kay Ben.  Isang guwapong lalaking malaki rin ang pagkakahawig kay Ben ang nakaupo sa tapat ng ginang. Pagkakita sa wheelchair ay nakilala niya agad ito bilang si Paul, ang kuya ni Ben na nabaldado dahil sa isang aksidente. Nasa mga mata nito ang hindi maitagong curiosity habang pinagmamasdan sila. Katabi naman ni Paul ang isang babaeng nagpahigit ng kanyang hininga. Inaasahan niya nang maganda si Ylona pero nagulat pa rin siya pagkakita dito. The woman is extremely stunning! Agaw-pansin ang chestnut brown nitong buhok na medyo kulot at hanggang balikat. Bumagay ito sa maliit na mukha ng babae na parang pag-aari ng isang diwata. Napakaputi ng pinong balat nito at kahit nakaupo ay halata niya ang magandang hubog ng katawan. Wala siyang maipintas sa babae physically at hindi iyon nakatulong sa confidence niyang unti-unti na namang bumabagsak habang pinagmamasdan ito. Kahit ayaw niya, inatake na siya ng agam-agam. Naka-move on na ba talaga si Ben sa ex-girlfriend nitong mala-diyosa ang ganda o ginagamit lang siya ng binata para pagtakpan ang katotohanang iyon? “What a nice surprise. You should’ve informed us earlier that you’re going to bring a date for our family lunch today. Who is this beautiful lady with you, little brother?” tanong ni Paul.  “Everyone, I want you to meet Rose. She’s my girlfriend.” seryosong pagpapakilala ni Ben sa kanya. Dahil sa kaba, kiming napangiti na lamang siya sa mga ito. Relief was clearly visible on Paul’s face. Parang bumata ito ng ilang taon dahil sa ganda ng pagkakangiti nito sa kanila. Inutusan kaagad nito ang isang katulong na magdagdag ng isa pang plato para sa kanya. Ito na rin ang nagpaupo sa kanila sa komedor dahil tahimik pa rin ang mga kasalo nito sa mesa. Nagtatanong ang tingin ng papa ni Ben pero naisip siguro nitong hindi ito ang tamang oras para mag-usisa.  Binati siya nito at nginitian samantalang ang asawa nito ay parang may stiff neck na halos hindi sila tinitingnan. Mukhang balak nitong pangatawanan ang pangdededma sa presensiya nilang dalawa ni Ben. Tila hindi naman nakatiis at nagtanong si Ylona. “Hindi mo yata nabanggit sa akin na may bago ka ng girlfriend, Ben.” nag-aakusa ang tingin nito sa dating nobyo. Hindi naman nagpatalo ang lalaki dito. Ben casts her a questioning look. “As far as I know, wala naman akong obligasyong i-report sa’yo ang lahat ng nangyayari sa buhay ko, Ylona. Why are you meddling with my affairs, my future sister-in-law?” ipinagdiinan pa ng binata ang huling tanong. Kitang-kita niya ang pagtatagis ng ngipin at paniningkit ng mga mata ni Ylona. Humigpit din ang pagkakahawak nito sa kubyertos na para bang doon ibinubuhos ang inis at pagkapahiyang nararamdaman.  “May pinagsamahan pa rin tayo, Ben.” giit nito. “I deserve to know these things about you.” May bumabangong inis at pagkairita kay Rose. Wala ba talagang delicadeza ang babaeng ito? Katabi ni Ylona ang fiancée na si Paul pero kung umakto sa harap ni Ben ay daig pa ang isang selosang girlfriend!  “Teka, di ba iyon ang role ko ngayon? I’m Ben’s girlfriend! Kaya wala ng karapatan ang malditang si Ylona para umarte ng ganyan.” sigaw ng nagrerebelde niyang isip. Pasimpleng hinaplos niya ang braso ni Ben sabay ngumiti sa mga kasama sa mesa. “Pasensiya na po kayo kung nabigla kayo sa pagdating ko. Actually, matagal na akong gustong ipakilala ni Ben sa inyo pero ako itong maraming dahilan. Simpleng tao lang po ako at alangan ako sa inyo kung estado ng buhay ang pag-uusapan. I must admit, the prospect of meeting you in person scared the hell out of me.” Dahil sa sinabi niya ay nawala ang tensiyon sa mukha ng papa at kuya Paul ni Ben. Natawa pa ang nakatatandang kapatid ng ‘boyfriend’ niya na para bang lubos na nakakaaliw dito ang mga sinabi niya. “No need to be intimidated, my dear. Ngayon pa lang sasabihin ko nang botong-boto ako sa’yo para sa kapatid ko. You guys look amazing together. Congratulations, Ben. You finally met a woman worthy of your attention.” Lumiwanag ang mukha ni Ben. “Thanks for your approval, kuya! It means a lot to me.” “I agree with my eldest son. Huwag kang mahihiya o maiilang sa amin, Rose. You’re very much welcome in this family, iha.” segunda naman ng papa nito. Nakahinga ng maluwag si Rose dahil sa narinig. Kahit kuntodo irap sa gawi niya si Ylona ay nagawa pa rin niyang makakain ng maayos. Kahit ang ginawang pag-ignora sa kanila ng Tita Sabrina ni Ben ay hindi na niya ininda. Ang importante, mukhang napaniwala naman nila ang mga kaharap na totoo nga silang magkasintahan. Yes! Successful ang unang bahagi ng pagpapanggap nila! “Grabe! Daig ko pa ang sumalang sa matinding audition! Nakakaloka!” bulalas ni Rose pagkasakay ng kotse.  Hindi nakatiis na hinubad niya ang stilettos na suot tutal silang dalawa na lang naman ni Ben ang magkasama sa sasakyan. Sa wakas, wala na silang audience na kailangang intindihin. Tapos na ang drama for today at puwede na silang magbiyahe pauwi. Naaaliw na sinulyapan muna ni Ben ang mga paa niya bago marahang kinuha ang kaliwang kamay niya para halikan. “Thank you so much, Rose. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kanina dahil bumalik na sa dati ang trato sa akin ni kuya Paul. Kahit si papa, nilapitan ako bigla after ng lunch natin para lang sabihin na natutuwa siyang makita akong may girlfriend na. I owe this happiness to you, honey. Thank you!” tila hindi nakatiis, hinatak siya nito palapit at niyakap ng mahigpit. Naramdaman pa niya ang masuyong pagdampi ng labi nito sa ulo niya habang humahagod sa likod niya ang kamay nito. Hindi siya makapagsalita dahil sa pinaghalong pagkabigla, kaba at saya. Parang may nagkakarerahang kabayo sa dibdib niya. Ganito pala kasarap ang pakiramdam ng nakakulong sa mga bisig ni Ben. She felt secure and contented. Parang gusto niyang isiksik lalo ang katawan sa dibdib ng binata, isubsob ang mukha niya sa leeg nito at magpakalunod sa kaakit-akit nitong masculine scent. Nagpadala siya sa dikta ng katawan at iyon nga ang kanyang ginawa. Mukhang ikinasiya naman ni Ben ang ikinilos niya dahil lalo nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Maya-maya’y biglang inilayo ng binata ang katawan sa kanya at tinitigan siya. Napalunok si Rose nang makitang unti-unting tinatawid ni Ben ang distansiya sa pagitan ng kanilang mga mukha. May ideya na siya kung ano ang binabalak nitong gawin at wala siyang lakas para pigilan ito. Isa pa, bakit niya pipigilan ang lalaki kung siya man ay aminadong nananabik na muling matikman ang mga labi nito? She closed her eyes when her lips finally met his. Hindi na siya nag-isip pa at hinayaang namnamin na lamang niya ang sensasyong hatid ng mainit na halik ng binata. His tongue seeks entrance and she welcomes the little explorer eagerly. Para siyang lalagnatin lalo na nang maramdaman niya ang paghaplos ng kamay ni Ben sa kanyang dibdib.  In her past relationships, madalas na nauuwi sa away at hiwalayan ang ganitong eksena. Naranasan na rin niyang mainsulto at matawag na manang ng ilan sa mga lalaking nai-date niya noon dahil hindi siya madaling bumigay gaya ng ibang babae. Ang buong akala niya ay wala ng lalaking makakayang baguhin ang kanyang pananaw sa public display of affection maging sa pre-marital s*x pero heto at nanganganib yata ang kanyang puri dahil kay Ben! And he’s not even her real boyfriend to begin with! Kataka-takang wala siyang nararamdamang pagtutol sa ginagawa nito sa kanyang katawan. Kahit pa nang isandal siya nito sa upuan at halos nakadagan na ang buong bigat sa kanya, imbes na magalit ay lalo pa niyang hinapit ang binata palapit sa kanyang sariling katawan. She doesnt’t know how to explain it but there’s a hunger within her that only Ben can satisfy. Puro ungol at daing ang naging tugon niya sa paglalakbay ng mainit nitong halik mula sa kanyang labi papunta sa kanyang leeg. “Rose, my dearest Rose… you smell so damn good.” bulong ng lalaki. Nasa akto na ito na ibababa ang manipis na strap ng suot niyang bestida nang sabay silang nagulat sa biglang pagbukas ng pinto ng kotse na hindi pala nai-lock ni Ben kanina. Pero mas nagulat sila sa pagsungaw ng mukha ni Ylona na agad namang nahulaan ang kanilang ginagawa. Nalukot ang magandang mukha nito at ubod ng lutong na nagmura.  “s**t! How could you do this to me, Ben?! You’re both worthless! Damn you!” pagkasabi noon ay dali-dali itong nagtatakbo palayo sa kinapaparadahan ng kotse.  Nagkatinginan sila ni Ben at natawa na lang siya sa nangyari. Pagtawang nahinto nang mapansin niyang nakatitig si Ben sa magulo niyang buhok pati na rin sa bestida niyang nakalilis at nalukot na. Bahagya ring nakababa na ang magkabilang strap nito. His eyes darkened with desire. Walang salitang namagitan pero tila nagkaintindihan at nagkasundo sila sa kung ano ang susunod na gagawin. Mabilis na isinara at ini-lock ni Ben ang pinto ng kotse. Matapos iyon ay kinabig niya ito para muling ituloy ang naudlot nilang paghahalikan. It took them about ten to fifteen minutes before they managed to reluctantly separate from each other’s embrace and leave that place. “Salamat sa paghatid.” akmang bubuksan na ni Rose ang pinto ng sasakyan para bumaba pero maagap siyang pinigilan ni Ben. “Huwag ka munang umalis, Rose. We need to talk.”  Napabuntong-hininga si Rose. She stared longingly at their house, wishing that she could just run and hide in the comfort of her own room to avoid this conversation. Alam naman niya kung ano ang gustong ungkatin ni Ben. Iyon ay ang tungkol sa mainit na eksenang naganap sa pagitan nilang dalawa sa loob ng kotseng ito na nasaksihan pa nga ni Ylona. Habang nasa biyahe ay ilang ulit tinangka ng binata na buksan ang usapan tungkol doon pero pinili niyang sumagot ng paiwas at sa bandang huli nga ay nagtulog-tulugan siya para lang hindi ito mapag-usapan. As much as possible, she wanted to avoid or delay the confrontation. Natatakot siyang sa pag-uusap nilang ito ay lalong makukumpirma ang kanyang hinala. The realization that she’s slowly and desperately falling in love with Ben. Nakakagulat nga dahil bago pa lang silang magkakilala pero ano pa ba ang puwedeng maging dahilan ng pagkalitong nararamdaman niya ngayon? She was already attracted to Ben when they first met and when she got the chance to be with him, she helplessly succumbed to his charms.  Now, she’s confused on how she would react to this newfound feeling. Aaminin ba niya kay Ben ang nararamdaman o pangangatawanan na lang niya ang pagiging in denial queen? “Bakit ba kasi kailangan pa nating pag-usapan to? We kissed and we both enjoyed it. But after one month, this charade must end. Kaya dapat lang na kalimutan na lang natin to.” giit niya. Hindi niya magawang tingnan sa mata si Ben. Ayaw niyang makita nito ang lungkot at sakit na tiyak na nakabadha sa kanyang mukha. But she forgot that this man is really persistent. Hindi rin ito ang tipong susuko agad kung may gustong makuha o malaman. Masuyong hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pilit siyang pinaharap dito. “Answer me honestly. After that kiss, do you really think that we could continue with this charade?” May kirot na naramdaman sa kanyang dibdib si Rose. Diyata’t mas gugustuhin pa ng lalaki na ihinto na lang ang pagpapanggap nila at dito na tapusin ang kanilang ugnayan. “So, sasabihin mo na lang sa pamilya mo na nagkalabuan tayo at nagbreak? Siguro naman, okay na ang performance natin kanina para maniwala silang wala ka ng interes kay Ylona. Solve na ang problema mo.” “And why would I do that?” “Eh ano ba kasing gusto mong mangyari talaga? Ang labo mong kausap! You just said it yourself. You wanted to end this charade! Kung ititigil na natin ang pagpapanggap na may relasyon tayo, then we no longer have any reason to see each other!” napipikon na sagot niya sa binata. Nagpumiglas siya dito at tinangkang muling buksan ang pinto pero hindi niya kayang daigin ang lakas ng lalaki. “You left me with no option but to do this again, Rose!” Iyon lang at muli siyang isinandal ni Ben sa upuan. The next thing she knew, her lips were being ravished by Ben and she found herself melting in his touch again.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD