Chapter 1
Chapter 1Tumama na rin ung buhok ko sa kaliwa kong kilay.
Sa wakas.
Nakailang buwan ko rin pinagpilitang ipagtanggol ’to at kung ilang beses ko ring inaway si Tatay para lang tantanan nya na ung gusto ko. Buhok lang naman ’to eh. Big deal ba talaga dapat?
Nakailang buwan ko din pinagpilitang ipagtanggol.
Pero masakit sa mata ah. Kala ko nasa pagdadala lang, pero imposibleng ganun lang siya eh. Siguro pag nasa bahay lang tinatali nila ’to. Makati rin kasi eh.
Puno na din ang closet ko ng mga itim na damit. Pero tama na ba ang bente? Parang pwede pang plus 20.
At balak ko na rin mag-aral tumugtog.
Naisip ko subukan ang drums pero wala naman silang sinabi pag dating sa chicks.
Bass player? Nah. Gusto ko sumikat.
Guitarist? Pwede pa.
Singer at guitarist—bingo!
Baka ako pa mamili sa mga babae nun.
Where them ladies at? Danny’s ready to lay on the charm.
The emo charm.
Ako ang magiging unang hari ng emo scene. Ang lalakeng kinaiinggitan ng mga kapwa niya. At ang inaasam ng mga chicks. Or at least, kahit siya na lang …
Siya ang gagawin kong reyna.