Chapter 2Saya nung pasok ko kanina. Halos naunahan ko pa ung mga janitor.
Nakakapagtaka kung iisipin, kasi walang sinumang nasa matinong pag-iisip ang magmamadaling makapasok sa eskwelehan namin.
Medyo matanda na ung school namin. Panahon pa kasi ng Kastila binuo. Pero parang OA pa rin ang amag at alikabok nito para sa ganung edad.
Hindi ko gusto ang school na’to, at di na ko makapaghintay na makaalis. Ten years is enough, handa na ’ko sa sunod kong kulungan.
Kaya nakakagulat isipin na kahit sa dami ng attention na nakukuha ng lugar na ’to ay parang wala pa rin siyang dating.
Mali kasi ang konsepto sa pagkadisenyo niya.
Kailangan ng mga mag-aaral ang isang lugar na talagang konektado sa kanila.
Kung magiging architect ako, siguro ay maaappreciate ko ang mga bagay na un, pero hindi.
I am emo and I do not care.
Kung ako lang sana ang nagdisenyo ng school na ’to, eh di sana nagkaroon na ng kauna-unahang emo sanctuary ang Pinas.
All black walls, red markers para panulat, at maraming lugar kung saan pwede ka makapag-isa at makapag-isip.
I can dream di ba.
Excited sana ako araw-araw kung ganun ang itsura ng school ko, pero hindi kaya kadalasan ay tamad talaga ako bumangon.
Buti na lang talaga, may magandang rason ako pumasok bukas.
Paano naman kasi ako magpipigil, eh ito na ung pagkakataon kong ipakita for the first time ang aking emo hair wave. Di ko lang alam kung un nga tawag dun. Pero un dapat. Para naman kasing tanga ung “one-sided.” Ano ung buhok ko, laban ni Pacquiao?
Si tropang Mike, trip niya eh. Ung kanya kasi all the way around, parang mangkok lang. Di ko kaya magpaganun ng buhok. Masyadong mainit. Tubuan pa ’ko ng tigyawat nun. Hayaan ko na siya dun.
Pero sabi niya “Lakas, pre, pahabain mo pa, hanggang balikat.” Balikat? Parang sobra un ah. Pero may nakita na nga akong ganun. Taon siguro inabot nun.
Di bale, simula pa lang naman. Pagtagal, ung emo hair wave ko, pwede na talaga pang-concert.
Ba’t kaya si Ria, di magustuhan ung emo hair wave ko? Di ba maganda tignan?
Pero, di ko masyado pinapansin ang opinyon niya. One Direction siya at ung iba pang mga basurang tugtugan na katulad nun.
Pop amputa. Walang pupuntahan un.
Laos na tapos ng isang taon, tapos papalitan ng kung anumang kumag na darating. Di tulad ng emo. This s**t’s forever. Emo today, emo tomorrow, and more emo after that.
Walang ngang style ung pop. May nakita ako dating naka-bowtie. Bowtie? Taenang un. Masakal sana siya nung bowtie niya. Di nalang kasi siya mag-emo. Di niya ba alam na the emo style will never fade?
Dami ring tumitingin kanina. “Danny, Danny, bagong buhok ah.”
Damn right. Bago talaga. Ganda pa.
Yan ang bunga ng ilang buwang paghihintay. Ngayon wala nang malilito.
Si Danny ay emo. Saya talaga.
Salamat buhok at sumang-ayon ka.
Tapos na ung isang parte.
Ngayon mga daliri, tayo naman ang mga kailangan magkasundo. Matuto kayo mag-gitara at pangakong mas gaganda naman ang mga kikilitiin ninyo pagtagal.