Chapter 3Nung una kong napanood ung banda na un nang live, inaamin ko, tumayo lahat ng balahibo ko.
Yun kasi ung experience eh. Di matawaran ng isang poster lamang ang dating at purong ka-emohan na dala ng banda na un.
The one and only “Julie Tearjerky.”
Di naman ako umiyak nung una kong narinig ung mga kanta nila, pero nangilid na ung mga luha ko.
Na-imagine ko rin ung sarili ko sa stage.
Ung buhok kong kinakalahati na ang aking paningin sa isang mata habang tumitingin sa mga fans, ung t-shirt kong basa sa pawis at luhang dala ng walang humpay na pagbuhos ng emosyon sa bawat kalabit sa gitara, at ung boses kong nasa punto na ng pamamaos dahil sa kakabirit sa bawat masakit na alaala na nakatago sa linya ng aking mga kanta.
Ganun sila tumugtog at humahatak ng babae.
Taena. Kayang-kaya ko un eh.
Ang sabi sakin ng kuya ko kanta daw ng… ano ba kasi un? Eraserheads ba? Di ko talaga matandaan.
Kung anuman panahon naging bata ung kuya ko at kung anumang “music” ang kanyang piniling pakinggan, eh sa kanya na lang un. Ang importante lang naman kasi ay dun nakuha ng Julie Tearjerky ung band name nila.
My idols.
My emo influences.
My emo idols.
Kasi ineembody nila, di tulad ng kung sino pa ung kahulugan nung salitang “emo.” They have the look, the style, everything.
Naalala ko nung isang araw sa school na nakita ko ung payatot na si Tony na paligid-ligid lang sa tabi nung college building. Andun lang siya. Patingin-tingin sa cellphone, tingin tingin sa paligid. Kung may mas strikto sigurong gwardya nun, baka nabatuta na siya.
Kaso maya-maya lang bumaba ung babae.
Grabe ung babae. Ang puti, Chinita, tapos ang amo nung mukha. Lumapit siya dun sa payatot sabay plant ng peck sa lips.
F*ck.
May gayuma ba ’tong gagong ’to?
Pero hindi ganun eh. Para ngang mas nilalambing pa siya nung babae kesa siya ung nanunuyo.
Inassume ko na lang na mayaman si payatot tapos umuwi nako.
Ayun uli siya kinabukasan. Pero nung sumunod na araw hindi ko na talaga napigilang magtaka.
Sinundan ko sila. Nung kumain sila, ung babae nagbayad; wala namang sasakyan si payatot, so ano ung dahilan?
Nag-part 3 ako sa pag-obserb sa kanilang dalawa. Sinama ko si Mike this time. Nung nakita niya si payat, napangiti lang siya sabay tingin sakin.
“Pare, si Tony un. Tagal na siyang nagbabanda. Graduate siya dito kaso three years ago pa.”
“Banda? Ano naman? Di ba nagbabanda sila Bobby pati Dennis? Wala naman silang ganyang chicks?
Ung nasabi ko nun.
“Tignan mo lang si Tony pre. Di lang basta magbanda yan. Nakikinig ka ba ng emo?”
“Ng alin?”
“Emo, pre. Yun ang style ni Tony. Laglag panty un pre. Kaya nga pinapahaba ko na buhok ko tulad nung kanya.”
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Walang babaeng ganyan ang papatol kay Tony kung hindi dahil sa banda niya. Kundi sikat ung Julie Tearjerky, walang babae yan si loko.”
Epiphany?
Epiphany nga ba?
Basta kung anuman ang tawag dun, un ang nakuha ko sa pag-uusap namin na un ni Mike.
Si Tony ay panget. Ngunit siya ay may chicks. Di tugma ang dalawang pangungusap.
Si Tony ay nasa bandang emo na sikat. At may chicks. Tugma ang dalawang pangungusap.