Chapter 4

435 Words
Chapter 4Ngayon ay wala akong kahit ano, be it pera, gitara, o chicks. Tangina. Dapat nagsinungaling na lang ako kay tatay para nakahingi ako. Kailangan ko ng pera, at isa na lang ang magagawa ko. Ibebenta ko na ang aking angking talino. Money for homework. Buhat na rin siguro ng itsura at pananamit ko, mas madalas akong napapagkamalan na salawahan kesa sa isang honor student. Hindi likas sakin ang pagyayabang. Pero wala naman akong magagawa kung sadyang di talaga matatawaran ang aking angking talino. O para naman sa mga taong ang tanging nais ay husgahan ako, huwag niyo akong sisihin na pinanganak kayong medyo may ere sa itaas. Nakakasawa din un sa totoo lang. Kada quarter na lang na aakyat ako ng stage para mapabilang sa honor roll, laging may mga mukhang gulat at mga magulang na parang nalilito sakin. Kung makatitig sila, akala mo multo ung nagpakita. “Pasensya po, emo po ako, hindi multo.” Natuto nakong huwag masyado isipin ung mga ganung bagay. Ang pinaka importante naman talaga ay alam nung mga chicks kong ka-eskwela na may something to offer ako bukod sa katangi-tanging kagwapuhan at walang kupas na tindig sa pormang emo. Pero ngayon, magiging importante talaga ung brain power ko. Dahil sa napaka-unfair na pagtanggi sakin ni ’tay na bigyan ako ng pambili ng gitara, wala na ’kong ibang choice kundi ilako tong utak ko. Hindi naman problema sakin gawin un, kaso nakakapagod minsan. Buti na lang ngayon mas maganda na ang kapalit. Di lang good grades ang makukuha ko ngayon kundi ang perang kinakailangan para makamit na rin ang aking minimithing gitara. Ngayon, ang problema na lang ay ang pag-ayos ng isang system na magdadala ng pera agad. Thank the Lord talaga na nagpasabog siya ng katangahan once upon a time at nagkataon na napadaan nun ang marami kong kaklase. Salamat kay pareng Mike sa mabilis na pagkalat ng balita. At simula ngayon, open for business na ang “Daniel’s Daily Doses of Wisdom.” Medyo nasobrahan ata ako ng pag-isip sa tawag sa aking business venture, pero ayos lang! Ang tanging goal ngayon is to make cash, at una pa lang ay dumadagsa na ang mga customer. Di rin ako ganun kasigurado sa kakalabasan nang negosyong eto dahil ang aking angking katalinuhan ay hindi all-purpose gaya ng harina. May kahinaan sa math ang inyong lingkod, ngunit ayos lang un! Mas may alam pa rin naman ako sa karamihan nang mga kaklase ko, so ano naman kung mali ung mga sagot na mabigay ko sa kanila? No money back ang aking negosyo. Lalo na dahil nagkukulang na ang oras. Kailangan ko na talaga makakuha nang gitara. Baka kasi mahuli pa, at mawala na talaga siya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD