Chapter 6Malas, malas, MALAS!
Imbes na si Millie ang kasama ko buong araw at masaya lang sana ako, si Ria ang bumati sakin nung umaga at puro sermon ang inabot ko.
Ano na ba talaga ang problema ni Ria sakin?
Medyo napapatagal na ’tong topak niya. Di na ’ko natutuwa. Matino naman kasama dati si Ria, pero ngayon sinusumpong na siya at kung anu-anong mga bagay pa ang pinagsasabi niya.
May lakas pa siya ng loob siraan si Millie sakin.
Nagkakamali siya ng inaatakeng tao. Sabihan na niya nang masama ang lahat ng mga kakilala namin pero sana naman ay wag niya na idamay ung pangalan ni Millie sa mga kalokohan niya.
Naiinis na talaga ko at di rin nakakatulong sakin na umabsent ngayon si Millie.
Grrr… lahat na lang talaga.
Si Ria ung pinaka-close kong kaibigan na babae. Mula pa kami nung 2nd year magtropa at sa palagay ko naman ay nagkakaintindihan kami. Simple kung pumorma si Ria. Wala siyang kahit anumang arte sa katawan at ung mahaba niyang buhok na hanggang sa gitna ng kanyang likuran ay alaga, ngunit hindi gaano iniistyle di gaya nung kay Millie. Masasabi kong plain siya, but that’s just me. Siguro may magkakagusto sa kanya dahil sa Chinita features nya, pero di ako yun.
Hindi rin naman ako clueless.
Alam kong may gusto sakin si Ria at dati rin naman ay inamin na niya sakin un.
Third year kami nun, habang pauwi, inudyok niya akong samahan siya papunta sa bahay nila.
Habang naglalakad kami, bigla na lang niyang hinawakan ung kaliwang kamay ko at sinabing mahal niya ako.
Nasabi ko lang sa kanya. “Pasensya.” Parang ang dating tuloy niya, nangangaroling lang.
Hindi kasi talaga si Ria ung tipo kung babae. At wala siyang binatbat kay Millie.
At may mga bagay pa tungkol kay Ria na sadyang di ko gusto.
Una na dun ay ung pagkakahilig nya sa mga Koreano at sa kanilang mga “kanta.” Kung matatawag mo ngang kanta ung mga tugtog nila.
Sakin kasi, sayang lang sa laway ung mga pagkanta nila.
Kaso patok na patok sila kay Ria. Natatandaan ko pa nga ung dating nagpunta ako sa bahay niya at nabuksan ko ang buong drawer na puno ng mga Korean CDs. Eww.
At sa kung anumang napakasaklap na rason ay naisipan din isang araw ni Ria na araw-araw akong i-text ng “saranghae” tuwing umaga.
Parang dati ay sinabi niya na sakin ang dahilan kung bakit niya ginagawa un, kaso nakalimutan ko na.
Di naman importante. Di ko kawalan ang hindi malaman ang ibig sabihin ng salitang yon.
Meron din namang angking ganda si Ria. At sana makita un ng ibang tao. Kaso, hindi talaga siya ang babae para sakin.
Dati ko nang inisip ito nang malaliman, at tinimbang ko na rin si Ria at Millie laban sa isa’t isa.
Ang resulta, ang tale of the tape na ang nagdesisyun para sakin kung sino talaga ang dapat mapasakin, and by unanimous decision, si Millie ang nagwagi.
So sorry Ria, may consolation prize ka pa rin.
Hindi ko binoblock ung number mo para ung mga message mong kalokohan rin.
Congrats.