“Mang Buro, ilalagay ko ho ba sa bodega lahat ng mga palay?” tanong ni Kanor sa among lalaki na hindi nga umuuwi sa bahay na malaki kasama ang asawa. “Oo, ilagay mo lahat at lahat din ng mga binayo mo. Tanungin mo na lang si Buracha kung may bigas pa sa bahay para mapagdalhan mo siya. Mahirap na baka isipin ni Ligaya na pinagdadamutan ko siya,” ani ni Mang Buro na may mga inaayos na resibo. “Sige ho tatanungin ko si Cha-cha,” tugon naman ni Kanor at aalis na sana ngunit tinawag muli ng among lalaki. “Kanor, kapag nagtatanong si Ligaya sa kung anong mga ginagawa ko ay sabihin mo na lang na lagi akong abala sa pagtulong sa inyo sa bukid at paghahayupan. Huwag mo na lang din sabihin na nagtatanong ako kung ano ang sitwasyon sa bahay,” paalala ni Mang Buro sa binatang tagabayo ng palay na h

