“Wala naman ho siyang sinasabi tungkol sayo, Aling Ligaya. Nag uutos lang siya ng mga dapat gawin,” sagot ni Kanor ng tanungin ng among babae kung may nababangit ba ang asawa sa mga plano nito. “Ganun ba? Talagang nakikipagmatigasan lang talaga siya sa akin. Anong akala niya? Aamuhin ko siya para umuwi? Kung inaakala niyang hindi ako mabubuhay dahil wala siya ay nagkakamali siya. Kahit mag-asawa at nakatira kami sa iisang bubong ay hindi ko naman naramdaman na mag-asawa kaming dalawa,” wika ni Aling Ligaya na nababanaagan ng pait sa pananalita. “Baka ho akala ni, Mang Buro ay kayo ang unang susuko, Aling Ligaya. Baka hinihintay niya lang po na puntahan niyo siya ay suyuin para magkabati na kayo,” komento ni Buracha ngunit ang intensyon talaga ay galitin pa ang among babae para huwag ng m

