Kinagabihan pagkauwi ni Buracha sa kanyang kwarto ay naligo talaga siya ng husto at hinilod ang buong katawan para matiyak niyang malinis na malinis at mabangong-mabango para nga naman mas manggigil pa si Mang Buro sa kanya. “Dapat na mabaliw sa katawan ko si Mang Buro. Kailangan din niyang isipin na sa kanya ako kampi at hindi kay Aling Ligaya. Malay ko ba at baka ako ang gustuhin niyang maging asawa sa oras na maghiwalay na talaga sila ng asawa niyang walang ginawa kung hindi ang mag utos ng mag utos na baog naman,” ani pa ni Buracha sa kanyang isip habang nagpapahid ng mabangong lotion sa kanyang balat. “Nakakapagod maging mahirap kaya heto na yata ang hinihintay kong pagkakataon para makaalis sa pagiging muchacha. Kailangan ko lang galingan ang pag arte ko para mas maniwala pa ang ma

