Hindi naman pala nagsumbong si Nonong kay Mang Buro o kay Aling Ligaya tungkol sa nangyaring pananakit sa kanya ni Kanor. Ang isip nila Cha-cha ay natakot din siguro dahil marami ang mas kampi kay Kanor kaysa mayabang na lalaki. “Ang yabang mo na, Buracha. Magpakasaya ka lang dahil may araw rin kayo ng Kanor na yan,” sabi ni Nonong ng magkasalubong sila ng babae. “Nonong, hindi ka pa rin ba tapos? Akala ko naman ay kaya hindi ka nagsumbong sa mga amo natin ay dahil mahal mo ang trabaho mo at ayaw mo ng gulo. Pero heto at nagsisimula ka namang mang-away at magbanta na para na talagang nakakaangat ka sa aming lahat lalo na kay Kanor na pinag-iinitan mo noon pa man,” ang sabi ni Cha-cha sa lalaking may ngitngit pa rin ng galit. “Kaya magpasalamat kayo na naawa ako sa inyo lalo ba sayong b

