Wala pang tanghalian ay umalis na sina Cha-cha at Mang Buro sa rancho at lumarga kung saan na nga sila magpupunta. Apat na tao lang pala ang kalaban sa sugal ni Mang Buro kaya naman ilang na ilang ang dalaga dahil siya lang ang nag iisang babae sa kwarto kung saan sila nagsusugal na malakasan ang taya. “Nagsama ka pa talaga ng kulasisi mo, Pareng Buro,” ani ng lalaking kasing edad din siguro ng lalaking amo at saka binastahan ng tingin si Cha-cha habang ang dalawang kalarong lalaki ay mas matanda pa. Mga nasa seniors na ang edad kaysa dalawa. “Si Buracha yan, pareng Ige,” pagpapakilalan ng among lalaki kay Cha-cha. Habang tumatagal ang laban ay nauubos ang dalang pera ni Mang Buro kaya naiinis talaga ang lalaki. “Pareng Buro, inaalat ka pa rin yata?” tanong ng lalaking Ige ang pangal

