“Tangna! Hinahamon talaga ako ng babaeng yan!” naghihimutok sa galit at napamura pa si Buro ng malaman sa isang kakilala na ibinebenta na nga ng asawang si Ligaya ang lahat ng mga lupain na meron ito maliban lang ang rancho kung saan sila naninirahan. “Akala niya yata ay hindi ko malalaman ang binabalak niyang gawin. Ang lakas ng loob niyang gawin ng wala akong kaalam-alam na para bang hindi niya ako asawa,” sambit pa ni Buro habang binabagtas na ang daan patungo sa rancho at kasteguhin ang asawa sa desisyon nito na hindi man lang siya kinausap para ipaalam ang plano nitong gawin na ibebenta na pala lahat ng mga lupain nito. Mabilis ang ginawang pagmamaneho ni Buro sa kanyang sasakyan na para bang siya ay hari ng daan at walang pakialam kung mayroong masasagasaan. “Humanda ka sa akin, L

