“Ang akala niya yata ay masisindak ako sa kanya? Baka nakakalimutan niya kung sino ako sa kung sino lang siya,” bulong ni Aling Ligaya habang nanginginig sa galit na narardaman para sa asawa. “Uminom na po kayo ng tubig, Aling Ligaya para maging kalmado na kayo,” sabay abot ni Buracha ng isang basong malamig na tubig sa among babae na hindi maitago ang inis sa asawang lalaki na kanina lang ay para bang sinugod siya sa sarili niyang balwarte. Agad namang uminom ng tubig si Aling Ligaya para nga ikalma ang sarili sa nararamdaman na galit sa asawa. “Grabe naman si Mang Buro. Galit na galit na akala mo ay kanya ang mga lupang binenta niyo, Aling Ligaya,” pakikisimpatya ni Buracha sa among babae na hindi naman nagpadaig sa galit ng asawang si Mang Buro. “Pero hindi siya uubra sa akin, Burac

