Masakit ang buong katawan ni Kanor at maraming sugat sa kanyang mukha dala ng panakit ni Mang Buro. Mabuti na lang at kahit gumapang lang siya patungo sa kanyang guray-guray na kubo ay nakauwi pa rin siya. Hindi naman unang beses niyang napagbuhatan ng amo pero ang huli ang pinakamatinding pananakit sa kanya. “Kanor, gising ka pa ba?” mahinang pagtawag ng boses ng babae mula sa labas ng kubo. Si Cha-cha. “Kanor?” tawag ulit ng babaeng nagtungo na naman ng hatinggabi sa kubo ng isang binata na nag iisa lamang. Gamit ang maliit na lampara ay inilawan ng dalaga ang loob ng maliit na silid ng kubo dahil napakadilim. “Kanor?” tawag muli ni Cha-cha ng tamaan na ng malamlam na ilaw ng dala niyang lampara sa hinahanap na lalaki. “Hala! Anong nangyari sayo?” pag-alala agad ni Cha-cha at agad

