CHAPTER 3: NO.

1660 Words
Chapter 3: No "Hindi ba ako nabibingi?" paninigurado ko kay Elton. Kasi gosh, feeling ko hihimatayin na ako ngayon. As in, now na! "Diem hindi ka nabibingi. Malakas ang pandinig mo," sagot niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata at saka bahagya siyang itinulak. Gulat naman siya sa ginawa ko kaya nagpatulak din siya. Gosh, bakla talaga! "At ano namang makukuha kong kapalit kung magiging girlfriend mo ako, aber?" taas kilay na tanong ko. Aba! Wais yata ako. Hindi ako makapapayag na basta basta lang akong papayag sa ganito. Gusto ko slowly but surely! Kaya nga inaakit ko siya ng dahan-dahan tapos may biglaang ganito? "Gusto mo ako, 'di ba? May pagkakataon ka nang-" "Hep! Hep!" Pinatigil ko siya sa pagsasalita gamit ang dalawang daliri ko. Inginudngod ko pa iyon sa labi niyang ang lambot lambot. Shocks! Ang virgin virgin ng lips niya! I suddenly remembered our first kiss. "No, Elton Mckevin Silvestre. No, no, no!" sagot ko kahit sa utak ko ay panay na ang yes! yes! yes! Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon bago gulat na tiningnan ako. Hindi yata makapaniwala sa naging sagot ko. "Akala ko ba gusto mo ako? Bakit ayaw mong maging tayo?" naiiritang tanong niya. "Excuse me, oo nga at gusto kita pero hindi naman ako makapapayag na magiging tayo tapos hindi mo naman ako gusto. Pinaka-ayoko sa lahat ay 'yong ginagamit lang ako," sabi ko sabay irap. Itinulak ko na siya nang tuluyan at mabilis na nagmartsa palayo sa kanya. Gigil ako ha! Hindi porque gusto ko siya ay go, go, go lang ako sa gusto niya. Syempre, gusto ko kapag naging kami, dahil 'yon sa gusto niya rin ako. Iyon talaga ang goal ko sa paghahabol ko sa kanya. Sigurado naman akong balang araw, hindi niya rin matatanggihan ang flower ko! Sa ganda kong 'to! "Diem! Please naman, please!" Tawag niya sa akin pero hindi ko na talaga siya pinansin. Sige lang, maghabol ka Elton! Ganyan ang pakiramdam na pinaghabol mo ako sa'yo ng ilang araw... Nang makarating sa classroom, ilang beses siyang nagtext sa akin. Ramdam ko iyon mula sa aking bulsa dahil panay ang vibrate. Pati si Ricardo nga ay panay ang text sa akin. Alam din ng baklang 'yon ang tunay na anyo ni Elton, eh. Alam kong sila ang nagtetext dahil sinilip ko kanina sa ilalim ng desk. Kamuntikan pa nga akong mahuli ng teacher namin! Nang mag-breaktime na, hindi nila ako pinatakas. Hinarangan ni Ricardo ang pinto para hindi ako makalabas habang si Tiarra naman ay hinila ni Elton palabas. "Ano ka bang bakla ka? Lumayas ka riyan sa pintuan at baka sapakin kita ngayon!" inis na bulyaw ko sa kaniya. "Kahit bakla ako, kaya kitang ibalibag, Diem. Kalerkey! Parang di naman tayo magkakaibigan niyan, eh. Payag ka na kasi..." sabi niya sabay nguso. Napairap ako dahil sa inasta niya. Kadiring bakla, ang gwapo pero bakla. Bakit ba kasi lahat ng gwapo nagiging bakla na? Sayang naman ang magagandang lahi nila kung ganyan, hay. "Hindi nga ako papayag! Parang hindi nyo rin ako kaibigan, ah? Hindi niyo manlang iniisip ang nararamdaman ko?" kunwaring nasasaktan na sagot ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Sobrang diin ng pagkakahawak niya na halos bumaon na ang malapang-werewolf na kuko ng gaga. "Donita Diem Martin, baka gusto mong ligawan ka pa niya? Nagpapabebe ka lang, ano?" tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at saka marahas na hinawakan ang magkabilang braso niya at inalis iyon sa mga balikat ko. "Paano mo nalaman? Talagang nagpapabebe ako." Kumunot ang ahit na ahit niyang kilay at saka humaba muli ang nguso. "Diem naman! Maawa ka naman sa bebe Elton natin. Nagkaka-issue na, eh! Ayaw talaga n'on magladlad at saka isa pa..." sabi niya sabay lapit sa akin at bulong sa tenga ko. "May pangarap pa rin daw siyang magpakalalaki. Kaya go for it na girl!" Tila nag-slowmo ang lahat ng nasa paligid nang sabihin iyon ni Ricardo. Naririnig ko na ang mga kanta ni Jose Mari Chan sa utak ko pati na rin ang malakas na hallelujah... Hallelujah! Hallelujah! Tila nabuhayan ang loob ko sa sinabi ni Ricardo bakla! Nakakataas ng energy! Nakakaloka! From 20% to 80% quick! Hindi ko na namalayan na napangiti at natulala na pala ako nang hindi ko namamalayan. Kung hindi lang tinampal ni Ricardo ang pisngi ko, baka hindi pa ako nagising sa katotohanan. "Ligawan niya muna ako, pakisabi sa kanya," tanging sagot ko at saka patakbong lumabas ng classroom. Buti na lang talaga at nakatakas ako dahil gutom na kaya ako! Kanina pa, promise. Nang makarating ako sa canteen, naroon na sa karaniwang lamesa namin si Elton, Tiarra, Jayson, Abegail at Fourth. Bahagyang nagulat pa si Elton nang makita akong papasok sa Canteen. Gusto ko siyang sigawan ng "nahopya ka 'no?" dahil sa nakakatuwang ekspresyon niya. Hindi pa man ako nakakalapit sa lamesa nila, may biglang umakbay na sa akin na kamuntikan ko pang ikabuwal sa kinatatayuan ko. "Hello, Diem! Buti na lang at naabutan kita!" Tuwang tuwang sabi ni Renzo. Umirap ako at saka mabilis na inalis ang braso ni Renzo sa balikat ko. Binalingan ko siya ng masamang tingin. "Huwag ka ngang bigla biglang nang-aakbay!" Kailan ba ako hindi maiinis? Diyos ko, Lord! Nahihirapan na ako sa buhay ko, minu-minuto na lang ako kung mainis. Baka magka-wrinkles na ako nito. "Upo ka na d'on, ako na ang bibili ng pagkain natin." Nakangiting sagot nito kahit na sininghalan ko siya. Pinabayaan ko na lang siya at sumunod sa gusto niya. Dumiretso ako sa lamesa kung saan sila nagkukumpulan at mabilis na tumabi kay Elton. "Ba't nauna si Tiarra at Elton? Nasaan si Rica?" Nagtatakang tanong ni Fourth. Nagkibit-balikat ako at saka ipinatong ang kamay ko sa isang legs ni Elton. Naramdaman ko naman kaagad ang paninigas niya. Loko ka, ah! "Ewan ko do'n sa baklang 'yon," sagot ko sabay pisil pa sa hita ni Elton. "Ay!" Kamuntikan nang mapatili si Elton. Halos matawa ako. "Ay! Ano baka may pinuntahan pa..." naiilang na palusot niya. Hinawi niya ang kamay ko sa hita niya at saka ako tiningnan. Tinitigan niya ako ng masama pero pinabayaan ko lang. Nakakatuwa talaga siyang asarin! "Diem, ito na 'yong pagkain natin." Dumating si Renzo at inilapag sa harapan ko ang tray na may lamang burger, chips at orange juice. "Thank you," malambing na sagot ko. Namula ang pisngi ni Renzo sa simpleng thank you ko lang. Hindi ko alam kung paano at kailan ako nagustuhan ni Renzo pero kahit anong tingin ko sa kaniya, kaibigan lang talaga. Nothing more, nothing less. “Kain na tayo!” masayang sabi ni Renzo pagkatapos ay kinuha na ang sarili niyang burger. Nang mag-angat ako ng tingin sa mga kaibigan ko. Lahat sila, pare-parehong nagtataka. Tila hindi makapaniwala. “Oh? Ba’t ganyan mga itsura niyo?” takang tanong ko. Ngumiwi si Fourth at saka itinuro kaming dalawa ni Renzo. “Kayo na ba? Himala yata.” Umangat ang kilay ko sa sinabi ni Jaimie. “Anong himala?” takang tanong ko. “Himala at pumayag kang magpabili ng pagkain kay Renzo! Eh, palagi mong tinatanggihan ‘yan, eh!” sabat ni Abegail. Napakamot ako sa ulo ko. Kasi hindi ko naman namalayan na pinayagan ko pala si Renzo. “Hindi ba magandang senyales ‘yon? Huwag na nga kayong pa-epal. Baka mamaya mausog nyo pa si Diem,” hirit ni Renzo. “Sabagay, atleast nag-iimprove!” umangat baba pa ang kilay ni Jayson. Hindi ko na sila pinansin. Nagsimula na lang akong kumain habang sila ay daldal nang daldal. Pinag-iisipan ko pa kung paano ang gagawin ko para habulin ako ni Elton. Baka sakali kasing mamuo ang feelings niya kapag hinabol niya ako. Naiimagine ko pa lang na hinahabol niya ako, kinikilig na ako. Bongga! Naunang umalis sila Abegail, Jayson at Renzo. May groupings pa raw kasi silang hahabulin kaya nauna na. Kami na lamang ni Tiarra, Elton at Fourth ang natira doon. Hindi na talaga dumating si Ricardo, hindi ko alam kung saan na napadpad ang baklang iyon pero waley ako pake! “Una na ako, nagtext sa akin si Emily.” Tumayo na si Fourth. “Bilisan ninyo, 10 minutes na lang ang break.” Tumango ako at saka ininom iyong juice ko. Si Tiarra, tumayo na at naglakad palapit sa akin. “Anong pinag-usapan nyo ni Ricardo kanina?” kuryosong tanong ni Tiarra. Nagkibit-balikat lamang ako at saka tumayo na rin. “Wala iyon, tungkol lang sa assignment,” sagot ko. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko kaya lang ay hinawakan ni Elton ang kamay ko pagkatapos ay tumayo na rin. Kinabahan ako dahil doon. Shete naman, huwag kang ganyan Elton at baka pumayag ako bigla. “Sabay tayo,” sabi niya. Binitiwan niya rin ang kamay ko at saka nauna nang maglakad. Iyong kamay kong hinawakan ni Elton, inilagay ko sa dibdib ko para pakalmahin ang puso kong walang humpay sa pagtambol. “Kalma lang heart. Kalma...” bulong ko sa sarili ko. “Baka mahulog ka pa lalo, hindi ka sasaluhin niyan.” Bumuntong-hininga muna ako at saka sumunod na kay Elton at Tiarra na ngayon nag-uusap ng kung ano-ano. Napailing na lamang ako nang mapagawi ang mga mata ko sa pwet ni Elton. Halata nga talagang bakla ang isang ‘to. Ang laki laki ng pwet tapos pakendeng pa kung maglakad. “Gosh, ang sexy ng butt ni baby Elton!” nagulat ako nang may naunang maglakad sa aking dalawang babae. “Oo nga girl! Ang sarap pisilin!” tila gigil pa na sabi ng isa. Napairap na lamang ako at saka nagmamadaling inunahan ko iyong isang babae, binangga ko siya nang malakas. “Ouch!” reklamo pa niya. “Excuse me, dadaan ang future jowa ni Elton.” Mayabang na sabi ko pagkatapos ay mabilis na hinabol si Elton at hinawakan ang braso niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko at takang tiningnan ako. Nilakihan ko siya ng mga mata. Napailing na lang siya. Hindi ko alam kung mapaninindigan ko ba ang desisyon kong magpahabol. Para kasing... ang hirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD