CHAPTER 2: DESPERATE.

1590 Words
Chapter 2: Desperate. Pagod akong naupo sa kama ko nang makarating ako sa bahay. Sobrang nakakapagod palang habulin si Elton. Doble ba naman ng hakbang niya ang hakbang ko, eh. Pero kahit na gano'n hinding-hindi ako susuko. Dahil naniniwala ako sa kasabihang, “Asawa nga, nabibingwit pa, ang bakla pa kaya na wala namang jowa?” May gano'ng kasabihan ba? Hindi ko alam kung meron pero basta 'yan na ang motto ko mula ngayon. Nahiga ako sa kama ko at pinakatitigan ang kisame na puno ng glow in the dark stars. Nakabukas ang ilaw kaya hindi iyon nagliliwanag ngayon. Paano ba ako nakarating sa ganitong sitwasyon ngayon? Bakit hinahabol habol ko si Elton gayong marami namang lalaking nagkakagusto sa akin? Mas gwapo pa kay Elton, mas lalaking lalaki. Pero bakit siya? Bakit siya? Kasi hindi ko alam. Hindi naman ako nagkagusto sa kanya unang pagkikita pa lang namin. Unti-unti iyong nabuo hanggang sa isang araw, gumigising na lang ako para makita si Elton. Isang araw, naging siya na lang ang iniikutan ng mundo ko. Iyong tipong nag-aaral ako nang mabuti para sa kanya. Nagpapaganda ako para sa kanya, nagbabago ako para sa kanya. Elton is the meaning of life to me now, and gagawin ko ang lahat para siya lang ang makatuluyan ko sa huli. Bumuntong hininga ako at saka ngumiti. Hinagilap ko ang bag ko at kinuha ang cellphone ko roon. Pagkabukas ko n'on, bumungad kaagad sa akin ang nakangiting mukha ni Elton. He was holding a rose, he gave it to me on my 18th birthday. Hindi man siya ang escort ko, sinigurado ko namang siya ang last dance ko... "Yan nga love, ngitian mo lang ako nang ganyan para mas lakasan ako ng loob." Kinabukasan, pagkagising ko naabutan ko si Mama na abala sa pagluluto ng almusal naming sopas. Araw-araw, nagluluto si Mama ng iba't ibang almusal. Mahilig kasi talagang magluto si Mama, hindi katulad ko na maski pagsasaing ng bigas hindi magawa. "Good morning, Ma!" Bati ko sa kanya at saka naupo sa upuang katapat ng lamesa. "Good morning din anak, kain ka na." Inilapag ni Mama ang isang mangkok ng sopas sa harapan ko at saka ako nginitian. "Wow mukhang masarap Ma!" Nakangiting puri ko sa kanya. Sumilay ang yabang sa mukha ni Mama nang sabihin ko iyon. "S'yempre, kailan ba hindi masarap ang luto ko?" mayabang na sagot niya. Tinawanan ko na lang si Mama at saka nagsimula nang kumain. Masarap nga talaga at mainit sa tiyan. Kaya positive talaga ang bawat umaga namin, dahil sa luto ni mama! Mayamaya ay lumabas na rin si Papa sa kwarto nila na halatang katatapos lang maligo. Kinukuskos pa niya ang buhok niya ng tuwalya na animo'y model kung hindi lang bundat ang tiyan. "Ang bango ng sopas, kasing bango ng asawa ko!" nambobolang sabi ni Papa pagka-upo sa tabi ni Mama. "Sus, hindi pa nga ako nakakaligo mabango na kaagad?" nakangising tanong ni Mama. "Kahit hindi ka maligo, mabango ka pa rin," ani Papa pagkatapos ay kumindat pa. Napailing na lamang ako sa sweetness ng mga magulang ko. Sana balang araw maging ganyan din kami ka-sweet ni Elton. Iyong kulang na lang langgamin na sa sobrang sweet! Gosh, kapag nangyari 'yon baka pwede na akong matsugi! Ay hindi pwedeng matsugi kaagad ako, gagawa pa kami ng isang buong basketball team ng baby Elton ko! "Hala sila mama at papa, may mga dalaga kayo, oh? Tingnan nyo nagdedaydream na 'yong isa ninyong anak. Nangangarap na magkajowa na rin!" Eksena ni ate na ngayon ay kagagaling lang din sa kwarto niya. Busangot ang mukha. "Ayan na ang negative energy ng pamilya! Bakit ba ipinanganak mo si ate na nakabusangot ma?" kunwaring nagtataka na tanong ko. "Ay malay ko d'yan anak, basta happy naman ako n'ong nagbuntis ako sa kanya pero pag labas nakabusangot!" pang-aasar ni mama. Padarag na naupo si Ate sa tabi ko at saka umirap. "Kumain na tayo, para kayong mga bata," sabi pa nito pagkatapos ay nagsimulang magsandok ng sopas. "Ay kaya ganyan 'yan kasi binigyan siya ng dos ng isang teacher niya! Sus, atleast anak pasado kaysa naman bagsak." Nakangiting pagpapagaan ni papa sa pakiramdam ni ate. Pero hindi natinag si ate, nagkibit-balikat lang at saka inayos ang salamin niya sa mata. Ate was the opposite of me, she was so smart and serious while ako, happy go lucky. Go with the flow, pasabay-sabay lang sa alon ganern! Nang matapos kumain sa hapag namin na punong-puno ng kwentuhan ay nagmadali na kaagad akong lumabas ng gate. Dati, si papa ang naghahatid sa amin ni ate hanggang matapos kaming maghighschool pero ngayong malaki na ang business ni papa, kinuhanan na n'ya kami ng driver dahil mas naging busy na si papa. "Good morning Kuya Goyo!" Nakangiting bati ko sa kanya. "Good morning din po ma'am Diem! Ganda ng ngiti natin, ah?" Sumilay ang ngiti sa makapal niyang labi. Kwarenta anyos na si Kuya Goyo pero mukha lang siyang nasa middle 30's. Bebe face si kuya. "Aba'y kapag hindi ako ngumiti, papangit ako katulad ni ate!" sagot ko pagkatapos ay binuksan na ang kotse at pumasok doon. Sakto namang nakarating si ate na busangot ang mukha. "Narinig ko 'yon, hindi ako pangit!" pairap pa na sagot niya. "Smile smile din kasi para naman gumanda ganda ka 'di ba?" Pero inirapan lang niya ako. Hay, ganyan 'yan talaga kapag bad mood! Ayaw talagang ngumiti kahit kaunti. Buong araw 'yang badtrip unless may magpapangiti sa kanya. Mamaya nga at ibibili ko ng chocolate 'yan, 'yong favorite niya para naman ngumiti na. Nang makarating kami sa school, walang paalam na lumabas si ate sa kotse. Ganyan talaga 'yan, hindi nagpapaalam kapag badmood! Pagkababa ko sa kotse, naabutan ko sa harap ng gate si Tiarra. She waved at me and then smile nang makita niya akong papalapit na sa kanya. Kumaway din ako sa kanya pabalik at saka nagmadali nang lumapit. "Be, alam mo ba ang hot news today?" Nakangiting bungad na tanong niya sa akin. "Ano naman at mukhang masaya ka d'yan?" taas kilay na tanong ko. Ikinawit ko ang braso ko sa kanya kahit na mas mataas ako sa kanya ng kaunti. "Bakla raw si Elton!" Natigilan ako sa sinagot ni Tiarra. Iyong 100% positive vibes ko mula kaninang paggising ko naging 50% na lang. "A-ano ka ba! Hindi siya bakla!" depensa ko. Pinilit kong huwag ipahalata na kinakabahan ako. Ayokong malaman nila na bakla si Elton. Kasi kapag nagkataon, mas lalong magiging mahirap na habulin siya. "Paano mo ipapaliwanag iyong may kahalikan daw siyang lalaki sa Bros kagabi? Since hindi natin siya sinamahan, mag-isa siyang uminom sa bar! Ang laki yata ng problema ng lalaking 'yon." Pakiramdam ko namutla ako sa mga sinabi ni Tiarra. Nakipaghalikan siya sa lalaki matapos ko siyang halikan? From 50% naging 20% na lang talaga ang positive vibes ko. Napapikit ako nang mariin at bumuntong hininga. "Basta Tiarra, hindi siya bakla. Papatunayan ko sa inyong lahat 'yan." Binitawan ko ang braso ni Tiarra at saka dire-diretsong naglakad palayo. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag niya sa akin pero hindi na ako nagtangka pang lumingon. Tila nagblack out kasi ang utak ko. All I want to do now is to see Elton. Gusto ko siyang batukan at nang maalog ang utak niya at bumalik sa dating pwesto. Nakarating ako sa classroom at naabutan si Elton na nakayuko sa desk niya habang ang baklang si Ricardo ay hinahagod ang likuran niya. "Uy bakla, bakit kasi tumuloy ka pa rin sa bar kagabi? Edi sana hindi ka lolokohin ng mga lalaki doon." Narinig kong sabi pa ni Ricardo. Bumuntong hininga ako at saka nagmartsa palapit kay Elton. Nag-angat kaagad ng tingin sa akin si Rica, mukhang nagulat pa. "Elton tumayo ka r'yan habang hindi pa dumarating si prof," tawag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Halata sa mga mata niya ang hang over pero... ang gwapo pa rin. Akala ko ay magpoprotesta pa siya pero hindi niya iyon ginawa. Tumayo siya at saka siya pa ang humawak sa kamay ko at hinila palabas ng classroom. Pakiramdam ko lumulutang ako sa saya habang hinihila niya ako palabas ng classroom. Halos marinig ko na ang pagkanta ng hallelujah sa utak ko! Gosh! Pero hindi ito tamang oras para mag-isip ng kalandian. Hindi pa man din ako nakakarecover sa sandaling ligaya, isinandal na ako ni Elton sa pader at saka iniharang ang braso niya sa magkabilang gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Alam kong kasing laki na ng sa kwago ang mga mata ko ngayon! Alam ko, I know! Anong ginagawa nito? Sabi niya 'di ba bakla siya?! "May gusto ka sa'kin, di ba?" mariing tanong niya. Bahagyang umawang ang labi ko sa naging tanong niya at saka marahan akong tumango. "O-oo, gusto kita. Ano? Natauhan ka na ba na lalaki ka talaga at hindi bakla?" tanong ko sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mga mata at saka luminga linga sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin. "T-totoong bakla ako Diem. Pero ayokong umamin lalo na at sikat ang mga kuya ko bilang mga straight at gwapong lalaki." Bumagsak ang confidence level ko. Gosh akala ko talaga nagbago na... "And I'm desperate now to hide my identity. So will you be my girlfriend?" With that, feeling ko may bumaril sa ulo ko at hindi ko kinaya ang revelation. Nag-init ang pisngi ko hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa pagkadismaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD