CHAPTER 1: GO FOR IT.

1725 Words
Chapter 1: Go For It. Sabi ng Mama ko, kung anong pangarap mo, Go for it. Huwag mong hayaan na magsisi ka sa huli kasi hindi mo manlang sinubukang abutin. Huwag mong hayaan na hindi mo manlang nagawa 'yong gusto mo kahit isang beses manlang sa buhay mo. Masyadong maluwag sa akin si Mama, kahit na anong gawin ko at kahit na sobrang pasaway ako sinusuportahan niya pa rin ako. Kasi sabi niya, kapag ang bata pinaghigpitan mas lalong kumakawala. Kaya hinahayaan niya lang ako, kasi nga raw, mas lalo lang akong kakawala kapag hinigpitan niya ako. Hindi naman sa nagiging pariwara na ako. Mas effective nga iyon sa akin kasi hanggang ngayon, no boyfriend since birth pa rin ako. Pa-graduate na lang ako ng college, matino pa rin ako. Hindi ko pa naman pinapasakit nang husto ang ulo ng Mama ko. Siguro natural na huwarang anak lang talaga ako at hindi ako 'yong tipong kapag pinakawalan, nahuhubaran... Ay este, nagbubulakbol pala. "Baks, ba't ganyan mukha mo?" Napalingon ako sa likuran para tingnan si Ricardo habang kinakausap si Elton my loves. "Bakit? Gwapo pa rin naman ako, ah?" taas-kilay na sagot ni Elton. Gwapo? Gwapo nga, bakla naman! Umirap ako at nag-iwas na ng tingin sa kanila. Humarap ako sa blackboard at kinopya iyong sinusulat ng Secretary namin sa classroom. "Hindi 'yon ang tinutukoy ko Elton. Iyong eyebags mo! My gosh ang laki! Nagpuyat ka ba kagabi? Saan? Sa kababasa ng novels?" "Hindi, ano ka ba! Tatlong linggo na akong hindi nagbabasa ng nobela. Hindi lang ako makatulog kagabi." "Bakit?" Alam kong hindi siya tatantanan ng mga kaibigan naming bakla hanggang sa tuluyan na siyang umamin kung ano ba talagang totoong dahilan at malaki ang eyebags niya. Elton hates to sleep late at night. Takot kasi siyang magkaro'n ng tigyawat o kaya ay malaking eyebags. Now I know the reason why. Napangisi na lang ako habang inaalala iyong nangyari kahapon ng uwian. Sigurado akong hindi nakatulog ang bakla at sigurado akong pinag-iisipan na niya ngayon kung itutuloy niya ba ang pagbabakla o magpapakalalaki na lang. Siya kaya ang mahalikan ng Diyosang katulad ko? Gawd! Nafi-feel ko pa rin 'yong lips niya sa lips ko! Sheyt! I'm so kinikilig telege! "Hoy! Nag-C.R lang ako, nabaliw ka na d'yan? Anong nginingiti-ngiti mo?" tanong ni Tiarra sa'kin. "Baliw agad? Hindi ba pwedeng kinikilig lang?" Pinanliitan ako ng mga mata ni Tiarra 'tsaka lumingon sa likuran namin. Alam niyang crush ko si Elton, matagal na. Sa kanilang lahat siya lang ang nakakaalam kung gaano ko kagusto si Elton. Kung gaano ako magnasa sa kanya kahit noong highschool pa lang kami. Si Tiarra kasi ang best buddy ko sa kalokohan man at kalandian... ng utak lang s'yempre! Malandi man kami sa salita, mahinhin naman sa gawa. "Alam mo besh, hindi mo ba napapansin? Parang ang landi gumalaw ni Elton? Parang I smell fishy talaga pagdating sa kanya. Parang ano, e..." Napaisip bigla si Tiarra. Hindi maituloy 'yong sasabihin niya. "Parang bakla siya?" Itinuloy ko na. Pumitik ang daliri niya sa ere. "Exactly! Parang bakla siya kung kumilos. Sigurado ako, paminta talaga 'yan." Inirapan ko si Tiarra at saka ipinagpatuloy ang pagsusulat ko sa notebook. "Hindi siya bakla, patutunayan ko sa'yo 'yan," iritadong sagot ko. "Eh, paano kung isang araw umamin na lang siya sa ating lahat na bakla nga siya. Anong gagawin mo?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Tiarra na iyon. Kasi ito na nga ang ginagawa ko ngayon. Umamin siya sa harap ko na bakla siya at ngayon, gagawin ko ang lahat mailabas lang niya ang itinatago niyang p*********i! Hindi ako makapapayag na mamamatay akong bakla si Elton! Hindi ako papayag! Nang matapos ang klase namin sa Math at naisulat ko na ang lahat ng equation sa notebook ko, sabay-sabay kaming lumabas nila Tiarra, Ricardo at s'yempre si Elton my loves na sobrang layo ng distansya sa akin. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya sa akin o naiilang o baka naman nandidiri! Halikan ka ba naman ng ka-uri mo, eh. Kauri? My gosh! Babae ako, lalaki siya! Bakit siya mandidiri?! Ngumisi ako at nag-pop up sa utak ko ang isang ideya. Mabilis na lumapit ako sa kanya, lalayo pa nga sana kung hindi ko lang ikinawit ang braso ko sa matigas na braso niya. My gosh, my baby loves! You can't run away from me! "Diem!" saway niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ipinilantik ang mahahaba at makakapal kong pilikmata. Beautiful eyes daw kuno! "Yes babe?" pa-cute na tanong ko sa kanya. Biglang huminto si Ricardo sa paglalakad niya at lumingon sa aming dalawa. Maging si Tiarra, ganoon din ang ginawa. "Babe?! Oh my gosh Bianca! Lantaran na ba 'to? Hindi mo na itatago?" gulat na tanong ni Ricardo. Napairap na lang ako sa ere. "Alam mo Ricardo, alam kong bawal ang lantaran na talo-talo sa magbabarkada pero hindi ko na matiis!" Napatingin si Ricardo kay Elton at saka ibinalik ang tingin sa akin. Kunwaring pinawisan ang bakla dahil pinunasan nito ang noo niya. "Homaygosh! I can't!" hiyaw ni Ricardo at saka nagmartsa palayo sa amin. "Anong nangyari d'on?" takang tanong ni Tiarra. "Hindi lang niya matanggap ang pagkakagusto ko sa baby loves ko," sagot ko. "Shit." Napamura na lang si Elton bago inalis ang braso kong nakalingkis sa braso niya. "Bakit? May reklamo ka?" taas-kilay na tanong ko sa kanya. Nagdugtong ang makakapal niyang mga kilay at saka nagtiim-bagang. Nakakainis lang dahil ang gwapo niya kahit galit! "Hindi mo ako madadaan sa ganito, Diem. Sasabihin ko na lang din sa kanila kaysa iyan pa ang gagawin mong pang-black mail sa akin," sabi niya at saka nag-walk out. Bagsak ang panga ko habang pinapanuod siyang naglalakad na parang model palayo sa amin ni Tiarra. "Anong sasabihin niya?" Inignora ko ang tanong ni Tiarra. Because I can't help but to stare at Elton's sexy butt. My gosh! Bakit ang laki n'on? - Nang magkita-kita kaming lahat sa harap ng gate. Sa totoo lang, para kaming mga Hype Beast na naglalakad sa gilid ng kalsada kasi walang pamasahe. Paano ba naman kasi, sampo kaming magkakaibigan na naglalakad pauwi. Minsan kasi, nagtitipid kami ng pamasahe at naglalakad na lang kami nang sabay-sabay pauwi tutal magkakalapit lang naman ang mga bahay namin. Iyong matitipid naming pamasahe, iyon ang magiging budget namin para sa walwalan namin tuwing Sabado ng gabi. Oh 'di ba, bongga! Pero kahit na nagwawalwal kami, mababait na estudyante naman kami 'no! Hindi kami nakakalimot sa pag-aaral. Tuwing Sabado lang talaga ng gabi. At saka walang masama r'on lalo na at nasa legal age na kaming lahat. "Diem, kailan mo ba mapapansin ang puso ko?" Umakbay si Renzo sa akin as usual, tuwing magkikita kami ganyan siya. "Kapag winarak mo 'yang dibdib mo, mapapansin ko na 'yang puso mo," sarkastikong sagot ko sa kanya. Oo nga at bawal ang talo-talo sa aming magkakaibigan, pero si Renzo lang talaga ang pinakamakapal at pinakamagaspang lalo na at talagang kinakapalan niya ang pagmumukha niya pagdating sa'kin. Walang kai-kaibigan sa kanya. Highschool pa lang kami ramdam ko nang may gusto siya sa akin pero hindi pa iyon lantaran. Nang maka-graduate kami, tsaka siya umamin. "Renzo please, huwag mo nang kulitin si Diem. Kapag naging kayo, masasaktan ka lang kapag naghiwalay rin kayo." Si Chelsea. "Sa sobrang advance mong mag-isip, hindi pa nga nagiging kami, hiwalay kaagad ang iniisip mo!" reklamo ni Renzo. Inalis ko kaagad iyong braso ni Renzo sa balikat ko. Kasi baka mamaya magselos ang Elton my loves ko. "Oo! Gano'n ako ka-advance, Renzo!" At nagsimula na silang magtalo. Silang dalawa talaga 'yong mahilig magtalo sa aming sampo. Sila 'yong mortal enemy pero pagdating sa panahon ng pangangailan, sila rin 'yong magkaramay palagi. Ewan, parang mga tanga lang! "Walwal tayo guys!" ani Elton. Lahat kami napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi ni Elton. Takang-taka silang lahat kasi hindi si Elton iyong tipo ng mag-aaya ng walwal. Siya lang lagi 'yong oo lang nang oo. "Huwag ka ngang patawa, Elton," nangingiwing sagot ni Fourth. "Seryoso ako," sagot ni Elton sa seryoso ngang tono. My heart hurts. Kasi alam kong ako ang dahilan kung bakit gusto niyang magwalwal na lang bigla. Kasi siguro, iyong pangarap niyang first kiss para sa lalaki sana, napunta sa akin. S'yempre, kahit ganito lang ako nasaktan din ako na sa tapat ng basurahan ang unang halik naming dalawa! Pero mas masakit pala 'yong harap-harapan ipamukha sa'yo na nandiri at hindi niya tanggap 'yong halik na 'yon. Sheyt! Parang gusto ko na rin magwalwal! "Gora ako!" masiglang sabi ko. Napailing na lang ang iba at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Naguluhan tuloy ako dahil hindi naman sila ganyan kapag may nag aya ng walwal. "Nababaliw na ba kayo pareho? Wednesday kaya ngayon," iiling iling na sabi ni Jayson. Napapikit na lang ako nang mariin. Hindi pala pwedeng magwalwal sa kalagitnaan ng weekdays. Kasi baka hindi kami makapasok kinabukasan. Bakit hindi ko 'yon naisip? Naiwan kaming dalawa ni Elton dahil lahat sila ay naglakad na palayo. "Mag-inuman kayong dalawa!" pahabol pa ni Abegail. Umawang ang labi ko dahil sa ideyang iyon. Oo nga 'no? Bakit hindi kaming dalawa ang mag-inuman? Pwedeng pwede! Tapos kapag nalasing kaming dalawa, alam na. Tapos... baka may part two na ng first kiss. Nagkakaroon ba ng part two ang first kiss? Ah, basta! Sa amin lang 'yon. Tapos baka hindi lang kiss ang mangyari! Aakitin ko siya para magpakalalaki siya- "Tara na, ang lakas na naman ng imagination mo." Nag-angat ako ng tingin kay Elton pero bago ko pa makita ang mukha niya, tuloy-tuloy na siyang naglakad palayo sa akin. "Elton, my baby! Wait for me!!!" Lumingon lang siya saglit pero nang makitang tumatakbo ako palapit sa kanya, tumakbo na rin siya palayo. Shems, dream come true yata 'to! Ako at si Elton, naghahabulan. Sana lang sa beach 'no? Kasi nasa gilid kami ng kalsada at mausok galing sa mga sasakyan. Nakakaloka talaga! "Elton, baby! Wait!" "Diem! Mandiri ka naman please!" sigaw din ni Elton pabalik. Nagpatuloy siya sa pagtakbo na parang takot na takot talaga sa akin. Huwag kang mag alala, Elton. Dahil sigurado akong sa mga gagawin ko, ikaw at ikaw din ang hahabol sa'kin sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD