Chapter 08

2018 Words
      He is like a soldier— prim and precise, as decent as the sky, and as tranquil as the wind. Walang mag-aakala na may ganoon siyang issue kung ang tangi lang susuriin ay itong kasalukuyan. Paano kaya niya natitiis ang ganoong klase ng sistema sa tuwing gigising siya sa umaga? My family conflict was way painful back then and I’m sure he’s having a tough battle way harder than mine.   Tahimik siya sa pagmamaneho habang ako ay nakatitig lang sa bintana. Ilang kilometro rin ang layo ng fast food resto ngunit sinabayan pa ito ng traffic. Ang approximated time sana ng pagdating sa workplace ay lalong nagtagal. Kinagat ko ang labi ko at lalong humigpit ang kuyom sa bag nang tapakan niya ang preno.   Maliban sa tagpo namin noon sa locker, isa ito sa pinakamalapit naming distansya sa isa’t isa. Kahit papano’y nakakahinga pa naman ako nang maluwag dahil madilim na ang paligid at hindi ganon kaliwanag ang lights sa loob ng sasakyan. Kung ramdam man niyang awkward ito para sa amin, alam kong maiintindihan niya dahil hindi naman kami close.   “Sta. Mesa resident?” he asked in a baritone.   I clenched my teeth upon hearing those words. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Shems heto na! Magkausap na talaga kami!   I nodded and tilted my head. The moment I met his gaze, my heart trembled more.   Lintik, lagi na lang ako kinakabahan. Why is that?   “Permanent?” dugtong niya. Saglit akong sumulyap sa harap kung may usad na ang sasakyan sa unahan ngunit nagmukhang bato na sa kalsada ang bawat sasakyan. Kung minamalas nga naman. Sinasadya ba ng tadhana na magkaroon kami ng mas mahabang oras para mag-usap?   “Hindi ako sigurado. Nangungupahan lang naman ako sa tinitirahan ko ngayon. Kapag pinaalis, edi maghahanap ng iba.” For the first time, ang pinakauna kong sagot.   I can’t say that he’s cold as an ice but his eyes are enough to tell me he’s emotionless. Bibihira na lang ang ganitong klase ng tao, hindi mo mawari kung ano ang nararamdaman o iniisip. Eyes were supposed to be windows of inner feelings but why can’t I read him? Anong klaseng tao siya?   “I see,” he muttered as he faced the front. Muli siyang nagmaneho at inabante ang sasakyan. Kaagad ding huminto sa ilan pang segundo.   Shit this traffic. Huwag ngayon, please.   I can’t seem to withstand this. Pakiramdam ko’y aatakihin na ako sa kaba kung magtatagal pa ito. Kung nakamamatay lang ang pagiging awkward, siguro pinaglalamayan na ako. Bakit ba kasi ako pinasundo ni Kath kung pwede naman ako mag-commute? Kakukuha ko lang naman kahapon ng sahod kaya hindi ko pa naman kailangan magtipid.   With all of these thoughts, ang katakot-takot na ala-ala sa makasalanan kong kahapon ay muling bumalik. I can still remember how he unbuttoned his black polo with face driven by lust, his eyes sternly staring to a woman as his finger tried to reach his hair and messed it for a battle. Revealing his broad body almost close to those men in hot magazines, s**t, everything was so surreal!   Kinagat ko ang aking labi at yumuko. Lintik na imagination ‘yan Frances. Kailan pa naging marumi ang isip mo?   “I’m actually looking forward to befriend you, can I?”   Kung tatanggi ako, ako lang din ang mahihirapan. Kung sasang-ayon ako, walang mawawala. Every one changes. Masama man ang kanyang nakaraan at sinusubukan niyang kalimutan iyon, sino ako upang humusga? Besides, kung ito ang paraan upang hindi na ako mapraning sa room dahil sa mga aksidenteng pagtatama ng aming mga mata, kung ito ang paraan upang mas makilala ko siya at matulungan niya ang sarili mula sa mga matang mapanghusga, then I hope that I could be an instrument to help him recover from drowning.   Ngumiti ako at sinubukang iwaksi kung ano man ang kanina pang iniisip. Finally, I’m now at the verge of my own quest for peace.     “Ang tagal niyo ha?” salubong sa akin ni Kathleen sa locker room. Kanya-kanya na kaming ayos ni Cullen upang makapagsimula na sa trabaho. Tumango ako habang nire-retouch ang mild makeup at nagsuot na ng hairnet at sombrero.   “Traffic, alam mo naman. Saka bakit pinasundo mo pa ako? Inabala mo pa ang tao.”   Tumawa siya. “Girl, workmate na natin ‘yan. Mas mainam nga kung makasundo mo siya. Oh tingnan mo, nagawa ko na rin siya pakisamahan. Akalain mong gentleman pala kahit marahas sa kama.”   Namilog ang mga mata ko sa gulat na baka marinig kami. “Kath! Ano ba!”   Nagtunog-mangkukulam na ang kanyang tawa saka lumabas. Inirapan ko na lang siya at binalaan.   “Kayo ha, ano ‘yon.” Parang kabute na biglang sumulpot si Dano sa aking gilid. Muntik ko na masapo ang noo ko dahil sa hiya.   “Kunwari wala kang narinig," ani Kathleen.   Natawa na lang siya tulad ni Kathleen habang bitbit ang cleaning tools. Ten-minute late na kami ni Cullen kaya kailangan ko na magsimula sa trabaho.   Sumunod ako kay Kathleen sa counter upang mag-assist ng mga orders. Absent ang isang kahera kung kaya ako ang na-obligang pumalit. Paminsan-minsan ay hindi ko naiiwasang lumingon sa preparing area. Ngumingiti na lang ako kapag nagtatama ang tingin namin ni Cullen.   Kumpara sa nakaraan, batid kong nabawas na ang praning kong reaksyon sa tuwing nangyayari iyon. To think na magkaibigan na kami, kailangan ko na sanayin ang sarili ko at ilayo sa malalaswang pag-iisip tungkol sa kanya. Bwisit kasi, hindi naman ako matutuksong panoorin iyon kung hindi niya sinend sa akin. At huwag na huwag niya akong bibigyan ng lecheng analogy tulad ng: ‘Kakainin mo ba ang tae na nilapag ko sa harap mo?’   Duh, iba ang epekto ng adult videos para isalpak sa ganoong analogy tungkol sa tae!   Dahil gabi na, I swear, ang hapunan ng mga customers ang isa sa bangungot namin. Ito ang time ng shift na talagang pinaghahandaan namin at nilalapatan ng umaapaw na energy. Sa dami kasi nila, nakalilito na mag-accommodate. At mababaliw na lang halos sa dami at ingay nila lalo ka kapag sabay-sabay silang magsasalita.   Bilang crew, wala kaming karapatan magtaray, magsungit, at magdahilan ng kung ano-ano kahit saksakan pa ng sama ang ugali ng customer. Ngunit mula noong sumabak ako sa ganitong trabaho, doon ko napagtanto ang lahat, mas nalinawan ako sa reyalidad ng buhay at pilit na lang sumabay sa agos kahit mahirap.   At the end of the day, ako rin ang makikinabang. Sa huli, alam ko na magiging proud ako dahil pangarap ko ang aking ipinaglaban.   Napangiti ako sa naisip habang nakaupo at nagpapahinga mula sa dagat ng mga taong nakasalamuha. Kanya-kanyang kain na ngayon ang lahat at naghahalo ang ingay ng mga kubyertos at sagad sa langit na kwentuhan.   “Uy, ano kayang nasa isip nito?” patuyang tanong sa’kin ni Kathleen matapos umupo sa aking tabi. Umirap ako at pasinghal na tumanggi sa pinararating niya.   “Walang hiya ka. Hindi ko na nga iyon tinapos.”   Nagtaas-baba ang kilay niya, ayaw tumigil sa pang-aasar. “Maniniwala pa ako kung sainabi mong nag-finger—”   Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi niya nang namataan ko si Cullen sa kanyang likod. Seryoso ang mga mata sa amin at lalaking lalaki ang upo sa upuan. Alam kong naririnig niya si Kathleen. Alam kong alam niya na pinag-uusapan namin siya. Goodness! Kinakabahan ako sa kung ano man ang naiisip niya sa amin. Ang dumi na talaga ng utak ko.   Binalik ko ang pansin kay Kath, natigil na rin siya at mukhang alam na kung ano ang tinutukoy ko.   Mahina siyang nagmura at kunwaring humablot ng cellphone. Kunwaring wala siyang sinabi sa akin dahil batid ko kung gaano siya kalubog ngayon sa kahihiyan!   Ilang minuto kami sa ganoong posisyon nang may lumapit ng customer. Si Kathleen na mismo ang umako na gumawa ng trabaho at naiwan akong walang ginagawa at nakaupo.   Muli kong binalikan ng lingon si Cullen. May hawak na siyang baso sa isang kamay at inosenteng nagmamasid sa paligid. Ikalawang araw pa lang niya ngayon. Ngunit iilan na ang nakakita sa kanya rito at hindi ko na rin maiwasang makarinig ng bulungbulungan.   Sikat nga talaga siyang basketball player dahil may isang teenager na tinuro siya at nais magpa-picture at magpa-autograph. Ngunit may isang pumigil sa kanya at may sinabi rito, dahilan kung bakit hindi na natuloy pa ang binabalak ng lalaki.   Sa ilang sandali pang lumipas, iilan na lamang ang napapansin kong ganoon ang pangyayari. Lalo na kapag sa mga nakapila ko pa iyon naririnig dahil ganoon kabilis kumalat ang balita. Hindi ko na lang napigilang maawa. Mahirap malubog sa kahihiyan at lalo pang ipinapamukha ng lipunan. Disente naman si Cullen sa trabaho. Magaling din sa klase. Matalino. Pero sobra na. Ako itong nahihirapan sa kanya. Mailap man siya sa mga tao, nararamdaman ko kung gaano siya kadeterminado magbago. Lahat naman ay nagkakamali ‘di ba? PUP already gave him a chance. Ganoon din ng manager dito. Bakit ang mga taong ito ay hindi?   Oh I forgot, nasa Pilipinas nga pala tayo.   Habang naghihintay sa order ng kaharap ko ngayon, kapansin-pansin ang pagbukas ng pintuan. Nanginig ang mga tuhod ko nang makita kung sino ang mga pumasok.   Napalunok ako at nagsimulang manggilid ang mga luha. Bakit sila nandito?   “Miss? Miss,” ulit nung customer. Kaagad kong binalik ang atensyon sa kanya at humingi ng tawad.   “Ano po uli ‘yon Sir?”   Tinipa ko ang kanyang sinabi at umalis na siya sa aking harapan. Panibagong customer naman ngayon ang pumalit at napansin kong sa lane ko pumila sina Mama at Papa.   Pumikit ako nang mariin upang pigilin ang luha. Pilit kong kinalma ang sarili sa mga posibilidad. Kalma, Frances, customer mo sila ngayon.   Sa bawat usad ng pila, ang kaba ko ay lalong lumalala. Sa bawat alis ng nasa harapan, ang pintig ng puso ko ay bumibilis. Matapos ang isang buwan at ilang linggo, anak pa rin kaya ang turing nila sa akin? Ilang beses ko iisipin na hindi na nila ako matatanggap? Hanggang kailan bago nila mapagtatanto na hindi ako susunod sa yapak nila?   Ngayong nasa harapan ko na sila, ang panggigilid ng mga luha ko ay hindi ko na napigilan. Pinasadahan nila ako ng tingin gamit ang mga mapanghusgang mga mata. Kapwa ko sila nakikitaan ng pagkamuhi, na para bang nandidiri sila sa pinasok kong trabaho.   Huminga ako nang malalim, umaasang sa pagbuga ng hangin ay mawawala na ang magkahalong takot at pangamba.   “Good evening maam and sir, you order please?” pormal kong tanong. Sa loob ng ilang segundo ay hindi sila nagsalita. Tahimik na nakatingin lamang at tila sinusuri ang aking kabuuan. I can’t help but feel this excruciating pain. Para akong sinasaksak kahit nakatingin lamang sila sa akin.   “M-maam, Sir, m-may nakapila pa po—” Hindi na nila ako pinatapos. Tinuro nila ang meal na alam kong hindi lang pang dalawang tao. Ni-record ko ito at pinasa sa prep. Nang i-abot nila ang bayad, hindi na ako nagulat pa sa kanilang sinabi.   “Dine-in kami. Hihintayin ka namin kapag natapos ka. Mag-usap tayo,” may awtoridad na sinabi ni Papa. Saka pa lang ako nakahinga nang maayos nang sabay na silang tumalikod at naghanap ng mauupuan.   Ilan pang mga customer ang hinarap ko hanggang sa maubos na nang tuluyan ang pila. Takot ang nagtulak sa akin na umalis dito at ibilin kay Kath na isa muna ang lane at siya muna ang haharap dito. Tumalikod ako at naluluhang pumasok sa locker room.   Hindi ko na napigil pa ang agos ng aking luha. Humarap ako sa locker ko at itinago sa aking panyo ang paghikbi. Ano kayang pag-uusapan namin? Lalo kaya nilang ipamumukha kung ano ang aking sinapit? Kung hindi, ilalayo ba nila ako rito at pauuwiin na? Dahil sa totoo lang, kung tanggap nila ako at tanggap na nila kung ano ang pangarap ko, hindi ako magdadalawang-isip na umuwi at makasama muli sila sa iisang bubong.   Pamilya ko pa rin sila. Ituturing ko naman silang magulang.   Pero sana, ituring din nila akong anak.   Natigil ako nang maramdamang may tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan kong hinarap kung sino iyon at nakita ang nag-aalalang mga mata ni Cullen. Inangat niya ang kanyang kamay at kinuha ang panyo kong hawak. Nagulat ako nang siya mismo ang pumawi sa aking mga luha.   “Just cry, I’m now here,” wika niya sa baritonong boses. Dama ko ang kanyang sinseridad at ang concern na hindi ko kailanman natagpuan.   Lalo akong naluha sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung anong nagtulak na mangyari ito ngunit siya na mismo ang humila sa akin at ikinulong ako sa kanyang bisig.   Sinandal ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at doon binuhos ang luha.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD