Chapter 11

2264 Words
"Let me talk to your boss then," hamon ni Leila sa waiter. Ngumiti ang waiter at propesyunal na tumugon sa kaibigan ko. "May iba po siyang inaasikaso at this moment. Basta't ang bilin niya sa amin, huwag na raw namin pagbayarin si Miss Abella." Naghintay sa sagot namin ang waiter ngunit wala ni isa sa amin ni Leila ang nagsalita. Yumuko ako at huminga nang malalim ngayong lalo pang sumidhi ang misteryosong nagaganap sa buhay ko. How could I sum up everything? Kung aalalahanin, hindi ako nagpakilala. Ni hindi ko na-introduce ang sarili ko sa loob ng resto na ito at walang dahilan upang maging espesyal. Sa paraan kung paano ko siya natagpuan, alam ko na hindi iyon sadya. Ni hindi ko alam na manager siya ng resto na ito at sadyang natipuhan ko lang na magtungo rito dahil japanese-themed ito. Ngayong natanto ko na nag-iba bigla ang pakikitungo niya sa akin... mula nang sabihin niyang ibababa niya ang presyo para sa akin... sa utos niya sa mga crew na huwag na raw ako magbayad sa kahit anong ordera dito... at sa pangalan kong alam niya... anong meron? Anong meron sa akin? Anong dahilan upang maging ganito siya sa akin? Nag-order na lamang ako ng takoyaki at simpleng mga cuisine na gagawin naming miryenda para sa study. Hinilot ko ang aking sentido habang nakatingin na ngayon sa view sa labas at iniisip kung ano ang maaaring sagot sa mga umuusbong na tanong. "Ang weird naman," ani Leila habang naglalabas ng mga highlighters at notebooks. Pinanatili ko ang pagtitig sa labas dahil sa lalim ng iniisip. "Pero paano mo nalaman ang pangalan niya?" "Narinig ko dati sa babae niya," sagot ko at inisip noon ang kasama niyang babae na umagaw sa spot na kinauupuan namin ngayon. "So wala talaga kayong proper prelude sa isa't isa? Baka naman stalker siya?" "Bakit naman niya ako i-i-stalk kung ganoon? Wala namang kakaiba sa akin. Magulo pa nga 'tong buhay ko." Huminto ako at tuluyan na humarap sa kanya. Nasulyapan ko sa pagyuko ang sandamakmak na mga notes na amin ngayong raratsadahan ng aral. I heard her deep sigh. Umirap siya at maarteng hinaplos ang tuktok ng kaniyang ulo. "Oh ito, simulan na natin at baka wala tayong matapos dito." Inabot niya sa akin ang papel at pasinghal na sinimulang basahin ang kanyang hinahawakan. Sa ilang minuto naming pagbabasa nang tahimik ay bumalik na ang waiter at dala na ang aming order. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kanya at umaasa na sa isang tingin, masasagot niya ang mga tanong ko. Pero hindi, hindi ngayon. Babalik ako rito sa mga susunod na araw at kukumprontahin kung ano ba ang tunay na dahilan ng kanilang manager. Sa pagsapit ng alas singko, napagdesisyunan na namin mag-ayos ng gamit. Mabuti na lang at marami-rami na kaming inaral sa mga hand-outs at nasagutan na rin ang ibang mga activities. Hindi na ako inusisa ni Leila tungkol sa manager dahil batid niyang kahit ako ay walang konkretong paliwanag. Nagpahatid na lang ako sa fast food chain kung saan ako nagtatrabaho. Nagpasalamat ako lalo na sa personal driver nila Leila dahil ilang oras din siyang naghintay sa loob ng sasakyan. "Huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa akin kapag hindi na kaya okay?" bilin sa akin ng kaibigan nang makababa ako ng sasakyan at ibaba ang door glass. Ngumiti ako at nagpasalamat. No greater words could help express my gratitude. Nawalay man ako sa pamilya ko at naligaw sa mga oras na hindi ko matagpuan ang sarili, nandyan siya upang damayan ako. Leila really has made a great impact, at hindi ko sasayangin ang pinagsamahan namin lalo't isa na lang siya sa mga tao na kaya akong intindihin. Nagsimula na akong maglakad papasok nang maglaho na sa dagat ng mga sasakyan ang kotseng sinasakyan ni Leila. Sumalubong sa akin ang dami ng mga customer at hindi magkandaugaga sa counter si Kathleen. Suminghap ako nang makitang isang lane lang ang pila! Nagmadali ako sa loob ng locker room at nagbihis sa C.R. Tulad ng lagi kong ginagawa ay nagsuot ako ng hairnet at saka sumbrero. Hindi ko rin kinalimutang pupugan ng make-up ang mukha at saka nagmadaling maglakad sa counter. Inalis ko ang sign at binuksan ang isang lane. Maraming lumipat sa lane ko at naibsan na ang dami ng nakapila kay Kathleen. Ngayon ay hindi na magkandaugaga sa dami ng tao ang loob nitong fast food resto. Sa ilan pang mga minuto, ang bawat isa sa amin ay mas naging abala pa. Paminsan-minsan ko pang inaabangan ang pinto upang makita kung papasok si Cullen. Absent din kaya siya ngayon sa trabaho? Wala pa kasi siya sa cooking area. "My god!" pagod na singhap ni Kath nang maubos na ang mga nakapila sa amin. Sabay kaming umupo matapos uminom ng tubig. "Buti naman at pumasok ka, tapos na kasi ang kontrata ni Lyra, nag-file na ng leave," tukoy niya sa naka-assign ngayon sa posisyon na pinalitan ko. Hinabol ko ang hininga ko at inunat ang mga braso. Nangawit sa katitipa ang mga kamay ko. "Nakausap mo na ba si manager?" tanong pa niya. "Hindi pa." "So ayun nga, kanina niya lang rin kasi na-relay sa amin na ikaw na raw ang papalit sa position ni Lyra, meaning, isa ka nang ganap na cashier." Pinilig ko ang aking ulo nang malaman iyon. Hindi naman kasi ako kahera rito dahil under shadowing pa ako at training. Irregular din ang position ko nitong nakaraan at kung saan-saan nailalagay. Ngunit ngayong may specific at fix na akong role dito, hindi na ako maguguluhan pa at maninibago sa oras na sumabak na sa trabaho. "Oh, si Cullen," bulong ni Kath. Muli kong binalik ang tingin sa bumukas na pinto at namataan ang paglalakad ni Cullen. Kumunot ang noo ko nang mapansing may sugat ang kanyang labi. May pasa rin sa kanyang pisngi at mahihinuha sa mukha niya na hindi siya okay. His lips curved into a simple smile when he met my gaze. Napakurap-kurap ako dahil umahon sa akin ang pag-aalala. Tinaas niya ang kamay niya at nag-thumbs up. Hindi ko na siya sinundan pa dahil tiyak akong magbibihis na siya at magco-concentrate na sa trabaho. "Anong nangyari sa kanya? Bakit puro pasa?" Hindi na napigil ni Kathleen ang magtanong. Nagkibit-balikat ako at pinanatili ang tingin sa pinto ng locker. Ano nga kayang nangyari? Kung hindi ako nagkakamali, maaaring ito ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok kanina. Napabalik ako sa trabaho nang may customer na pumila. Magalang kong tinanong ang order nito at nang matapos ay muli akong bumalik sa iniisip. Tama kaya ako? Kung hindi siya okay at nagmula nga siya sa gulo, sana nagpahinga muna siya at hindi na magtrabaho. Marami pa siyang kailangan habulin lalo't sandamakmak ang diniscuss kanina at maraming exam na nakaabang na roon huhugot ng mga itatanong. He needs my guide. Mahirap itong habulin lalo't wala pa siyang kasundo sa room maliban sa akin. Paano kaya siya nakaka-survive sa isang araw na ganoon ang nangyayari? Naging curious tuloy ako bigla kung ito na lang ding pagiging crew ang bumubuhay sa kanya. Tunog ng kubyertos at mga daldalan ang patuloy na namumutawi sa paligid. Maririnig din mula dito ang tunog na likha mula sa piniprito nila Cullen sa fryer. Tatlo silang cook ngayon sa cooking area at abala naman ang iba sa pagligpit ng pinagkainan. Tanging si Dano lang ang may janitorial task dahil abala siya ngayon sa paglalampaso malapit sa b****a ng pintuan. Hanggang kailan kaya ako rito? Magtatagal kaya ako? Sa nangyari noon base sa huling usapan namin ng magulang ko, batid kong wala ng pag-asa na bumalik ako sa tahanan at ilayo ako rito. Ngunit kung gagawin nga nila iyon, hindi sa akin ang bato ng kanilang concern, kundi sa dala-dala kong apelyido. Afterall, iyon lang naman ang kanilang pinangangalagaan. Kailan kaya darating sa point na ako naman bilang anak nila? Natapos ang trabaho namin nang pagod. Sinuntok ko nang mahina ang braso ko at naglakad palapit kay Dano upang tulungan siya mag-disassemble ng mga kagamitan. "Huwag, ako na," pigil niya sa akin ngunit nagpatuloy ako sa pagtaob ng mga upuan at ipinatong ang iba sa malawak na mesa. "Hayaan mo na ako," malumanay kong sagot at nagpatuloy. Umiling-iling na lang siya at nagtungo sa ibang upuan na hindi pa ayos. Ganoon ang ginawa ko hanggang sa matapos na ang trabaho. Kanya-kanya kami ng bihis sa locker room at kanya-kanya rin ng usapan ang mga magkakaibigan. This time, habang nag-aayos ako ng laman sa locker ko, namataan ko ang paglabas ni Cullen sa C.R. at lumapit sa kanyang locker na katabi lamang ng akin. Sinara ko ang akin nang masigurong maayos na at tumingin sa kanya. Deretso lamang ang mga mata niya sa loob ng kanyang locker habang may nilalagay doon. Nang mapansin niyang nakatingin ako, huminto siya at humarap na rin sa akin. Napakurap-kurap ako nang makita ang sugat niya't pasa sa malapitan. Bahagya ang haba ng hiwa sa kanyang labi at may bahid iyon ng dugo. Ngayon ko lang din napansin na may galos pala siya sa noo. Grabe naman ang natamo nito. "Anong nangyari?" putol ko sa katahimikan. A line appeared between his brows and faked a slight smile. His expression softened. I can sense that he's hurt but he refuses to acknowledge it. "Misunderstandings," maikli niyang sabi at tumikhim. Inunawa ko at nirespeto ang desisyon niyang hindi sabihin sa akin kung ano talaga ang tunay na nangyari. Siguro hindi siya ganoon ka-vocal at ka-open upang sabihin ang kanyang mga problema. Maliban sa akin, may ibang nag-approach sa kanya at nangamusta. His answers to their questions were still vague. Ngunit sinigurado niya sa mga ito na hindi naman seryoso ang kanyang sugat. Nang makalabas na kami at isara ang fast food, pikit-mata kong nilakad ang tabi ng kalsada at ambang mag-aabang ng sasakyan. Ngunit pinigilan ako ni Cullen, inalok niya akong sumakay na lang sa kanya dahil dala naman daw niya ang sasakyan. Nang huminto sa harap ko ang kotse, nagpaalam muna ako kay Kathleen at ngumiti. Kakaiba ang namataan ko sa kanyang mga mata at may bahid iyon ng malisya. Umirap na lang ako at hinayaan silang pag-usapan kami. Inayos ko ang seatbelt nang makaupo na ako sa loob. Tahimik lang si Cullen at prenteng nakapatong ang mga braso sa manibela. Pinatong ko sa kandungan ko ang bag at nagtagal ang tingin sa kanya. "Absent ka kanina kaya marami kang hahabulin. Tatanggapin mo ba kung hahayaan mo akong tulungan ka?" alok ko. Agad siyang tumango at pinanatili ang mga mata sa akin. "That would be great. Pasensya na agad sa abala." Umiling ako, "That would serve as my review kaya ayos lang. Kailan at saan kita tuturuan kung ganon?" "Sa condo ko, ayos lang?" Natigil ako nang bahagya ngunit napatango na rin. Ayoko namang sa apartment ko dahil masikip doon. Saka hindi pumapayag ang landlady sa lalaking bisita, unless kung kamag-anak ko, ganoon ka-strikta. He started the engine and began to drive. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas nuwebe y media na ng gabi. Ibabalik ko na sana sa bulsa ang phone ko nang biglang sumulpot ang tawag ni Leila, saglit kong tiningnan si Cullen at kaagad itong sinagot. "Hello?" "Hello!" may bahid ng taranta sa boses ni Leila sa kabilang linya. "Hindi ka nag-seen sa GC?" Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Bakit, may announcement ba?" "Oo! May moving exam daw bukas sa lab! Jusko!" Nataranta ako nang marinig iyon. Goodness, kung ano pang hindi namin inaral ay siya pang lalabas sa exam! "Nakauwi ka na ba? Tapos na ang trabaho mo? Nasaan ka?" sunod-sunod niyang tanong. "Pauwi na ako, kasama ko si Cullen ngayon—" hindi ko natapos ang sinasabi dahil sa agad niyang sagot. "Sakto! Suggestion ko lang 'to ha? Magsama na lang muna kayo saglit at mag-review. Tulungan mo na lang siya maka-cope up lalo't 'yung discussion pa talaga kanina ang lalabas daw sa exam. Jusme, eh halos ten pages pa ang hand-outs sa lesson na 'yon." Sang-ayon ako sa suhestyon niya. Sa bagay, kung magre-review na lang ako at tutulungan sa na-miss itong si Cullen, bakit hindi na lang kami magsama ngayong gabi? Binaba ko ang tawag pagtapos magpaalam ni Leila. Itinago ko sa bulsa ang phone at seryosong hinarap si Cullen. Tulad kanina ay seryoso pa rin ang mukha niya habang abala sa pagmamaneho. "Bukas ang moving exam. Karamihang lalabas ay 'yong hindi mo naabutan sa klase since absent ka kanina. Ayos lang kung ngayong gabi na mismo tayo sa condo mo?" Tila hindi siya nag-isip ng isasagot dahil agad siyang tumango. Sa puntong iyon, magkahalong kaba at pagod ang namutawi sa aking sistema. Pagod na talaga ako sa trabaho pero iisipin ko pa lang ang dami ng ire-review ay lalo akong napapagod. Kaba, kinakabahan ako dahil unang beses ko mamalagi sa condo ng isang tao na kakikilala ko lamang halos. Goodness, bakit ko naman kasi iisipin na baka may kakaibang mangyari? "Sandali lang naman tayo, kakayanin siguro ng tatlong oras," wika ko habang nakatingin sa bintana. Narinig ko ang kanyang tikhim. "It's fine. Pwede ka namang matulog sa'kin." Nasamid ako ng sarili kong laway nang marinig iyon. "Hindi na kailangan, sandali lang naman iyon," pilit ko. "Okay." Hindi ko alam kung tama bang sa condo niya kami ngayon pero s**t, gabi na at first time ko halos ito! Kung bakit kasi ang dumi ng isip ko e, paano nga kung condo nga niya ang setting ng s*x scandal niya noon? Sa halip na maka-concentrate kami sa pagrereview ay baka sa video na iyon iikot ang isipan ko! Huwag naman sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD