Chapter 22

2054 Words
  I tilted my head to see his manly features. Dalawang araw na kami rito at sa mga oras na lumipas, ang nagugulumihanan kong utak ang pilit kong ginagamot at ibinabalik sa dating ayos.   I can’t help but remember his silent stares. The way he mutter his deep voice sends shivers down my spine. Sa isip ko ay kitang kita kung pano lumitaw ang litid ng kanyang ugat sa braso, at lalo akong binabaliw nito sa tuwing nakikita ko siyang topless sa aming kwarto.   Gustuhin ko mang mag-protesta tungkol sa ideyang nasa iisang kwarto lamang kami, wala akong karapatan dahil malaking tulong na ito para sa’kin. Kaso ang hirap mag-adjust. Ni sarili ko ay hindi ko lubos maunawaan sa tuwing nagkakaharap kami at nagtatama ang mga mata. Madalas naman itong mangyari noong hindi pa kami close sa PUP ngunit ibang usapan na ngayon. Kaibigan ko na siya kaya dapat wala akong malisya sa kung ano man ang nangyayari rito.   Dalawang araw. Iniwasan namin ang manood ng balita. Ako ang nag-insist na Netflix movies ang panoorin at huwag ikonek sa cable or any broadcasting networks. I am fixing my mental state now and helping myself revive from all the pains I’ve gone through. Saka na ang problema. Saka na ang nakaraan. Sarili muna. Paghilom muna.   Cullen smiled as he held his phone. Nakatapat ito sa akin at pilit akong ngumiti roon. Nagbilang siya para sa picture at hinintay ko na ma-capture ang pose ko dito sa tabi ng dagat.   Nakalubog ang mga paa ko sa buhangin, bawat usad ay tila ba panaginip. I have dreamt this scene before. Ang makalayo sa siyudad at makarating sa tulad nitong stress-reliever, nag-uumapaw sa tuwa ang damdamin ko.   Nang sumenyas na na-capture na nga niya ang picture, mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at tumingin sa cellphone. Matiim kong hinanap doon ang sarili at ni-zoom niya iyon sa mukha ko.   “Wow… gorgeous,” he muttered. Mahina kong sinapak ang kanyang balikat at tumawa.   “Bolero.”   “No, I’m serious. You look so beautiful.”   Ang totoo, natutuwa ako. Pero alam mo ‘yun? Kung maghuhukay pa nang mas malalim, hindi lang tuwa ang nararamdaman ko. There is something that words can't even explain. Lihim akong umirap at binaling ang tingin sa dagat. Maybe I should widen my vocabulary.   Pinagmasdan ko nang maigi ang dalampasigan. Pinag-aralan ko nang mabuti sa tingin ang mga detalye na ngayon ko lang halos nasaksihan. Tanging ingay lang ng mga alon ang namumutawi sa paligid, ang hagibis ng marahang hangin na tila alon din sa ritmong pa-andap-andap. May tatlong naglalayag sa bangka sa hindi kalayuan at may isang nagsasagwan ng balsa na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan. This… this scenery is my own definition of paradise.   Umupo ako at hinaplos ang puwitan ng suot kong full-length dress na may pagka-coast ang theme at tahimik na umupo sa buhangin. Sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko kung paano ibinulsa ni Cullen ang kanyang cellphone at umupo upang pantayan ako. Naamoy ko ang nakalalasing niyang manly perfume na ilang gabi ko ring inisip-isip. Nababaliw na nga yata ako dahil kahit pabango niya ay nagiging subject ng aking obsession.   “Kailan uuwi ‘yung pinsan mo? Si Kiel?” I inquired. Nang ilapat ko ang tingin ko sa kanya, tumiin din ang paninitig niya sa akin.   “Next week, I think. Bakit?”   “Gusto ko kasing magpasalamat sa kanya, for letting us hide in his property.”   Literal na pagtatago nga ang ginagawa namin dahil kahit hindi ako manood ng balita, kalat na kalat na sa buong bansa na isa na ako sa mga most wanted suspects. It’s ridiculous to think that we’re innocent yet we act like guilties. Hahayaan na lang ba naming makulong nang sunod sa rasong kasinungalingan lang?   Besides, at some point, anumang paliwanag namin, they have stronger points and evidences. Una, lahat ng mga biktima ay related sa akin, si Papa, si Leila, at ang landlady. Prosecutors will find reasons and they’ll twist all their lies to win their crafts as truth in the court.   Pangalawa, ang mga kutsilyo sa apartment ko. Sa oras na i-raid iyon ng mga pulis at mahanap ang mismong shoebox na pinaglalagyan ko, maaaring i-undergo sa fingerprint tracing ang mga kutsilyong iyon. Pero, paano sure akong mahina ang point na ito! Kung bakit? Dahil sigurado akong hindi magma-match sa fingerprint na nasa biktima ang fingerprint na matatagpuan sa kustilyong nahawakan ko!   Magbubunyi na sana ako, naroon na sana ang pag-asa ko pero… ang pangatlo ang pinakamahirap sa lahat.   Si Mama, ang magulang ko pa mismo. Paano siya napikot? Anong rason ang nangumbinsi sa kanya at napaniwala siya ng kung sino mang hinayupak na iyon? Sa sinabi niyang ako ang itinuturong pumatay dahil sa hindi namin pagkakaunawaan, ang sakit isipin na sariling anak pa ang pumatay sa sarili niyang ama. Iyon ang iisipin ng marami sa akin. Iyon ang katotohanang iikot sa buong Pilipinas habang narito kami, nagtatago. Sa sobrang komplikado ng kasong ito, paano namin mapapatunayang inosente kami kung pumapanig ang may kapangyarihan sa may boses?   Tears streamed down to my cheeks. Umahon ang kirot sa puso ko at binalot ako ng lungkot na maraming beses ko nang nilabanan. I am too broke to fake a smile, too weak to let shine my happiness. However, Cullen’s calloused hand made it’s way to wipe my tears. Kusang bumagsak sa dibdib niya ang ulo ko at doon pa ako mas lalong naiyak.   “Just cry. Let your tears escape and drown yourself in oblivion. I am here,” malalim at may pag-iingat niyang sinabi. Hinaplos niya ang aking braso at sunod ang aking buhok. Makulimlim ang kalangitan dahil  natatakpan ng ulap ang araw, dahilan kung bakit maginhawa naming nalalasap ang view dito.   No words could come out from my throat. Hinahayaan ko lamang magsibuhos sa akin ang mga ala-ala at ang nakaraang hindi na yata matutumbasan ng pait. His iron-clad chest has made its way to console me better, the reason why this sadness never ached anymore.   How heroic, that behind all those issues, I found his real identity. He just let people judge him and never even made a scene to crave for peace. Heto siya’t simple, na parang higit pa sa pagkakaibigan ang ina-alay sa akin kahit na nadamay na siya sa mga pinagdadaanan ko, walang problema sa kaniya.   Someday, once I cleaned my reputation, hindi ako magdadalawang-isip na ibalik sa kaniya ang alagang pinadama niya sa akin. He deserves all the praise and recognition. People have to know this side of him because he deserves their respect. And as much as I want to rise from all of these catastrophes, I want to see him prosper and live the life he dreams.   Nanatili kami sa ganoong position sa paglipas pa ng ilang sandali. Nang mahimasmasan ay saka niya ako tinulungang tumayo at hinawakan ang mga kamay. Nagpatianod ako sa kanyang hila at patungo kami sa isang bangka na naka-angkla at nakalutang sa mababaw na parte ng dagat. Nang mahinto kami ay buong ngiti niya akong hinarap.   “Tara, layag tayo.”   Namilog ang mga mata ‘to. Sa gulat at pagkasabik ay hindi ko na inalintana ang kaunting basa sa laylayan ng full-length dress ko. Tinulungan niya akong sumakay roon at pumwesto ako sa gawing unahan.   Hinila niya ang lubid na nakakabit sa bangka. Saka niya inilagay sa loob ang angkla at umupo sa aking likod. Pinulot niya ang sagwan na nasa paanan lamang namin at sinimulan itong ihawi sa tubig upang maiba ang direksyon bangka.   Parang ilog sa sobrang tahimik ang dagat, at lalo pang tumatahimik habang nalalayo kami sa dalampasigan kung saan humahalik ang maliliit na alon. Ang kaninang mga bangka na nakikita ko ay nagsi-ahon na sa buhangin, dahilan kung bakit kahit nasa pinakamalayo na ang pasada ng aking tingin, tanging kami lang ang naririto sa dagat.   Wala ring tao sa dalampasigan. Napakatahimik.   Kung tao lang ang dagat ng Antique, siguro ay willing akong ipakasal dito. Look at this pristine waters. Maaamoy ang pagiging maalat nito ngunit makikita na ang pinaka-ilalim nito dahil sa sobrang linaw. Unti-unti na kaming nalalayo, at kung tatalon ako, siguradong malulunod na ako sa sobrang lalim.   Tumingin akong muli sa view kung saan makikita ang mansion ng Fontaviende. Sa laki nito at lawak, kahit sino ay mamangha sa ganda ng arkitektura nito. Mapa-loob man o labas, para itong kastilyo at kaharian na tanging mga may dugong mayayaman lang ang makakapasok, unless kung caretaker ka roon.   “You want to try?” he asked hoarsely. Wala akong kakayahan upang tumalikod dahil sa sikip kaya tumango ako nang hindi bumabaling ng tingin.   “S-sige…” nauutal at medyo kinakabahan kong sinabi. Unang beses kong magsagwan kaya natatakot ako. “Hindi ba tayo tataob nito kung magkamali ako ng hawi?”   “I’ll teach you, don’t worry.”   I stretched my hand to get the paddle. Nang nasa kamay ko na ito, kapwa palad ko ang kumapit sa holder nito upang hindi mabitawan. Sa unang subok ay biglang gumalaw sa malikot na paraan ang bangka, dahilan kung bakit kinabahan ako at inangat sa tubig ang sagwan.   “Gosh, hindi ako marunong…”   “Here,” he said with a manly voice sending shivers down my spine. Kinilabutan ako nang madikit sa tenga ko ang bibig niya at napansin ang kanyang paglapit.   Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang matikas niyang dibdib sa aking likod. He stretched both of his hands and caught mine. Kung saan nakahawak ang mga kamay ko, doon din ang kamay niya. Kaya naman damang dama sa likod ng kamay ko ang basa kanyang palad.   Saglit akong pumikit at dinama ang t***k ng puso. Kalma, Frances. Tinuturuan ka lang. Huwag kikibot.   Iginiya niya ang aking mga kamay at inilubog ang sagwan sa tubig, sa unang hawi, bahagyang nag-iba ang direksyon ng bangka, at nang ilipat naman niya sa kabila ang pagsagwan, doon na tuluyang naka-usad ang sinasakyan.   “Tighten your grip, this time I will watch you sway this paddle.”   Oh Cullen. Nakakababae ang boses mo! Bakit nag-iba bigla ang timpla ng sistema ko? Now, it’s more than amusement, it’s lust!   Naalala ko bigla ang topless niyang katawan noong unang araw namin sa kwarto, kung paano tumulo ang butil ng tubig sa kanyang abs, at kung paano niya ginulo ang buhok mula sa pagligo. Now, he’s just on my back and I could already feel his iron-clad chest banging my sensitive back! Oh God.   Dadan-dahan at puno ng pag-iingat ang aking sagwan. Napapakagat-labi pa ako dahil sa takot na baka magkamali. Malalim na ang tubig, kung tumaob kami rito dahil sa katangahan ko, ako ang malulunod!   “I like how you maneuver. I’m a satisfied passenger,” he shrieked upon saying those words. I looked heavenwards and rolled my eyes.   Self, kung araw-araw kang ganito kay Cullen, araw-araw ka ring mahihirapan. This is insane, how could I tone down  my feelings if this obsession is way stronger than my pain?   Nagkakagusto na ba ako sa kaniya?   Natandaan ko ang ganitong feeling noong nasa senior high ako. May kinababaliwan talaga ako noon at hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko makikita ang kanyang pagmumukha. Mapapraning ako kung wala akong sulyap sa kaniya. At kung ikukumpara ko iyon dito…   Hell, no. Higit na mas praning ako ngayon kesa noong inosente pa lang ako!   Ipinatong ko ang sagwan sa paanan. This time, deretso na sa coast ng Antique ang aking tingin. Napakalayo na namin sa dalampasigan. Kitang kita na ang matatayog na bundok sa kalayuan at ang mga puno ng niyog na nakatanim sa malawak at puting buhangin. Napa-ismid ako at binalot ng gulat nang maramdaman ko ang mainit na yakap niya sa aking likod.   May ibibilis pa pala ang t***k ng puso ko. May ibubuga pa pala ang tili sa isipan ko. Gusto kong magsisisigaw sa tuwa dahil ang sarap sa pakiramdam, pero nahihiya ako at baka ano pa ang iisipin niya kung gagawin ko nga iyon.   With his smooth yet cruel voice, he whispered to my ear. “I feel so happy whenever I do this.”   Dama ko ang malalim niyang paghinga habang sinasambit iyon, dahilan kung bakit unti-unti ang aking pangingilabot. Suminghap ako dahil tila nauubusan na ako ng hininga. Oh Cullen, paano mo nagagawa sa akin ito? Parang kailan lang noong naiilang pa ako sa mga tingin mo, ngayon masyado na ang epekto mo.   “Can I do this forever, France?” he asked. I craned my neck to give him access to my naked shoulder. Ipinatong niya roon ang kaniyang panga at naramdaman ko ang pag-igting nito. Napapikit ako nang hulihin niya ang dalawa kong kamay at pinagsalikop ito sa mga palad niya. “I needed this.”   The next thing I knew, he kissed the lobe of my ear, down to my neck... next was my shoulder.   “I need you,” he groaned.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD