Chapter 04

1745 Words
    "Okay ka lang dito?"   Hinarap ko si Leila habang nagtutupi ng mga damit. Maraming beses na siyang nagpunta dito sa apartment pero paulit ulit niyang tinatanong ito dahil hindi siya kumportable sa sikip at kipot ng kwarto.   Nahirapan din ako noong unang sabak ko rito dahil ibang iba ang buhay na meron ako noon. Kung dati ay nagagawa kong humiga sa kama nang walang mabigat na iniisip, ngayon ay para akong nilublob sa malalim na karagatan kahit nakahiga lang ako sa matigas na higaan. Patuloy na pinoproblema kung saan ako kukuha ng makakain at kung ano na ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw kung mananatili akong ganito.   Mabuti na lang at natawagan ko si Pat, 'yong pinsan sa side ng Mama ko. Kahit 'yong ibang kamag-anak ko ay nagulat nang malaman na pinalayas ako sa tahanan namin. Kung matapang lang talaga ako at malakas ang loob, sa kamag-anak sana ako tutuloy.   Pero ayoko, marami akong gustong patunayan, na handa akong maghirap at pagdaanan kahit ang pinakamaliit na butas ng karayom para maipakita sa mga magulang ko na heto ako, pumapasan nang walang suporta kahit ano man lamang.   Nanghiram ako ng pambayad at nangakong babayaran ang pinsan kapag nakahanap na ako ng trabaho. It's way too hard to promise, lalo na't walang kasiguraduhan kung makakahanap ba ako ng trabahong tutustos sa mga pangangailangan ko.   "Sorry kung wala akong nagawa para matulungan ka, sorry---"   "Walang problema, hindi mo naman responsibilidad na tulungan ako sa ganoong paraan, sapat na sakin 'tong hindi mo ako iniiwan," sabi ko saka bumalik sa mesa at hinanap ang mga contact numbers na maaari kong tawagan. Nakapag file naman na ako ng resignation letter sa pinapasukan ko, hoping na sana maintindihan kahit na anim na buwan ang kontrata ko doon.   "Sigurado akong hindi ma-approve ang resignation mo," ani Leila at tumabi sa akin. Napahilamos ako at huminga nang malalim. Tama siya. Nagbakasakali lang naman kasi ako kung gagawa ng paraan ang manager upang tuldukan iyon. Puro pagbabakasakali, walang kasiguraduhan.   Pero kung hahayaan kong mangyari na makapasok ako roon, paano ko matutustusan ang iba kong pangangailangan?   "Hayaan mo munang matapos ka ng anim na buwan roon, 'wag kang mag-alala, tutulong ako sa iba mong gastusin---"   "Hindi, hindi mo na kailangan---"   "Kailangan Frances." Niyakap niya ako at tinapik nang marahan ang likod ko. Somehow, para bang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga nagdaan, ang tangi ko lamang karamay ang ang unan. Wala ni sino ang nakakarinig sa mga iyak ko kundi siya, si Leila.   Biglang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya mapapasalamatan.           ***               Abala ang lahat sa ginagawa samantalang ako ay nag-aasikaso ng mga customer na mayroong concern sa mga maling orders. Inayos ko nang marahan ang aking hairnet at hinawi nang bahagya ang cap. Gabi na, kaya kakaunti na lang ang mga tao.   "France, pinapatawag ka ng manager." Lumingon ako sa kasamahan ko na kalalabas lang ng opisina. Tumango ako at naglakad patungo roon.   Bigla akong kinabahan. Siguro hindi papayagan ni Manager ang resignation, naku naman, bakit kasi padalos-dalos ako kahit na alam kong bawal?   Pagpasok ko ay naroon nga ang manager, nakaharap sa laptop at may hawak na papel. Tumingin siya sa akin at binaba ang suot na salamin.   "What do you think's my decision?" wika niya sa may awtoridad na pananalita. Yumuko ako at humingi ng tawad. "I understand but you must commit based on your contracts. Ayaw kong dumating ang oras na magkademandahan tayo, Miss Abella." Binalik niya ang atensyon sa laptop at sinenyasan akong umalis na. Humingi uli ako ng tawad at nagpasalamat.   Pagtalikod ko ay bigla akong na-estatwa dahil sa pagbukas ng pinto, ang imahe ni Cullen ang biglang bumungad sa akin. Casual white at jeans lang kanyang suot at may bitbit na brown envelope sa kaliwang kamay.   Anong ginagawa niya rito?   Napansin kong tumingin siya sa likod ko at para bang may hinahanap kaya gumilid ako at hinayaan siyang pumasok.   "Applicant?" tanong ni manager. Sumang-ayon naman si Cullen at umupo sa upuan kung saan madalas ini-interview ang mga aplikante.   Napapikit ako at lumabas ng opisina. Hindi ko alam kung masisikmura ko bang makatrabaho siya kung sakali. Kung sa eskwela nga hindi kami nagpapansinan, dapat dito ay magawa naming mapagaan ang loob para sa isa't isa. Hindi ko alam pero bakit ganito ang bigat na nararamdaman ko kapag nakikita siya? Matino naman siyang tao, nakakainis lang.   "Gosh, nakita mo 'yon?" bungad sa akin ni Kathleen, ang kahera na tulad ko ay working student din. Okay naman siya sa akin pero ayaw ko ang pagiging malisyosa niya. Siya kasi iyong tipo na binibigyan ng kahulugan ang mga bagay bagay kahit hindi namam big deal.   "Ang alin?"   Hinila niya ako sa isang sulok, katabi ng fridge. "Si Cullen Fontaviende iyon diba?"   Nanlaki ang mga mata ko, paaano niya iyon nakilala? Sa pagkakaalam ko hindi naman siya sa PUP nag-aaral. Ganoon ba talaga kasikat ang lalaking iyon? O baka ako lang itong hindi updated?   "Siya nga, 'yong viral ngayon na merong s*x scandal," dagdag niya dahilan kung bakit natulak ko siya nang bahagya. Narinig ko na ito dati pero hindi ko alam kung paano at bakit ko papaniwalaan. Matalino at mukha namang matino si Cullen pero bakit masasangkot siya sa ganoong issue?   "Tama na nga 'yan, baka mamaya hindi naman pala totoo at nagkakalat lang kayo ng haka-haka, kawawa naman ang tao."   Umiling siya nang marahas, na para bang gusto niya agad ako makumbinsi sa mga sinasabi niya. "May video ako, dinownload ko pa nga, gusto mo makita?"   This time, I ignored her. Lumapit na ako sa isang mesa at niligpit ang mga pinagkainan. Kung totoo man iyon o hindi ay hindi ko na 'yon problema. Hindi rin naman ako interesado dahil sa nakikita ko, okay naman si Cullen.   Nang matapos ang shift ay agad rin naman akong nakahanap ng jeep na masasakyan. May mga rereviewhin pa kasi ako kaya kailangan kong habulin ang oras. Kailangan kong makabawi sa exam bukas.   Hindi ko naiwasang mapatitig sa japanese resto nang huminto ang sinasakyan dahil sa traffic. Tulad ng dati ay ganoon pa rin ito, mild ang lights at nakare-relax. Bigla ko tuloy na-miss tumambay. Saka na lang siguro kung maluwag-luwag na, marami akong kailangang pagtuunan ng pansin kaysa dito.   Kinabukasan, tulad ng lagi kong nakasanayan ay si Leila agad ang aking hinahanap. Sa lagoon lang naman daw siya tumatambay 'pag mga ganitong oras kaya nang doon ako tumungo, hindi ako nahirapan maghanap.   "Nakapag-review ka?" tanong niya habang sipsip ang isang cup ng blue lemonade. Tumango ako at nilabas ang notes na puno ng highlights. Halos dalawang oras ko lang ito inaral. Nandon na kasi ang pagpapahalaga ko sa oras ng tulog dahil higit sa lahat, kalusugan pa rin kasi itong dapat kong isinasaisip.   Maaga pa ako ng isang oras kaya may panahon pa ako para balikan ang napag-aralan. Kaya lang, habang tumatagal ay mas nahihirapan akong ma-absorb ang binabasa dahil dumarami na rin ang mga tao dito sa lagoon.   Isinilid ko na sa bag ang notes at inaya si Leila para bumili ng footlong. Nasanay kasi akong kape lang ang nilalaklak sa umaga. Minsan ay napipilitan pa akong kumain pero ang resulta, halos mailuwa ko lang ang nakakain, kung hindi ay saksakan naman ako sa bagal.   "Teka, si Cullen 'yon diba?" napahinto kami sa paglalakad at natigil ako sa kakaisip dahil sa sinabi ni Leila. Lumingon ako sa dereksyong tinuro niya at natanaw si Cullen na naglalakad mag-isa habang dala ang backpack. Sabay-sabay na tumingin ang mga tao sa kanya ngunit binabalewala niya ang mga matang iyon, na para bang walang nage-exist sa paligid niya kahit halatang nagbubulong-bulungan na ang lahat. May iba pang nagtatawanan.   How judgemental.   "Paano mo ba nalaman ang issue niyan?" tanong ko dahil bigla akong kiniliti ng kuryosidad. Hinarap ako ni Leila.   "Kumalat ang video niyan sa iba't ibang socmed platforms. Sa twitter ko nga lang napanood 'yon at---"   "So napanood mo? Kamukha ba talaga ni Cullen ang nandon?"   "Hindi nakapagtataka na siya dahil may kapareha rin sila ng boses."   "Pero bakit masyadong bini-big deal ng mga tao ang scandal niya? Marami namang ibang video na pwede pag-usapan ha?"   Leila hissed. Umirap ako sa kawalan at bumuntong hininga. "Ang point ko lang naman kasi e bakit ganon? Hindi naman siya artista," dagdag ko.   "Hindi ka kasi fan ng basketball."   Napaisip ako sa sinabi niya. Basketball player si Cullen? At isa siyang sikat na player na dati nang napapanood ng marami?   Kung ganon, ang laking kasiraaan nun sa image niya!   "May pagka-misteryoso 'yang si Cullen kaya marami ring interesado malaman kung anong say niya sa mga issue na meron siya."   Nang sumapit ang exam ay nakapagsagot naman ako nang maayos. Hindi ko lang talaga napigilang mag-isip tungkol sa kanya. Para kasing may kakaiba, kung nagtake na pala siya ng law, ibig sabihin may tinapos na siyang undergrad course, pre-law man o hindi. Pero posible kaya iyon? Ano ang dahilan kung bakit nag aral siya't bumalik sa college?   Nang dismissal naman ay ni-check ko ang oras dahil alas tres ng hapon ang time ko sa trabaho. Kaya nang sumapit ang alas dos ay humiwalay na ako kay Leila at nag-abang ng jeep pa-cubao.   Tiningnan ko ang laman ng wallet habang naglalakad sa teresa. Sakto pa sa loob ng isang linggo ang pwede kong magastos. Mabuti na lang at pinahiram din ako ni Leila.   "Sa japanese resto na ba ang punta mo?"   Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may tumabi sa akin. Napahinto ako nang makita ang napakapamilyar na mukha.   Bakit nandito ang manager na 'to?   "Huh? Sinasabi mo?" maang-maangan ko at nagpatuloy. Anong naisipan nito at bakit lumapit sa akin? Sinadya kaya niyang pumunta rito o baka nagkataon lang na nandito siya?   Tumawid ako sa kabilang kalsada, ganoon rin siya. "Ano? Bakit sunod ka nang sunod?"   "Hindi mo pa kasi sinasagot ang tanong ko."   Tumingin ako sa oras, may ilang minuto pa ako para makapaghanda. Hapon na rin kasi kaya matatagalan ako nito dahil sa traffic.   "May trabaho ako, next time na lang siguro," sagot ko na para bang hindi naaapektuhan sa nangyayari. Hindi ko kasi mapigilang magulat at mailang. Hindi naman kami ganon ka close at wala akong interes makipagkaibigan sa kanya. "Besides, ang mamahal ng mga pagkain niyo, hindi na ako mayaman para don."   Tumango siya nang dahan-dahan. Nakita ko rin kung paano nagtaas-baba ang adam's niya. Anong meron sa kaniya?   "Napadaan lang ako at nakita ka kaya lumapit na rin ako," wika niya. Tumingin ako sa kaliwa at nang makitang may jeep na ay mabilis akong pumara.   Napatingin ako sa kanya bago ako tumapak papasok sa jeep. "K-kung ganon, 'wag mo pa ring kalimutan bumalik sa resto."   Tumaas ang kilay ko, shempre kapag nagkapera na ako.   "Okay."   "Bababaan ko ang presyo para sa'yo," dagdag niya bago ako tuluyang maupo sa loob at gulat sa mga huli niyang sinabi.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD