CHAPTER 10:#Transfer

1194 Words
Mac’s POV; . Maaga akong papasok ngayon dahil ito ang first day ko sa aking bagong school.Naalala ko kahapon nung nagsabi ako sa kay mama na magpapalipat ako sa malapit na school sa aming lugar.............. . ******FlashBack****** . Pagdating ko galing sa school ay hinanap ko agad si mama. ‘pa.....nasan si Mama.?...’tanong ko kay papa. ‘Pauwi nadin yun.....may binibili lang....’sagot agad ni papa. Kaya naisipan ko na lang na intayin ko na lang si Mama,kaya umupo na lang ako sa aming sofa. Pagdating ni Mama ay tumayo kaagad ako at lumapit sa kaniya. ‘Ma.....pwede po batayong mag-usap??....’sabi ko na medyo kinakabahan. Pinabuhat muna ni mama sa akin ang binili niyang mga rekado at manok para sa iluluto niyang ulam mamayang hapunan. Pagkalagay ko ng mga rekado at manok sa ref ay lumapit ulit ako sa aking mama. ‘Ohhh.....anong sasabihin mo.?’curious na tanong ni Mama. ‘Ma.....pwede bang lumipat na lang akong.....eskwelahan??....’nag-aalangan ko pang sabi. ‘Anong problema....may nangyari ba sayo sa school..?’nag-aalalang tanong nito sa akin. ‘Ohhh...wag mong sabihin na kaya kalilipat ay dahil kay Kylie....’sabi ni mama. ‘Ma...wala...walang nangyari..at lalong lalo na hindi dahil kay Kylie.....kaya gusto kong lumipat ay dahil una...malayo ang pinapasukan ko....pangalawa.....wala akong kakilala.....at pangatlo......magastos lang pag sa private......’mahabang paliwanag ko. Pumayag naman agad si Mama,tumawag kaagad si Mama sa principal sa aming eskwelahan sa BCC para makuha ang pahintulot na lumipat ako. Sumang-ayon naman ang aming principal at pinirmahan yung aking card kung saan nakalagay dito ang pagsang-ayon nila sa paglipat ko. Ipapadala na lang daw ng aming principal yung card mamayang gabi. . Kinagabihan habang kami ay kumakain......... . ‘Tao.....po.!!’sabi ng nasa labas. ‘Ako na.....’sabi ni mama at akmang tatayo na pero pinigilan ko. ‘Ma....ako na...tapusin niyo na lang po ang pagkain niyo...’sabi ko at tumango na lang si mama. Paglabas ko ay na kita ko ang isang lalaki na may hawak hawak na isang papel. ‘Ahhhh....ito po ba ang bahay ni Mrs. Jenny Gil??....’tanong nito. ‘ahh...opo dito nga po.mama ko po siya....bakit po?’magalang kong sabi. ‘Hetoh po ang pinabibigay ni Mrs.Principal.....sa mama mo.......’sabi nito at iniabot yung papel na kanina pa niya hawak. ‘Salamat po.......’sabi ko at pumasok na ako sa aming bahay. Pagkadating ko sa aming hapag kainan ay lumapit kaagad ako sa aking Mama. ‘Ma....hetoh po yung card para makalipat na ako sa bago kong school....’sabi ko ng may ngiti. Napatingin naman sa akin ang panganay kong kapatid na si Kuya Vince at ang pangalawa na aking kapatid na si Ate Nicole at pati Narin si Papa. ‘Lilipat na si Mac sa ibang school?...’.tanong ni Papa kay Mama. ‘Abay oo daw sabi nitong anak mo......’sabi naman ni mama. ‘Sigurado ka na ba diyan anak...Saan bang school yan?’tanong ni papa sa akin. ‘Opo.....papa...para bawas nadin sa gastos sa pang araw-araw.....at para malapit na din po sa ating lugar ay lumipat ako sa isang public school pa........’sabi ko na lang. Ako kasi ang tao na kahit may mataas kaming katayuan sa buhay at maganda ang trabaho ng mga magulang ko ay gusto ko laging magtipid. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon at ng pagkain namin ng hapunan ay pumasok na ako sa aking silid at natulog ng mahimbing......... . *******EndOfFlashBack******* . Hayyyy sa haba ng kwento ko ay sa wakas nakapagbihis na ako wala pa akong uniform dahil bago lang ako lilipat. Tinawag na ako ni Mama dahil ang maghahatid daw sa amin ay ang Kuya ko dahil wala itong pasok ngayon. At ang isa pang dahilan kung bakit ako lumipat sa school nila Niel ay para makausap si Kylie upang kami ay mag kaayos. . . . Pagkadating namin sa sakayan ay nakita na namin si Kuya na nag-aantay at nakita kong maraming estudyante ang nag-aantay sa mga motor na sasakyan nila.Ang iba naman ay nakatigin lang sa akin. Sumakay na kami ni Mama sa Motor na idradrive ni kuya at tinahak namin ang daan patungo sa bago kong school. - - - Niel’s POV: . Paggising ko ay bumili ako ng lugaw sa isang tindahan.Pagkatapos kong kainin iyon ay lumabas ako sa barong baron na bahay na nakota ko kagabi. Naghanap ako ng mapapaliguan at sa tabing daan ay may nakita akong poso kaya naisipan ko na lang dun maligo. Pagkatapos ko maligo ay bumalik ako sa bahay na tinuluyan ko para duon na din magbihis. . *****FastForward***** . Pagkapasok ko sa bahay nina Kylie ay niyaya ko na agad siya kahit pa kinakabahan ako sa pagpasok ko ngayong araw dahil alam niyo na yung nangyare nung isang araw. Habang kami ay naglalakad papuntang sakayan ay kinausap ko si Kylie tungkol kay Mac. “Balita ko nagbreak kayo ni Mac....bakit nga pala kayo nagbreak??”tanong ko sa kaniya. “Wala....parang ano....wala na akong nararamdaman sa kaniya...”sabi niya na parang nauutal. “Alam mo nakausap ko siya.....nung nagbreak kayo....”sabi ko. “Anong sabi....”-Kylie. “Sabi niya hindi daw niya kaya kung mawawala ka sa buhay niya.....at mahal na mahal ka niya.....pinilit niya nga akong kausapin ka para maayos daw kayo...”mahabang sabi ko. Hindi na siya nagsalita sa mga sinabi ko at na ngauna na sa paglalakad. . . . Pagkadating namin ni Kylie sa may sakayan ay nakita ko si Mac na naglalakad papunta sa isang lalaki na nakasakay sa motor. “Di ba si Mac yun.....”sabi ko at tinuro ko kung saan banda “Saan naman kaya papunta yun at bakit kasama pa mama niya??”bulong ko pero sinadya kong iparinig kay Kylie lang. “Ewan ko.....”sabi niya at tumawag na ng sasakyan namin. Pagkasakay namin sa motor ay ramdam ko may mga kaklase akong nakatingin sa akin at yung iba din dahil alam ko sa school namin ay maraming tsismosa kabilang din dun ang ibang teacher namin. . . . Pagpasok ko sa aming classroom ay nakatungo ako dahil alam kong nakatingin sa akin ang aking mga kaklase.Umupo na kami ni Kylie sa sarili naming upuan buti na lang wala pa ang pinakasusuklaman kong itinuring kong kaibigan na si Ian. . . Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang adviser namin na si Mrs.Ditablan ay tumahimik na ang iba kong mga kaklase at nag siayos na ng upo. “Okay Class......bago ako magsimula ng lesson natin ngayon ay may bago kayong makakasama araw-araw....”.Pagkasabi ni Ma'am noon ay lumingon siya sa labas ng pintuan. “Halika....pumasok ka...”sabi ni Ma'am. Pumasok ang lalaki ng may ngiti sa labi at ako’y nagulat ng malaman kong ito ay walang iba kundi si Mac.Tumingin ako kay Kylie at lansin ko sa kaniyang mukha ay nagulat din siya.Habang ang ibang babaeng classmates ko ay mga kinikilig pa. Tumayo siya ng tuwid sa unahan sa kalapit ni Ma'am. “Okay....introduce yourself... ”-Ma’am. “Ahhmm....my name is Mac Gil....and I’am 16 yrs old....”sabi niya at nagbow. “okay...maghanap ka na ng iyong mauupuan.....”sabi ni Ma’am. Tumingin sa akin si Mac at nakitang walang nakaupo sa tabi ko.Kaya lumapit siya at inilagay ang gamit niya sa kay Ian na upuan.At umupo na..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD