Ian's POV:
.
Nang makita ko ulit siya ay parang naging sariwa na naman ang mga sugat sa puso ko na akala ko ay magaling na.Pero hindi papala kaya ngayon lumuluha na naman ako.....................
.
*****FLASH*BACK*****
.
8 YEARS OLD IAN.........
.
Habang ako ay naglalaro sa sala namin ay parang may naririnig akong sigawan sa loob ng kwarto nila mama at papa.Nagtungo naman agad ako at nakita kong bukas ng kaunti ang pinto.Kaya marahan akong sumilip doon.Nakita kong nag-aaway na naman sila mama at papa.
‘Ba’t ba napakakulit mo wala nga akong babae!!!.....’-sabi ni papa na parang naiirita na dahil sa paulit-ulit na sinasabi ni mama na may babae si papa.
‘Ayyy.....pano mo ipapaliwanag......na lagi kang hatinggabi umuuwe at....alam mo ba na lagi kong naaamoy yung mga damit mo na amoy pabango ng babae!!!......’-sabi ni Mama na parang luluha na.
‘Alam.....mo kung ganyan ka lagi maghiwalay na lang tayo.....!!’nagulat naman ako sa sinabi ni papa.Kaya dahilan para mabuksan ng husto ang pintuan.Napabaling naman sila sa aking kinatatayuan.
‘Anak....?’sabay nilang sabi dahilan para rin sila ay mapatigil sa pagtatalo.Iyak padin ako ng iyak habang nakatingin sila sakin.
‘Maghihiwalay kayo?.....pano na ako....’sabi ko habang umiiyak lalapit na sana sa akin sila pero tumakbo na ako sa kwarto at inilock ang pinto.
Katok parin sila ng katok at tawag pero diko sila pinakinggan iyak padin ako ng iyak.....
‘baby.....buksan mo na ang pinto...mag-usap tayo....at tsaka yung narinig mo??...hindi totoo yon hindi kami maghihiwalay ng Mama mo...’-sabi ni papa na may halong paglalambing.
‘talaga.....’sabi ko habang humihikbi.
‘Oo naman....’sabi ni papa kaya binuksan ko na ang pinto.
Kinausap ako nila papa at mama.At sinabi ko rin na tabi na kaming tatlo sa pagtulog.Masaya naman kami nila mama at papa na magkakalapit at sinabi ko na wag na silang mag-away.Nakatulog narin ako ng mahimbing.
.
Pero makalipas ang ISANG ARAW........
.
Malapit na ako saming bahay galing sa school ay sa labas palang ng bahay namin naririnig ko na ang iyak ni Mama.
Pagbukas ko ng aming pintuan ay nakita ko si Mama na nakakapit sa paanan ni Papa habang nakadapa na halos hindi na makalakad si papa.At doon ako ay umiyak at lumapit sa kanila.
‘Ma....Pa....’bungad ko sa kanila.
Kinuha ako ni Mama at niyakap.
‘Baby.....iiwan na tayo ni papa....hindi na niya tayo mahal....’humihikbing sa bi ni mama habang yakap yakap niya ako.
‘Nak......hindi totoo yan.....mahal kita isasama kita....’depensa ni papa.
‘Kung mahal mo ako....bakit mo ako iiwan at si mama....’lumuluha kong sabi.
Sa sinabi kong iyon ay hindi na siya nagsalita at binuhat ang kaniyang mga gamit at lumabas na sa pinto.Lumabas ako at hinabol siya.Pagkalapit ko sa kaniya ay niyakap ko siya.
‘Paaaaaa........wag ka na umalis.....’hagulgol na iyak ko pagkasabi ko.
Hindi na naman nagsalita si Papa pero ramdam ko na kahit nakatalikod siya alam kong lumuluha siya.Sabay dating ni Mama at niyapos niya ako.Pero ako pinipigilan kong makawala sa yakap ni Mama para habulin si papa.
Nararamdaman ko rin ang mga luha ni mama na gumuguho sa balikat ko na halos ikabasa na ng uniform ko.
At iyon ang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko na nung araw na iyon ay nawala ang papa ko............
.
*****ENDOFflasHBACK*****
.
Pagkatapos ng alaala kong iyun ay hetoh ako ngayon nakatitig parin sa kaniya habang ako ay lumuluha.Pero pano siya nagkaanak ng halos kaidad ko.
‘Ano toh...matagal na pala niloloko ni Papa si Mama kahit nung wala pa ako?...’tanong ko sa isip.
Aakyat na sana ako papuntang kwarto ko pero tinawag niya ako.
“Anak......maaari ba tayong mag-usap??”sabi nito na parang kinakabahan.
Lumapit naman ako dito pero hindi ako sumagot.
Niyaya naman niya ako na sa kwarto ko na lang daw kami mag-usap a
dahil baka marinig ng kapatid ko daw.
Pagkapasok naming dalawa ay diniretsa ko na agad siya kung ano ang pag-uusapan namin.
“Ohhhh... Ano na paguusapan natin.....”.sarkastikong tanong rito.
“sorry.....”pagpapaumanhin niya.
“Yan lang.....”sabi ko at umismid.
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.
“Nak....sorry kung iniwan at sinaktan ko kayo......”sabi ni papa at napansin kong may namumuo ng luha sa mata niya.At sabay hila ko sa aking braso para tanggalin ang pagkakapit niya.
“Hmmm.....sa tingin mo mababalik pa ng sorry mo ang sinira mong buhay namin??...Na kaya ikaw ang dahilan kung bakit umalis si Mama para magtrabaho sa ibang bansa at iwan ako.?....ikaw lahat ang may kasalanan....pa......ikaw!!!..”mahaba pero madiin na sabi ko dito.
“At.....bakit may kapatid ako na halos kaidad....ko pa...so ano yun....matagal mo ng niloloko si mama kahit nung wala pa ako??..”tanong ko rito.
Sasagutin na niya sana ang tanong ko pero hindi ko na pinasimulan.Lumabas ako sa aking kwarto at naiwan si Papa sa loob.
Nakita ko pa sa sala ang stepbrother ko pero hindi na ako pumunta dun para ito ay kausapin.Lumabas na ako sa aming bahay at gusto kong mapag-isa dahil wala na naman akong pupuntahan na kaibigan dahil tinraydor nila ako.
Hindi ko pa sila nakakausap kung sino ang may pakana sa pag dikit ng picture namin ni Niel sa blackboard dahil ang alam ko kami lang ang merong kuha nito.
-
-
-
Niel’s POV:
.
Pagkadating ko sa may kina Kylie galing sa bayan ay pagod na pagod ako.Buti na lang may napasukan ako doon kahit magaan na trabaho lang.Kagaya ng pag-uurong sa isang karinderya buti na lang din at may mapambabaon ako bukas sa school.
“Okay ka naba....?..”tanong sakin ni kylie.
Tumango na lang ako.
“Nako bes kung kailangan mo ng tulong ha nadito lang ako....”-Kylie.
“salamat ha.......”sabi ko na lang kay Kylie.
Naalala ko naman ang uniform ko,gamit at bag nasa bahay nga pala.Kailangan ko iyon kunin mamayang gabi.
.
.
.
Pagsapit ng hating gabi ay umuwi ako sa amin.Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong tulog na sila kaya pumasok ako ng dahan dahan.Pagkapasok ko ay kinuha ko agad ang uniform ko at kaunting damit para pamalit at inilagay ko sa aking bag.Isasakbat ko na sana ang aking bag at tatayo ng may narinjg akong boses
“Anak......”pabulong pero ramdam ko ang kaniyang pag-aalala.Humarap ako sa kaniya at nakita kong may namumuong luha sa kaniyang mga mata.Tumayo siya ng dahan dahan at niyakap niya ko ng maghigpit.
“Nak.....umuwi ka na....”sabi ni nanay habang lumuluha ang kaniyang mga mata.
“Nay....ibig sabihin ba niyan tanggap niyo na ako...?”hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko at tuluyan ng gumuho sa mga pisngi ko.
Tumango naman ang nanay ko,at lalo akong nasiyahan sa sinabi niya.
“Pero nay....alam mo namang hindi ako tanggap ni tatay kaya....hindi ako pwedeng tumira dito.....at baka magising pa si tatay pag nagtagal pa ako dito”
Pagkasabi kong iyon ay umalis na ako at dinala ko na ang aking gamit.Pero nag-iwan ako ng napakahigpit na yakap sa kaniya at sa kiss sa noo sa aking bunsong kapatid.
Habang ako ay naglalakad ay nakalutang ang aking isipan sa sinabi ni nanay na tanggap na niya ako.At di ko alam may tumulo na palang luha sa mata ko sa sobrang kasiyahan.Habang ako ay naglalakad may ay naalala ko nga pala na wala akong matutulugan.
Pero habang tinatahak ko ang daan ay may nakita akong barong-barong na halatang walang nakatira.Pumasok ako dito at mukha naman itong malinis.Kaya napagpasyahan ko ng dito na lang matulog...........