Delivery

1140 Words
Sabado ngayon ng umaga at walang pasok.Halos ilang beses pa akong napa-unat ng katawan sa sobrang sarap ng tulog ko.Masasabi kong sleeping is my favorite thing to do dahil kahit pa napakarami kong iniisip sa buhay ay nagagawa ko pa ring makatulog ng maayos.And that's a talent hahahaha! Ngiting-ngiti akong bumaba mula sa kwarto namin ni Athena at agad ko itong hinanap dahil hindi ko ito nakita nang magising ako. Ngunit tanging si Tita Teza lamang at tito Marco ang naabutan ko. “Oh Rafa gising ka na pala anak.Pumasok ka na ulit sa bahay. May almusal akong tinira para sayo.Sya nga pala, maagang umalis si Athena para daw sa group thesis nila.Kanina ka pa raw n'ya ginigising panay hilik mo.” Saad ni Tita Teza. “Ho? naku Tita pasensya na kayo medyo napasarap ata tulog ko.” Paliwanag ko habang natatawa. “Naku hayaan mo na.Hala sige na at mag almusal ka na roon.” Utos nito. “Opo Tita.” Akma akong papasok na sa bahay mula sa maliit na chicken Wing Shop na pinamamahalaan ng pamilya ni Athena nang marinig ko ang sinabi ni Tita Teza. “Alam mo sabihan mo yang anak mo Marco ha! malapit ko na yang elbow-hin.Aba'y alam ng marami tayong dapat ideliver tapos inuna ang pakikipag date sa mga babae? Anong gagawin natin sa mga orders?” Tanong ni Tita na agad kong ikinatigil at ikina-ngiti. “Titaaaaa... ako na lang mag dedeliver!” Ngiting sabi ko rito.Hindi na ito bago pa sa'kin dahil sa kahit na sa mansyon pa lamang ako nakatira ay sa t'wing pupuntahan ko si Athena at dadalawin ay madalas kong tulungan ito sa pag dedeliver.Hindi na rin kasi iba ang trato ko sakanila dahil parang pamilya ko na rin ang mga ito at dito lamang ako nakakaramdam ng isang simple pero masayang pamilya. “Naku hulog ka talaga ng Langit Rafa!” “Syempre naman po! saglit lang po pag katapos ko mag almusal gora na ako sa pag deliver.” Saad ko na ikina-ngiti ng mga ito. “Oh s'ya sige sige.” Patakbo kong tinungo ang kusina ng bahay upang mag madaling kumain at wala pa ngang kalahating oras ay naka-kain na ako at nakaligo na rin.Matapos kong mai blower ang aking malambot na buhok ay dali akong bumaba upang makapag simula ng makapag deliver ng mga chicken wings.Kasalukuyan akong naka-suot ng crop top shirt at cargo pants naman para sa aking pang ibaba.Litaw naman ng bahagya ang aking maputing tiyan at belly piercing na s'yang nagpa enhance lalo sa curve ng aking beywang.Habang ang aking buhok naman na long bob ang style na umabot hanggang sa balikat ay hinayaan ko lamang na naka-lugay. “Eto na ba to lahat Tita?” Malakas na sigaw ko mula sa labas ng Shop habang isinusuot ang aking helmet. “Oo anak.Aba'y sigurado ka ba na kaya mong ideliver ang lahat ng yan sa loob ng isang oras? baka mahirapan ka Rafa! alam mo nang gigigil talaga ako dito sa kapatid ni Athena eh naturingang panganay tapos pabigat lang sa buhay!” Daldal nito sa daan. “Tita wag na po kayong magalit.Sige kayo baka mamaya tumaas ang highblood pressure n'yo.” Sambit ko. “Sige na po Tita Teza alis na ako.” “Oh s'ya mag ingat Rafa ha!” “Opo!” Sigaw ko habang pinapatakbo ang motor. Nang makalagpas na ako sa shop ay mabilis kong pinaharurot ang pang deliver na motor nina Tito Marco. “Tinang's chicken wings delivery!” “Thank you for your order!” “Tinang 's chicken wings delivery!” “Thank you for your ordeeer!” Mabilis kong natapos na ideliver ang mga order na manok.Sa sampung box na dala-dala ko ay isa na lamang ang natitira.Agad kong pinagmasdan ang address sa resibo at nagulat pa ako ng ang naka link na address dito ay White Plains.Ilang beses kong dinoble check ito at hindi nga ako nag kamali ng tingin.Metrogate estate nga ito at ang good news,mas malapit ito at sa bungad lamang mula sa Guard house kumpara sa mansyon namin na ilang kilometro pa ang layo. “Keribels yan!” Sambit ko. “Tinang's Chicken Wings delivery!” Sigaw ko. “Tinang's Chicken Wings delivery!” Sigaw kong muli at makailang ulit na pinindot ang buton ng doorbell. Hays! bwiset naman may pa note note pang bawal ma late tapos siya tong ang kupad kupad mag recieve ng order. Mabilis akong lumayo sa gate ng wala pa ring nag bubukas at sumasagot sa loob. Dali kong tinanggal ang aking helmet at hinubad ang aking jacket dahil nag uumpisa na akong mamawis. Hays! ang init talaga dito sa pinas! hoy! Is this my order? Tanong ng lalaki mula sa aking likuran.Humugot ako ng malalim na hininga upang magkaroon ng mahabang pasensya.I composed myself and did all my best to give the costumer my sweetest smile ngunit halos takasan ako ng bait nang mapag tanto ko kung sino ang lalaki sa aking harapan.Kapwa kami napa awang ang labi nang mag tagpo ang aming mga mata.Halos mataranta ako at may pag mamadaling inabot ang box ng wings sakanya kasama ang resibo. Seryoso ang titig na ipinupukol nito sa akin .Mula sa mukha ay bumaba ang mga mata nito patungo sa aking katawan pababa sa aking mga paa.Dali naman akong tumalikod rito at akmang sasakay na sa motor nang muli ako nitong tawagin. Rafael ... Tawag sa akin ni Asher.Agad ko itong nilingon at titig na titig ito sa aking mga mata. Rafae...la. Mabilis na kumabog ang aking dibdib ng banggitin nito ang aking pangalan. No there's no way he would find out that rafael and i are the same person only.Babaeng babae kaya ang itsura ko ngayon.Malayong malayo kay Rafael.Tama self, don't be paranoid. Wika ko sa aking isipan habang kapwa kami nakatitig sa isa't isa. Rafaela is that your name? tanong nito habang hawak hawak ang resibo. Yes Sir. Have we met before? Tanong nito na bahagyang itinagilid ang kanyang ulo. No sir, i haven't seen you yet ngayon lang po. Seryosong tugon ko. You sure? Yes sir.Mauna na po ako thank you for your order. Nagmamadali akong sumakay sa motor upang umalis nang muli ako nitong tawagin. Rafael.... Agad akong napalingon dito at seryosong seryoso pa rin itong nakatitig sa akin. Yes sir? Halos dumoble ang aking kaba ng unti unti itong lumakad papa-lapit sa akin habang seryosong seryoso na nakatitig pa rin sa aking mga mata. Aren't you gonna ask for payment? Seryosong saad nito na hindi maalis ang titig sa aking mga mata. Ah pasensya na sir.Thank you for being honest. Mabilis kong hinablot sa kamay nito ang bayad at agad na umalis.Mula sa aking side mirror ay kitang kita ko pa rin ang seryosong pag titig nito sa akin. Tsk.Muntik na ko dun ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD