Dwight? what the hell are you doing?
Ikaw? ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? He's just a new student here and rafael doesn't know anything about your group.
Tugon ni Dwight habang malamig na nakatitig dito.
That's why i wan't him to know who i am! that no one dare to messes with me because i am the princess here!!! and you! isa ka pa Asher! kailan ka pa nangialam sa mga ganitong bagay? You never done this before! and you guys are breaking the rules!!!!
He's my friend audrey.And he's now a member of my group.Ewan ko lang dito kay dwight na kasabay ko ring sumugod.
Saad ni Asher na mabilis ang mga brasong lumapat sa aking balikat habang pasarkastikong nakangiti sa nang gagalaiting si Audrey habang si Dwight naman ay madilim ang mukhang nakatitig kay Asher.
So tell me Dwight what are you doing here? bakit kailangan mong mangialam sa kung ano ang ginagawa ng grupo namin? nakakagulat lang na bigla kang nagkaroon ng simpatya sa mga katulad nya samantalang halos wala ka namang pakialam kung may bugbugin kami dito dahil may sariling mundo ka.
Sambit ni Audrey habang mariing nakahalukipkip ang mga braso.
Stop this non sense audrey.You and your group have been doing this for along time.Aren't you get tired being such a brat? you're being unreasonable.
Wow haha! so now you're acting like you're all grown up now? what about the boy who was crying in front of me because i rejected him 3 years ago?
Painsultong sambit ni Audrey dito habang may ngiting hindi malaman kung nang-aakit ba o nanunuya.
“You already said it to yourself audrey. It's been three years already and yet you're still into it? I already moved on and here you are keep bringing this issue repeatedly.Don't tell me gusto mo na ako ngayon?”
Tamad na sambit ni Dwight habang pabuntong hiningang nilingon ito ng nakapamulsa.
“Hays, ano to ungkatan ng past? bahala kayong mag dramahan d'yan.”
Sambit ni Asher at mabilis na tumalikod papaalis habang naiwan naman akong nakatunganga sa harapan ng dalawa.Mabilis naman ding tinalikuran ni Dwight si Audrey nang hindi na muli itong naka-imik sa tanong niya.
“Kung sabihin kong oo! gusto na kita!”
Agad na napahinto sa paghakbang paalis si Dwight nang marinig ang sinabi ni Audrey.
“Then forget about it.Liking you for the past three years is the most horrible thing i have done in my life.”
Tila ikinagulat ni Audrey at nang lahat ng mga estudyanteng nakarinig ang sinabi ni Dwight.
“Did i heard it right? Audrey the brat princess just got rejected by Dwight Lagman.”
“Well she deserves it karma n'ya yan sa pang ba-basted sa isang Dwight Lagman.”
“Ano ba naman kayo? have you guys forgotten his looks three years ago? isa s'yang lampa na nerd.His mom was a mistress.But his life was changed when his biological father found him that actually turns out to be Ramon Crisologo Lagman.One of the richest man in the Philippines.At balita ko, since hindi sila nagkaroon ng anak ng first wife ng kanyang ama, it was later on daclared to the public that Dwight Lagman is the sole heir of Lagman's Empire.At nang mamatay itong first wife ni Ramon Crisologo ay pinakasalan agad ang nanay nya para maging isang legitimate child sya.”
“Ohhh grabe pala! napakayaman pala nitong si Dwight!”
Yeah, hindi lang basta mayaman kundi sobrang yaman.But you can't blame audrey for rejecting him.Kung nakita nyo lang yung itsura ni Dwight noon na Lampa, payatot, naka salamin ng makapal naka butterfly ang buhok, sigurado akong hindi n'yo rin sya magugustuhan.”
“But look at him now after Audrey rejected him .Ginulat n'ya ang lahat sa bagong looks n'ya.Macho, wala ng makapal na salamin, wala ng bakal sa ngipin at higit sa lahat yummmmmy!”
Sambit ng isa sa mga babae.
“Pwede ba tumigil kayo sa pag chi-chismisan o tatamaan kayo pare-parehas d'yan?”
Sigaw ni Audrey na ikinatahimik ng mga ito ngunit kakaibang ngisi naman ang sumilay sakanya habang mariing pinag mamasdan ang naglalakad na si Dwight.
“He changed himself because i rejected him.Im only giving him space because i know that he's still in love with me.Im only waiting for him to take courage.At alam kong bibigay din yan at mag mamakaawang muli na sagutin ko s'ya.”
Puno ng kumpyansang sambit ni Audrey.
Samantala,
Dali naman akong umalis at sumunod kina Dwight at Asher.
Sandali!
Sigaw ko sa mga ito ngunit patuloy lang ang dalawa sa pag lalakad.
Sandali!
Takbo ko hanggang sa mapantayan ko na ang paglalakad ni Dwight.Seryoso lamang itong nag lalakad ng hindi man lang ako binibigyang pansin.
Gusto ko sanang mag pasalamat tungkol kani...
“Kung iniisip mong ginawa ko 'yon para sayo ay nagkakamali ka.”
Masungit na tugon nito.Agad naman akong naubusan ng sasabihin sa naging tugon nito at di kalauna'y mabilis na naglakad ito at naiwan akong nakatunganga.
“Ano na realize mo na ba kung ano ang pwedeng mangyari sayo dito sa University kung walang katulad ko ang poprotekta sayo?”
Sulpot ni Asher habang mariin na naka-akbay sa'kin na ngayon ay sumisipsip ng lollipop.
“Alam mo, kung ikaw lang rin naman ang poprotekta sa'kin baka wag na lang.Baka mamaya imbis na proteksyon ang mabigay mo ay kapahamakan pa.”
Tamad na tugon ko rito at mabilis na sumakay at pinaandar ang aking motor .
“Ano sabi mo? ikaw...”
Hindi makapaniwalang sabi nito bago ako umalis at pinaharurot ang motor.
*
Ano??????
Malakas na sambit ni Athena.
“Naku rafa ha, unang araw mo pa lang ang sa University ninyo ang dami dami ng nangyari and worst nakakuha ka agad ng kaaway.Tell may mas lalala pa ba bukod sa naka-kuha ka ng kaaway?”
Meron.
Anooooo? bwiseeeet ka talaga!
Araaaaay!
Sigaw nito at malakas na hinampas ang aking braso.
At ano na namang mas malala na nangyari bukod doon.
Iritadong tanong nito.
Yung dalawang lalaki na kinukwento ko sayo na na-meet ko sa convinience store noon naalala mo ba?
Tanong ko.
Oo, sila ba yung pumapasok rin sa kaparehas na University na pinapasukan mo ngayon?
Oo at hindi lang kami schoolmate, magkaka-klase pa kaming tatlo!!!!
Sambit ko habang marahas na humiga sa kama.
Anooooo?
Sigaw nito.
My life is so messed up Athena.
Saad ko.