We've got your back!

2056 Words
Kasalukuyan akong nasa cafeteria ngayon at matiwasay na kumakain ng pananghalian.Mas pinili kong umupo sa pwestong hindi gaano exposed sa mga kapwa ko estudyante.Maya maya pa'y may isang babaeng estudyante ang lumapit sa'kin at inilapat ang kanyang kamay na may kalakip na papel.Mariin kong tinitigan ang kamay nitong may hawak hawak na sulat at dahan dahang tinitigan ito sakanyang mukha.Hindi naman sa nang lalait ako.I love girls specially those girls na mababait but this girl standing beside me, eh ang dating ng kanyang mukha ay sa pang comedy.Singkit ang mata,malaki ang cheek bone may malapad na gums kaysa sa ngipin sa tuwing ngingiti at higit sa lahat matambok ang pisngi. Agad kong inabot ang sulat mula sa mga kamay nito at halos naibuga ko ang durog durog na karne na may kasamang kanin nang bigla ako nitong kindatan habang naka-awang ang mga labi. Jeez, sabi ko na nga ba komedyante ang isang to! Habang binubuklat ang papel ay dali kong inabot ang tubig upang alisin ang aking samid na sumabit sa aking lalamunan ngunit wala pa sa kalahati ang na iinom kong tubig ng muli ko itong maibuga. I Love You 143 beh! Dali akong napatayo sa aking upuan at mabilis na pinagpagan ang aking pantalon ng bahagya itong mabasa. La Fotah anong 143? Sambit ko habang hindi nakapaniwalang tinititigan ang sulat.Agad akong napalingon sa kabilang lamesa kung saan naka upo ang babaeng nag abot sa'kin nitong sulat.Naka cross legs ito na halatang dinidisplay ang kanyang pata na tila nang aakit habang tinitipon ang kanyang mga buhok sa likod ng kanyang tenga gamit ang kanyang mala-siopao na kamay. Oh God bakit may baliw dito? Nangingiwing titig ko dito habang kinakamot ang ulo. Pinilit kong magpatuloy sa aking pagkain kahit pa umaaligid -aligid ang babaeng kamukha ni Dambo.Saglit naman akong natigilan ng dumating si Asher at sinipa ang aking upuan habang may nakaka-inis na ngiti. Hoy pogi. Sambit nito ngunit sandali ko lamang itong tinitinigan at agad ko rin naman itong binaliwala at nag patuloy sa pag subo muli ng aking pagkain.Muli akong natigilan ng sipain muli nito ang inuupuan kong upuan.Iritado kong ibinagsak ang kutsara sa lamesa at mapanganib itong tinitigan. Ngunit tila bali-wala lamang ito sakanya dahil nag mamadali pa itong umupo sa aking tabi. Ipinatong nito ang kanyang siko sa lamesa habang patagilid na isinandal ang kanyang ulo sakanyang kamay. May offer ako sayo. Wika nito habang seryoso ko itong tinitinigan. Simula ngayon miyembro ka na ng grupo ko. Sambit nito ng may malapad na ngiti ngunit agad itong natigilan. Wala akong interes.Iba na lang alukin mo. Tugon ko Wooooah! boss tinatanggihan ka oh! Agad itong napailing na tila nag pipigil dahil sa pagka-pahiya. Hindi mo alam kung anong tinatanggihan mo.Pag naging isa ka sa miyembro ng grupo ko walang pwedeng makagalaw sayo.Rerespetuhin ka ng iba katulad ng respeto na ibinibigay nila sa'kin.Higit sa lahat katatakutan ka. Bulong nito habang maangas na nakangiti sa'kin. Tila nag laho ang angas nito nang akbayan ko ito at ilapit ang aking bibig malapit sakanyang tenga at binulungan itong .. Ayoko periodt. Mahinang bulong ko.Seryoso ko itong tinitigan ng may kakaibang ngiti sa aking labi.Bigla ay nakaramdam na lamang ako ng pagka-ilang nang masilayan ko kung paano ito nag baba ng tingin sa aking mga labi at seryoso ang mukhang tinitigan ako na tila namumula.Dali akong humiwalay dito at mabilis na iniwan itong naka tanga roon. Boss angas nun ah! tinanggihan ka. Rinig kong bulungan ng mga alipores nito. Habang nag lalakad patungo comfort room ay lumilipad pa rin ang isipan ko sa t'wing maaalala ko ang naging reaksyon ni Asher nang akbayan ko ito.pabaling-baling sa kaliwa't kanan ang aking ulo.Pilit iniisip kung bakit naging ganoon ang reaksyon ni Asher gayong wala namang nakaka-alam sa totoo kong pagka-tao.Naka pamulsa akong nag lalakad at nasa malalim na pag-iisip nang pumasok ako sa comfort room ng mag umpisang mag sigawan ang mga babae at paulanan ako ng suklay, tissue, Lipstick at napkin at kung ano-ano pa.Labis ang aking pag-tataka sa inasal ng mga ito ng mag salita ang isa sa mga estudyante. You pervert! Who gave you the permission to enter Girl's comfort room? just because you are a good looking guy doesn't mean it's fine with us.You're just a new student here and yet you act like a king. Pasensya ka na miss hindi ko kasi nakita sorry. Saad ko. Audrey is right. Maarteng pag sang-ayon ng isang babae na mala-matutina ang style ng buhok.Mariin akong napapikit ng mga mata at napahilot sa bridge ng aking ilong. Hays! stupid rafa! Bulong ko sa aking sarili.Mula sa loob ng comfort room ay puro pangbabato ng sari-saring bagay ang inabot ko.Halos mapasigaw pa ako ng isang mabigat na bagay ang tumama sa'king ulo. Aray! nag sorry na nga ako eto na nga eh aalis na! Sigaw ko sa mga ito habang ang malditang si Audrey ay posturang nakatayo at itinaas pa ang kanyang middle finger.Agad kumulo ang aking dugo sa ipinakitang pag-uugali nito kung kaya't ang bag niyang ibinato sa aking ulo ay mabilis kong pinulot.Mula sa pagkakahalukipkip ng kanyang mga kamay ay agad itong napatayo ng tuwid. He-hey! what are you going to with my branded bag? Heeeyyy! Malakas na sigaw nito.Ngunit binalewala ko lamang ito at walang pakundangang ibinato ang bag nito sa inidoro. Heeeey! Oh my god Audrey! your bag is in the toilet bowl ewwww! Maarteng sigaw ng mga kaibigan nito habang nag tatatalon at nakatakip ang kanilang daliri sa ilong. How dare you? Do you know how much this bag cost? This is a limited edition H3rm3s bag! and they only have 5 effin' pieces of this! Galit na sigaw nito ngunit tanging ngiti lamang ang itinugon ko rito. You're gonna pay for this! you hear me? you're gonna pay for thissss! Galit na sigaw nito habang nakatalikod ko lamang itong kinawayan. This is limited edition H3rm3s beg de ye new hew mech des kest? Ulit na sambit ko sa mga katagang binitawan nito. * Halos pasado ala singko emedya na ng hapon ng matapos ang aming klase.Sari-saring ingay ng mga estudyante ang maririnig mo sa hallway.May kanya-kanyang mundo ang mga ito at kung susumahin mo, halos lahat din ng mga kapwa ko estudyante dito ay may sinabi sa buhay.Sa paraan ng salita, pananamit at tindig pa lamang ng mga ito ay malalaman mo ng may sinabi sa lipunan ang bawat isa rito. Habang tahimik na nag lalakad sa hallway ay saglit akong natigilan nang tatlong kalalakihan ang humarang sa aking daraanan.Seryoso kong tinitigan ang bawat isa sa mga ito habang kapwang nakapamulsa ang aking mga kamay. Anong kailangan n'yo? Sumama ka sa'min. Eh kung ayoko may magagawa ba kayo? Mangas na saad ko. Kung ayaw mo mapipilitan kaming bugbugin ka dito. Sabad ng isang matangkad na lalaki habang maangas na nakangiti.Dali kong in-analisa ang sitwasyon.Agad akong napaisip na maraming estudyante ang maaring madamay dito lalo na ang mga freshmen kung kaya't makahulugan ko lamang tinitigan ang mga ito at di kalauna'y sumunod na ako sa mga ito.Mula sa loob ng Campus ay nakarating kami labas papuntang likuran ng University kung saan ikinagulat ko nang masilayan ko ang mga estudyanteng nag titipon tipon sa tabi. Narito na ang hinihintay mo Raynond! Sigaw ng isa sa mga lalaking sumundo sa'kin sa loob.Unti-unting nag bigay daan ang mga kumpol ng estudyante sa daanan at doon lumitaw ang isang matangkad at maangas na lalaki na ngayon ko pa lamang nakita.Mayabang itong naka ngiti habang nakaupo sa pinag patong patong na gulong malapit sa malaking puno habang hawak hawak ang base ball bat. Balita ko may kasalanan ka. Sambit nito. Kanino naman ako magkakaroon ng kasalanan? ni hindi ko nga kilala ang pagmumukha mo. Maangas ding sambit ko at maya maya pa'y lumitaw ang isang babae na nakahalukipkip habang naglalakad sa aming harapan.Umugong ang bulong bulungan ng mga estudyante habang seryosong seryosong nakatitig sa akin si Audrey. Poor handsome guy.He's just new here.How heartless audrey is! pwede n'ya namang pag bigyan na lang.After all it's just an effin' bag. Well according to the group of audrey mainit daw masyado ang dugo ni Audrey dito sa bagong estudyante. So that's why she asked for back up to these freaking group of his brother? that sucks! Rinig kong bulungan ng mga babae habang tila ngiting aso ang lalaki sa aking harapan.Malalim akong napa-buntong hininga sa sitwasyon na kinakaharap ko ngayon.Nagawi ang aking paningin sa kabilang ibayo at kita ng aking mga mata ang naka ngiti ngunit mababakas ang pagka seryoso sa mukha ni Asher habang nakatitig sa'kin.Agad itong ngumiti sa'kin at pinaningkitan ako ng kanyang mga mata.Nabaling din ang aking paningin kay Dwight na ngayon seryosong nakatayo sa tabi ng poste habang nakapamulsa na tila nag hihintay sa susunod na mangyayari. Sabi ko naman sayo mag babayad ka eh.So ano? nanginginig na ba ang mga tuhod mo sa takot? madali naman akong kausap rafael.Lumuhod ka lang at halikan mo ang bag na 'to na itinapon mo sa inodoro patatawarin na kita. Sambit nito habang tuwang tuwa na inihagis sa aking paahan ang kanyang bag. Go on! kneel down and beg.And don't forget to kiss my effin' bag! Sambit nito habang malakas na nag tatawanan ang mga kagrupo nito. Sis, that's so kind of you! patatawarin mo na lang ng ganun? sayang, uhaw na uhaw pa naman sa dugo itong base ball bat ko. Nakakaasar na halakhak nito. Come on! what are you waiting for????? Sigaw ni Audrey.Dahan dahan akong nag yuko upang abutin ang bag ni Audrey.Mabilis ko itong inabot at ipinusisyon sa aking harapan. Rinig ko ang paghalakhak ng grupo nila audrey habang ang iba naman ay nagpapalakpakan pa habang painsultong nagtatawanan. Mula sa pagkakayuko ay dahan dahan akong lumingon sa pwesto nila Asher at Dwight.Bakas sa mukha ng mga ito ang pagka dis-gusto sa nangyayari.nakita ko pa ang sarkastikong pag buga ng hangin ni Asher ng nakayuko habang si Dwight naman ay matalas ang mga matang nakatitig sa lalaking katabi ni Audrey. Come on! kneel down baby boy! Kiss it kiss it kiss it! Natatawang sigaw ng babaeng mga kaibigan ni Audrey. Guys ano ba? wag n'yo ngang takutin si Rafael.Come on Rafael just kneel down and kiss the bag para matapos na lahat ng 'to. Agad akong nag baba ng tingin sa bag habang naka-pamulsa.Mabilis kong tinapakan ang branded bag na pag mamay-ari ni Audrey “ Bratinela "Colmenares. Gulat na gulat ang mga ito na napatayo pa ng tuwid sa ginawa ko. You! how dare you!!!!! Sigaw nito.Kung kanina ay isang paa lamang ang pinang tapak ko sa bag nito, ngayon naman ay halos sampahan ko na ito gamit ang aking dalawang paa.Salitan kong ikinuskos ang aking dalawang sapatos na tila isa itong basahan.Matapos ko itong pahiran ng sapatos ay mabilis kong sinipa ang bag patungo sa paanan ni Audrey na labis nitong ikina bigla. Kuyaaaa! Sigaw nito. At wala pang ilang segundo ay mabilis na tumayo ang lalaking tinawag ni Audrey na kuya at buong pwersang akmang ihahataw sa akin ang baseball bat nang mabilis pa sa alas kwatro akong umikot sa ere at buong pwersa itong sinipa at wala pa ngang dalawang segundo ay bumagsak ito sa lupa nang masapul ko ito sakanyang mukha. Oh my gosh! Holaaah mamamiya! Hooy hahaha! did you see that? nakunan mo ba ng video? pinatumba n'ya si Raymond! The mighty Raymond Colmenares is crying in pain in just one kick! isn't it cool? Sambit na mga babae at lalaking estudyante.Mabilis na nasalo ng aking kamay ang suntok na padapo pa lamang mula sa aking gilid.Buong lakas kong pinilipit ang mga kamay nito sakanyang likuran at nang may isa pang susugod na miyembro ng mga ito ay mabilis kong ipinang salag ang katawan ng lalaking hawak hawak ko at malakas ang ginawa kong pag back kick dito na s'yang ikina-talsik nito paatras. Tatlo laban sa isa? grabe naman kayo! hindi patas yan! Sambit ko. Muling bumangon ang mga ito at akma muling susugod ng magulantang ako nang mula sa aking mag kabilang gilid ay may dalawang taong sabay na sumulpot at patalon na sumipa sa ere na siyang dahilan upang kapwa ikatalsik ng dalawang miyembro ng grupo ni Audrey. Salitan akong napatitig sa dalawang tao na sa ikalawang pagkakataon ay pinagigitnaan akong muli . Dwight? Asher? Pabulong kong Sambit habang seryoso ang mga itong nakatitig sa mga taong naka handusay sa semento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD