Indiscribable Feeling

1107 Words
Mula sa malalim na pag tulog ay nakaramdam ako na tila may bumabato sa akin.At nang iangat ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko sa desk ay nakita ko ang tatlong kumpol ng papel na nasa aking paanan.Nang lingunin ko kung saan ito nag mumula ay agad kumulo ang aking dugo ng masilayan ko ang ngiting aso ni Asher.Malamig ko itong tinitinigan na tila ano mang oras ay susugurin ko na ito upang bigyan ng isang malakas na sipa ngunit agad naagaw ang aking atensyon ng sumigaw ang babaeng matanda sa aming harapan. “Hey! the new transferred student.Stand up!” Utos ng babae na siguradong isa sa mga professor namin. Agad na napatakip ng kanyang bibig si Asher habang tila nang aasar itong tumatawa sa akin. “Yari ka! ang sungit n'yang si Beth Logan.Di ka patatahimikin n'yan hanggang matapos ang taon dahil araw-araw ang regla n'yan.” Palihim na bulong nito habang natatawa. “Mr. Mark Asher stand up!" Sigaw muli ng aming Propesor.Tila labis naman ang pagka-gulat nito ng tawagin din ang kanyang pangalan.Mabilis itong napalunok at bakas pa ang pag bakat ng kanyang Adam's apple sa kanyang leeg.Kahit pa mukhang sira ulo ang isang to ay hindi ko maitatanggi ang taglay na kagwapuhan nito.Mula sakanyang makapal na kilay, matangos na ilong, ang kanyang mga mata na kulay brown at ang mga labi nito na namumula, ay ang siyang mga katangian ng isang lalaki na s'yang nag papa baliw sa mga babae. “Mr.Asher!” “Yes ma'am.” Kindly explain what does k******e means? Ma'am China ma'am. Sagot nito na kumakamot sakanyang ulo.Malakas namang nag tawanan ang kapwa naming etudyante dahil sa sagot nito. China pala ha? Kailan mo pa na discover yan at napaka galing mo? Tanong ng propesor. Ngayon lang ma'am.Nakapag basa naman kasi ako ma'am. Kumpyansang ngiti nito habang mayabang na tumitig sa akin. You can take your seat now Mr.Mark Asher. Thanks ma'am. Mayabang na ngiti nito sa akin. Dahil magaling Mr.Mark Asher ay bibigyan kita ng gradong kwatro. Wika ng Babaeng Propesor. Umugong ang malakas na hiyawan at tawanan sa loob ng aming klase.Maging ako ay hindi ko napigilang matawa sa sinambit ng aming propesor.Di sinasadyang madako naman ang aking paningin sa lalaking kanina pa nag papakabog ng aking dibdib.Seryoso ako nitong pinagmamasdan na animo'y inaaral nito ang aking kilos. “New Student! kumusta ang tulog mo habang nasa klase ko?” Malakas na tanong ng aming propesor at tila nag init ang aking ulo nang makita ko ang pa simpleng nakaka insultong pag tawa ni Dwight habang naiiling. “Bwiset naman na buhay to bakit ba kasi ako natulog sa unang araw ng pag pasok ko.Hays! malas talaga oh!” “Maaari mo bang ipaliwanag sa mga kapwa mo estudyante kung ano ang ibig sabihin ng salitang k******e since mukhang nakatulog ka na ng maayos habang nasa kalagitnaan ng klase ko?” Sarkastikong Sambit namg matandang babae sa akin.Nabalot ng katahimikan ang buong silid at walang sino man ang nangahas na lumikha ng ingay sa takot na sila ang mapag buntunan ng init ng ulo ng aming Propesor.Maya maya pa'y nag taas ng kamay si Dwight. “No Mr.Dwight. Let the new student answer the question.Ganito ba ang gagawin mo sa klase ko? ang matu...” “During the Second World War, the term 'k******e' was used for Japanese fighter pilots who were sent on suicide missions. They were expected to crash their warplanes into enemy warships kumbaga piloto ng America vs.Piloto ng japan.Ang paraan ng mga k******e o yung tinatawag na suicidal pilot ng japan upang maging tiyak ang magiging panalo nila ay babanggain nila ang kapwa nila piloto sa himpapawid.So ang tendency nito ay kapwa sila sasabog.Malaking kabawasan iyon sa depensa ng America dahil wala naman silang mga tauhan na itinatalaga upang maging suicidal pilot and that's what makes japan wins the battle.Kamikaze, from the root word “kami" sa Shintoismo means diyos ng hangin.Kaya kung mapapansin n'yo sa Dragon ball na anime lagi nilang sinasabi kami hami kami hami waveeeeee!” Sigaw ko habang mabilis na ipinusisyon ang aking dalawang kamay ng katulad kay Goku isang dangkal ang layo mula sa pag mumukha ni Asher na siyang ikinagulat nito at ikinagising mula sa seryosong pag kakatitig nito sa akin. “Wow dude our professor haven't explained that part yet.” Umugong ang ingay sa buong classroom.Nag bubulungan ang mga babae na tila kinikilig akong pinagmamasdan habang ang mga lalaki naman ay bakas ang gulat na nasagot ko ang tanong ng aming propesor. Napansin ko rin ang mariing pag titig sa akin ni Dwight na muling ikinabilis ng t***k ng aking puso.Agad naman akong napa ayos ng pagkaka-tayo habang tila natameme din ang aming propesor sa aking naging paliwanag. “You may take your seat Rafael.” Sambit nito.Naging awkward ang buong oras ng aming klase dahil sa hindi maipaliwanag pag t***k ng aking puso sa twing ang tatama ang aming paningin ni Dwight.Mahuhuli ko itong nakatingin sa akin at kalauna'y mag iiwas rin naman. *Lunch time na at kasuluyan akong patungo sa canteen ng makita ko si Asher na may kino-kwelyuhan na estudyante. Grabe basagulero talaga ang mokong na 'to. Sambit ko. Ang kapal naman ng mukha mong i date ang girlfriend ko! Sigaw ng lalaki kay Asher. Malay ko bang girlfriend mo yan? eh tinanong ko naman s'ya ang sabi nya single s'ya. Painsulto nitong ngiti habang malakas itong itinulak na siyang ikinagulat ko dahil sa pwesto ko ang siguradong bagsak nito.Nanglalaki ang aking mga mata na nakatayo sa gulat ngunit isang malakas na braso ang humila sa akin upang makaiwas dito at laking gulat ko ng halos mapaliyad ako sa bakal na railings ng hagdan habang hawak nito ang aking isang braso at ang isa naman ay naka alalay sa aking ulo na sa tingin ko ay iniwas nito ang pagkaka untog ko mula sa bakal.Halos mapayakap ito at ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha nito sa aking labi.Nanglalaki naman ang mga mata ko sa labis na pag kagulat.Saglit kaming nag titigan at di kalauna'y itinulak ako nito sa tabi. Salamat Dwight. Sambit ko. Ayoko sa lahat yung lampa.At pwede ba kung makiki usyoso ka siguraduhin mong hindi ka naka harang sa daanan.Nakaka istorbo ka. Seryosong sambit nito.Naiwan akong nakatulala at nakatayo sa isnag tabi.Tila hindi nag sisink in sa aking utang ang mga sinabi nito. A- ano raw? ako? lampa? Natatawa at naiinis kong sambit. Lampa my ass! baka pakitaan kita ng totoong lakas na hindi mo pa nakikita sa tanang buhay mo.Hays! bwiset ka Dwight Lagman Dwight lagman? sus, baka kamo Dwight Masungit Lagman! Inis na sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD