What the? Paki ulit mo nga yung sinabi mo para kasing nabibingi ako eh!
Ang sabi ko papasok ako sa Royal University of the philippines ng nag papanggap na lalaki!
Sigaw ko sa tenga nito.
Ano?
Sigaw nito na halos mag talsikan pa ang bopis na nginunguya nito.
Eww kadireeeee!
Sigaw ko habang nandidiring ipinapagpag ang mga durog na carrots mula sa nag talsikang pag kain sa bibig nito.
Hoy Rafaela Daniela Lacsamana! baka di mo alam ang pinapasok mo! Ako'y tigil tigilan mo ng ganyan! sa laki ng boobies mo paano ka mag papanggap na lalaki n'yan aber?
Ako na ang bahala don madali lang yan.
Saad ko ng nakangiti habang masama akong tintitigan ng aking bestfriend na si Athena.
Tama ka na te! kung nakakamatay lang ang tingin matagal na akong nangisay dito.
Talagang mangingisay ka sa'kin pag hindi mo itinigil yang plano mo.Alam kong di ka lang maganda gwapo ka rin.Alam ko rin na mga highschool pa lang tayo ay marami ng nag sasabi na ikaw ang girl crush nila dahil sa hindi maipaliwanag angking ganda at the same time kagwapuhan sa kilos mo.But this idea is non sense. AT ano naman ang pumasok dyan sa kokote mong babae ka para maisipan mong mag panggap na lalaki? ha? ano? sumagot ka!
Eh ano kasi..
Ano?
Ano kasi eh.
Ano nga Rafaela!
Tsk.Diba sabi ko sayo napa- away ako kahapon.
Oh tapos?
Eh, kanina sinend na sa'kin ni Lolo yung details ng paglilipatan kong University kagabi.
Oh tapos ano naman kinalaman non sa pag papanggap mong lalaki?
“Eto na nga besh, pag send sa'kin ni Lolo nung school lalo na nung itsura ng Logo ng school....”
“Ano? ang tagal naman nito mag salita!”
Inip na sigaw nito.
“beshy i'm in a big trouble.Yung logo nung school na papasukan ko iyon din yung logo na nakalagay sa uniform nung mga estudyanteng binanatan ko ng sipa kahapon.Ahhhhh beshy help meeee!”
“Anooooo!?”
“Alam ko! kaya nga eto na lang
yung way eh! ”
Umiiyak kong sambit.
“Kung hindi ako mag papanggap na ibang tao, hindi rin ako makakaligtas sa mga usap-usapan.Hindi rin matatahimik at magiging matiwasay ang college life ko sa isang buong taon dahil may nakabangga na naman akong hindi dapat.Beshy sige na support me naman.”
“Hayyyysss! kasi naman eh! bakit ka kasi sipa ng sipa! kung ikaw kaya sipain ko ngayon!”
Frustrated na sambit nito habang nag papadyak na ginugulo ang buhok.
“Hindi pwedeng malaman ni Lolo na nasangkot na naman ako sa isang gulo.Panigurado pauuwiin na ako nun at babawiin non lahat ng kalayaan na meron ako ngayon.Please beshy! isang taon na lang at ikakasal na ako sa isang poncho pilato na hindi ko naman kilala.Please lang hayaan mo akong magkaroon pa ng oras para ma enjoy ko man lang ang buhay ko bago ako maging miserable.”
Malungkot na saad ko.
“Hay! ano pa bang magagawa ko? kung saan ka sasaya kahit kalokohan pa yan suportahan kita.”
Wika ni Athena habang padabog na hinahalukay ang kanin.Dali ko naman itong niyakap at pinupog ng halik.
Yasss! kaya ikaw lang ang bestfriend ko eh.Dahil wala kang katulad mwahh.
*
Maaga akong nagising para makapag ayos ng aking mga susuotin bago pumasok ng eskwela.Eto ang unang araw ng aking pag papanggap bilang isang lalaki.Wala akong ibang pinag sabihan sa aking mga kapatid ng aking sikreto maliban kay Red na s'yang tumulong sa akin na ayusin ang lahat ng aking problema sa aking papasukan .Maging ang presidente ng Unibersidad na ito ay nangakong pananatiliin ang aking sekreto sa pag papanggap bilang isang lalaki.
Ano Athena halata pa ba?
So far hindi naman halata. Mukhang epektibo yung naisip mong pag lalagay ng bandage wrap para ipitin ang dibdib mo.Nagmumukha lang kasing matikas ang dibdib mo.Dagdag mo pa na medyo may kaluwagan din ang blazer na pang lalaking uniporme sa Unibersidad na papasukan mo.At isa pa, good idea rin yung naisip mong ipa long bob cut yung buhok mo ha! kasi tingnan mo suklayin mo lang sya ng pataas at konting lagay ng wax ay nagmumukha na itong long hair style na katulad sa lalaki.Kung sakali man na kinakailangan mong umuwi sainyo para sa biglaang patawag nyo ay hindi rin mag dududa si Chairman dahil pupwede mong ilugay ang buhok mo since long bob cut naman ang style nito which is suits you well.
Mahabang pag lalarawan nito.habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay hindi ako makuntento sa ayos ko.Kung kaya't kinuha ko ang isang maliit na goma at tinipon ko ang aking buhok at nag iwan ng ilang takas sa likuran.Isinuot ko na rin ang puting polo na siyang saktong sakto para sa akin at mas lalo pang naging kumbinsido ang aking pag papanggap bilang isang lalaki ng isuot ko na ang blazer na may logo ng Unibersidad na papasukan ko.Hindi rin naman maikakaila ang aking katangkaran ko kung kaya't hindi naging o.a ang pag didisguise ko.At ang huling step ay ang pag lalagay ng eyeliner sa aking magkabilang mata na siyang lalong nag pa astig sa aking looks.Lalo pang naging perpekto ang lahat ng isuot ko na ang pantalon at i tuck in ang puting polo sa ilalim ng aking blazer.
Perfect!
Kinikilig na sigaw ni Athena!
Grabe dalawa kahanga-hanga ka talaga ela! akalain mo yun? kaya mong maging maganda at the same time maging gwapo in just one snap of your finger.Siguro yung mga hindi nakakakilala sayo sasabihing napaka gwapo mo.Pero ako since kilala ko ang pag katao mo, masasabi kong pinag samang ganda at gwapo ang meron ka.
Grabe ela! ikaw na!
Saad ni Athena.
Tinang pwede ba.Sanayin mo na nag sarili mong tawagin akong Rafa.Dahil baka sa hindi inaasahang pag kakataon ay may makarinig sayo na iba at pag hinalaan pa ako.
Wika ko din habang nag pa-pouty lips.
Hay naku! oo na oo na! oh sya, dalian mo na at baka malate ka pa.Unang araw ng pasok mo hindi magandang malate ka.At please lang ela.Tigil-tigilan mo muna yang paninipa mo dahil baka ikaw ang masipa once na may maospital sa school n'yo dahil sayo.
Paalala nito sa akin na ikina ngiti ko.
Opo! tatandaan ko yan.
*
Pagka baba na pagka baba ko sa aking ducati multistrada v4 ay siyang kanya-kanyang tipon naman ng mga babaeng estudyante na mariing pinagmamasdan ako.Agad kong binaliwala ang mga ito at dire diretsong nag lakad.
“OMG bukod kay Asher at Dwight may humahabol na sa taglay nilang kagwapuhan.ihhhhhhhhhh!”
Tiling saad ng mga babae na mariing ikinapikit ko habang nag lalakad.
“D'yos ko! kaya nga ako umalis doon sa dati kong pinapasukan dahil lintik ang mga lalaking nag papahayag ng panliligaw nila tapos pag dating ko naman dito mga babae naman pala ang magiging problema ko.”
Sambit ko sa aking sarili.
Saktong sakto naman nang marating ko ang room ay hindi pa nag sisimula ang klase.Mula sa mga nag iingay na estudyante ay tila natahimik ang mga ito nang pumasok na ako.Ugong ng tsismisan ang mabilis na bumalot sa classroom. Ngunit binali-wala ko lamang ang mga ito at nag hanap na nang mauupuan sa bandang dulo.
“Bago ba sya'ng estudyante rito? malamang mayaman ang pamilya n'ya dahil hindi ka basta-basta makakapasok sa Unibersidad na ito ng wala kang milyones tulad natin. Lalo pa't ito na ang ikaapat na taon ng ating kurso hindi ka basta-basta makakalipat ng Unibersidad liban na lang kung maraming kang koneksyon.”
Bulungan ng mga babaeng estudyante na siya namang abot sa pandinig ko.Agad naman akong napayuko sa aking desk sa inis.
“Hays, mga babae talaga.Nag tsismisan pa kayo rinig ko naman hanggang dito.”
Bulong ko habang bagot na bagot na nakayuko sa desk.Maya pa'y ramdam ko ang yabag ng mga sapatos at labis ang aking pag tataka ng mahabang katahimikan ang lumaganap sa loob ng room.Unti-unti kong iniangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko at halos takasan ako ng hininga ng masilayan ko ang isang lalaking nakapang halumbaba sa aking tabi at intensyonal na tinitigan ako sa aking mga mata.Seryoso akong pinagmamasdan nito na tila may nais sabihin ngunit hindi niya mawari kung ano ito.
“Patay! bakit naman sa laki ng school dito ko pa nakita ang mayabang na to.Ngayon pa lang nakikita ko na ang maagang pagka sira ng mga plano ko.Hindi ko malaman kung saan ko itutuon ang aking mga mata sa labis na pagka gulat.Tingin doon tingin dito ang ginagawa kong pag iwas upang hindi mag tama ang aming mga mata habang tila kinakalkula naman nito ang aking mukha at kalauna'y gigilid at tataas ang mga mata na tila sa aking paki wari'y inaalala nito kung saan ako nito nakita.Dali kong pinihit ang aking mukha sa kabilang dako ng aking upuan upang makaiwas dito. Ngunit halos takasan muli ako ng hininga ng masilayan ko ang gwapong mukha ng lalaking minsan ko rin nakita sa convinience storekasama ang mayabang na lalaki sa aking tabi.Prente itong naka-upo at naka halukipkip.Tatlong upuan ang layo mula sa aking kinauupuan.Muling kumabog ang aking dibdib tulad ng araw na unang beses ko itong makita sa convinience store.Seryoso itong nakatitig sa akin na tulad ng lalaking mayabang na ito sa aking tabi ay tila inaalala din nito kung saan niya ako nakita.Agad akong nag iwas ng tingin dito dahil sa labis na kaba.”
“Hey! may itatanong ako sayo.”
Sambit ng mayabang na lalaki na minsan ko ng sinipa.
“A-ano yun?”
“Nagkita na ba tayo noon?”
Tila kakawala na ang aking puso sa labis na kaba sa tanong nito.
“Ha? i don't think so.Ngayon lang kita nakita at isa pa kapapasok ko pa lang bro.”
Saad ko na may pag iiwas ng tingin dito.Muli ay humalumbaba ito sa aking harapan ngunit sa pagkakataon na ito ay sa aking desk na nito ipinatong ang kanyang siko na labis kong ikinagulat kung kaya't mariin akong napaatras.
“Last question, Bakit ang ganda mo masyado para sa isang lalaki?”
“A-ano?”
“Nakakabakla yang mukha mo!”
Sambit nito na may nakakalokong ngiti na labis kong ikinabahala.
“Hays! mabubuking na ba 'ko kaagad? paano na ang kalayaan ko? siguradong pauuwiin ako nito ni Lolo sa mansyon at pipiliting mag pakasal don sa pontso pilato na yon.Bakit ba kasi sa dami dami naman ng estudyante dito yung iniiwasan ko pa yung naging mga kaklase ko.Anong sense ng pag papanggap ko mukhang maaga pa ata akong mabubuking.”
“Hey my name is Asher at yang lalaking tintitigan mo s'ya si dwight.”
Sambit ng mayabang na lalaki sa aking tabi.
Hay anong gagawin ko?????
Sigaw ko sa aking isip.