Tahimik ang tatlong mga kambal habang hawak-hawak ko ang hello kitty na tsinelas.
“Ano? nakita n'yo na? halos kalbuhin ako ng fans ninyong tatlo! tapos ano mag papa cute lang kayo sa harapan ko?”
“Sis, di naman namin kasalanan kung pinanganak kaming ganito ka gwapo diba brothers?”
“Oo nga oo nga.”
“Isa ka pa Nicolas! bwiset ka ikaw ang promotor ng pag papa cute d'yan sa mga babae sa Campus eh! paano kung di dumating si Red kanina? baka nakalbo na tong maganda kong buhok dahil di maawat-awat yung mga babaeng yon mga war freak eh.”
“Eh ate bakit di mo pinakitaan ng sipa mo black belter ka kaya.”
“Hmmm isa ka pa shungarlabels ka rin eh no?”
“Aray ko!”
Sigaw nito na nakataas ang dalawang mag kabilang paa sa couch habang pinang sasalag nito ang kanyang mga binti sa hampas ng aking tsinelas.
“Bakit totoo naman eh.”
“Shunga! kung pinakitaan ko yon ng pagiging black belter ko tingin mo saan dadalhin yon? sa ospital diba? di pa nga tapos yung problema ni Lolo doon sa binugbog kong apo ng may-ari ng pagawaan ng miswa tapos gusto mo may panibago na naman akong bugbugin.”
Sermon ko.
“It's your fault rafa! You are the one who doesn't want to introduce yourself as our sister so what do you expect?”
Saad ni Red.Sa apat sa aming mag kakapatid, si Red lang ang may pagka cold personality.Strikto,matured, at masyadong masungit.Si Red lang ang nakikitaan kong may malaking kakayahan na maaaring mamahala sa kumpanya sa hinaharap. Samantalang si Nicolas at si Axel ay parehong pilyo, at matinik pag dating sa pang-bababae.Halos lahat yata ng mga babae sa Campus ay nakasunod sa tatlong bugok na ito.Kung kaya't hindi rin nila ako masisisi kung idinidistansya ko ang sarili ko sa kanila dahil hindi ko talaga gusto ang ingay na nililikha dulot ng kasikatan nila.Though, it's a privilege to be a Lacsamana, still i preferred to live away from those noises.Power, respect, admiration,and protection.That's the privilege of being a lacsamana.But being attached to this name also means pushing away the real people around you and living with the fake people that's full of hypocrisy.People will only show you kindness when they know how powerful you are but when you're not around? people will start talking behind your back.If you think our family is perfect then you are mistaken.Our dad and mom was a product of a forced marriage.They married not because they love each other but they were obliged to do it by their parents for the sake of their companies.They hate and loath each other.It even came to the point that they do not wan't to have a child. But again, their family forced them.Their parents made way through in vitro Fertilization.They asked some women to carry their children because our own mother doesn't want to bear a child.It really breaks our heart growing without a care and love from our own mother.And worst, Mom took her own life.We couldn't help but to think that our own mother really hated us that much that she even came to the point where she ended her own life.But it didn't just end there, My dad was killed by an unknown man.My siblings and I grew up carrying the anger and burden in our hearts.We hate them both.Naging sandalan namin ang isa't-isa.At bilang isang panganay ay binigay ko lahat ng pagmamahal at pangangalinga sa aking mga kapatid.Limang bwan lamang ang naging pagitan ng aming mga edad dahil sa mag kaibang bwan at babae ang nag dala sa amin.Sa tuwing may mang bu-bully sa mga kapatid ko noong mga bata pa kami at naririnig kong tinatawag kaming putok sa buho ay walang pag aalinlangan akong nakikipag-away para sakanila.Mahal namin ang isa't -isa at iyon ang mahalaga.Kaya rin siguro ako lumaki na malakas dahil ang masakit at mapapait na ala-ala ng nakaraan ang siyang humubog sa aking pag katao kung sino o ano man ako ngayon.
*
“Okay one more shot.
Good good!
med'yo ngumiti ka ng konti ma'am Rafa.
There you go!”
“Jeez, are we done?
inaantok na ko.”
Saad ni Axel.
“May lakad pa ko mauuna na ako sainyo.”
Sabat naman ni Nicolas habang si Red naman ay dire- diretso lang na umalis habang naka pamulsa ang dalawang kamay.Napapangiti na lamang ako sa mga inaasta ng mga mokong na ito.
“Napaka immature talaga!”
Saad ko ng nagingiti habang umiiling.
Nadako naman ang aking mga mata kay Chairman na prenteng naka upo at naiiling din sa inasta ng aking mga kapatid.
“Chairman, paano ba yan gora na ako!”
“Isa ka pa Rafa! siguraduhin mo lang na maayos ang pag -aaral mo katulad ng napag kasunduan natin.Kung hindi ay mapipilitan akong pauwiin ka dito sa mansyon kahit wala pang isang taon.”
Sermon nito.
“Don't worry chairman ako pa ba?”
Di makapaniwalang tingin ang ipinupukol nito sa akin.Kung kaya't dali akong lumapit dito at mahigpit itong niyakap sa kanyang leeg.
“Aho aho aho! papatayin mo ba akong bata ka? aba'y parang yakap ni hudas ang ginagawa mo sa higpit ng kapit mo sa leeg ko!”
Sigaw nito habang aktong papaluin ako ng baston.
“Grabe ka naman chairman.Yakap ng diyosa mong apo ang tawag d'yan alis na 'ko babush!”
Kumakaripas kong takbo habang bitbit ko sa aking dalawang kamay ang mag kapares na tsinelas na hello kitty ni Athena.Mabilis na akong tumakas mula kay Lolo dahil siguradong katakot-takot na sermon at bilin na naman ang sasabihin nito.Kahit pa na si lolo ang naging utak kung bakit naging ganun ang aming mga magulang ay hindi namin makuhang magalit na mag kakapatid sakanya dahil higit pa sa pag mamahal ng isang magulang ang binigay nito sa aming mag kakapatid.
Kasalukuyan akong nag mamaneho ng aking motor ng makaramdam ako ng pag tunog ng aking t'yan.
“Hays! gutom na 'ko! i didn't even get the chance to finish Tita teza's longsilog.Nakakahiya naman kung mag paluto pa ako ulit.”
Saktong sakto naman nang may madaanan akong convinience store.Dali kong hininto ang aking motor sa tabi at mabilis na bumaba.Ikinabit ko ang aking earpods sa mag kabilang tenga at saka lumakad.
“I was into you, but I'm over it now
And I was tryin' to be nice
But nothing's getting through, so let me spell it out
A-B-C-D-E, F-U
And your mom and your sister and your job
And your craigslist couch and the way your voice sounds.”
Kanta ko ng walang pakundangan sa daan habang nag lalakad at nag i-scroll ng aking social media account.Napatigil lamang ako ng mapansin ko ang dalawang prisensya ng tao sa aking mag kabilang mata.Agad akong napatingala sa dalawang matangkad na lalaki sa aking harapan na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin habang ang isa naman ay may ngiting naka-ukit sakanyang mga labi.Nasa pagitan ako ng mga ito at mariing nag palit-palitan ang aking tingin sa dalawang binata na nag gagwapuhan at nakatayo sa aking harapan.Kahit pa nag ga gwapuhan ang mga ito ay nag patuloy ako sa pag hakbang sa gitna ng mga ito ngunit hindi pa man ako nakakalgpas ay isa sa mga ito ang humablot ng aking earpods mula sa aking tenga.
“Miss bingi ka ba? tinatanong kita.Ang lawak naman ng daanan bakit dito ka pa dumaan sa gitna naming dalawa? Siguro nag papapansin ka lang sa amin? well, sa ganda mong yan, you don't even have to make an effort for me to be able to notice you.Cute ka! maganda, hindi lang basta maganda kundi dyosa! and i can see you're oozing with sexyness under that big shirt.Let's date?”
Wika nito habang mabilis na nag yuko at halos madikit na ang pagmumukha nito sa aking labi na siya namang mabilis kong ikinaliyad upang maka iwas.
“Let's date?”
“Ha?”
“What?”
“Hakdog!”
Sambit ko na ikinawala ng mga ngiti nito habang ang mga kapwa nito estudyante ay nag umpisang mag tawanan.Agad akong napalingon sa mga ito.Maging sa lalaki sa aking tabi na kung kanina ay seryosong seryo ay gayon naman ang pa insulto nitong ngiti na hindi aabot sa tenga.
“Bakit parehas silang may putok sa labi? nag warlabels ba ang mga ito? ano to battle of the Goddess?”
Tanong ko sa aking isipan nang muli kong marinig ang malakas na atungal ng aking sikmura.Dali kong hinablot sa kamay ng mayabang na ito ang aking earpods at mabilis na humakbang paalis ngunit mabilis din ang aking naging pag kilos nang pigilan ako nito at tangkaing hawakan ang aking beywang.Bago pa man ako nito lubusang mahawakan sa aking beywang, mula sa aking harapan ay nag simula akong mag spinning crescent kick.Halos mapanganga ang lahat nang masapul ko ang mukha nito at mapatumba ito sa semento.Nang-lalaki ang mga mata ng gwapong lalaki sa aking tabi na tinitigan ako.
“Woahhhh!”
Hindi makapaniwalang sigaw ng mga kalalakihan habang ang mayabang na lalaki naman ay hindi malaman kung matatawa ba o maiinis nang makita ang dugo mula sa kanyang ilong.Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko rin ang mariin na pag titig ng gwapong lalaki sa akin.
“Shocks! tomguts na talaga ako!”
Sa labis na pag kainis ay napag desisyunan ko na sa ibang store na lamang bumili ng makakain dahil sa ingay na ginagawa ng mga barumbadong estudyante na ito.Dali akong lumakad papa-alis.Tila nag sipulasan pa ang mga kapwa nito estudyante nang madaan ako sa kanilang harap ngunit agad akong natigilan.Taas kilay kong nilingon at pinag masdan ang mayabang na lalaki at mabilis na lumakad papalapit dito. Unti-unti itong umaatras papalayo sa akin na tila takot na muli ko siyang mapangahan.Mabilis akong nag yuko at ganun din naman ang biglang pag salag nito gamit ang kanyang kamay.
“Na aano ka ba? kukunin ko lang tsinelas ko! tumalsik eh mahirap na baka patayin pa ko ni Athena pag hindi ko naiuwi tong hello kitty n'ya.”
Saad ko na sarkastikong ikinatawa nito.
Humaharurot ang aking ducati ng daanan ko ang mga ito.Mula sa aking side mirror ay kita ko pa rin ang mariing pag titig ng isang lalaki na tumatak sa aking isipan.