Rafaela Daniela Y.Lacsamana

1684 Words
“Hoy mga señorita magsi-bangon na kayo.” Maingay na hampas ni tita sa kaserola na talaga namang nag pabangon sa amin ni Athena. “Nay naman! unang araw pa lang dito ni Rafa! bakit naman kailangan gamitan n'yo ng kasirola eh may alarm clock naman tayo d'yan!” Naiiritang sigaw ni Athena. “Hoy tinang!” “Nay athena po! ang ganda ganda ng pangalan ko tapos gagawin mo lang tinang dyos ko naman!” Asar na asar na bumangon ito habang busangot ang mukhang nakatitig kay Tita Teza.Agad din naman akong sumunod na bumangon dito at daling binigyan ng sabunot si Athena. “Aray!” Reklamo nito. “Wag mo nga tinatarayan si tita ng ganyan! kahit benggahin ka pa ni tita ng dalawang kasirola sa mag kabilang tenga dapat ay galangin mo pa rin si Tita.” “Awe, Napaka-bait mo talagang bata ka halika nga dito at payakap ako.” Dali akong nag pa cute kay Tita at mabilis na tumayo para yakapin ito. “Awe Tita.” Sambit ko ng nag be baby talk.Naiwan namang nakanganga si Athena sa kaartehan naming dalawa ni Tita Teza. Alam mo Rafa hindi ka lang maganda mabait ka pa! halika ka na sa baba at ipaghahanda kita ng almusal. Aba't talaga naman! nay? hello? ako to oh? si athena ang anak n'yo! Heh! tumahimik ka! bumaba ka na roon at mag hilamos ka ang dami mong tuyong laway sa bibig.Hindi ka tumulad dito kay rafa kung anong ganda noong natulog 'yon din ang ganda pag gising.Aba'y tingnan mo ang itsura mo para kang pusang walang may-ari. “Awe Tita nakakahiya naman.” Sambit ko habang maarteng tinipon ang buhok sa likod ng tenga. “Aba naman talaga!” Hindi makapaniwalang sambit ni Athena na ngayon ay ng tatagis ang mga ngipin sa inis. “Hoy Rafa! eh kung mag hanap ka na kaya ng bagong apartment mo! saka tigil-tigilan mo yang ano tsk! yang pag papa-bebe mo kay nanay hindi bagay sa boses mo! boses kalabaw ka!” “Tita oh!” Pag papa-bebe ko. “Tinang wag kang ganyan nasasaktan mo ang damdamin ni Rafa.” Sigaw ni Tita Teza. “ahhhhhh! sige nay ampunin n'yo na yan si Rafa kayo na rin mag palaki sakanya! mag si-layas na nga kayo!” Inis na sigaw nito habang malakas na ginulo ang kanyang buhok. Humahalakhak naman akong umalis ng kwarto at kalauna'y bumalik din muli sa kwarto para pakalmahin si Athena ngunit pag ka bukas na pagka bukas ko ng pinto ay tumama agad sa noo ko ang binato nitong tsinelas. “Aray ko!” Bleeeh! Dila nito sa akin.Mabilis namang tinalon ang kama nito at daling ni-lock ng aking mga paa ang kanyang ulo habang hawak-hawak ko ang mga paa nito. I don't wanna do this Tinang but you Leave me no choice. “Oh my God ayoko! ayoko! ayoko n'yan! Nanaaaaaaaay!” “Ahhhhhhh ewww ang baho!“ Malakas akong humalakhak ng matagumpay kong maututan ito sa kanyang pagmumukha.Tuwang tuwa ako sa itsura nito dahil wala itong magawa kun'di ang sumigaw ngunit agad akong napatigil sa pag tawa ng hilain nito ang aking buhok. “Aray! aray ko Tinang ang sakit?” “Uutot ka pa ha?” “bitiwan mo ko maldita ka talaga.” “Ayyyyy! kadire ka Rafa!” Napuno ng sigawan at halakhakan ang buong kwarto namin ni Athena.Masayang masaya ako na nararanasan ko na rin ang maging malaya kahit pa ang lahat ng mga ito ay pansamantala lamang. * “Wow tita ang sarap naman nito! longganisa at itlog! may kasama pang sangag.Doon kasi sa Mansyon ultimo almusal akala mo nasa restaurant ka.” Sambit ko at excited na kumuha agad ng sangag at itlog. Ngunit hindi pa man ako nakaka isang subo ay mabilis na tumunog ang aking telepono. “Hello lo, what's up? Ha? pero lo, ngayon na po talaga? Pe-pero hindi pa ako nakakaligo. Ano? 20 minutes? hays! Lolo naman eh! Oh sige na.” Naiinis na baba ko sa telepono.Dali naman akong tumayo mula sa upuan at madaling kinagat ang longganisa at inisang higop ang kape.Nakasuot pa rin ako ng pajama at naka loose T-shirt. “Saan ka pupunta huy!” Sigaw ni Athena. “Sa mansyon! ang tigre na yon! may family photoshoot kami para sa ilalabas na magazine ng mga sikat na negosyante at kabilang ang pamilya namin sa napiling i- feature.” Sambit ko nang may malaking umbok sa kabilang pisngi kung saan may laman na sinangag at longganisa. “Sige na! mamaya na lang dahil pag hindi ako nakarating within 20 minutes i papa hold ni lolo ang credit card ko babush!” Saad ko habang tumatakbo patungo sa labas at nagmamadaling isinuot ang helmet.Mabilis kong pinaharurot ang aking baby Ducati Multistrada v4 at wala pa ngang bente minutos ay narating ko na ang labas ng aming mansyon.Pinili kong dito na lamang ito iparada dahil ayaw na ayaw ng Lolo na nag mamaneho ako ng motor.Ewan ko ba, pero gustong gusto nun na maging mala prinsesa ang kilos ko.Eh sa ipinanganak akong may matigas at mapaos-paos na boses.Hindi ako mahinhin dahil natural sa kilos ang medyo may pagka-manly ang galaw.Hindi rin naman ako tomboy dahil minsan rin naman akong nag ka crush at gusto ko rin ang mga damit na hot pero cool.Sadyang likas lang sa akin na ganito ang kilos ko at hindi masyadong feminine.Marahil ay lumaki ako na puro lalaki lang naman ang nakakasama ko sa bahay at nakakalaro.Pero madalas na napupuri ang pisikal na anyo ko lalo na ang angkin kong ka sexyhan. Halos marahas kong nakamot ang aking ulo ng mapagtanto ko na ang suot suot ko ay ang panloob na tsinelas ni Athena na Hello kitty. “Hay d'yos ko ang baduy baduy naman! di bale mag papalit na lang ako mamaya.” Nagmamadali akong lumakad patungo sa mansyon at pansamantala kong iniwan ang aking motor sa tabi.Seryoso akong naglalakad sa daan habang suot ang pajama, loose t-shirt at hello kitty na tsinelas nang may humarang sa akin na grupo ng mga kababaihan. “Hoy! ikaw yung haliparot na laging sumasama sa triplets doon sa campus diba?” Tanong ng babaeng singkit na mapanga.kung kelan naman nagmamadali oh! “Balita ko nag transfer ka na?” “Hahaha! sigurado akong kaya s'ya nag transfer ng ibang school ay dahil nahihiya s'ya sa mga estudyanteng babae.Paano? hindi na nahiya.Di man lang pumila sumingit agad!” Saad naman ng babaeng tigyawatin. “Hays! ako tigil-tigilan n'yo ha! saka na tayo mag usap -usap at nagmamadali ako ngayon.” Kalmadong lakad ko nang hawakan ng isa sa mga ito ang aking buhok. Hep! hep! hep! where do you think you're going? hindi pa kami tapos makipag-usap sayo. Mariin akong napatigil at napatitig sa mukha ng mga babaeng ito habang tila walang katapusan sa pag talak ang mga ito. “tss, kawawa kasi ang mga to pag pinatulan ko eh. Flying side kick, back kick, Roundhouse kick 45 kick! Hays baka ma comatose ang mga to. Sikmuraan ko na lang kaya?” Sambit ko sa aking isip. “Uyyy... Natulala na s'ya! ano? Sagutin mo tanong namin bakit ang kapal kapal ng mukha mong nilalandi ang Triplets? ni sa panaginip mo di ka papatulan ng mga yon! tingnan mo nga itsura mo?” Nag tatawanan ang mga ito habang hawak-hawak pa rin ang aking buhok. “Bitiwan n'yo na ako habang nakakapag pasensya pa ako.” Kalmadong babala ko sa mga ito. “Natatakot ako!” Wika ng isa sa mga ito na umaarte at malakas na nag tawanan. “Paaalisin ka lang namin kung mangangako kang hindi ka na aaligid at lalapit pa sa Triplets.” “At sino kayo para sundin ko?” “Aba talaga namang sasagot ka pa.” “Ouch! aray! aray!” Umaatungal na sigaw nito nang pilipitin ko ang kanyang kamay papunta sa likuran.Akto namang papalapit ang isa sa mga ito ng mabilis kong sipain ito na ikina-tumba nito. “Sabi ko naman sainyo na nag mamadali ako diba?” Saad ko ngunit agad akong napaliyad ng mag umpisahang sabunutan ng babaeng ma muscle ang mukha ang aking buhok. “Aray ko depungal!” Ano ha? lalaban ka pa sa'min? Sabunot din ng babae sa aking harapan.Dali ko ring hinablot ng aking mag kabilaang kamay ang buhok ng dalawang bruha na ito.Nakisali na rin sa pag sabunot ang isang babae na mukhang isang ubo na lang ay kukunin na ni Lord.Halos tatlo na silang nag tutulong- tulong na sumabunot sa akin ngunit hindi ako nag patalo. “Ayaw nyong tumigil ha?” Dali kong inakbayan ang mga ito at ginamitan ng ipinag babawal na technique. “Ewwwwww! oh my God!” Sigaw ng mga ito ngunit lalong nang gigil ang mga ito Sa ginawa ko.Pinag tulungan lalo ng mga ito na hilain ang aking buhok. “Sandaleeee! Taympers!” Sigaw ko ng humihingal at pawis na pawis. “Time Freez yun teh binago na sabi sa peysbuk.” Sambit ng matabang babae. “Ay ganun? apir.” Kapwa kaming tumatawa na nag lapat ang mga palad. “Hoy gaga! kaaway natin bakit ka umaapir bobita ka talaga.” Wika ng babaeng mapanga.Agad namang akmang susugod muli ang mga ito ng pigilan ko ito. “Sandaleeee!” “Ano ba yon?” Maarteng sigaw ng babae na pumapadyak pa ang mga paa habang masama ang tingin na ipinupukol sa akin. Luge ako dito sa isang kasama nyo eh! di ko masakal ang kapal ng leeg! Sambit ko habang pawis na pawis! “You ugly duckling!” Sigaw nito sa akin at malakas akong tumawa. “Hahahahhahah aaa aray! aray ko ponyeta naman to! joke lang eh!” Patuloy kami sa pag sasabunutan ng isang baritonong boses ang nag patigil sa amin. “You freaking Girls let go of her!” Sigaw ni Red sa mga ito. Red? oh my god. Sigaw ng mga bruha na tila kinikilig pa. What hell is wrong with you girls? why are you hurting our eldest sister? Sigaw ni Red na nag panganga sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD