Chapter 5
[ Luna Nieves Pov ]
"Anong oras mo balak umuwi luna?"
Napatingin naman ako kay vivian ng magtanong siya, Nasa salon parin ako at hinihintay lang ang oras ng pag-uwi niya.
"I dont know, Ayaw ko pang umuwi sa bahay.." sagot ko, pumasok naman ang mga empleyado niya at nagpaalam na dito upang umuwi.
"Magsasara na ako, Saan mo gustong pumunta?" tanong niya ulit ng makaalis ang mga employee niya.
"Pwedi ka na man bang gumala?"
"Ofcourse yes, Hindi naman masyadong mahigpit ang parents ko and besides sinunod ko naman ang gusto nila.." tugon niya at kinuha ang bag,
"Okay tawagan muna lang si antonette pumunta na lang tayo sa kanila.." tumayo na ako at napatingin saking damit na hindi pa pala napalitan.
Wala naman siguro kaming ibang pupuntahan kaya ayus na ito.
"Wala iyon sa bahay, Paniguradong nagbabantay na ito sa club.."
"Ow really, Edi puntahan natin siya doon." masayang ani ko ngunit muli akong napangiwi dahil sa suot ko.
"But I want to change outfit muna, Kanina ko pa suot ito.." dagdag ko pa, tumango naman siya.
"Ako rin naman ha! Hindi ako pupunta ng club na ganito ang amoy! Para akong binalsamo sa amoy ng hair treatment!" natawa naman ako, Kaibigan ko nga talaga siya dahil pareho kami ng ugali.
Si antonette nga lang yata ang walang arte sa katawan, Masyadong simple!
"What are you waiting for luna lets go to the mall!" hinila na nito ako palabas at nilock na niya ang shop.
"But wait vivian, Hangga alas-nuebe lang ako dahil baka maabutan ko si mommy sa bahay kung late na akong uuwi.." Wika ko pa ng makarating kami sa harapan ng aking kotse.
"Edi alas-nuebe ka na lang umuwi, May sarili naman akong kotse hahaha sorry.." pang-aasar pa nito sakin kaya napanguso ako.
Buti pa sila walang curfew, Samantalang ako kailangan pang mag ala-ninja pag uuwi, D*mn How I wish that i have siblings para wala na sakin ang atensyon.
"Tsk, Sige inggitin mo pa ako leche ka!" asik ko kaya natawa siya, padabog ko naman binuksan ang pinto ng kotse at agad ng sumakay.
Nakita ko naman sa side mirror na sumakay narin siya sa kotse kaya nauna na akong nagmaneho sa kanya patungo sa pinakamalapit na mall.
Agad rin akong nakahanap ng mall kaya itinabi ko na ang sasakyan at mabilis ng lumabas, Nakita ko naman ang kotse ni vivian na itinabi saking sasakyan.
"Ang tulin muna man magneho luna!" bulyaw nito sakin kaya napatakip ako ng tenga.
"Mabilis talaga akong magdrive okay! Tiaka pwedi ba iwasan mong sumigaw nakakarindi ang boses mo!"
"Ikaw na ang may magandang boses!" pasiring pa nitong anas, Nailing na lang ako at nauna na sa loob.
"Nasabi mo pala kay miguel kanina na kakausapin sila ng parents natin?" biglang tanong niya habang naglalakad kami patungo sa Clothes section.
"Hindi pa, Paano ko sasabihin e nainis ako sa kanya kanina! Akala mo kung sino." asik ko, pumasok naman kami sa isang botique at agad naghanap ng masusuot.
"Ibahin mo kasi ang trato mo sa kanya, Maging mabait ka. Remember you have a goal to catch!" anas pa nito habang namimili ng masusuot.
"Hindi ko maiwasan e, Once na nakita ko siyang serious mode yung para bang wala akong epekto sa kanya Bigla na lang akong naiinis, Dumagdag pa na siya yung nagnakaw sa cellphone ko!" naiinis kong wika at kinuha ang maroon na fitted dress.
"You mean to say miguel and the boy who snatch you are only one! Omg I cant believe it! baka nagkakamali ka lang luna!"
"No vivian, Kahit siya ay naaalala niya ako! Tinatawag niya pa akong flying heels.." muling anas ko at nagtungo sa fitting room, nakasunod naman ito at pumasok sa kabila.
"Baka nga nagkakamali ka lang.." wika pa nito habang nasa kabilang fitting room,
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, basta sinasabi ko sayo magnanakaw siya!" sinuot ko na ang napili kong damit at napangiti naman ako ng magfit ito sakin.
Lumabas na ako habang bitbit ang hinubad kong damit, sakto naman na lumabas din siya kaya napawow na lang ako dahil sa suot nito. Maging ito ay napangiti rin ng makita ako.
"Siguro naman makakahanap tayo ng boylet ngayon gabi dahil sa suot natin hahaha!" natatawa pa nitong saad kaya napailing na lang ako.
"Paano naman ang boyfriend mo?!"
"Hayaan mo siya! Masyado itong boring wala man lang alam sa harot halos medicine lang ang laman ng utak niya!" nakangiwi pa nitong sagot, doctor kasi ang boyfriend niya pero gwapo naman ito at hindi magpapahuli sa mga lalakeng nakikilala namin.
"Baka mahuli ka niya at makipag break ito, sayang naman siya.."
"Trust me luna, Hindi siya makikipagbreak sakin mahal na mahal niya kaya ako." kumpyansa nitong anas kaya napangiwi na lang ako.
Kailan ba ang huling relasyon ko? Hindi ko na matandaan dahil halos fling lang ang ginagawa ko, Hindi ako tumatagal sa isang relasyon dahil mabilis akong magsawa.
Mas maganda yung malaya kang nakakalabas at walang nagbabawal sayo, Malaya karing makapili kung sinong gusto mo.
I want to be free,
__
Matapos namin mabayaran ang sinuot namin ay tinawagan niya na si antonette, At maswerte nga na nasa club ito dahil siya ang bantay doon.
Sila antonette naman ay halos mga bar ang bussiness nila, Nakwento niya na mahilig sa party ang mommy nito noon kaya cinareer niya na at ginawang bussiness, Napaka-gandang negosyo dahil patok iyon sa mga kabataan.
"O Luna, Buti nakasama ka. Baka sumugod si tita miranda dito ha! Ipasara pa ang club namin.." pagbibiro niya ng akyatin namin siya sa taas, Up and down ito at may sarili siyang barcounter sa taas.
"Uuwi din naman ako, gusto ko lang marefresh ang utak ko dahil sobrang stress ng araw na ito!" anas ko, nangalumbaba pa ako sa taas ng counter habang nakatingin dito.
"Hindi ka ba pweding lumabas diyan antonette, Grabe hindi karin pala makakapag enjoy dahil nanjan ka lang.." asik naman ni vivian, katulad ko rin ang pwesto nito. Nakaharap kami kay antonette at hinihintay siyang magsalita.
"Bawal, May cctv dito naka-connect yan sa main baka pag umalis ako dito mapapagalitan na naman ako.." napangiwi naman kami, bakit ganyan kaya magparusa ang mga parents namin. Napaka-Oa talaga ng reaksyon nila.
"Kasalanan nyo kasi yan e! Kung hindi na sana tayo nag over night doon edi walang problema!" paninisi ko pa sa kanila, Napamaang naman ang mga ito at hindi makapaniwalang tumingin sakin.
"Grabe ka Luna nieves! Akala mo naman hindi mo naenjoy ang pagpasan sayo ni miguel! Kung alam ko lang kumikirot na yang singit mo sa kilig!!"
"What the h*ll vivian, ang panget ng words mo!" singhal ko, wala talaga siyang preno.
"Yeah she's right, pasalamat ka nga at nakilala mo si miguel e. Swerte ka pa at nahawakan mo ito." sabat naman ni antonette, napailing na lang ako sa kanila.
"Tsk, Ideal man nga siya kaso nga lang hindi pwede! ayaw ko naman mag asawa ng mekaniko!"
"What? Mekaniko si miguel?" tanong pa ni antonette, tumango naman ako.
"Yah, And car wash boy. Sa kanya ko pinagawa ang kotse ko."
"Wew, I Thought his a chef.."
"Chef?" sabay naming tanong ni vivian.
"Oo, pero baka mali lang ako ng dinig kay baby neil hehehe.." kinikilig na sagot niya.
"Imposible naman, Nga pala pumayag ba si neil na makipagusap sa parents natin?"
"Pumayag naman siya kaso nga lang dapat mapapayag din daw natin si miguel.."
"Why?" curios na tanong ko, nagkibit balikat naman siya.
"Ganyan din ang sinabi ni giovanni, pag hindi daw kasama si miguel hindi sila pupunta.." anas ni vivian, bakit hindi sila pupunta kung si miguel lang naman.
"Baka dahil siya ang nakasama mo sa kwarto, Natatakot siguro sila sa parents mo.." saad pa ni antonette,
"Kasalanan mo kasi yan e!!" paninisi ko na naman kay vivian, tinampal niya naman ang braso ko.
"Wag ka ng manisi! Akala mo naman ginusto ko!" napairap na lang ako sa sagot niya, kung hindi lang sana ako nadulas kay dad wala sanang problema.
Baka masermunan na naman ako pag nalaman nilang mekaniko ang nakasama ko, F*ck! I need to talk to him bago sila pumunta ng bahay.
Kamot ulo akong nagtungo sa hamba ng terace sa taas at tiningnan ang mga costumer na nagsasayaw sa baba, Kung hindi ako sumama doon siguradong nag eenjoy na ako at nagsasayaw narin ngayon.
D*mn, Ang dami ko sanang magagawa ng walang curfew.
Nakita ko naman si vivian na humawak rin sa railings habang may hawak ng wine, Nakatingin din siya sa baba ngunit halos magulat ako ng sumigaw siya.
"Wahhhhhh luna, He's here!"
"Tang*na! Sabi ko bawasan mo ang kakasigaw, nakakagulat ka!"
"Hahaha, Sorry masyado ka kasing seryoso! But look ayun oh!" lumingon naman ako sa tinuturo niya ngunit wala naman akong makitang pamilyar na mukha.
"Who?"
"Ayun si miguel, yung nakaupo sa dulo may kasama siyang lalake.." pinakatitigan ko iyon at tama nga siya, bakit ang linaw ng mata nito? Kanina pa ako nagmamasid hindi ko naman siya makita.
"But who is that? Yung guy na kasama niya?"
"Baka friend niya rin, gwapo e.." anas ko, bumalik naman ako sa counter para humingi ng isang tequilla.
"Puntahan natin sila luna!" excited pa nitong sabi sakin,
"Wala naman si giovanni doon dba?"
"Yeah, Pero hindi naman ako makikiharot sa kanila! Nakita ko yung pinsan ni Rex doon baka isumbong ako.." tukoy pa nito sa boyfriend niya.
"So you mean na ako ang haharot doon! Wtf. Si miguel iyon! nakita muna ang reaksyon niya kanina parang nasa simbahan dahil sa sobrang tahimik niya."
"Tsk! Kausapin muna siya ngayon para matapos na ang problema natin." napasuklay na lang ako sa buhok dahil sa sinabi niya.
"And remember na may sinabi ka kanina, Hindi ka susuko hanggat hindi mo ito napapangiti, sinabi mo pa nga na siya ang hahabol sayo! hahaha."
"Yeah I know, Hindi ko naman nakalimutan! Tara na nga!" tawa tawa naman itong sumunod sakin pababa habang ako ay umiinom lang sa baso ko.
"Hi luna!" bati ng nakilala ko noon, ngunit nakalimutan ko na ang pangalan niya kaya nginitian ko na lang siya.
"Omg nieves your here, kailan ka pa umuwi?" tanong naman ng isang girl na nakasama ko sa isang party noon, bakit sila nakikilala nila ako? Samantalang ako nakalimutan ko na ang pangalan nila.
"Last day pa.." sagot ko habang tinatanaw ang table nila miguel, nakita ko naman na may lumalapit sa kanila ngunit hindi niya man lang iyon pinapansin. Tanging yung kasama niya lang ang kumakausap dito.
"Excume me, pupunta lang kami doon okay." anas ko sa babaeng kaharap ko na puro putak ngunit hindi ko naman maintindihan dahil nakafocus ako kay miguel.
Naupo ako malapit sa table nila ngunit nakatalikod ako dito, Napataas naman ng kilay si vivian pero umupo rin kalaunan.
"Bakit hindi ka pa dumiretso doon?"
"Wait lang naman, Sisingit ba ako sa dalawang babaeng yan?!" turo ko sa likuran, May lumapit na naman kasing babae kaya lumihis ako at dito naupo.
"Hello miguel how are you?" tanong ng isang babae ngunit wala naman akong narinig na sagot kay miguel, kaya natawa ako sa isip.
"Dont mind him wala kasi siya sa mood.." sabat naman ng isa, sino kaya ito?
"Ayy, ganun ba? Bakit hindi niyo kasama si vanz?" tanong pa niya kaya napatingin ako kay vivian.
"Busy siya e, Kaya kaming dalawa lang.."
"Hey philip do you want to dance?" dinig kong usal ng panibagong boses, So philip pala ang pangalan niya.
"No thanks, Im not in the mood too."
"Ow, okay. Sige punta na kami doon.."
Nakita ko silang papalayo kaya medyo kinabahan ako, Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing si miguel na ang pinaguusapan, Nininerbyos ako na hindi ko alam kung bakit.
Siguro dahil nacha-challenge ako sa ugali niya.
Huminga ako ng malalim at tumayo, napangisi naman si vivian kaya ngumiti ako ng malaki at humarap para maglakad sa pwesto nila.
This is not your first time luna, Ilan na bang lalake ang nakuha mo sa isang ngiti.
Agad nag angat ng tingin ang kasama nito ng makalapit kami sa table nila, kaya nginitian ko ito.
"Hi miguel.." lakas loob na pagbati ko dito, Nag-angat naman ito ng tingin sakin kaya nginitian ko rin siya.
Ngunit sa loob loob ko ay gusto ko ng ibuhos sa kanya ang drinks na nasa lamesa dahil wala man lang siyang reaksyon.
Hinagod niya pa ang kabuuan ko at iling iling na ibinalik ang tingin sa baso niya, F*ck whats wrong with him! Sinto sinto yata ang lalakeng ito.
"Hello, whats your name?" tanong ng kasama nito kaya naupo ako sa tabi ni miguel at nakangiting nilahad ang kamay ko.
"Luna nieves.." umupo rin si vivian, kaya napatingin doon ang lalakeng kasama ni miguel, bumitaw naman ako dito at pasimpleng nilingon ang katabi ko.
D*mn, Hindi kaya robot ito? or alien? Bakit ganyan siya.
"And you are?"
"Vivian collins." dinig kong sagot ni vivian kaya nawala kay miguel ang atensyon ko.
"Ow, Ang ganda naman ng pangalan niyo parang kayo lang. Ako nga pala si philip at siya si miguel.."
Bolero pala ang isang to.
"I know him philip, Nakasama namin sila ni giovanni sa bambi.." sagot ni vivian, napatingin naman si philip kay miguel.
"Wow, Is that true?" tumango lang si miguel at uminom sa kanyang baso.
"Yeah its true, We share rooms pa nga sa old house nila.." sagot ko, bigla naman naibuga ni miguel ang iniinom niya.
"Hahaha, Really? Wow wow.." natatawang anas ni philip, Nilingon ko naman si miguel na nakatingin na sakin, nginitian ko naman ito ngunit iniwas niya rin ang tingin.
"Ang saya nga nitong kasama sa room, Naglaro pa nga kami.." halos gusto ko ng matawa dahil muli itong tumingin sakin, Ang sarap niya palang asarin.
"Nice, What kind of play is that?" tanong pa ni philip, sumandal naman si miguel sa upuan nito at pinagkrus ang kamay na tumingin sakin.
"Ahm something naughty. I put marked on him then he marked me too, .." halos hindi makapaniwala si philip na tumingin dito, dinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni vivian dahil sa sinabi ko.
Ibang marka nga lang ang sinasabi ko,
Not kissmark but a pentle pen marked.
"You know luna, Allergy si miguel sa mga girls kaya nakaka bigla lang ang nalaman ko! Sh*t hahaha Ikukwento ko ito kay jacob!!"
"Shut up philip! You mis'understand what her talking about!" Inis na wika ni miguel, natigil naman sa pagtawa si philip at nagtatanong na tumingin sakin.
"What mis'understand miguel?" pagtatanong ko, lumingon naman siya sakin.
"Wag ka ng magsalita, dahil iba ang lumalabas sa isip niyan!" turo niya sa kasama, tinampal naman ni philip ang kamay nito.
"Why miguel? Hindi ba masayang pag-usapan iyon finally may babae ka ng pinasok sa kwarto" anas ni philip, lumingon naman ito sakin.
"Sige magkwento ka pa, Ano pang ginawa niyo maliban sa markahan na yan."
"Shut up philip! Wala naman nangyari!" protesta pa ni miguel ngunit hindi na siya pinansin ni philip.
"Ahmm, Nasa ibabaw ko siya noon hindi ko naman alam na agreessive pala si miguel, Hinawakan nito ang dalawa kong kamay at dinala sa ulo ko tap----."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bigla niya akong higitin patayo at hilain palabas ng bar, Dinig ko pa ang pagtawa ng dalawa ngunit hindi ko na sila nilingon dahil na stock ako sa kamay niyang nakahawak sakin.
D*mn, bakit ang lamig ng kamay niya.
Huminto ito sa parkinglot kaya napatingin siya sa tinitingnan ko, mabilis naman niyang binitawan ang kamay ko at tumingin sakin.
Nakapamewang na ito at nakunot na ang noo niya, kinagat ko naman ang pang-ibabang labi dahil sa sama ng tingin niya sakin.
"Next time dont make a story, Hindi nakakatuwa.." napatingin ako sa mata niya at sobrang seryoso nito.
Mukhang nagalit pa yata, Pero ano bang paki ko! Totoo naman ang sinabi ko mali nga lang ang pagkakaintindi ni philip.
"Im not making a story miguel, Nangyari naman iyon diba?"
"Ano bang kailangan mo?" paglilihis nito sa tanong ko, grabe! Napaka Straight forward naman ng lalakeng to!
Sipain ko kaya siyang muli!
"Okay, I have something important to say. Napagalitan kasi kami ng mga parents namin and then, They told us na gusto nila kayong makausap.." nangunot naman ang noo niya,
Hindi niya pa ba alam? Hindi man lang sinabi ng dalawa?
"For what?" tanong pa nito,
"Kasi nga kayo ang nakasama namin, Basta! ewan ko sa kanila, Pupunta ka naman diba?"
"I dont know" mabilis nitong sagot kaya halos malukot ang aking mukha.
"Ngayon lang naman! Pag natapos na ito hindi na kita papansinin! Basta kausapin mo lang sila na wala namang nangyari sa'tin.." pakiusap ko pa, huminga naman ito ng malalim.
"I'll never involved in that kind of situation, Ngayon lang, tapos nakasalamuha pa ako ng babaeng katulad mo.." anas nito na ibinulong pa ang huling salita ngunit dinig na dinig ko.
"Akala mo naman gusto kitang makasama ha! Isa ka lang naman mekaniko at carwash s***h magnanakaw! Hindi na ako magtataka kung malaman kong rapist ka pala!!" sumama agad ang tingin nito sa huling sinabi ko, kaya napalunok naman ako dahil sa nanlilisik niyang mata.
F*ck luna, Nasobrahan ka naman sa pagka maldita.
"What did you say?" Wika pa nito, napaatras naman ako ng dahan dahan siyang lumapit sakin.
Wtf. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon!
"S-sorry I din't mean to say that okay.." nauutal na anas ko dito, naramdaman ko na lang ang kotse saking likuran kaya wala na akong maaatrasan pa.
Sh*t sh*t sh*t, Anong gagawin niya! Baka nagkakamali ako! Hindi siya rapist kundi murderer! Waaahhhhhh napapikit na lang ako sa naisip ngunit muli akong napamulat ng maramdaman ko ang dalawa nitong kamay.
Nakakulong na ako ngayon sa kanya at sobrang seryoso ng tingin niya sakin, Napaka-lapit din ng mukha nito kaya halos lumundag na ang puso ko sa kaba.
"I dont entertain woman you know that? But you push me to do that, Gusto mo bang maranasan marape?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya ngunit ngumisi ito,
D*mn, Ngumisi siya! Bakit pag kaming dalawa lang ay doon siya ngumingisi! Napaka gwapo niya sa totoo lang.
Mas nilapit pa nito ang mukha niya kaya napatingin ako sa labi niya, Binasa niya iyon kaya wala sa sariling napakagat labi na lang ako.
"Nasan ang pagka maldita mo ngayon flying heels?"
"C-can you s-stay away from me.." napapalunok na lang ako dahil sa lapit niya.
"Ikaw ang lumalapit sakin luna, Hindi ko alam kung anong meron sayo pero natutuwa ako pag ganyan ang itsura mo.." Muli siyang ngumisi sakin,
"S-sinabi ko naman sayo ang dahilan, K-kaya pumayag ka na at pag nangyari iyon ay hindi na ako lalapit sayo.."
"Okay, Give me your address." anas nito, nanatili parin kami sa ganong posisyon.
"Si vivian na ang bahala diyan, Isesend niya na lang kay giovanni.."
"Okay.."
"Lumayo ka na!"
"Why?" taas kilay na tanong niya, Ano bang problema nito!
"H-hindi ako kumportable sa lapit mo!"
"Kumportable ako e.." bored nitong anas, tinulak ko naman siya ngunit dahil mas malakas siya sakin ay hindi man lang ito gumalaw.
"Ang payat payat mo lang anong magagawa mo kung marape ka nga dito?"
"Shut up!" sigaw ko, D*mn bakit ako na yata ang inaasar niya ngayon.
"Bakit? Ikaw naman ang nag umpisa nito flying heels.." saad niya pa, sabi ko na nga ba at gumaganti lang siya.
Tsk, Ano kayang gagawin ko para makawala ako dito? D*mn late na at kailangan ko ng umuwi.
kung hindi maabutan ko si mommy at panibagong sermon na naman.
Nag angat ako ng tingin dito at nakatingin parin siya sakin, Ano bang iniisip niya? Gusto niya dito na lang kami hanggang mamaya? Tsk manigas siya! Kahit na sobrang gwapo niya ay hindi parin ako dapat maging kampante baka rapist nga siya.
Nakaisip naman ako ng paraan dahil napatingin ako sa labi nito, paano kaya kung gawin ko iyon? Hindi kaya siya lalayo? Napangisi na lang ako sa naisip kaya biglang nangunot ang noo niya.
Hinawakan ko ito sa kwelyo at mabilis na dinampi ang labi ko sa kanya, Ramdam ko ang gulat nito kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pagtulak niya.
Ngunit nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang kamay niya saking likuran at mas idikit pa nito ako sa kanya.
F*ck! Wrong move Luna.
______
To be Continued.