Chapter 4

3835 Words
Chapter 4 [ Luna Nieves Pov ] "What happen to your feet nieves! And where the hell you been the whole night! Uwi ba ng matinong babae yan ha!!" Nakayuko lang ako dahil kanina pa ako sinisermunan ni mommy dahil sa ala-una na ako nakauwi, Si vivian ang naghatid sakin at hindi na ito pumasok dahil baka mapagalitan din ito. "Do you have plan to say what happen nieves! You always like that nagrerebelde kahit nakukuha mo naman ang lahat!" Muling sigaw nito ngunit nanatali akong nakayuko, Kung sasabihin ko ang tunay na nangyari ay mas lalo lang itong magagalit. "FINE! You're grounded from now on nieves!" "But mommy.." pagmamaktol ko pa ngunit napalunok ako dahil sa sama ng tingin niya. "You should know how to value the time nieves, Your wasting time for nonsense thing! Baka magulat na lang ako at buntis ka na!" "Sweetheart calmdown, I talk to her.." pagsasabat ni daddy ng makababa ito sa hagdan, tumingin naman ako dito upang humingi ng tulong. "Tsk, Look at her rumualdo! Thats your fault dahil masyado mo siyang inispoiled! Dapat tumutulong na siya sa kumpanya!" "Yeah I know, Just relax dont pleassure our daughter okay? Ako ang kakausap sa kanya.." napatingin pa sakin si mommy bago inis na maglakad patungong hagdan. Agad naman akong lumapit kay daddy para yumakap sa kanya, Masyadong nakakatakot si mommy at pag talagang sinabi niya ay hindi siya nagbibiro. Gagawin niya talaga iyon. "Its okay luna, Tell me what happen?" tanong nito, pinaupo niya pa ako ngunit hindi ko naman masagot ang katanungan niya. "Where have you been last night luna? I'll listen to you tell me.." "A-ahmm, Were been in bambi falls dad.." pagsasabi ko ng totoo, bigla naman itong nagseryoso. "Napadpad kayo doon? Saan kayo nag palipas ng gabi kung ganon?" "May nakilala kami doon at sa kanila kami nagstay.." nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Boy or girls?" "B-boys.." tugon ko, napayuko na lang ako ng mas lalo itong magseryoso. "But dad wala nangyari doon, Nakitulog lang kami yun lang.." "Pero luna hindi gawain ng babae yan, Your my only child at iniingatan kita hindi ako papayag na kung sino lang ang mapangasawa mo.." Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig, asawa agaad? Napaka O'A talaga nila. "Dad Im not going married okay, At hindi ko naman gusto ang nakasama ko sa kwarto masyado siyang nakaka--." Naputol ang sasabihin ko dahil sa sama ng tingin nito sakin, D*mn. Napatakip na lang ako ng bibig dahil ako mismo ay nadulas sa sinabi ko. "I want to talk them luna, I call the guardian of your friends too hindi pwedi yan kahit na nasa legal age ka na ay hindi ka dapat natutulog sa isang kwarto kasama ang lalake.." "But dad, Were not close and We dont share bed that night, Promise wala naman nangyari.." pageexplain ko pa ngunit umiling lang siya. "You choose luna, You brought them here or your going again in france.." "No dad! I dont want to go back there! Tsk, Fine. I talk vivian later.." napasandal na lang ako sofa at hindi na ito tiningnan pa, Bakit hindi na lang sila maniwala na walang nangyari. Dadalhin ko pa ang siraul* na 'yun dito! "Okay, Go to your room at get rest.." Hindi na ako sumagot at dumiretso na lang naglakad patungo sa taas, Masyado talagang malas ang miguel na yan! Pati ako nadamay sa kamalasan niya. Arrgg! How can I say to him na kailangan niyang magexplain sa parents ko? Sh*t, baka lalo lang silang magalit pag nakilala nila ito. Pabagsak akong naupo sa kama at napatingin saking paa na hindi na gaanong namamaga, Naalala ko tuloy ang pagpasan nito sakin kanina. Infairness may pagka genteleman naman pala siya kahit minsan, Gwapo nga sana kaso siguradong hindi magka level ang buhay namin. Lumaki siya sa isang country farm? At pinalilibutan ng matatas na puno, Ano naman ipapamana niya sa mapapangasawa niya kung ganon, Hindi naman pwedi na gwapo lang siya. Umiling lang ako at yamot na humiga sa kama, I want some sleep, Nakakapagod ang araw na 'to. _ _ "Mam luna.." "Mam Luna...." Kamot ulo akong naupo sa kama dahil sa tumawag sakin, Napatingin pa ako sa orasan at nakitang alas'tres na pala. Ano na naman kailangan nila? "What?!" Frustated na tanong ko sa yaya, natakot naman ito. "P-pinapatawag kayo ng mommy niyo mam nasa opisina siya.." "Tsk! Okay I'll be there.." mabilis na itong tumalikod kaya nagtungo na ako sa office nila mommy. May sarili silang office dito para sa mga paper works nila na inuuwi pa sa bahay, Yung mga ibang client naman ay dito na dumideretso para sa rush meeting. "Pinapatawag niyo daw ako?" agad na tanong ko kay mommy ng makapasok sa office, Ibinaba naman nito ang hawak na papel bago tumingin sakin. "Sit down.." Naupo ako sa harap nito at pilit inayos ang sarili dahil ayaw niya na nakasimangot ang kausap nito. "Check the factory situation, I want you to report about the quality control of our items." "WHAT! but mommy I dont want to be there, Sa opisina na lang ako.."giit ko dito ngunit nakatanggap lang ako ng masamang tingin kaya naitikom ko ang aking bibig. "Inuutusan kita nieves, Pasalamat ka at eto lang ang pinapagawa ko. Do you have considiration to yourself? Hindi ka ba nahihiya sa dalawa mong pinsan at sila ang nasa kumpanya ngayon na dapat ikaw ang umaasikaso.." mahabang lintanya nito, Nanatili naman akong walang imik at pinapalabas lang sa isang tenga ang sinabi nito. E sa ayaw ko doon, Pinilit na nga nila akong kunin ang kursong bussiness na ayaw ko tapos ipapamana pa nila sakin ang kumpanya, D*mn I hate toy company halos laruan lang ang pinaguusapan. "Fix yourself, Papupuntahin ko doon si dana para may katulong ka.." "Fine.." nasabi ko na lang at padabog na tumayo palabas ng office. F*ck, Seriously Alas-tres ng hapon lalabas ako? Sa sobrang init arrgghh. Nakakabadtrip. Pumasok ako sa kwarto at naghanap ng mahabang squarepants, Kumuha rin ako ng sando at mahabang blazer para hindi naman ako mangitim, Nakakainis talaga si mommy, Palagi na lang akong kinukumpara sa pinsan ko! Bakit hindi na lang kaya sila ang magmana, Mukha naman silang pera. Pumasok na ako sa banyo para makaligo na, Baka maabutan pa ako ni mommy at masermunan na naman ako na parang bata. __ Matapos maligo ay agad na akong dumiretso sa baba para sumakay ng kotse, Hindi pa man ako nakakaalis ay pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init. Paano pa kaya kung nasa factory na ako! Sobrang init doon at amoy goma! D*mn, baka sa stock room na lang ako pupunta. Nagmaneho na ako paalis at agad ng tinahak ang daan patungo doon, Buti na lang at hindi traffic kaya nakakapag drive ako ng mabilis. Ngunit malayo pa ako sa factory ng biglang tumirik ang kotseng sinasakyan ko kaya halos masira ko na manubela dahil sa sobrang inis ko. "F*ck f*ck f*ck!!" Sunod sunod na mura ko ng makababa ng sasakyan, Nakita kong umuusok iyon at hindi ko alam kung anong problema ng sasakyang ito! Luminga ako sa paligid upang maghanap ng machine shop nakahinga naman ako ng maluwang ng makakita di kalayuan sa pwesto ko. Lakad takbo ang ginawa ko upang makapunta doon, Ramdam ko ang pawis saking katawan kaya hinubad ko ang aking blazer at hinayaang mabilad ang aking katawan, Siguro maliligo na lang ako ng lotion mamaya! D*mn nakaka-imbyerna talaga. "Kuya Can you help me, Tumirik ang kotse ko doon." Ani ko sa lalakeng nakatalikod habang naglilinis ng kotse, Topless ito at pawis na pawis ang likuran niya. Ngunit ng lumingon ito ay halos manlaki ang mata ko dahil sa dinami-rami ng tao bakit siya pa ang nandito, What the h*ck. Dont tell me dito siya nagwowork, Mekaniko at Car wash boy? "Tatawag lang ako sa loob.." anas nito kaya nagsalubong ang kilay ko. "Bakit hindi na lang ikaw! Dito karin naman nagtatrabaho!.." asik ko sa kanya, inirapan niya naman ako at tumingin saking likuran. "Thats your car?" "Obviously yes, kaya nga umuusok diba?" sarcastic na tugon ko, nilagpasan niya naman ako at agad ng naglakad palapit saking kotse. "Miguel.." Napalingon naman ako sa tumawag dito at nakita ang isang binata na puno ng itim sa kamay, Mukhang kasama niya ito sa trabaho. Nag-usap muna sila bago nila itulak ang aking kotse, Napatingin pa ako kay miguel na wala man lang reaksyon sa mukha kahit nabibilad na sa araw. Sanay na sanay siguro ito sa init, pero kahit ganon ay makinis parin ang balat niya at maputi ibang klaseng magnanakaw. "Hindi muna kailangan gawin ito miguel.." anas ng kasama nito, umiling naman si miguel. "No its okay, I know her.." sagot niya, napatingin pa sakin ang lalake kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. "What! Wala ba kayong balak ayusin ang kotse ko!" singhal ko sa kanilang dalawa. "Hoy miss maganda, madaming nauna sayo na costumer kaya maghintay ka atsaka hindi naman dito nagtatraba---" "Kaloy asikasuhin muna ang iba, Ako na dito.." pagpuputol ni miguel sa sasabihin niya, Napapairap na lang ako dito dahil sa sobrang init ng pwesto nila. "Pero miguel.." "Sige na.." Nilingon pa ako ng lalake bago umalis at asikasuhin ang ibang costumer, Masama din ang tingin nila sakin dahil mas nauna silang dumating kanina. Umikot lang ang mata ko at muling tumingin saking harapan, Ngunit wala na doon si miguel kundi nagsisimula na itong ayusin ang aking sasakyan. Paano ko sasabihin kay daddy na ang nakasama ko sa kwarto ay isang mekaniko s***h car wash boy? Sh*t baka ipadala na nila ako this time sa france! Wag naman sana. _ Matapos ang mahabang paghihintay ay natapos rin ito sa ginagawa, Nakaupo na ako sa loob at humarap ako sa blower para hindi mainit. Lumapit ito sakin na sobrang pawis at madumi narin ang mukha, Pero hindi parin nababawasan ang kagwapuhan niya. D*mn! Gwapo nga siya pero hindi kami magka-level! "Kailan mo pa huling ginamit ang kotse mo?" tanong nito kaya naputol ang aking pagiisip. "I dont know, Kakauwi ko lang. Tapos na ba?" "Hmmm, Test it." anas nito kaya tumayo na ako para masubukan kung aandar na ba. Pagpasok sa kotse at isinalpak ko na agad ang susi ngunit hindi man lang gumana, "Bakit ayaw?! Marunong ka ba!" sigaw ko dito, Sumilip naman siya sa bintana kaya mas lalong nalapit ang mukha nito sakin. "Try again okay, Agad kang sumisigaw.." kalmadong anas nito, siya na mismo ang nagsusi ulit at this time ay gumana na ang makina. Hindi naman ako makagalaw dahil amoy ko ang pawis nito at magkahalong pabango sa katawan, kung titingnan mo talaga ito ay hindi mo siya pagkakamalan na isang mekaniko o magnanakaw dahil sa panlabas nitong anyo. Napaka-gwapo pero naiinis ako dahil hindi man lang ako nginingitian. "May kailangan ka pa?" tanong nito kaya muli akong bumalik sa reyalidad, nakasandal na ang dalawa nitong kamay sa bintana ng kotse at diretsong nakatingin sakin. "Wala na.." sagot ko at dumukot ng pera sa pitaka sabay abot dito. "Keep the change.." "This is too much, wait me here.." "No, Sayo na yan para may budget ka.." ani ko, nangunot naman ang noo niya. "Ano bang sinasabi mo diyan?" "Huh? Para sayo yan dahil inuna mo ako sa mga costumer, Ayaw mo ba may pera ka at hindi muna kailangan magnakaw.." inirapan ko pa ito sabay kuha saking blazer upang isuot. "How many times to told you that Im not a rubberer, Sa akin cellphone iyon.." "I dont believe you.." taas kilay na sagot ko, sumama naman ang tingin niya sakin. "Wala ka na bang kailangan?" "Uh?" "May sasabihin ka pa?" muli nitong tanong kaya nangunot ang noo ko. "Wala na, bakit?" "Pwedi ka ng umalis, dahil nakakaabala ka na sa ibang costumer.." kalmadong anas niya pa, kaya nakaramdam ako ng inis. "Sobra sobra naman ang binayad ko para sa fast service na ginawa mo! Bakit ganyan ka pa magsalita!" "Hindi ko naman sinabing bayaran mo ako, Kaya itabi muna ang kotse mo dahil nakaharang sa ibang costumer.." saad niya pang muli kay mas lalo akong nainis, Beeeeeeepppp! Beeeeeeeepppppp! "Itabi muna yan miss!" sigaw ng nasa likuran kaya salubong ang kilay kong sinuot ang seatbelt. Beeeeeepppppp! "Sandale! Mga peste!" inis na sigaw ko at sinamaan ko pa ng tingin si miguel bago paandarin ang sasakyan. D*mn, kumukulo ang dugo ko sa kanya! Ang lakas ng loob paalisin ako! Hindi niya ba ako kilala, Isa lang naman akong villamor at anak ng mayaman at sikat na bussiness man tapos umaasta siya ng ganon! Nakakabadtrip siya, Kaya kong bilhin ang buong shop na pinapasukan niya maasyos lang ang kotse ko! Kung alam niya lang pati siya kaya kong bilhin! Masyadong mayabang, Anong pinag-mamalaki niya ang kagwapuhan niya! _ Buong biyahe akong bumubulong ng mura dahil sa kanya, Hangga sa makarating ako sa factory ay badtrip ako kaya halos lahat ng empleyadong masalubong ko ay hindi na ako magawang batiin. "Hello mam luna, bakit ngayon ka lang?" tanong ng assistant kong si dana, sinamaan ko naman ito ng tingin kaya natahimik siya. "Wheres the paper?" "Paper mam?" tanong niyang muli kaya mas lalo akong nainis. "Hindi ba sinabi ni mommy ang gagawin mo dito?!" "Ahm, s-sinabi niya lang mam na tulungan lang daw kita sa gagawin mo." sagot nito, napahawak na lang ako sa batok at napapikit dahil hangga ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagka-irita saking katawan. Sumasabay pa ang init. "Tsk! Give me the quality control list!" Bossy kong tugon at dumiretso sa opisinang nakalaan para kay daddy, Naupo ako at hinintay na makapasok si dana. After 10minutes ay humihingal itong pumasok kaya mabilis akong tumayo at hinablot ang folder na hawak niya. "Call the supervisor here, All visor and manager who assign for checking.." dire-diretso akong lumabas at hindi na hinintay pa ito, nagtungo na ako kung saan naroon lahat ng stock. Napapikit na lang ako dahil sa dami ng box na kailangan kong asikasuhin, Halos lahat ng stock ay nandito, items at ibat ibang klase ng laruan. Amoy na amoy ko ang goma at plastick na nanggagaling sa factory. Wala pa man ako mismo doon ay sumasakit na ang ulo ko dito sa dami ng box. Paano pa kaya kung libutin ko ang kabuuan ng lugar na'to, D*mn ikakamatay ko siguro. "Mam they here." biglang anas ni dana sa likuran ko, katabi naman niya ang lahat ng supervisor at manager na naka-assign sa Q.c Tiningnan ko lang sila at naglakad na sa nakahilerang box upang icheck iyon, pinabuksan ko pa ang lahat ng box na nasa harapan ko ngunit halos manliit ang mata ko kaya tinawag ko si dana. "DANA!" "Yes mam" agad nitong lapit kaya padabog kong ibinigay ang papel na hawak ko. "Bakit magkaiba ang code ng box sa barcode ng items! Sinong naka-assign dito!" "A-ako mam.." kinakabahang saad ng isang supervisor na babae. "Mukhang hindi mo inaayos ang trabaho mo! Bakit mali lahat ng ito! Pending items na ang mga yan for deliver!!" sigaw ko dito, nanatili naman siyang nakayuko at hindi sumasagot. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang init ng ulo ko, Kaya ayaw kong pumunta sa factory dahil paniguradong kukulo lang ang dugo ko. "Check all of this AGAIN! Dapat maayos na ang lahat bago ko maireport ito.." "Y-yes mam.." "Sinuswelduhan kayo ng kumpanya base sa pwesto niyo pero mga wala kayong silbi! Sisirain niyo pa ang image ng kumpanaya!!" Sigaw kong muli, wala naman sumagot. "Ayusin niyo lahat yan!" dagdag ko pa at tinalikuran na ang mga ito, Sinenyasan ko na lang na sumunod sakin si dana na agad naman nasa likuran ko. "Wala na bang problema dito?" "Wala na mam" tugon nito habang nakasunod sakin. "Are you sure, How about the delivery and receiving, trucking? wala bang problema?" huminto ako at humarap dito. "Naicheck ko na kanina mam, Maayos naman lahat." tumango lang ako dito. "Okay, But you stay here for a while, pagtumawag si mom sabihin mo nasa office ako at maraming ginagawa." "Bakit mam luna?" Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Binigyan ba kita ng permisong magtanong?!" singhal ko, napaatras naman siya. "No mam," "Okay, Pahiram muna ng cellphone mo may tatawagan lang ako." inabot nito ang phone kaya mabilis ko itong kinuha at agad tinawagan si vivian. "Where are you?" Wika ko ng sagutin niya ito. ("Im here in salon, why?") "Pupuntahan kita diyan, I need to cool down masyado akong stress," ("What! baka pagalitan na ako ng mommy mo!!") nailayo ko ang cellphone dahil sa sigaw niya. Napaka-tining ng boses. "Ako ang bahala, On the way na ako byee.." binaba ko na ang tawag at inabot na kay dana ang phone, hindi ko na ito kinausap at agad ng dumiretso sa kotse. Salamat naman at hindi na masyadong mainit, Nakakastress ang araw ngayon. Nagmaneho na ako patungo sa salon na pag-aari nila vivian, buti pa ang mommy niya ay puro pampaganda ang bussiness. Meron silang salon,spa at beauty care shop kung saan, kaya sobrang kinis din ng balat ni vivian dahil sobrang alaga. Mas gugustuhin ko na yata iyon kesa sa toy company! Nang marating ang pwesto nila ay agad na akong bumaba at pumasok sa loob, Hindi ko ito naabutan doon kaya dumiretso na ako sa office niya. "Saan ka galing?" Hindi pa man ako nakakaupo ng magtanong siya. "Factory.." maikilng sagot ko at pabagsak na naupo sa sofa niya, Nakakadehydrate ng utak ang nangyari ngayon. "Iww, So galing ka doon? Kaya pala iba ang amoy mo.." "Ang sama mo talaga! Kaibigan ba kita!" sigaw ko dito at kinuha ang pabango sa bag at konti na lang ay ipaligo ko ito sa buong katawan. "Binibiro lang kita, Ang panget kasi ng awra mo ngayon hahaha." tawa pa nito, sinamaan ko naman siya ng tingin "Sira ang araw ko ngayon vivian, Nasermunan ako ni mommy at dad tapos nakita ko pa ang Mr'fierce na iyon!" reklamo ko at pinagkrus ang legs. "Nakakatakot talaga si tita miranda, tinawagan nga ang parents ko kaya ngayon hindi ako makagala dahil pinabantay sakin ang lecheng salon na ito!" "Parehas lang tayo, pinapunta niya rin ako sa factory nakakairita!" D*mn, bakit kaya sobrang strikto nila sakin! Akala mo naman makikipag s*x lang ako kahit kanino! "Saan mo pala nakita si Mr'pogi?" tanong pa nito, nakangisi na siya. "You dont believe this vivian, nakita ko siya sa isang machine shop mekaniko siya doon s***h car wash boy." saad ko dito at umayos ng upo, nalukot naman ang mukha niya. "Ow really? Hindi ko alam na ganyan pala ang work niya si giovanni kasi ay engr. ,Gosh ang gwapo pa naman ni miguel.." "Yeah tama ka, Kaso nga lang dukha.." sumandal ako sa sofa at naalala ang itsura nito kanina, kahit naiinis ako dito ay hindi ko maipag-kakaila na sobrang sexy niya kanina habang nagpupunas ng kotse. Hindi nga lang ngumingiti. "Required pa ba ang mahirap ngayon luna? Gwapo naman siya at sobrang hot pa, Wala ka bang nararamdaman dito?" napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" "I mean wala ka bang crush sa kanya.." "Wala Noh!, Nakakainis kasi siya hindi man lang ako nginingitian, lagi pa siyang nagsusungit!" asik ko, naalala ko naman yung time na first time siyang ngumiti, Sobrang gwapo niya doon pero hindi man lang nagtagal ng ilang minuto ang ngiti niya. Napakatipid ngumiti. "Hahaha, sabi ko na sayo e! Pero wala bang nangyari sa inyo?" "WALA NO! Nag-talo pa nga kami kung sino ang hihiga sa kama! Napakasama talaga ng ugali niya!!" muli kong singhal, natawa naman siya. "Sayang naman, Sinabi ko pa naman kay vanz na pagsamahin kayo sa kwarto hahaha! Akala ko kasi sinimulan muna ang pang-aakit mo dito tablado din pala ang ganda mo hahaha!!," sumama naman ang tingin ko dito kaya natigil siya sa pagtawa. "Leche ka! Kagagawan mo pala 'yon!" "Yeah sorry hahaha, Gusto ko lang naman na gwapo ang first time mo pero walley pala!" "Enough okay, ulit-ulit ka!," asik ko dito ngunit natawa lang siya. "So, Suko ka na?" tanong pa nito, napaisip naman ako. Ako susuko? Kahit kailan walang lalakeng bumalewala sa ganda ko, Ang dami ko ng nakafling at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. But Im still virgin hindi ako kagaya ng dalawa na nakikipagsex sa nakikilala nila. "Ofcourse no, Mapapa-amo ko siya at sasabihin ko sayo na siya mismo ang hahabol sakin.." nakangisi kong anas, Napapalakpak naman siya. "Alright Im excited! Hahaha." "Me too, I'll do everything to make mr'fierce smile. Hindi niya matatangggihan ang ganda ko.." muli akong napangisi sa naisip. Tingnan lang natin kung hindi kita mapa-amo, Hindi naman siguro ako mahuhulog sa gagawin kong ito, Mahirap lang siya at hindi iyon pasok sa taste ni mommy kaya paglalaruan ko lang ito. "Where's your boss!!!!" naputol ang pagiisip ko ng may marinig kaming malakas na sigaw sa labas, Tumayo ako at sakto ang pagpasok ng isang babae. "Ikaw ba ang boss dito!!!" sigaw niya agad sakin kaya napataas ako ng kilay. "Hey calmdown, maaayos naman yan." pakiusap pa ng kasama niya pero umiling ito. "No dianne! Sinira ng stuff nila ang buhok ko! Kasalanan nila ito dahil hindi sila kumukuha ng professional! Dapat sa salon na ito ipasara!!!" "Excuse me!" biglang anas ni vivian, pinigilan ko naman ito at ako ang humarap sa babaeng nag sskandalo. "I can fix it mam, Let's cut your hair at bibigyan kita ng free service.." mahinahon kong saad, pinagtaasan niya naman ako ng kilay. "How dare you to say that to me! Ipapaputol ang buhok ko? Mygod thats not never happen!! "Hey Selena calmdown, tama naman siya.." muling anas ng kasama niya. "I said no Dianne!! Sinuklay ni miguel ito last day at ayaw kong ipaputol dahil feeling ko gusto niya ang mahaba kong buhok!!!!!" Miguel? Naagaw naman nito ang atensyon ko. "At kailangan maipasara ko ito! Idedemanda din kita dahil ikaw ang boss!!!!" Nag-init naman ang ulo ko kaya dinuro ko siya. "Hoy! Akala mo kung sino kang maganda!! Edi magdemanda ka! Napaka panget mo lang tapos aarte ka ng ganyan sa harapan ko! Go ahead demand me I Dont care!!!" "What did you say! Ako panget! Hayop ka lumapit ka dito!!!" bigla naman nitong hinila ang aking buhok kaya gumanti ako at hinablot korin sa dalawang kamay ang buhok nito. "What the h*ll is happening dianne bakit hindi mo sila awatin!!!" sigaw ng bagong dating na agad kaming pinaghiwalay. "Let me go ate!!!" sigaw naman ng tinatawag na selena ngunit sinamaan lang siya ng tingin ng tinatawag niyang ate. "Enough for this selena, dianne ilabas muna ito." "No ate samantha!!! Sinira nila ang buhok ko!!!" "Tumigil ka! dianne let's go!" sigaw niya rin at hinila palabas ang kapatid niyang nagwawala parin. Mga warfreak sila! Leche!! "Sh*t luna, dapat hindi muna pinatulan iyon.." saad ni vivian, hindi naman ako nagsalita at hinihingal na naupo sa sofa. D*mn, I hate this day! Buong araw na yata akong mamalasin! Napasandal ako sa sofa at hinilot ang nanakit kong ulo dahil sa pagsabunot nito sakin kanina. Humanda talaga siya pag nagkita kami ulit. _____ To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD