Luna Pov. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa kaharap ko, Ang yakap niya'y walang kasing higpit. Maging ang nasa likuran niya ay mangiyak-ngiyak na nakatingin sa' kin. Sa haba ng pinagsamahan namin ay hindi ko inaasahan na ganito ang magiging kilos nila ngayong mismong nakita nila ako. Masasabi 'kong tunay nga sila. "Omygod luna, Were searching of you since you left the hospital. H-how could you do this to your parents?" iniwas ko ang tingin ng sandaling kumalas siya sa yakap, hindi ko nais lumayo sa mga magulang ko. Ngunit kung ito lamang ang magiging paraan para makalimot ako ay gagawin ko, Kahit maulit pa ang panahong iyon. "Sobrang nag-aalala si tita elizabeth, luna." singit ng nasa likuran, sa tagal ng panahon ay ngayon ko na lamang siya nakita. "She passed out last nigh

