Luna Pov. Buwan ng pebrero, Araw ng mga puso. Nasa ikalawang palapag ako ng bahay habang sumisimsim ng mainit na tsokolate. Nakaupo ako mismo dito sa may veranda, tinatanaw ang mga taong napapagawi sa tapat ng bahay. Gusto 'kong matawa sa nasasaksihan, Ang mga magkaparehang nilalang ay ubod ng kasweetan. Nais 'kong sumigaw ng walang forever dahil sa kapaitang nararamdaman. Ang pag-ibig ay magdudulot lamang iyan ng sugat sa puso, Sa una ay masaya. Masasabi 'kong totoo ang kasiyahan, Ngunit ang kasiyahang iyon ay paniguradong kalungkutan lamang ang magiging sanhi. Tsk, Bitter goes on me. Napapailing ako, hindi ko maiwasang aalahin ang nakaraan. Hindi na iyon gaanong kasakit, Natutunan ko naman kung paano tanggapin ang katotohanan. Tama si jasper, Hindi maibabalik ng kalungkutan ang buhay

