Luna Pov. Mabilis ang pagmamaneho ni jasper sa kotse, Ni hindi na ako binalingan simula mag-biyahe kami patungo rito. Maging ng maiparada niya ang kotse ay nagmamadali itong lumabas, pinagbuksan niya ako ng pinto. Nangungunot ang noo ko sa kanya dahil sa kinikilos nito. Gusto ko man magtanong ay hindi ko na lang siya binigyan pansin, Ang mahalaga ay dinala niya ako dito. "Bilisan mo, luna.." ani niya, hindi mawala ang pagkakunot ng aking noo. Minadali 'kong lumabas, Nauna pa siya sa'kin sa paglalakad. "Bakit ba nagmamadali ka?" nilingon ako nito, luminga sa paligid. Bago lumapit sa'kin, "Baka may makakita sa'tin at bigla na lang akong pagkamalang kidnaper.." napamaang ako, hindi ko na nagawang makasagot ng hilain niya ang kamay ko upang magpatuloy sa paglalakad. "Bakit naman nila iis

