Luna Pov. Wala ng sasama pa sa loob ko habang nakatingin kay miguel, Nang sandaling maglapat ang tingin namin ay hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob. Nasasaktan ako sa dahilang nagawa niya iyon sa' kin, Maraming katanungan sa isip ko kung bakit. Bakit kailangan humantong sa bagay na iyon? Hindi pa ba ako sapat sa kanya? Parang punong baso ang isip ko, Iyong tipong umaahon na ang tubig sa di makayanan ng laki. Ganon halos ang nararamdaman ko, Punong puno ako ng katanungan. Ngunit ni isa ay wala akong nais marinig na sagot, Natatakot at nababagabag ako sa pweding malaman. Ayoko na. Parang napapagod na akong intindihan ng intindihan ang mga bagay sa aming dalawa ni miguel, Lagi na lang 'bang masasaktan ako sa pagpaparaya ko lamang? Hindi ba pweding mag-fair naman ang pagkakataon

