Chapter 51 "Why dont you tell this in early?" tanong ko, hindi ko alam ang kakaibang nararamdaman ko. Nais 'kong magsaya, ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil nasa loob pa ang babaeng mahal ko. "Ayokong mang-himasok sa desisyon niya, Nais niyang siya mismo ang magsabi sa iyo ng balitang iyon. Pero, bigla na lang siyang nawala.." Napapapikit ako, pilit kinakalma ang kumakalabog na dibdib ngunit ang isip ko'y nag-susumigaw ng pag-aalala. Para na akong mamatay sa matinding panganib na kinakaharap ni luna, Hindi ako makakapayag na madamay ang dinadala niya. Hindi maaari, Ayoko. Naupo akong muli, Nanlalambot ang aking mga paa habang nakatingin sa mga palad 'kong may dugo. Kaya pala sobrang dami ng dugong nasa kanya, Josko. Huwag naman sanang humantong sa iniisip ko. Nang sa wak

