Chapter 12

3653 Words
Chapter 12 [ Luna Nieves ] Paglabas ko ng banyo ay hindi ko na naabutan si miguel, Pabagsak akong naupo sa kama at huminga ng malalim. Ramdam ko pa ang hapdi ng aking labi dahil sa paghalik nito, D*mn nagbibiro lang ako ng sinabi ko sa kanyang boyfriend ko siya, Hindi ko alam na papayag siya. Napahiga ako sabay takip saking mukha. Sobrang bilis ang pagtibok ng aking dibdib, Nakakapanibago ang nararamdaman kong ito maski ako ay nalilito. Hindi ko matanggihan ang bawat halik niya at nagugustuhan ko iyon maging ang mga paghaplos nito. "Arrrgggghhh!" sigaw ko at nagpapadyak sa kama, Malapit na talaga! Malapit na! Baka pag nagpatuloy pa ito ay mauna pa akong mahulog sa kanya. "SH*T!" Tumayo ako kasabay ng pag gulo saking buhok, malapit ka ng mabuwang luna! Kumalma ka! Huminga ako ng malalim at kinuha ang gamit ko bago lumabas ng kwarto, tumingin pa ako sa hallway kung nandoon ba si mugiel o wala. Nang makitang wala ito ay naglakad ako patungo sa hagdan upang bumaba na. D*mn this Feeling, Parang maiihi pa yata ako! Pagkababa ko ay tanging mga costumer at empleyado lang ang nasa baba, ngumiti ang receptionist sakin ngunit pilit na ngiti lang ang naigawad ko. Nagkandaleche leche na ang puso ko! Bakit hindi siya makisama ngayon, "Mam Hinihintay na po kayo ng boyfriend nyo, Nasa labas na ito at ihahatid kayo ng service hangga airport.." saad ng receptionist kaya halos mapanganga ako, What the h*ll boyfriend? "His not my boyfriend ms.." ani ko, Nagtaka siya at napakamot sa ulo. "Ah, Nabanggit niya po kasi kanina lang na girlfriend niya kayo.." natawa ako dahil sa narinig, talagang cinareer niya na kung ganon. "Nasaan siya?" "Nasa labas po, hinihintay kayo thankyou po sa pag stay and see you po sa darating na birthday niyo." tinanguan ko lang ito at naglakad na palabas, Tumingin pa ako sa paligid para hanapin si miguel. Nakita ko itong nakasandal sa isang puting van habang nagtitipa sa kanyang cellphone, Nakapamulsa ito habang ang isang kamay ay hawak ang kanyang cellphone. Dati pag nakikita ko ang walang kwenta niyang ekspresyon ay naiinis ako, Pero iba ngayon. Hindi ko alam kung bakit at paano naging gwapo siya sa paningin ko ngayon. D*mn nieves! Nagayuma ka na yata O sadyang hindi mo lang napansin ang kagwapuhan niya noon. Binulsa nito ang cellphone at lumingon sakin, Para akong isang pako na pinukpok saking kinatatayuan dahil sa hindi ako makakilos, Sh*t. Kung pwedi lang sanang ibaon na lang ako sa lupa dahil sa mga titig niyang yan! Tang*na! Naglakad ito papalapit sakin habang ako ay nanatiling nakatayo saking pwesto, Huminto ito sa harap ko at wala sa sariling napatitig ako sa labi niya. "Lets go.." anas nito, ngunit parang nagslow motion iyon sa paningin ko dahil sa nakafocus ako sa labi niya, Parang ang bagal ng pagbuka ng kanyang labi habang sinasabi niya iyon. Inangat nito ang kamay at idinikit saking baba para itikom ang aking bibig, Doon lang naalis ang paningin ko sa labi niya at napakurap na lang na tumingin dito. What the h*ll, "Your dreaming.." anas nito, Nakangisi. Umiwas ako ng tingin at ilang beses na lumunok bago magsalita. "Sa bahay ako didiretso.." wika ko ng hindi nakatingin sa kanya, "Okay, Susunduin kita?" napalingon ako dahil sa tanong niya. "Seryoso ka ba na isasama mo ako sa restaurant?" "Yeah, Ayaw mo ba?" tanong pa nito, "Hindi ko alam, titingnan ko.." tugon ko at nilagpasan na ito, Bwist na pusong ito! Masyadong maharot at hindi na tumigil sa malakas na pagtibok buhat kanina! Hindi ko na yata kayang madikit sa kanya, Wag na lang kaya akong sumama. Huminto ako dahil sa naisip at muling humarap sa kanya, "Im not going with you, Baka magpapahinga na lang ako.." ani ko, hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. "Pero may papakita ako sayo.." "Huh Papakita?, About what?" tanong ko pa, umiling ito. "Sumama ka na muna sakin.." "At talagang may kundisyon pa?!" asik ko, pinagkrus ko ang kamay at pinagtaasan ko siya ng kilay. Natawa ito "Yeah, Were the same right? May kundisyon karin naman kanina. Kaya bawal ka ng tumanggi.." sambit niya pa na nakangiting nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin at muling kinalma ang sarili dahil sa mga ngiti niyang nilulusaw ako, D*mn you miguel! Bakit hindi ka na lang bumalik sa pagkarobot mo. "Sasama ka?" muli nitong tanong, "Wala naman akong kundisyon kaya hindi na ako sasama.." sagot ko at nanatiling nakatingin sa ibang bagay. "Boyfriend mo ako at iyon ang kundisyon mo, So let's go and I will fetch you 7;00pm.." kinuha na nito ang gamit ko at nauna ng pumasok sa van. "Wow.." namamanghang anas ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Alas sais na lalapag ang eroplano, so edi isang oras lang ako sa mansyon at aalis na naman ako? Porket malakas siya sa parents ko inaabuso niya na, Ibang klase! _____ Few hours, Manila 6;30pm Gabi na at nandito na ako saking kwarto, Kanina pa kami nakauwi at nauna akong hinatid ng taxi dito sa bahay. Hindi ko naabutan sila mom and dad dahil nasa kumpanya pa daw ang mga ito, Mukhang gagabihin na sila ng uwi at tanging mga maids na naman ang kasama ko sa bahay. Hindi kaya sila nagsisisi at isang anak lang ang pinalaki nila? Pwedi naman dalawa o tatlo masyado naman silang matipid sa anak. Ako tuloy ang nagdudusa dahil wala man lang akong kapatid. Kung ako ang mag-aasawa ay gusto ko ng limang anak, Siguradong magiging masaya at maingay ang bahay na ito kung mangyayari iyon. Napailing na lang ako sa naisip at ipinikit ang aking mata. Matutulog muna siguro ako. _ Nangati ang ilong ko dahil parang may kung anong bagay na tumutusok doon, Ngunit hindi ko iyon pinansin dahil inaantok parin ako. Pero Muli ko na naman iyon naramdaman kaya iminulat ko ng bahagya ang aking mata. Nakita ko doon si miguel na nakaupo sa gilid ng aking kama, Seryoso itong nakatingin sakin ngunit muli akong pumikit dahil sa nararamdamang antok. Grabe ka miguel, Kahit sa panaginip ko nanjan ka. Tinusok muli nito ang tuktok ng aking ilong kaya muli akong nagmulat, Inusog niya pa ang upuan at lumapit sakin. "Your cute.." anas nito, napangiti ako at muling pumikit. D*mn nagsasalita siya sa panaginip ko. "Luna.." "Hmmmm." bulong ko, at nanatiling nakapikit. "Gwapo ba ako?" "Yes.." antok na sagot ko ngunit hindi parin ako nagmumulat, Nagsasalita talaga siya. "Are you attracted to me?" nagmulat ako at nakangiting tumingin dito, Nakkss kahit sa panaginip ang gwapo niya, parang totoo talaga ang nasa harapan ko. "Yes I am.." diretsong sagot ko, totoo naman na naattract ako sa kanya pero hindi ako sigurado kung nagkakagusto na ako dito. Ngumiti ito kaya muli akong napatitig sa kanya, D*mn bakit ako dinalaw ng isang adonis saking panaginip. Nasobrahan yata ako ng kakaisip sa kanya. Pumikit akong muli ng hindi na siya sumagot, May narinig pa akong yapak at pagsara ng pinto kaya minulat kong muli ang mata. Wala na si miguel, Umupo ako at kinuskos ang mata bago tumayo, Panaginip lang ba iyon o totoo? Pero hindi naman siguro siya papasok sa kwarto ko. Napaka-gwapong panaginip. Nagtungo na ako sa closet at kumuha ng offshoulder dress na kulay red, Mukhang hindi na ako masusundo ni miguel dahil alas otso na wala pa siya. kaya ito na lang ang susuotin ko. Pupuntahan ko na lang si vivian. Pumasok na ako sa banyo at agad ng naligo, Matapos maligo ay hinayaan ko lang na basa ang aking buhok at nagtungo na sa baba para kumain. "GoodEvening mam luna, may bisita po kayo." salubong ng maid sakin, naglakad naman ako papunta sa sala at doon nakita ko si miguel na prenteng nakaupo habang nagkakape. Huh? Nandito siya? Hindi ba panaginip ang kanina? "Kanina ka pa?" tanong ko, napalingon naman ito sakin habang ako ay nanatiling nakatayo sa dulo ng sofa. "Bihis ka na pala, Lets go?" pagbabalewala nito sa tanong ko, tsk pumasok kaya siya sa kwarto ko? Totoo ba iyon? "Pumasok ka ba sa kwarto ko?" taas kilay na tanong ko, binaba naman nito ang tasa bago sumagot. "Bakit?" "Kasi nak---.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil napaisip ako, Kung sasabihin ko sa kanyang nakita ko siya baka kung anong isipin niya, What if hindi nga ito pumasok sa kwarto ko. Baka pagtawanan niya ako pag nalaman niyang napanaginipan ko siya. Pero parang kasing totoo e! "Ayos ka lang? hindi ka pa ba nagugutom?" nakaramdam naman ako ng gutom dahil sa tanong niya, hindi pa pala ako kumakain. "Ahm nagpaalam ka na man ba sa mga parents ko?" paglilihis ko sa usapan, tumayo naman ito. "Ofcourse yes, hindi ako iyong tipo na magtatakas ng babae sa bahay nila." Tsk, magtatakas talaga. Lakas makamaginoo ng isang to e. "Halika na.." hinila na nito ang kamay ko kaya hindi na ako nakaangal pa, Napapakurap na lang ako habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sakin. Sh*t, Nagkakarera na naman ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok niya. Maging ang tiyan ko parang pinasukan ng hangin at hindi ako makahinga ng maayos, D*mn bakit biglang nagiba ang epekto ng lalakeng ito sakin. Huminto naman ito sa harap ng kotse niya at lumingon sakin, Binawi ko naman ang kamay ko at pilit kinalma ang sarili. Tsk, pwedi nman kasing hindi na hawakan ang kamay. bakit may nalalaman pa siyang ganon, "Sa restaurant muna tayo pumunta okay lang ba?" tanong pa nito, "Yeah, nagugutom na ako kaya dapat lang na pakainin mo ako ng masarap, Ikaw rin naman ang pumilit sakin.." sagot ko, natawa naman siya at binuksan ang passenger'seat. "Anong nakakatawa?!" asik ko pa at nanatiling nakatayo. "kung makapag demand ka akala mo pinilit talaga kita.." "Pinilit mo naman talaga ako!" giit ko pa, pumikit naman ito at minasahe ang kanyang noo. "Hindi kita pinilit, Pwedi naman na hindi ka sumama.." saad nito kaya nairita ako. "Edi hindi na ako sasama!" singhal ko, tatalikod na sana ako ng mabilis niya akong hilain at pasakayin sa passenger'seat niya. "Ang bilis mo magtampo.." anas nito, sinamaan ko naman siya ng tingin. ",Hindi ako nagtatampo!" "Yun kasi ang dating sakin.." kalmadong ani niya, tsk! Bakit siya nakakapag salita ng ganyan? Parang hindi man lang siya apektado sakin o nahihiya, "Asa ka.." nasabi ko na lang at inirapan ito. Sinara naman niya ang pinto at umikot na sa driver seat, lumingon pa ito sakin ngunit humarap na lang ako sa bintana. Bwist, Pati kotse niya amoy miguel. Sinasakop na yata niya ang buong sistema ko! Ahhhh!! Malapit na akong masiraan! "Are you okay?" "YES!!" Malakas na sagot ko at nilingon ito, nagsalubong naman ang kilay niya. "Bakit galit ka na naman?" "Wala! Wag muna lang akong pansinin!" asik ko at muling lumingon sa bintana. "Tsk.." dinig ko pang saad niya, binuhay nito ang makina at agad ng pinaandar iyon patungo sa restaurant. Ilang minuto lang ang binyahe namin at agad na kaming nakarating sa restaurant nito, may kalakihan naman iyon at maraming kumakain na costumer sa loob. Kung wala siya dito e sino ang nagluluto? Daddy niya? D*mn, nandito ang daddy niya kung ganon. "Tara.." iginaya nito ako papasok at pinaupo sa bakanteng upuan, Nilibot ko naman ang paningin at may nakitang isang grupo ng babae na kinukuhanan ng picture si miguel. Wow, May fans pala ang lalakeng to? "Anong gusto mong kainin?" tanong nito ng maupo ako. "Kahit ano, basta masarap.." sagot ko, tumango naman ito. "Ahm, sumama ka na lang kaya sa loob.." "Bakit?" "Para makita mo ang kusina.." tugon niya, tumango naman ako dahil gusto ko rin iyon makita. Sa sobrang lawak nito, panigurado na malawak din ang kitchen nila. Tumayo na ako ng maglakad ito patungong kusina, Nadaanan pa namin ang grupo ng kababaihan na todo kaway kay miguel. Hindi ko alam kung ngumiti ba ito dahil nasa likuran niya lang ako, siguro naka fierce na naman ito katulad noong una ko siyang nakita. Pumasok ito sa isang malaking pintuan kaya sumunod ako doon, Agad naman tumambad sakin ang mabangong amoy na niluluto sa loob at mga assistant chef na nandoon. "Good Evening Chef miguel.." bati ng mga ito sa kanya, nanatili naman akong tumitingin sa paligid. Sabi ko na nga ba at malawak ang kitchen nila e. Kumpleto sila sa gamit at mga ibang kitchen stuff, Ang ganda ng kusina kaso hindi ko talaga nakahiligan magluto. "May kasama ka palang magandang binibini chef miguel.." napalingon ako ng may magsalitang lalake sa harapan namin, Nakasuot siya ng chef uniform maging ang mahaba nitong hat ay suot niya rin. Nilingon naman ako ni miguel bago sumagot. "Siya si Chef Hulyo, Kasama namin siya ni daddy.." anas nito, nginitian ko naman ang tinatawag niyang chef hulyo. "Kumusta binibini, Pwedi mo akong tawaging july para mas maganda naman sa pandinig.." wika nito, hinubad niya pa ang suot niyang hat bago ilahad ang kamay sakin. Parang kasing edad lang ni miguel ito dahil bata pa siya, Brown din ang mata niya at malinis ang pagka-cut ng buhok nito. "Okay Chef july, My name is luna.." tatanggapin ko na sana ang kamay nito ngunit hinawakan iyon ni miguel. "She's my girlfriend.." saad niya na kinalingon ko, pinagsikop nito ang aming kamay kaya natawa na lamang si chef hulyo. "Oww, HAHAHA Okay chef miguel. Sa wakas.." natatawang usal niya pa na muling tumingin sakin. "Maganda siya.." kumindat pa ito sakin kaya hinila na ako ni miguel patungo sa mga assistant chef na abalang naghihiwa. "Pwedi na kayong umuwi, mag under time na lang kayo.." usal nito kaya nagliwanag ang mga mukha nila. "Thankyou Chef miguel.." sabay sabay na saad nila at kanya kanya ng hubad ng apron, lumapit naman si chef hulyo samin. "Pero chef miguel madami pang costumer sa labas.." "Hmm nakita ko nga, Last server na lang natin ito wag ka ng magpa-papasok.." tugon ni miguel, hindi niya parin binibitawan ang kamay ko kaya binawi ko na iyon. Napatingin naman siya sakin. Tsk, Anong gusto niya hawakan niya iyon hangga mamaya? Talagang cinareer na nito ang boyfriend mode niya. "Osge, Lalabas na ako itatanong ko lang kung may pahabol pa silang order.." "Sige.." lumingon pa muna ito sakin bago lumabas, bakit kaya halos lahat ng malapit sa kanya ay may mga itsura. Kagaya lang niya. "Isuot mo ito.." biglang saad nito at doon ko lang nakita na may hawak na siyang apron, Pinagtaasan ko naman ito ng kilay. "Dont tell me paglulutuin mo ako?!" asik ko, umiling naman siya at lumapit sakin. "Hindi isuot mo lang ito para hindi ka madumihan.." siya na mismo ang nagsuot nito saking leeg habang magkaharap kami, Maging sa pagbuhol ng tali sa likuran ay siya ng ang gumawa kaya halos mayakap na niya ako dahil sa ginawa nito. D*mn, Hindi niya kaya nararamdaman ang puso ko? Sobra na ito sa pagkabog at parang malapit na akong atakihin. Bwist, Hindi ko alam na ganito ang mga kilos ng isang miguel sandoval. "Bagay sayo.." usal nito ng matapos siya, hindi naman ako nakasagot at basta na lang naupo sa isang stool malapit sa lamesa. Lecheng pusong ito! "What do you want to eat, Pagluluto kita.." anas niya habang nagsusuot ng apron, kahit ganon kasimple ang ginagawa niya naaattract talaga ako dito. Hindi ko alam kung bakit. "K-kahit ano na lang basta masarap.." nasagot ko na lang at iniwas ang tingin, sakto naman bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon. "Okay na chef miguel, close na tayo may ipapagawa ka pa ba?" saad ni hulyo na lumingon pa sa gawi ko, nginitian ko naman siya. ",Wala na, you can go now.." sagot ni miguel na hindi man lang ito tiningnan, bastos talaga. "Huh, Can I stay here for a while para hindi naman mainip si binibining luna.." "No, Hindi na kailangan," mabilis na sagot ni miguel, napatingin naman ako dito. "Okay sige.." nasabi na lang ni chef hulyo bago maglakad palabas, "Bakit pinauwi mo na sya?" tanong ko, kumuha naman siya ng pagsangkap bago niya ako tingnan. "Masyado siyang maingay.." "Uh? masaya nga kasama ang maiingay e, Kaano ano mo pala siya?" tanong kong muli at kinuha ang mansanas na nakita ko sa gitna ng lamesa. "Chef lang siya dito, bakit?" "Hmm wala, Cute siya.." sagot ko at kinagatan ang mansanas, Napatingin naman ito sakin. "And so?" "Wala lang, Napansin ko lang." muli akong kumagat ng hindi na ito sumagot, Bumukas naman muli ang pintuan at niluwa nito si chef hulyo na nakabihis na. Nakalongsleeve na ito at itim na pants kaya makikita muna ang makisig nitong katawan, "Nakalimutan ko ang bag ko.." anas nito, at pumasok sa isang pinto. Tiningnan naman ako ni miguel at hindi ko masabi kung anong reaksyon niya ngayon. "Anong lulutuin mo chef miguel?" tanong ni hulyo na nakasilip pa sa likuran niya, nilingon naman siya ni miguel. "Wala, Lumabas ka na.." "Ha? Bakit, makikikain na sana ako dit--.." "Umuwi ka na nga." putol nito sa sasabihin niya at itinulak ito patungo sa pinto, naiiling na lang si hulyo dahil sa ginawa niya. Tsk! Ano bang problema niya? Masyado siyang maarte. "Ang sama mo!" nakangiwing asik ko ngunit hindi niya man lang ako pinansin at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. Back to normal na naman yata ang Robot, Sinabi ko lang na cute si hulyo hindi niya na pinag-stay tsk, kung kayang sabihin ko na mas gwapo siya. Mas gwapo naman talaga siya dun, Pinagpatong ko na lang ang kamay sa lamesa at pinanuod siya habang nireready ang lulutuin nito, Kinuha niya lahat ng nahiwang sangkap at nagtungo sa automatic stove para lutuin na iyon. Wala man lang reaksyon ang mukha niya, Napaka seryoso. Pero gwapo, Bulong ng isip ko kaya nailing ako. D*mn baliw ka na luna, Kumuha na lang ulit ako ng prutas habang hinihintay maluto iyon, Hindi ko na rin ito tiningnan at baka kung ano pang maisip ko. Masyado na akong apektado sa bawat kilos niya, Nakaka-kaba. Matapos ang kalahating oras ay natapos niya ng lutuin iyon, Amoy ko naman ang bango ng hinain niya saking harapan kaya natakam ako at agad iyon tinikman. "Aaawww.." daing ko ng mapaso ang aking dila, Sh*t ang init pala. "Nagmamadali ka kasi, gutom ka ba?" tanong nito at kinuskus ang aking labi na kinabigla ko, Mabilis ko naman iyon tinabig at kinuha ang tissue sa kanya. "Hindi mo naman kailangan gawin yon.." ani ko at umayos ng upo, Bwisit. "Okay, Pagkatapos natin dito uuwi tayo sa bahay.." saad niya kaya tiningnan ko ito, nakaupo na siya sa tabi ko at sinisimulan ng kainin ang pagkain niya. "Anong gagawin natin doon?" "May papakita nga ako sayo." "Tsk! Akala ko nandito na, Ayaw kong pumunta doon!" asik ko at hiniwa ang beef na nasa pinggan ko. "Bakit naman?" "Anong bakit? Porket sinabi ko sayo na boyfriend kita gagawin muna ang gusto mo! Hindi, Hindi ako sasama!" binaba naman nito ang kutsara at tumingin sakin ng diretso, pinilit ko naman labanan iyon kaya siya ang unang sumuko. "Mahalaga kasi ang ipapakita ko.." wika niya at uminom ng tubig. "Totoo bang mahalaga yan?" paninigurado ko pa, tumango naman ito. "Baka nandoon ang daddy mo, or mommy mo.." dagdag ko pa. "So what? I can introduce you as my girlfriend.." wika nito na kinamaang ko, what the h*ll seryoso ba siya? "Hoy! Seryoso ka ba?! Hindi porket matatawag mong girlfriend mo ako ay totoo na ang lahat, Para nga lang tayong naglalaro dahil hindi naman official na tayo talaga.." mahabang lintanya ko na kinalingon niya, Humarap ito ng tuluyan sakin kaya medyo umatras ako saking upuan. "Sino bang nagsabing nagbibiro ako?" seryoso nitong tanong kaya halos wala akong masagot. "Mag on na tayo kaya ibig sabihin may label na tayo sa isat isa, Hindi pa ba official iyon?" muli nitong tanong, Kumalma muna ako bago sumagot. "E kasi diba para lang naman sa mga nagkakagustuhan ang isang relasyon?" tanong ko pabalik tumango naman ito at nanatiling seryoso. "I-ibig sabihin may g-gusto ka sakin?" nauutal na tanong ko, d*mn bakit ba kami napadpad sa usapang ito. "Hmmm Humahanga lang ako sayo, kumbaga crush kita ganon hindi ko masabi.." anas nito, natawa naman ako kaya muli siyang humarap sa kinakain niya. "hahaha Ano ka teenager? Crush? What the h*ck hahaha!" sinamaan niya naman ako ng tingin kaya nakagat ko ang aking labi upang pigilan matawa. "Were the same luna, Youre attracted to me and thats my feelings too.." "Ha? A-anong attacted ako sayo??" nauutal na tanong ko, ngumisi naman siya. "You told me earlier luna, Nakalimutan muna ba?" "K-kailan?" muli kong tanong, f*ck Hindi ako nanaginip kanina? "Tinanong kita kanina kung attracted ka ba sakin at ang sagot mo ay oo, Kaya wag mo akong pagtawanan.." napaiwas naman ako ng tingin at mariin na pumikit, Leche siya pumasok nga siya sa kwarto ko kanina! Nilingon ko naman ito at sinamaan ng tingin ngunit nanatili parin siyang nakangisi. "Kung ganon pumasok ka sa kwarto ko?!" "Yeah, Ginising ka ng maid ngunit tulog mantika ka. Kaya inakyat na kita.." kalmadong anas niya pa, ngunit ang pakiramdam ko ay para na akong mainit na tubig dahil sa sobrang hiya, Nakakainis tawa tawa pa naman ako kanina! Buti na lang at wala na akong nasabi pa habang natutulog. "Kaya hindi naman masama kung may relasyon tayo diba? ikaw din naman ang may gusto nito." saad niya, siniringan ko naman ito. "Kapal mo.." "Pero gwapo naman." "Sinong nagsabing gwapo ka!" singhal ko ngunit hindi man lang nawawala ang ngisi niya sa labi. "Ikaw.." sagot nito, kaya inis akong tumayo. "AYAW KO NA NGA NITO!" asik ko at inusog ang pagkain, natawa naman ito lalo. "Hahahaha okay okay tama na, Kumain ka na.." napatitig na lang ako sa kanya dahil first time ko siyang makitang tumawa ng ganito. D*mn it. How can I calm my heart right now, Para na itong nagdidiwang dahil sa pagtibok niya. Maging ang tenga ko ay pumapalakpak dahil sa tawa niyang iyon, What the h*ll is this? Nafafall na yata ako sa kanya.. ______
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD