Chapter 13
[ Still Luna Pov ]
Kasalukuyan na kaming nakasakay sa kotse habang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila, Hawak ko pa ang aking tiyan dahil sa sobrang kabusugan. kung ano ano pa kasi ang inilabas nitong pagkain kanina, Hindi ko naman iyon matanggihan dahil sobrang sarap lahat.
Naniniwala na akong chef nga siya.
"Nabusog ka ba?" tanong nito na kinairap ko, tumingin ako sa kanya ngunit diretso lang ang tingin nito sa daan.
"Natural oo, Siguro hangga bukas pa ang kabusugan ko'ng ito dahil sa dami ng pinakain mo.." lumingon ito sa akin ngunit agad rin niyang binalik ang paningin sa daan.
"Ang payat mo kasi.."
"Tsk, Bakit lagi muna lang akong tinatawag na payat?! Payat na payat ba ako?!" singhal ko, umiling siya.
"Hindi naman, Pero mas maganda kung tumaba ka pa."
"Huh, Ayaw ko ng mataba.." nakangiwing ani ko, bakit hindi na lang siya ang magpakataba, pino-problema pa ang katawan ko.
"Gusto ko kasi na tumaba ka, Hindi 'bat boyfriend mo ako? Kaya masasabi nila na magaling akong mag alaga.." napairap akong muli sa sinabi niya,
"Mas gusto ko itong katawan ko, bahala ka!" asik ko, lumingon ulit ito sa gawi ko at hinagod ang aking katawan, nahinto siya sa aking balikat ngunit agad rin niyang ibinalik ang tingin sa daan.
"A-ahm, wala ka na 'bang gustong kainin sa bahay?"
"Wala na, busog na ako.." mabilis na sagot ko at sumandal sa upuan.
"Ayaw mo ba ng cake? Ipagbabake kita.."
"Wow, marunong 'kang magbake?" agad na tanong ko? Ang alam ko sa babae lang iyon dahil si mommy ay mahilig magbake at pilit niya akong tinuturuan pero hindi ako interesado.
"Yeah ofcourse, Lahat alam kong lutuin pwedi na nga akong mag asawa.." nailing na lang ako dahil sa kayabangan niya, edi mag asawa na siya.
"Bakit hindi ka mag asawa!" asik ko, naiiling pa ako at natatawa dahil sa topic namin.
"Gusto muna ba?"
"Ha? may sinabi ka ba?" tanong ko, umayos ako ng upo dahil baka nabingi lang ako.
"Anong sabi ko?" pagbabalik tanong nito, lumingon ako sa bintana at napakamot ng ulo.
"May naririnig yata ako ng hindi niya naririnig." bulong ko pa sa sarili.
"What? anong naririnig?"
"WALA!" Singhal ko at hindi na ito nilingon, d*mn nababaliw na yata ako dahil kung ano ano na ang naririnig ko.
Hindi na lang ako lumingon dito at nagfocus na lang sa bintana habang binabaybay namin ang daan pauwi, Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang bahay nila.
"Your daddy is here?" tanong ko pa habang tinitingnan ang harapanan nila, Nandito na kami sa harapan ng gate at hindi ko alam kung papasok ako, Nakakahiya.
"His not here.." anas nito na tumingin sa gilid "Wala ang kotse niya.." dagdag niya pa at kinuha ang cellphone, may tinawagan siya doon kaya nanatili lang akong nakikinig.
"Where are you dad?" bungad nito, nakapamewang ang kamay niya habang ang isa ay hawak ang cellphone. Pero kahit ganun ang pwesto niya parang sobrang gwapo pa nito doon.
D*mn! Bakit hindi na ako natigil sa pagpuri dito.
"Okay dad takecare and enjoy.." binulsa na niya ang cellphone at muling tumingin sakin.
Tumingin ako sa gate para iiwas ang tingin dito dahil masyado akong hinihigop ng mga titig niya, Sh*t napapano ba ako.
"Nasa Birthday party sila, Baka pauwi na ang mga ito mamaya lang.." anas nito, tumango lang ako at nanatiling nakatayo, Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagbukas niya ng gate kaya medyo inayos ko ang aking sarili.
Just relax Luna, Calm down. Si miguel lang yan,
pangungumbinsi ko pa sa isip.
"Come here." biglang anas nito kaya medyo nagulat ako.
"Are you okay? You look pale? What happen??" sunod sunod na tanong nito na hinawakan pa ang aking noo,
"WALA!" tinabig ko ang kamay niya dahil para akong sinisilaban ng marandaman ko iyon, F*ck ayoko na yatang pumasok sa loob.
"Im asking you nicely luna.."
"W-wala nga, Am Cold .." sagot ko na lang, napatingin pa ito sa suot ko.
"Tsk, Gabi na kasi nagsuot ka pa ng ganyan.."
"Trip ko lang! Paki mo ba.." pagsusungit ko, nailing naman ito.
"Lets go inside.." tumalikod na siya kaya huminga ako ng malalim bago sumunod dito, Masyado na talaga akong naaapektuhan sa kanya. D*mn I need to consult my heart para na akong may sakit sa puso.
Pag pasok namin sa loob ay agad akong umupo sa sofa, Nahinto naman ito sa pag akyat at nakakunot ang kilay na nakatingin sakin.
"Why?!" pagtataray ko pa,
"Come here follow me upstairs.."
"Ha? Bakit hindi na lang dito?" nagtatakang tanong ko, bakit sa taas pa gusto niya bang himatayin na ako.
"Sa study room tayo pupunta, dont worry wala akong gagawin sayo.." dumiretso na ito at iniwan akong nakaupo sa sala,
Wala ka ngang gagawin pero inaatake na ako ng kaba, Nakakapeste na talaga itong puso ko!
Dahil sa wala na akong magawa ay sumunod na lang ako sa taas, Magkabilaan ang hallway doon kaya hindi ko alam kung saan pupunta, Sumilip naman si miguel sa isang pinto kaya naglakad ako patungo doon.
"Ano ba kasi ang ipapakita mo?" tanong ko pa ng makapasok sa loob, Iniwan niyang nakabukas ang pinto kaya naging kampante ako.
What the h*ll luna, Hindi naman siya katulad ng ibang lalake. Kung may gusto siyang gawin sayo ay ginawa niya na noon pa, Pero masyado siyang maginoo at marespeto kaya wag ka ng magpanic! Kausap kong muli sa sarili.
"Evidence.." maikling sagot nito, Hinila niya ang upuan at sinenyasan akong maupo doon,
Umupo ako sa harap ng laptop na nakapatong sa study table nito, Malawak ang study room nila at madaming libro. Meron din computer doon pero mapapansin mo talaga ang mga libro dahil sorbang dami. Mahilig nga siya sa libro.
Ngunit napasinghap ako ng pumwesto siya saking likuran habang binubuksan ang laptop nito, Ang isang kamay niya ay nakapatong sa table habang ang isa ay siyang ginagamit niyang pagtipa sa laptop nito.
Nakakulong na tuloy ako sa bisig nito kaya halos magrambolan na ang aking dibdib, Medyo bumaba ito ng isaksak niya ang USB sa gilid kaya halos maramdaman ko ang pisngi niya saking tenga.
D*mn d*mn d*mn!! Sa isip na lang ako nagmumura dahil sa kabang nararandaman, Kainis ka miguel! Masyado kang pafall!
"Your nervous.." anas nito, lumunok naman ako para pakalmahin ang sarili.
"Ano ba kasi yan!?" pinilit kong hindi mautal dahil parang wala man lang sa kanya ang ginagawa niya.
"Video, Cctv video." sagot nito, hinila niya ang upuan na nasa side at tumabi sakin "Dont leave your eyes here luna just watch.." dagdag pa nito at meron siyang pinindot na isang video kaya nag play iyon.
Napapatitig naman ako dahil isa lang iyon highway na maraming sasakyan, Anong trip nito?
"Thats the airport highway! Where is the important things you said?" nilingon ko ito ngunit masyadong malapit ang mukha niya, Hindi naman siya nakatingin sakin pero yung kamay niya kasi ay nakaakbay saking upuan.
"As I said just watch, Be patience luna.." parang nauubusang pasensyang anas niya, lumingon ito sa akin kaya mabilis ko'ng ibinalik ang paningin sa laptop.
Nangunot ang noo ko ng makita ang sarili ko doon na tumatakbo habang papatawid sa daan, Nakuha ko agad ang nais niyang sabihin.
Ito iyong araw na nakauwi ako galing france, Ito rin 'yung araw na una ko siyang nakita.
Kuha sa cctv ang pagtawid ko at pag-upo sa waiting shed, May pinindot si miguel dahilan para mag zoom in ang video.
Kitang kita na tuloy ang buong Shed.
Nakita ko ang isang lalakeng nagmamadaling naglalakad habang may kausap sa cellphone, Nakilala ko agad iyon dahil sa tindig niya. Si miguel iyon,
Tumayo ako sa video at saktong sasagutin ko ang tawag ng mabunggo niya ako, Tumilapon ang pareho naming cellphone kung saan ngunit hindi ko agad iyon nakita kung saan bumagsak dahil para na akong naistatwa sa video.
What the h*ll, This is akward moment.
Nakita ko pa ang pag angat ng panyo ni miguel kaya nakagat ko ang aking labi, maging noon ay nastar struck na ako sa kanya sh*t!
May sinabi ito at mabilis na tumalikod, pinilot niya ang cellphone ngunit agad kong hinubad ang sandals ko at ibinato iyon sa kanya, D*mn sapol pala iyon sa ulo niya. Ang sakit non,
Galit na galit ako sa video at kita ko pa kung paano ako magpapadyak, Hindi ko hinanap ang sakin dahil alam ko ay cellphone ko ang kinuha niya.
This is embrassing! My god!
May pinindot pa si miguel dahilan para mag fast forward ang video, Wala na ako doon kundi isang mamang lalake ang nasa video na may nakitang cellphone.
Sh*t, Thats my phone. The real one. Omg!
"Are you satisfied with that?" tanong pa nito ng ma-ipause niya ang video.
Hindi ako makasagot, Nanatili lang akong tahimik at walang masabi. Nahihiya ako sa kanya.
"Ahm, Do you want milk?" pag iiba nito sa tanong ng hindi ako makasagot, Umiling ako.
"N-no, I want juice 'yung nagyeyelo.."
"Huh, okay wait me here.." tumayo na ito at naglakad patungo sa pinto, napasandal ako ng tuluyan sa upuan at tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha.
"SHOCKS!!" Mahinang sigaw ko doon habang nakatakip ang mukha, Sobrang pula na siguro ng mukha ko dahil sa pagka-pahiya.
Sh*t! For all the times I suspect him! Pero mali pala ako.
I call him rubberer manytimes, Ininsulto ko pa siya pero hindi niya man lang sinusumbat iyon?
F*ck! I dont deserve a man like miguel, His to perfect to me. Tama siya masyado akong arogante, D*mn!
Kumalma ako at huminga ng malalim,
Maybe I accept my mistake i've done.
Pumasok ito na may dalang Baso at tasa, Napatingin ako sa mukha niya at doon ko lang naisip na ganun lang talaga ang personality niya. But his nice, and good.
Mabait siya, Hindi lang ito mahilig magsalita noon.
"I made orange juice for you, Do you want cake or something to eat?" tanong nito ng makalapit sa study table, Nakita ko na coffee ang sakanya kaya tumango ako bago sumagot.
"Kahit ano na lang.."
"Okay." sagot nito, nakatingin ito sakin kaya kinuha ko ang juice na ginawa niya.
"Dont bother yourself luna, Kung alam ko lang na ganyan ang epekto sayo hindi ko na sana pinakita, Hindi ako sanay.."
"Huh?" What do you mean?" takang tanong ko.
"Mas gusto ko pa rin yung lagi kang maingay." anas nito, hindi ako nakasagot.
"Kukunin ko lang yung pagkain sa ref, May nakabake pala doon.." wika nito, tumango lang ako kaya tumalikod na siya.
Ininom ko ang juice at napangiti ng makitang sobrang dami ng yelong nilagay niya, Malamig na malamig nga.
Tsk, Nainitan kasi ako sa nangyari kanina, Feeling ko iniihaw ako sa kahihiyan. Pasalamat na lang talaga ako dahil mabait siya,
Tumayo ako at nagtungo sa dalawang bookshelf na nasa kaliwa, Apat ang bookshelf dito at nasa kanan ang dalawa. Sa gitna ay mahabang sofa at dalawang single sofa na may salaming lamesa sa gitna nito.
Yung computer set ay nasa gilid, malapit sa bintana.
Nagtingin tingin ako doon at nakita ang ibat ibang uri ng libro, Karamihan ay halos sa pagluluto.
Sa totoo lang ay hindi ako mahilig sa mga lalakeng chef noon, Hindi ko alam na meron palang Chef miguel na nageexist sa mundo.
Mahilig lang ako sa mga lalakeng laging nasa bar at party kaya kung sino sino na lang ang nakikilala ko, Pero hindi ko inaasahan na isang chef lang pala ang makakakuha ng buong atensyon ko.
D*mn, what is this?
I dont know how to explain my feelings for him, Naguguluhan pa ako.
Napatingin ako sa paa ko ng may maramdamang malambot na dumaan doon, ngunit hindi ko iyon nakita kaya tumingin ako sa ilalim ng sofa.
Squeeeeekkk.
Pagsilip ko ay saktong lumabas ang daga kaya halos maglulundag ako sa takot.
"WAAAAHHHHHHH!! RAT!! RAT!!!" Malakas na sigaw ko at halos mabitawan ko na ang baso, Nabasag iyon ngunit hindi ko na pinansin.
Ang kinatatakutan ko sa lahat ay nandito! Daga!
How I hate Rat.
Umikot ito sakin kaya halos magtitili ako at magpapadyak sa takot, naluluha narin ako at nagtataasan na lahat ng balahibo ko sa katawan.
"MIGUELLLL!!" malakas na tawag ko dito, Umikot ako sa sofa at umakyat sa maliit na table. Gawa iyon sa salamin kaya kita ko ang mabilis na pagtakbo ng daga kung saan.
Sh*t, Where she go?
"What happen?!" humahangos na tanong ni miguel, Kasalukuyan na akong nakatayo sa lamesa dahil sa takot.
"M-may d-daga kasi sa ilalim.." sagot ko, pati boses ko nanginginig dahil sa takot.
Nakakainis, Hangga ngayon takot parin ako sa daga.
"Saan? Wala naman.." anas pa nito na sinilip ang ilalim ng lamesa.
"Nariyan siya kanina, Nakita ko.."
"Wala na nga luna, Bumaba ka na jan.." lumapit ito sakin at nilahad ang kanyang kamay, nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko iyon dahil baka biglang sumulpot ang bubwit na daga.
"B-baka kasi nasa ilalim pa e.." natawa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin
"That's a small rat luna, Bumaba ka na baka mahulog ka pa.." tumingin pa muna ako sa ilalim bago abutin ang kamay niya, Pesteng daga na iyon tinakot ako.
"Gusto ko ng umuwi.." saad ko pa, Hanggat hindi ko nakikitang lumalabas iyon sa kwarto hindi ako mapapalagay.
"Why?"
"B-basta, Bakit kasi may daga dito.."
"I dont know, ngayon nga lang nagkaroon ng daga dito e.." sagot niya, napaigtad ako ng marinig ang huni ng daga.
"D*mn miguel! the rat is here!!" nagmadali akong magtago sa likuran niya ngunit tinawanan lang niya ako,
"Bwist ka! Pinagtatawanan mo ba ako!" asik ko, sabay hampas sa balikat niya.
"Sorry hindi ko kasi mapigilan matawa.." ani niya na halatang nagpipigil ngumiti, Leche siya.
Squuueeeekkkk.
"WAHHHHHH! Omygod!! Yaaahhhh!!" napasigaw ako ng malakas dahil bigla itong sumulpot at dumaan sa gilid ko, humarap naman sakin si miguel na natatawa.
Lumingon ako sa likod ko kaya halos magulat ako ng makitang nandoon siya.
"WAHHHHHH! Miguel nanjan siya!!" napasampa na lang ako sa kanya dahil sa nakakakilabot na pakiramdam, Sh*t Ayaw ko talaga sa daga. Mas gugustuhin ko pa ang pusang gala kesa doon.
Natahimik ito dahil sa biglaang paglukso ko, Nakayakap ako sa batok nito habang nakapalupot ang aking magkabilang paa sa likuran niya, Doon lang nagsink in sakin ang akward possition namin dahil hindi ko na naririnig ang daga,
D*mn it luna,
Parang napalitan ng ibang pakiramdam ang nararamdaman kong takot kanina, Ramdam ko rin ang kamay nito na nakasalo sa aking pang-upo.
"Nanginginig ka, Ganun ba ang takot mo sa daga.." biglang saad nito, bababa na sana ako ngunit nagsalita pa siya.
"Nanjan pa ang daga.."
"MIGUEL!!" pagsigaw ko dito, nakaharap na ako sa kanya habang nakayakap parin sa batok niya.
"What?"
"Put me down.." anas ko, wala na akong pakielam kung nanjan pa ang daga dahil mas dadagain ang puso ko sa sobrang lapit niya.
"Why?" muli nitong tanong,
"Puro ka tanong! Hindi ako kumportable sa kamay mo miguel!" asik ko, ngunit lalo niya pa akong itinaas para hindi mahulog.
"Sinasalo lang kita dahil baka mahulog ka.." kalmadong saad niya, pero para sakin iba ang kahulugan ng sinabi nito.
Leche, Masyado talaga siyang pafall.
"Ibaba muna ako!"
"Sandali lang, Tinitingnan ko pa kasi kung ilan ang timbang mo.." medyo nakangisi niyang sagot kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pinagtitripan mo ba ako!"
"No.." Seryoso nitong sagot na nakatitig lang sakin, Hindi ako makapagsalita dahil sa kaonting pagitan namin.
Mabuti na lang at hindi nakadikit ang dibdib ko dahil panigurado mararamdaman niya ang malakas na pagkabog nito, D*mn para akong nanlalambot pag tinititigan niya ako ng ganito.
Bumaba ang tingin niya saking labi kaya parang nahihirapan na akong huminga, Ilang beses pa akong lumunok ngunit para na akong kinakapos sa sarili kong hininga. Ano bang iniisip ng lalakeng ito?
bigla niyang nilapit ang mukha kaya medyo napausog ako, ngunit hindi siya tumigil sa paglapit kaya alam ko na ang gagawin niya.
Para na yata akong hihimatayin ngayon.
Pumikit na lang ako at naghintay na maramdaman ang labi niyang dumampi sakin, Ramdam ko na ang hininga nito saking ilong kaya napakapit pa ako ng mahigpit sa batok niya.
"Miguel I have good n--- Oww sorry sorry.." napalayo ako kay miguel ng marinig iyon, Lumingon siya sa pinto kaya malaya akong nakababa d*mn, Nandito na yata ang daddy niya.
"May bisita ka pala.." anas pa ng daddy nito na halatang nagpipigil ng ngiti, Tumingin ako sa kanyang ama
"G-goodEvening Sir.." nauutal na bati ko, tumango ito
"She's luna, Luna si daddy.." pakilala ni miguel, tango lang ulit ang naisagot ng dad niya ngunit hindi nito maiitago ang ngisi sa kanyang labi.
D*mn, He looks like miguel. Version 1.
"May good news ako pero bukas ko na lang sasabihin, Nasa baba na pala ang mommy mo baka gusto mong ipakilala sa kanya si luna.." Wika pa ng dad niya, Tumango naman si miguel ngunit ako ay nanatiling nakatayo sa gilid dahil nahihiya ako sa daddy niya.
Bigla siyang sumulpot at sigurado akong nakita niya ang pusisyon namin kanina, Sh*t nakakahiya.
"Susunod na kami.." sagot ni miguel, ngumiti ang daddy nito sa akin bago lingunin si miguel na may makahulugang ngiti.
Buti pa ang dad niya laging nakangiti, Kanino niya kaya namana ang seryosong mukha? Hindi kaya sa mommy niya?
Lagot! Hindi kaya masungit ang mommy niya, baka magalit pa ito sakin dahil pumayag akong umakyat dito na kasama ang unico hijo nila.
D*mn,
"Lets go.." anas ni miguel, Nauna itong maglakad patungong pinto kaya malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko,
Kahit nagkaroon na ako ng boyfriend noon ay hindi kami umabot sa legal stage yung point na ipapakilala nila ako sa parents nila,
Mabilis lang akong magsawa, Laging bago ang boyfriend ko kaya halos walang tumatagal. Ewan ko ba masyado akong malaro noon.
umabot na ako sa edad na 24 wala pa akong serious relationship, Hindi katulad ni vivian na may long time boyfriend.
"Hey, Luna.." tawag ni miguel kaya naputol ang pagiisip ko, humakbang ako at sumunod na sa kanya.
"Dont worry, mabait naman si mom.." anas niya pa habang naglalakad kami pababa sa hagdan,
"O-okay.." nasagot ko na lang dahil ayaw ko ng magsalita, Nagiipon ako ng lakas na loob para hindi mautal.
Pagkababa namin sa hagdan ay agad niya akong iginaya sa sala, Naabutan ko naman doon ang daddy at mommy ni miguel na agad napatingin samin.
"Ow Hi, who is that beautiful girl?" agad na tanong ng mommy niya, pinaupo ako ni miguel sa mahabang sofa.
"Si luna mom.." sagot nito at naupo siya saking tabi.
"Goodevening mam, My name is Luna nieves Villamor.." pakilala ko sa buong pangalan, nakangiti naman siyang tumango.
"Wow, You are the unica hija of Rumualdo right?"
"Yes mam.." sagot ko natawa siya.
"Call me tita hija.."
"Y-yes po tita.." Ngumiti ito at bumaling kay miguel, Maganda siya at halatang sosyal ang kanyang kilos.
Maalahas din ito, at may kulay ang kanyang buhok.
"May sasabihin ka ba?" tanong nito kay miguel, lumingon ako dito at nakita siyang nakasandal sa sofa habang nakapandekwatro.
"She's my girlfriend.." diretso sagot nito, lumaki ang mata ko dahil doon ngunit rinig ko pa ang pagtawa ng dalawa niyang magulang.
What the h*ll, Seryoso ba siya?
Wala talaga kaming proper relationship, Kumbaga parang nagdeal lang kami sa isang bagay.
"Haha Wow finally, Akala ko ay balak mong maging pari. Buti naman at naisipan mo ng magka girlfriend, Thats nice.." natatawang anas pa ng mommy niya, Pilit na ngiti lang ang binigay ko ng lumingon ako sa kanila.
Para na akong ginigisa ngayon.
"Siguro Aakyat na kami, medyo napagod rin kami kanina. Kung gusto mong magstay dito luna itatawag ko na lang kay sir villamor." saad ng daddy niya, umiling naman ako kasama pa ang kamay.
"No hindi po, Baka uuwi narin ako niyan.."
"Oww ganun ba, sayang naman.." sagot ng mommy nito, tumayo siya at lumapit sakin para yakapin ako .
Nabigla ako dahil doon,
"My son is quite weird but hes too kind and caring, I hope you can give me grandchild as soon as possible.." bulong nito, napa-O na lang ang aking bibig ng humiwaly siya. Kami lang dalawa ang nakarinig ngunit parang ang pula ng aking pisngi dahil sa sinabi niya.
"Maybe next time mag bonding tayong dalawa, You know mother and Soon Daughter in law bonding hehehe.." tumatawa pang anas niya ng makalayo sakin, napakamot na lang ako sa ulo bago tumango.
"Oh iiwan na namin kayo dito, Mag ingat ka na lang sa pagda-drive miguel okay?" pahabol pa ng daddy niya at inakbayan na nito ang asawa,
"Hmmm." tumango lang si miguel kaya naglakad na sila paalis ng sala, Hindi nakatakas ang pagkindat sa'kin ng mommy niya.
D*mn, Parang nakikita ko si vivian dito dahil may pagkakalog pala siya.
Nilingon ko si miguel ng makaalis sila, Lumingon din ito sakin kaya himampas ko ang balikat niya.
"Aray! Napano ka?"
"Anong napano! Seryoso ka ba sa sinabi mo?! Girlfriend! girlfriend!!"
"Yeah, Youre my girlfriend right?" tanong pa nito,
"Seryoso ka talaga?! Ano ito totohanan ganon, Ano bang nararamdaman mo sakin?"
"I dont okay.." nangunot ang noo ko dahil sa sagot niya,
"Hindi mo na man pala alam!"
"Ganun karin naman luna, Kung itatanong ko sayo ang tanong mo anong isasagot mo sakin?" Tsk pinasa ba naman ang katanungan sakin,
"Ewan ko.." nasabi ko na lang,
"See? I told you earlier about my feelings, Parehas lang tayo. And besides I want this setup." anas nito, kung magtatagal kaya kami hindi maglelevel up ang feelings niya?
Kasi parang ako nasa first level na, At parang patungo na sa highest level. Tsk! I can't believe this.
"Oras na, Ihahatid na kita." usal niya pa ng hindi ako sumagot, Tumango na lang ako.
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, Gwapo naman siya hindi lang gwapo. Picture perfect pa ito.
Hindi ka na lugi.
Hindi na kami nakapag-paalam sa parents niya dahil baka natutulog na ang mga ito, Sobrang tahimik ng bahay nila dahil wala man lang maid. Tanging silang tatlo lang ang nandito.
Napapaisip tuloy ako kung magiging totoo ang sinabi ng mommy niya,
Soon daughter in law, What the h*ck.
Naiiling na lang ako habang tinatahak namin ang daan pauwi, Ilang minuto lang ang binyahe namin ng makarating sa bahay. Pasado alas'onse na kasi kaya hindi na gaanong traffic.
"Busy ako bukas, Kung gusto mo puntahan muna lang ako sa restaurant.." anas nito ng makababa kami ng sasakyan.
"Tingnan ko kung walang ipapagawa si mommy.."sagot ko, pero sa loob looban ko ay gusto ko ang sinabi niya, D*mn nakakahiya man na ako ang pupunta ay kakapalan ko na ang mukha.
Siya naman ang nagyaya.
"Okay.." maikling sagot niya, may dinukot siya sa bulsa at nilahad nito ang cellphone sakin. Nangunot naman ang noo ko.
"I dont have phone.." anas ko, paano ko nga ba ibibigay ang number ko.
"No, Sayo na ito. Ibibili na lang kita ng bago next time.."
"What? Hahaha hindi na, pupunta na lang ako ng mall bukas.." natatawang sagot ko, tsk masyado talaga siyang pafall.
"Hmm, Sge bahala ka. Mauuna na ako.."
",Okay.." sagot ko sabay tango, tumalikod na ito ngunit huminto siya kaya nagtaka ako.
"Why? May nakalimutan ka bang sabih--."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng mabilis siyang lumapit at pagdampiin ang labi namin, humiwalay din ito kaya halos mashock ako sa harapan niya.
"Goodnight." naglakad na ito papasok sa kotse niya at pinaandar iyon ng mabilis.
Napahawak na lang ako sa labi habang pakurap kurap na nakatayo sa harapan ng bahay.
_____
To be Continued.