Chapter 14
[ LUNA POV ]
7;00Am when I woke up,
Hindi ko alam kung bakit, Parang automatic ang mata ko sa pag gising ng ganito kaaga. Hindi naman ito ang nakasanayan ko'ng pag gising.
Maybe about what happen last night, Hindi agad ako nakatulog dahil doon. Para akong teenager na kinikilig sa isang smack kiss, nakakahiya.
Pero hindi ko mapigilan ang kiliting nararamdaman sa aking dibdib, Malapit ko ng aminin sa sarili ko na gusto ko siya.
Pero may bumabagabag kasi sa akin, Baka hindi kami same ng feelings at hangga sa paghanga lang ang nararamdaman niya sakin.
Tsk! Thats a big slap in my face pag nangyari iyon.
Nailing na lang ako habang nakaupo sa kama, Nakapantulog parin ako pero gising na gising na ang aking diwa. Kanina pa ako nagiisip kung pupuntahan ko ba ito sa restaurant o hindi, anong gagawin ko doon? Makikikain na naman, baka masyado silang busy ngayon dahil sunday.
Pero sinabi niya naman kagabi kung gusto kong pumunta ay puntahan ko siya, Hindi naman siguro masama.
Tumango ako sa naisip ko bago tumayo at magtungo sa aking closet, Umaga naman so makakapagsuot ako ng skirt at sleeveless top.
Kinuha ko ang black skirt at isang yellow na sando, hindi naman siguro ako aabot ng tanghalian doon kaya wag na lang akong magsuot ng sweater. Ayos na 'to.
Nagtungo na ako sa banyo at dinala ko na ang aking damit para doon na lang magbihis, Siguro nasa restaurant na si miguel ngayon maaga naman siyang nagigising.
Mamaya na lang ako dadaan ng mall pag nakakain na ako sa restaurant niya, Para makabili narin ng cellphone.
Nakakahiya talaga dahil buong akala ko magnanakaw siya, Parang sinampal lahat sakin ang mga masasakit na salitang binitawan ko dito noon. Buti na lang talaga at hindi siya kagaya ng ibang lalake,
Wala sa sariling napangiti ako habang nagsasabon, Kahit hindi maganda ang una naming pagkikita ay parang bumubuti naman ngayon. Mas lalo ko itong nakilala, Kulang na lang ay malaman ko ang buong pagkatao niya.
Nakangiting umiling ako at tumapat sa shower, Mas binilisan ko pa ang pagligo para hindi na ako abutin ng init sa daan, Dapat fresh ako.
D*mn, pinaghahandaan ko ba ang pagkikita namin? Tsk wala na luna na-fall ka na!
Na-fall ka ng hindi man lang sinisigurado kung sasaluhin ka nito, Sh*t ang sakit pa naman mahulog ng walang sasalo sayo. Kung baga sa totoong buhay, kung nahulog ka sa mataas na lugar ay masasaktan ka. Ganun din sa tao kung kanino ka mafa-fall,
Huminga ako ng malalim at lumabas na ng banyo, Agad akong naupo sa harap ng salamin at pinatuyo ang aking buhok gamit ang blow dry.
Naglagay na lang ako ng lipstick at kaonting foundation dahil parang tinamad akong mag-ayos sa sarili dahil sa naisip ko, Okay na siguro ito magdadala na lang ako ng makeup kit for retouching mamaya.
Tumayo na ako at kinuha ang sling bag sa gilid, nilagay ko doon ang mga dadalhin bago lumabas ng kwarto, Pagkababa ko ay agad hinanap ng mata ko si mommy at daddy ngunit wala ang mga ito, Dumiretso ako sa dining ngunit maid lang ang naabutan ko.
"Where's my parents?" tanong ko dito, habang nagpupunas siya ng lamesa.
"Maaga po silang umalis maam, Hindi ka na po nila pinagising dahil tulog pa kayo kanina.." sagot niya kaya nalukot ang mukha ko, Kagabi ay nauna pa akong umuwi sa kanila dahil nasa company pa ang mga ito dahil nag over time sila.
Siguro mga pass 12:00 na ng makauwi sila, pero hindi ko na sila nakausap dahil pagod na ang mga ito. Ano kayang nangyayari sa kumpanya? Bibisita na lang ako bukas para makibalita, kahit naman wala akong pakielam sa company ay mahalaga din iyon sakin dahil dugo at pawis ang sinakripisyo ni daddy doon. Maybe he needs my help now.
"Pakisabi na lang sa kanila mamaya na nasa restaurant ako ni miguel okay, Thankyou.."
"Yes mam.." sagot nito kaya tinalikuran ko na siya at naglakad palabas, Agad akong sumakay sa kotse at minaneho iyon patungo sa restaurant ni miguel.
Ilang minuto lang ng makarating ako mismo sa gilid ng restaurant, Hindi ako huminto sa harapan dahil sinisilip ko pa kung nandoon ang kotse ni miguel. Nang makitang nakapark iyon kasama ng mga ibang kotse ay tiningnan ko pa ang itsura ko sa rear mirror kung maayos pa ba ang aking mukha, Ng maging kontento sa ayos ko ay lalabas na sana ako ng mahagip ng mata ko si miguel palabas habang may nakakawit na babae sa kamay nito.
D*mn, Sino pa ba edi yung walang hiyang impakta na feeling girlfriend lang naman!
Tsk, Makikita niya ngayon kung sinong tunay at peke saming dalawa!
Mabilis akong lumabas at hinawi ang aking buhok habang naglalakad sa kinaroroonan nila, Sasakay na sana sila sa kotse ng tawagin ko ang pangalan ni miguel.
"Miguel." agad itong napalingon sakin maging ang impaktang babae na kasama niya, ngumiti ako ng malaki ng mahinto sa harap nito.
"May lakad ka?" tanong ko, hindi pa man ito nakakasagot ng hilain na siya ng impakta.
"Oo may lakad kami!"
"Im not talking to you warfreak woman.." kalmadong anas ko at muli sanang lilingon kay miguel ngunit biglang pumagitna ang impakta.
Tsk, Ano bang eksena nito?
"Sinong warfreak ha?! Ang feeling mo rin para tanungin kung may lakad si miguel! Ano ka ba niya ha?!"
"Hey enough o--"
"Girlfriend niya ako baket?!" hamon ko dito at hindi na pinatapos ang sasabihin ni miguel, Tumawa naman ito na parang baliw.
"HAHAHAHA, Where the h*ll did you get that? Girlfriend?! Hahaha are you kidding me?" tumatawa pang anas nito kaya tiningnan ko si miguel.
"Why don't you tell her? I am your girlfriend and I have rights to you.."
"Oppssss! Wait dreaming woman, dont push him to say the things that will never happen. Dream all you want huwag lang ito, pinapatawa mo ako.."
"Shut u--"
"Luna enough, We have important meeting to attend today sorry if I can't join you right now.." putol ni miguel sa sasabihin ko, napanguso ako.
"Its that too hard to tell the truth miguel? I hate you!!" asik ko, umirap ang impakta habang magka-krus ang kamay.
"Luna i--"
"Tama na, aalis na ako.." putol ko sa sasabihin nito at mabilis na tumalikod.
"Luna." dinig ko pang tawag niya sakin ngunit hindi ko na ito nilingon, bahala siya nakakainis!
Sumakay na ako sa kotse at masama ang loob na pinaandar iyon paalis, Sayang lang ang pag-gising ko ng maaga sana pala humilata na lang ako maghapon sa kama at hindi na ito pinuntahan pa, Tapos ganun pa ang dadatnan ko! Magsama sila ng impakta niya!
Tsk!
Dumiretso ako sa salon ng mga collins dahil wala naman akong mapupuntahan, Bibisitahin ko na lang si vivian tutal ilang araw ko na din itong hindi nakikita. Para naman kahit papaano makalimutan ko ang miguel na 'yan.
"Wew napadalaw ka? Akala ko inaamag ka na sa bahay.." bungad nito sakin ng makapasok ako sa office niya, inirapan ko lang ito at pabagsak na naupo sa mahabang sofa.
"Problema day?" tanong pa nito at naglakad patungo sakin,
"Wala, mukha ba akong problemado?!" asik ko, ngumiwi naman siya.
"Sa itsura mong yan kahit hindi ka kilala ng tao pagkakamalan kang hinahabol ng bumbay, Tsk!"
"What the h*ll bumbay talaga?!" singhal ko, natawa siya at naupo saking tabi.
"Oh edi pogi na lang, masyado kang demanding." anas nito, nailing naman ako bago sumandal sa sofa at pumikit saglit.
"Speaking of pogi, kumusta na kayo ni miguel?" biglang tanong nito kaya napamulat ako, haiist! Kahit pala nandito ako hindi ko siya makakalimutan dahil isang madaldal ang pinuntahan ko,
Kung si antonette naman ang pupuntahan ko ay maboboring lang ako sa kanya, Sigurado nasa bahay lang ito at maghapon na nakababad sa telepono.
"Hoy luna, Day dreaming ka ha!" biglang sigaw nito kaya napakamot ako sa tenga.
"Makasigaw ka naman akala mo nasa palengke ka!"
"Tinatanong kasi kita!"
"Nagiisip ako okay!" giit ko na kinangisi niya, tsk may sira na ito sa ulo.
"Tinanong ko lang si miguel pinagiisipan mo pa ang isasagot mo? Hahaha, Ano na bang balita sa inyong dalawa ha?" mapagdudang anas nito na naniningkit pa ang matang nakatingin sakin.
"A-anong balita! Walang balita saming dalawa!"
"Wusshuu! Nauutal ka pa, Sabihin muna kasi! Bahala ka hindi kita titigilan!" umikot lang ang mata ko dito at hindi siya sinagot, masyado talaga siyang matalino at kilalang kilala na niya ako pagdating sa ganitong bagay.
"Tsk tsk, May hindi ka sinasabi sakin luna, Anong sikretong malupit yan ha? Tell me.." napabuntong hininga ako at muling tumingin sa kanya, Nakataas na ang dalawang nitong kilay at naghihintay na ng sagot.
"Ano kasi...."
"Ano?" excited nitong tanong, d*mn masyado siyang mainipin.
"Hindi ko kasi maexplain, Mahirap ikwento at baka hindi mo maintindihan."
"Wow, Ako pa talaga ang hindi nakakaintindi? Kahit yata mag sign language ka diyan makukuha ko ang gusto mong iparating e." muli akong napabuntong hininga dahil sa sagot niya, Tsk she's right kilalang kilala niya na talaga ako.
"Kami na kasi p--."
"Waaaahhh! Omg! Omg! for real? Walang chukchak na joke yan?!" tili nito kaya halos mapalayo ako sa kanya, Leche ang tinis talaga ng boses niya.
"Sh*t anong chukchak! Bakla ka ba vivian ang dami mong alam na salitang gay."
"Hahahaha! Natawa kasi ako sa joke mo e."
"Im not joking okay!" asik ko, napamaang naman siya at hindi makapaniwalang tumingin sakin.
"OMG Again! For real talaga? Wahahaha, Paano naging kayo?"
"I dont know." mabilis na sagot ko, napawi naman ang ngiti niya at napalitan muli ng ngiwi.
"Anong hindi mo alam? Ano yan? Ikaw lang ang may alam na kayo na, ganon.."
"Hindi ganon, Wala naman kasing ligawan na nangyari.." giit ko pa at dumiretso ng upo, pinagkrus ko ang aking legs at nangalumbabang tumingin saking paa.
"Ay basag, Akala ko pa naman isang oras ka niyang niligawan." saad nito kaya napalingon ako sa kanya na salubong ang kilay.
"Ganon ba ako ka easy to get sa isip mo!"
"Sira! Ganyan naman talaga ha? Meron bang umabot ng isang araw na niligawan ka? Hahahaha Dont me luna, I know you very well."
"Edi ikaw na!" asik ko,
"Tsk, Paano nga naging kayo?" pangungulit pa nito, sumandal muli ako sa sofa at lumingon sa kanya.
"Meron lang kaming naging deal, Basta ganon na yun. Naging kami na lang bigla.." sagot ko, natawa naman siya.
"Pero atleast kayo na hindi ba? So ano? Masarap ba ang labi nito?"
"Tang*na vivian!" agad kong mura at napausog dito, wala talagang preno ang bibig niya.
"Hahaha, Napapamura ka pa ha, So its mean natikman muna ang misteryosong labi nito na umaapaw sa pagkapula, Yieee hahaha si nieves kumikilig!"
"Tigilan mo ako vivian!"
"Nyayyyyy, Kumikirot na ang b*obs niya hahaha!"
"Isa! Isusumbong kita kay rex tandaan mo!" pagbabanta ko dito, natawa naman siya at naglakad patungo sa swivel chair nito.
"Hahaha, Okay. Pero natikman muna?"
"Hindi ka titigil!" pagbabanta ko dito, natawa naman siya at naiiling na tumingin sakin.
Walang hiya, Ang sarap talagang magkaroon ng kaibigang baliw.
"Pero bakit hindi mo siya kasama ngayon? nagdate na ba kayo?" pagtatanong pa nito, seryoso na siya kaya umayos ako ng upo.
"Yun na nga, Nabadtrip ako sa kanya ngayon."
"Uh? Bakit naman?"
"Nakita ko lang naman siya kanina na kasama ang impaktang warfreak na babaeng feeling maganda, Sobra siya kung makakawit sa kamay ni miguel daig niya pa ako.." pagkukwento ko dito at naalala na naman ang nangyari kanina.
"Tsk, Bakit hindi mo siya hambalusin ng salitang GIRLFRIEND NIYA AKO!" Galit na ani nito with action pa na akala mo ay may kasampalan.
"Sinabi ko na, Pero masyadong nagmamadali si miguel at hindi man lang ako pinagtanggol, Nakakaimbyerna silang dalawa.."
"What? Tsk hayaan mo na siya, Diba isa lang naman itong laro, Wag mo ng gawing bigdeal wala karin naman g--"
Nahinto ito sa sasabihin niya at may matang nangungutyang nakatingin sakin, pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"Omgod! Dont tell me your inlove with him?"
"Inlove?!" isterikal na asik ko, natawa nman siya.
"Yeah, Hindi ka naman mag kakaganyan kung hindi ka inlove diba?"
"Inlove agad? Hindi ba pweding ano.."
"Hahaha Ano?!" natatawang tanong pa nito, nag-iwas ako ng tingin. Eto na nga ba ang sinasabi ko e.
"Hey, Anong ano?" pangungulit pa nito.
"Tsk fine! Im not inlove, Simpleng like palang ang nararamdaman ko dito!"
"Hahahaha! Malandi! ganun rin naman yun pinasimple mo pa! D*mn nieves I can't believe you hahahaha." tawa pa nito na may pahampas pa sa hita niya, napa sigh na lang ako.
"Oh ano na? Wala pa bang ano, Ahmm ngitngitan yung ano chupchapan you know Uha uha ganon?" nangunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi niya, malapit na akong masiraan dito.
"What the h*ck vivian, Umamin ka nga alien ka ba?!"
"Hahaha Hindi, Improktita ka! Ang ibig kong sabihin wala pabang chupchup halikan at ngitngitan sa kama ganon!"
"Tang*na wala!"
"Ayy sayang haha, Update mo ako pag mer---"
"Sasabihin ko talaga kay rex lahat ng kalokohan mo pag hindi ka pa tumigil!" pagpuputol ko sa sasabihin nito, sh*t daig niya pa ang media kung mag-usisa!
"Tsk, Wag naman. War nga kami ngayon." sagot nito, ako naman ang natawa.
"Bagay sayo, tataob karin pala sa kanya.." ani ko, ngumisi siya.
"Huh, Kahit isaksak niya lahat ng dextrose sa kamay niya hindi ko siya susuyuin! Magpa confine na lang siya!."
"Wow tapang ha?!"
"Oo naman! Tsk, Wag na nga natin siyang pag usapan!" napailing na lang ako sabay tayo, wala na akong mapapala dito baka pupunta na lang ako ng mall.
"Saan ka pupunta?" tanong nito,
"Mall." maikling sagot ko, kinuha ko ang makeup kit at naupo sa harapan ng salamin.
"Ow okay," sagot nito, "But wait may tumawag nga pala sakin noong isang araw, Hinahanap ka. Bilib na talaga ako sayo nieves pati wrong number ikaw ang hinahanap, ano bang brand ng pabango mo? Mabili nga.." mahabang lintanya nito ngunit wala akong naintindihan kundi ang sinabi niyang may tumawag sa kanya.
"Sino naman?" curious na tanong ko habang naglalagay ng foundation sa mukha.
"Ahmm, Jastin? Ay no no! Jasper pala.." mabilis akong napalingon dahil sa narinig.
"Yeah, I know him. akina ang cellphone mo."
"Wow, Kung maka-akina parang sa kanya, landi mo rin no! Isumbong kaya kita kay miguel.."
"Go Ahead, I dont f*cking care of that.." anas ko, bahala siya. Magpakasasa na lang ito kay bruha!
"Tsk, Heto o!" inabot nito ang cellphone at agad nakalagay ang received call sa screen, Tinawagan ko ang numerong iyon na agad naman sinagot ng nasa kabilang linya.
[ "Yes hello?" ] boses palang nakilala ko na, Si jasper nga ito the Aga mulach version.
"This is luna, Remember me?" tanong ko habang tinatapos ang aking pagreretouch.
[ "O yeah luna, Sino ba naman makakalimot sa magandang dilag na kagaya mo" ] napangisi na lang ako dahil sa sinabi niya, tiningnan ko pa si vivian sa repleksyon ng salamin at nakita itong nakangiwing umiiling.
"Hmm, Thats nice to hear.." sagot ko lang at muling naglakad para ilagay ang kit saking slingbag.
[ "Are you free today?" ]
"today? Yeah Im free." napangiti ako lalo, siguro may pagkaka-abalahan na ako ngayon.
[ "Wow, Sakto. Nasa mall ako ngayon.." ]
"Saan mall? Nasa collins salon ako at balak kong pumunta ng mall today.." sagot ko, sinuot ko ang aking slingbag at sinipat ang aking sarili sa salamin.
[ "Ahm around the road ng Aquino's highway, near at Javier club." ]
"Ah, Oo alam ko yan. Sige pupuntahan kita, magtitingin rin ako ng cellphone.."
[ "Okay, I'll wait you here in entrance, Ingat.." ]
"Thankyou.." pinatay ko na ang tawag at muling humarap kay vivian, nakataas na ang isa nitong kilay habang magka-krus ang kamay.
"What?!"
"Wala, Mana ka talaga sakin no!" asik nito, natawa naman ako.
"Anong mana sayo?! Makikipag kita lang ako sa kanya! Hindi naman ako makikipag s*x!"
"Tsk! Edi ikaw na ang virgin, Sige na chu chu chu.." anas nito at sinenyasan akong lumabas, natawa naman ako lalo.
"Hahaha, Goodbye! See you next time!" siniringan lang niya ako kaya nagmadali na akong lumabas at agad ng sumakay saking kotse.
Kanya kanya muna tayo today miguel, Kung may selena ka. May Jasper ako ngayon.
But Dont worry, Even your not here and you reject me.
You still the one I like.
D*mn, masyadong matindi ang gayuma mo.
Ang mapag-gayuma mong labi!
____