Chapter 15

3367 Words
Chapter 15 [ Luna Pov ] M A L L Pagkapark ko sa gilid ay agad na akong naglakad patungo sa entrance ng mall, Pagkapasok ko ay agad nahagip ng aking mata ang pamilyar na tindig. Nakatayo siya malapit sa stand ng mga food cataloge, Nagcecellphone ito kaya napatingin ako sa kabuuan niya. He's wearing a vneck tshirt, Color gray ito kaya tumitingkad ang pagkaputi niya. Black naman ang suot niyang pants. Kahit simple lang ang ayos niya ay hindi maiwasan ng mga babaeng dumadaan na mapatingin dito, D*mn His waiting for me at masasabi kong swerte na ako today. But si miguel parin ang hinahanap ko, What if kung siya ang kasama ko dito? Saan naman kaya kami unang pupunta? "Luna.." nahinto ako sa pagiisip ng tawagin niya ang pangalan ko, nakangiti itong lumapit sakin at agad niyang hinagod ang aking suot. "Your pretty, mas lalo ka pa yatang gumanda ngayon.." anas nito na kinangiti ko, Kung si miguel siguro ang magsasabi niyan hindi ko pa man nakuhang ngumiti hinimatay na ako. Tsk, hindi na talaga siya maalis sa isip ko. "Come here, Kumain muna tayo sa loob.." anyaya nito sakin, tumango ako kaya agad niya na akong iginaya sa loob. "Im craving korean food, kumakain ka ng ganon?" tanong nito habang naglalakad kami sa malawak na mall. "Yeah ofcourse." sagot ko habang diretso ang tingin sa daan, Sana naman hindi ko makita si miguel dito. Hindi naman siguro sila mapapadpad ng mall dahil busy nga daw siya kuno. Tsk, I wonder if what they're doing now. Bigla niyang hinawakan ang aking likod at iginaya ako papasok sa isang resto, Lumingon ako dito ngunit isang gwapong ngiti lang ang iginawad niya sakin. Pinaghila niya ako ng upuuan bago ako paupuin, Nakangiti naman itong naglakad patungo sa kanyang pwesto. "..Joeun Achimimnida.." anas ng isang waiter ngunit hindi ko ito maintindihan (Means-GoodMorning) "Morning.." sagot ni jasper sabay kuha sa menu. Binigay niya sa akin ang isa. "Are you familiar with this food?" tanong nito kaya tumingin ako sa menu, may familiar naman sakin dito. "Yeah.." tangong sagot ko habang nakatingin sa menu, Um-order ito kaya sinabi ko na rin ang sakin. "Hindi ba ako nakaistorbo sayo today?" tanong nito ng makaalis ang waiter. "Hindi naman, dba sabi ko free naman ako.." "Ah oo, Pero wala ka bang ibang pinagkaka-abalahan dito?" tanong niya pa, "Wala, minsan tumutulong lang ako sa bussiness ni dad pag inuutusan ako.." sagot ko. "Hmm ganun ba?" anas nito, dumating agad ang order namin kayan hindi na siya muling nakapagtanong. "..Gomawo.." saad ni jasper sa waiter ngunit hindi ko na naman maintindinhan. (Means-Thanks) "..Hwan yeong.." sagot ng waiter bago tumalikod. (Means-Welcome) "Anong salita yun?" tanong ko dito, "Korean.." maikling sagot niya na nakangiti, napatango naman ako. "May grandparents is in korea, They live in south.." anas pa nito. Napatango na lang akong muli. Kaya pala medyo may lahi ang kanyang mukha, Sobrang puti din niya. "Nagstay karin sa korea?" tanong ko pa. "Ye, I think 2years." sagot nito, (Means-yes) "Hmm, kaya pala.." nasabi ko na lang at inumpisahan ang aking pagkain. Kahit gwapo siya feeling ko nabobored parin ako dito, Iba parin talaga yung mga may dating. Kagaya ni miguel. Tsk, Hindi na talaga ako matigil sa pagiisip sa kanya. Malamang kanina pa ito inuubo dahil sa kakaisip ko dito. Nailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain, matapos ang ilang minuto ay natapos rin kami at si jasper na ang nagbayad dahil treat niya ako ngayon. "Hindi ba magtitingin ka ng phone?" tanong nito habang palabas kami ng restaurant. "Oo, Nawala kasi ang cellphone ko e.." anas ko, "Okay come here, Meron akong alam na gadget shop dito.." hinila na nito ang kamay ko at naglakad patungo sa tinutukoy niya, Hindi naman siya totally nakahawak sakin kundi sa pulsuhan lamang. Mas mabuti na iyon alam niya ang limit niya. Dinala niya ako sa isang store na puro gadgets ang paninda, Meron din ibat ibang items for cellphone use lang. "Tingnan mo ito luna, Maganda ito.." lumapit ako at sumilip sa salamin para tingnan ang tinuturo niya, pilit na ngiti lamang ang naigawad ko. "I want my old phone version, iyong katulad sa akin dati.." sagot ko, tumango siya kaya tumingin ako sa salamin at nakita ang model na hinahanap ko. "Can i view this.." anas ko sa saleslady na nasa loob, mabilis niya itong kinuha at sinindihan. "I get this one.." dagdag ko pa ng macheck iyon, binigay ko na ito sa kanya kaya kinuha ko ang credit card sa slingbag at inabot ito dito. "Hindi uso sayo ang cash no?" tanong pa ni jasper kaya nilingon ko ito. "Tinatamad kasi akong pumunta ng banko kaya wala akong cash.." sagot ko, nanatili itong nakatitig. "Sabagay may card ka naman.." "Y-yeah.." nasabi ko na lang dahil medyo nailang ako sa mga titig niya, "Do you have boyfriend luna?" tanong pa nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa salamin. "Hindi ko masabi e.." "Huh? why?" "Parang meron na wala, magulo kasi ang status ko kaya hindi ko masabi.." nakangiwing ani ko, natawa siya. "Okay, So I consider it na wala. Hindi mo rin naman masabi e.." "Ikaw ang bahala." lumingon na ako sa saleslady ng iabot niya na sakin ang card, maging ang phone ko na nalalagay sa paper bag ay kinuha ko na rin. "Eto po 'yung free simcard maam, Thankyou po come again.." "Ow thanks, May free sim pala." kinuha ko iyon at agad tiningnan ang number, nakisilip narin si jasper kaya medyo lumapit ang mukha nito sakin. "Maybe I get your number now.." nakangising ani nito, dumistansya ako ng konti. D*mn, Kahit gwapo siya ay wala sa isip ko ang humarot ngayon, ewan ko kung bakit. Simula ng makilala ko si miguel nag-iba na yata ang kinahiligan ko. "S-sure .." sagot ko, dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa at agad sinave ang aking number. Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko ang number ko sa kanya, Number lang naman. "Saan mo pa gustong pumunta?" tanong pa nito matapos masave ang aking number, napatingin ako sa screen at nakitang mag aalas diyes na ng umaga. "Ahm, maglakad lakad na lang tayo dito" "Huh, kanina pa kasi ako naglalakad e. Baka gusto mo sa labas tayo ngayon.." "Saan naman?" "Kahit saan, sunday naman ngayon maraming pasyalan.." tumango na lang ako dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay, Baka bukas na lang ako pupunta ng company. Kagaya ng sabi niya ay lumabas kami, Sinakyan ko muna ang kotse ko dahil balak kong iwan ito kay vivian. May kotse din naman kasi siyang dala kaya sa kanya na lang ako makikisakay. At dahil kabisado ko naman ang numero ni vivian ay minessage ko na lang ito na iniwan ko ang kotse sa harap ng salon nila, Hindi na ako pumasok dahil sisiringan niya lang ako. "Pumunta tayo ng park, Maganda ang view doon." anas ni jasper, nakasakay na ako sa kotse niya at masasabi ko na may halaga ang kotseng ito. Halatang mayaman ang may'ari. "Okay ikaw ang bahala, 2years na akong hindi namamasyal dito kaya wala na akong alam puntahan.." sagot ko, tumango naman ito habang nagmamaneho. "Wala ka bang girlfriend?" biglang tanong ko, curious lang naman ako dahil sa gwapo niyang yan imposibleng wala siyang girlfriend. "Wala sa ngayon, Actually 6months palang ako dito sa pilipinas galing korea. Kaya nililibang ko muna ang sarili sa papamasyal.." "Ah ganun ba, Parehas lang tayo galing pa akong france. Siguro mag iisang buwan na niyan.." ani ko, lumingon naman ito sakin ng nakangiti. "Maybe were meant to be right? Hahaha.." "Ha?" nasabi ko na lang, tsk yung meant to be ko nandoon nagpapakasasa na sa impakta niya. "Haha, Just kidding. Pero nakita ko na ang gusto ko.." muli itong sumulyap sakin at hindi mawala ang ngisi niya, Wag niyang sabihin na ako ang gusto niya. D*mn reserved na ako. "Ah hehehe ganun ba.." pilit na ngiti lang ang naigawad ko dito at sa bintana na lang nagfocus. dapat yata hindi na ako sumama sa kanya. Baka akala niya porket complicated ang status ko ay free na ako, Mas gugustuhin ko na si miguel kesa sa kanya. Huminto ito sa isang park kaya hindi ko na siya hinintay makaikot para pagbuksan ako, kusa na akong bumaba at nilibot ang paningin sa malawak na park. "Masaya dito tara magbike tayo doon." hindi pa ako nakakapag salita ng hilain niya na ako, Seriously magbike sa ganito kainit? Sh*t, Pagpapawisan ako ng bongga dito. Tumigil siya sa isang tent na may rentahang bisikleta, At dahil hindi ako marunong magbike ay pinili namin ang dalawang pedal. Sa likod ako sumakay habang siya ay nasa harapan, May dalawa itong upuan at manubela kaya masyado itong mahaba. Kahit mainit ay hindi ko naman ramdam ang sinag ng araw dahil sa hangin na humahampas samin, Nakakaenjoy din naman pala ang magbike. __ Hours later. Buong maghapon kaming magkasama ni jasper maging sa pagsapit ng gabi ay dumaan pa kami sa isang mamihan, At dahil hindi naman ako kumakain ng ganon ay soap na lang ang inorder ko dahil malamig narin. "Im so full." anas nito habang nagmamaneho, sinabi ko sa kanya ang address ng bahay dahil doon na ako nagpahatid. Pasado alas nuebe na sigurado wala na sa salon si vivian. "Ako rin, Kumain lang yata tayo buong maghapon.." natatawang ani ko, Nakakaenjoy rin naman siyang kasama dahil puro pagkain ang nasa isip nito. Swerte nga niya at hindi siya tumataba. "Maybe we can do this again.." seryosong anas nito, nabigla ako ng bigla niyang ilagay ang palad sa aking hita kaya madali akong napaayos ng upo. "A-ah hehe, y-yeah.." nasabi ko na lamang, "Dito na lang ako.." turo ko pa malapit sa bahay namin, hindi ko pinahinto iyon sa harapan ng gate dahil baka nasa loob na si mommy. Paniguradong magagalit ito pag nakitang may kasama akong lalake, Kay miguel lang yata siya naging mabait at hindi mahigpit. "Thankyou for your time luna.." sabi nito bago patayin ang makina, nanatili lang kami sa loob dahil hindi pa ako bumababa. "Hmm, salamat din sa treat.." sagot ko, napausog ako ng tangkain niyang lumapit sakin. Napasandal tuloy ako ng wala sa oras. "May next time pa, Siguro mag party naman tayo sa susunod.." anas niya pa at nanatiling nakalapit sakin, hahalikan niya sana ako sa labi ngunit tumingin ako sa bintana para sa pisngi dumampi ang kanyang halik. Tsk, Good girl na ako ngayon at wala na akong balak makipag flirt kahit kanino. Even this handsome man. "Oh sorry,." sabi niya pa ngunit pilit na ngiti lang ang naigawad ko dito bago kalasin ang aking seatbelt. "Papasok na ako sa loob, ingat sa pagdadrive.." lumabas na ako at isinira na ang pinto, binuksan pa niya ang bintana kaya ngumiti ako. "Thankyou again." tinanguan ko lang ito bilang sagot kaya muli na niyang binuhay ang sasakyan at mabilis na paandarin iyon paalis. Napabuntong hininga na lang ako at nayakap ang sarili dahil biglang humangin ng malakas. Mukhang uulan pa, buti na lang at nakauwi na ako. Nakayuko akong naglakad patungo sa harap ng gate namin, Sakto naman akong nag angat ng tingin ng makita si miguel na nakasandal sa pader malapit sa doorbell ng gate. Napalunok ako ng makita kung gaano ito kaseryosong nakatingin sakin. D*mn, His here! Kanina pa ba siya diyan? "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko, pinilit kong pakalmahin ang sarili ngunit masyado itong seryoso kaya nagpapanic ako. "Saan ka galing?" napalunok akong muli dahil sa lamig ng pagkakasabi niya, Sh*t dapat ba na magexplain ako? "A-ah namasyal lang d--" "At kasama mo ang lalakeng iyon?" putol nito sa sasabihin ko, nanatili siyang nakasandal habang magka-krus ang kamay. "Y-yes, Sinamahan niya lang ako sa mall, ma---." "Hindi ka pa ba nadadala?!" medyo naiirita niyang tanong, tsk bakit hindi niya muna ako patapusin. "Hindi siya katulad ng iniisip mo miguel, Kumai---." "Wala akong pakialam sa ginawa niyo! Dapat hindi ka basta basta sumasama sa mga taong hindi mo na man lubusang kilala!" "I know him miguel!" sigaw ko na rin dito, dapat ako ang nagagalit dahil siya ang nagreject sa akin kanina! "At mabait siyang lalake! Wag 'kang judgemental!" asik ko, umayos siya ng tayo at salubong ang kilay na tumingin sakin. "Ofcourse he act like a gentleman luna! May kailangan siya sa'yo kaya mabait siya!" "Enough okay! Youre too paranoid! Ako nga hindi nagagalit sa'yo kahit na alam ko'ng may gusto ang babaeng iyon sayo!" singhal ko, nakakainis siya masyado siyang praning at kung ano ano na ang naiisip niya, samantalang ako hindi ko naman siya inaway kanina. "Were just friend luna," "E bakit hindi mo sinabi sa kanya na girlfriend mo ako!" mabilis na sagot ko, bumuntong hininga siya. "I Told her about that, Alam niya na.." "Tsk! Kahit na! Mas pinili mo pa rin na samahan siya kesa sa akin na girlfriend mo!" giit ko pang muli, ngunit masyado lang seryoso ang mukha nito. D*mn, How can I act calm like him? Kalmado lang siya kahit na nag-aaway na kami. "Sinabi ko naman sayo kagabi na busy ako today, Yung client ko ay client niya rin kaya sabay na lang kaming pumunta doon. Nagmamadali ang client kanina kaya hindi na kita nasamahan.." mahabang paliwanag nito, hindi ako makasagot. "Kailangan ko rin asikasuhin ang mga waiter ko for your brithday party next week kaya gahol ako sa oras, Pero pinuntahan kita kanina dito kaso wala ka kaya umalis ako. Kakabalik ko lang ngayon tapos makikita kita na kakauwi mo pa lang at may kasamang lalake.." nakagat ko na lang ang labi dahil sa haba ng sinabi niya, Napayuko ako dahil wala akong maisagot sa kanya. Baliw ka luna, kahit kailan talaga talo ka kay miguel. Tsk! May kasalanan na naman ako. "Pumasok ka na.." anas nito ng hindi ako sumagot, "H-hindi ka ba muna papasok?" nauutal na tanong ko, d*mn Kailangan kong bumawi dito hindi pa man ako nakakapag sorry sa kanya about sa cellphone issue may nagawa na naman akong mali. "Hindi na, hinintay lang kita, Uuwi na ako.." tumalikod na ito kaya mabilis akong humakbang para hawakan siya sa braso. "Miguel wait.." nahinto siya at humarap sakin. "Masyado ng malamig pumasok ka na.." sagot lang nito, "Galit ka?" tanong ko at binalewala ang sinabi niya. Nanatili itong nakatingin sa akin kaya binatawan ko na ang braso niya. "Your clothes is too short, Pumasok ka na at wag ng matigas ang ulo mo.." "Miguel naman." ani ko pa, pakiramdam ko talaga galit siya sakin dahil baka nakita niya ang paghalik sakin ni jasper. "You look tired luna, magpahinga ka na.." tumalikod na ito kaya napanguso ako, "Miguel.." tawag ko pa at sinundan itong maglakad patungo sa kotse niya, hindi ito huminto. "Hey miguel.." anas ko pa, binuksan na nito ang pinto ng driverseat kaya mas lumapit ako. Sh*t, What should I do now? Hindi ako sanay na galit siya saken. "I like you miguel.." nasabi ko na lang dahil malapit na itong sumakay sa kotse niya, nahinto ito at agad lumingon sa akin na nakahawak sa pinto ng kotse. "Anong sabi mo?" "I-I L-like you.." nangangatal na ani ko, nangunot ang noo niya. "Ayusin mo ang pananalita mo luna,Hindi kita maintidihan." anas pa nito, umayos siya ng tayo at isinara ang pinto ng kotse. "I LIKE YOU.." Pagdidiin ko sa salitang iyon, sumandal siya sa kanyang kotse at pinagkrus ang kamay. Bwist, Nagconfess na ako lahat lahat wala man lang syang sasabihin. "Can you repeat it again.." saad niya pang muli, "Ilike you okay, I like you.." "Hmmm, One more time.." kinagat nito ang pangibabang labi para pigilan niya ang ngising malapit ng lumabas sa kanyang labi, ngunit bakas na sa mukha nito ang saya na hindi niya matatago. D*mn, Pinagtitripan niya na yata ako. "Ewan ko sayo! paulit ulit ka! Umuwi ka na nga!!!" inis akong tumalikod para sana pumasok na ngunit agad niya akong hinila at sa isang iglap ay nagkapalitan kami ng pwesto. Hindi pa ako nakakabawi sa paghila nito ng mabilis niyang sakupin ang labi ko at gawaran ng magagaan na halik. Napahawak na lang ako sa balikat niya dahil sa panlalambot na naramdaman, Nakakagulat talaga ang bawat kilos niya maging ang paghalik nito sakin ay hindi ko napaghandaan. Tuluyan na talaga akong mahuhulog dito dahil sa matindi niyang galawan, sana naman saluhin niya ang puso kong nafall. Sana lang. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakikipag palitan ng halik sa kanya, Maging ang kamay ko ay tuluyan ng nakayakap sa batok nito habang nakasandal ako sa kotse niya. Naramdaman ko ang kamay nitong humahaplos saking likuran habang ang isa niyang kamay ay nakasuporta saking batok, Mas lalo niya pa akong hinapit para mapadikit sa kanya kaya halos masakop na nito ang buong katawan ko. Sh*t, Biglang nawala ang lamig na nararamdaman ko kanina at napalitan ito ng matinding init dahil sa mga haplos niyang magagaan. Nakakalasing talaga ang halik niya dahil nawawala na ako sa sariling wisyo. "May tao diyan?" bigla ko itong naitulak ng marinig ang boses ni daddy, Nanatili itong malapit sa akin at seryosong nakatingin sa mata ko. D*mn, hindi man lang ba siya kinabahan? Naglakad ako at medyo dumistansya sa kanya ng bahagya, sakto naman bumukas ang gate at iniluwa nito si daddy. "Oh luna, miguel kayo pala. Nakita ko kasi sa taas na may kotse dito kaya bumaba ako, baki hindi kayo pumasok?" dire-diretsong salita nito kaya umayos ako ng tayo. "Papasok na sana ako daddy." "Huh, ganun ba?" anas nito at lumingon kay miguel, "Why dont you drink some coffee?" dagdag niya pa. "Thankyou sir, but I have to go hinihintay kasi ako ni chel hulyo sa restaurant.." tugon ni miguel, may lakad pala siya pero bakit tumagal siya dito kung ganon. "Hmmm, its okay. Maybe next time thankyou pala sa pag aalaga sa anak ko. Medyo naging busy kami today pero sinabi naman ng maid samin kanina na pinuntahan ka ni luna.." nakagat ko ang pangibabang labi dahil sa narinig, oo nga pala sinabi ko iyon kanina. Kaya pala hindi nila ako hinahanap. "Yes sir, Sorry at ginabi na kami.." napasulyap ako kay miguel dahil sa sagot niya, What the h*ll hindi niya naman ako kailangan pagtakpan. Umiling ako ng nakakunot ang noo ng mapatingin sa akin si miguel, ngunit hindi niya nakuha ang gusto ko'ng sabihin. "Wala iyon, kampante naman ako na kasama ka niya. nasabi narin ng dad mo sakin yung tungkol sa inyo.." "Tungkol sa amin?!" gulat na tanong ko, tumango siya. "Yes luna, I know your status about miguel. You two are both inrelationship, And thats nice your mom is really happy." "Eh." nasabi ko na lang, napasulyap ulit ako kay miguel at hindi nakatakas saking paningin ang pag ngisi niya. Tuwang tuwa talaga siya? Buti na lang at gusto ka ng parents ko. "Why dont you tell this earlier luna? Nalaman ko pa sa daddy ni miguel.." "Bago lang kami sir, Pasensya na at hindi na ako nakapag paalam" sabat ni miguel, napailing na lang ako. Tsk, Paano kaya kung malaman nila na sa isang deal lang nagumpisa ang lahat, tapos ang unicahija nila ay nahulog sa sarili niyang bitag. At ang ending siya ang unang nafall, Ganda! Ganda talaga ng ending. "Okay okay, its that not important wag na natin pagusapan.." anas ni daddy, nakahinga ako ng maluwang. "Mauuna na ako sir, Sorry for disturbing your night.." "No hijo, Your my daughter's boyfriend and soon you gonna be part of this family so dont call me sir, Tito is enough.." parang may humaplos sa aking puso dahil sa narinig. What a nice scene, Part of this family. Sh*t I can't wait. "Okay t-tito.." nasagot lang ni miguel kaya parang gusto kong matawa dahil sa itsura niya. How cute. "Alright, Go ahead its already late, Mag ingat ka sa pagmamaneho.." usal ni dad, lumingon pa sa akin si miguel kaya tinanguan ko siya. D*mn, dont you dare kiss me this time! bulong ko pa sarili. Tumalikod na ito kaya nakahinga ako ng maayos. Salamat naman. Tinanaw lang namin ang kotse nito habang papalayo sa bahay, Sana magkita pa kami bukas. Nailing na lang ako sa naisip bago lumingon kay daddy na may makahulugang titig na nakatingin sakin. Ow no! ________ To be Continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD