Chapter 31
Luna Pov.
Ilang araw ang lumipas ng may mangyari sa amin ni miguel, Masasabi ko na mas naging malapit kami sa isa't isa. Wala yatang araw na hindi niya pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal.
Mas lalo itong naging sweet at maalalahanin, hindi lang iyon dahil hindi ko inaasahang mas dodoble pa ang pagka-seloso nito.
Kung ilang araw ang lumipas ay ganun rin katagal ang nilagi ko sa mansyon ni don fabio. Ayaw niya akong isama sa hacienda dahil baka masalisihan na naman daw siya ni troy, Mas lalong hindi pweding mag-stay sa labas dahil ayaw niyang pinapanuod ko ang mga hardenero.
Sobrang seloso niya kulang na lang pati kabayo pagselosan niya na rin, Natatawa na lang ako t'wing iiral ang side niyang iyon. Selosong gwapo,
Nabaling ang paningin ko sa hagdan ng maglakad pababa doon si miguel, He's wearing a plain tshirt and tattered jeans. Simple pero may dating, he still manage to look hot even his simply way.
"Aalis ka na?" I asked, Nakakababa na siya ng magtanong ako.
"Oo, babalik din ako." He answered, napanguso ako at inilagay ang dalawang kamay sa likuran.
"What? do you want ask something?" lumapit ito sa akin, sinusuri ang reaksyon ko.
"I want to come with you." turan ko, nakanguso.
Bumuntong hininga siya "Naiinip ka na ba dito?" I immediately nod when he asked me, kinagat ko ang labi at hinihintay na pumayag siya.
"Okay, fine." sumusukong ani nito, natuwa ako at napayakap.
"Magbibihis lang ako." galak kong turan ng humiwalay dito.
"Alright, then i wait you outside." ngumiti ito kaya nagmadali akong tumalikod pero hindi pa ako nakakahakbang ay hinila niya akong muli.
"Wait, You have something on your face."
"Huh, madumi ba? Maliligo muna ak---."
"No, it's not." lumapit ito sa'kin, seryoso siya. "Why are you so beautiful today?" kunot noong tanong nito, pakiramdam ko'y namula ako sa sinabi niya.
Akala ko naman may muta pa ako or what, d*mn marunong palang bumanat ang lalakeng ito.
"Nag-papaganda ka ba?" He asked me again, umiling agad ako.
"Bakit ako magpapaganda?"
"Malay ko, Baka nagpapaganda ka dahil sa mga hardenero dito." Umiwas siya ng tingin matapos sabihin iyon, Tch here we go again nagseselos na naman siya.
"Kung magpapa-impress man ako hindi sa kanila." paunang anas ko, tumingin na siya sakin.
"Kanino kung ganon?"
"Naku miguel, kailangan pa bang itanong yan? magbibihis na nga ako." Hahakbang na sana ako pero muli niya akong pinigilan. "Ano na nama--."
He cutted me off using hes lips, Mulat akong nakatingin sa kanya habang nakapikit ito. Hindi din nagtagal ay siya rin ang humiwalay.
"Wear some comfortable clothes, Sa kanan dako tayo pupunta." tumalikod na ito at hindi man lang ako hinintay magsalita, He left me almost shocked. D*mmit magseselos tapos maglalambing, pambihira.
Gaya ng sabi ni miguel ay nagsuot ako ng komportableng damit, Pabor naman na ako dahil ibang lugar ang pupuntahan namin. Ang alam ko kasi ay mga alagang hayop ang nasa kabilang dako, Hindi kagaya sa kaliwa na halos tanim at mga gulay. Sa sobrang lawak ng hacienda ay kukulangin ang isang araw mo kung lilibutin mo ito. Sa dulong gawi naman ay doon nakatirik ang mga tahanan ng trabahador, Suportado sila ni don fabio dahil sa laki ng kita nila araw araw. Napaka-bait niya kaya maraming nagmamahal sa kanya,
"Wear this." wika ni miguel, may dala itong boots na kapareho ng suot niya. "Medyo maputik sa pupuntahan natin." anas niya pa, lumuhod siya sakin at siya na mismo ang nagsuot at nagsintas nito.
I bit my lower lip, paano ako hindi mahuhulog ng tuluyan sa kanya kung lagi itong ganyan. He always sweet and caring, Sobra sobra.
Tumayo ito at tumingin sa buhok ko, "Your hair is a little bit messy." Inalis niya ang pagkaka-bun nito at muling inipon iyon sa isa, I was starring him at the whole time ng maayos niya iyon ay muli siyang tumingin sakin.
"Let's go?" tumango ako at nagpaunang maglakad, ngunit ng hindi maramdaman ang presensya niya ay binalingan ko ulit siya.
Salubong na ang kilay nito na kanina lang ay nakangiti. "A-ah bakit?" I asked him, but he still looking me in hes bore eyes. Ano na naman problema niya,
"Akala ko bang let's go na?"
"Yeah, but you don't need walk by your self. hindi ka ba marunong humawak sa kamay ko?" he said almost irritated, sa isip na lang ako tumatawa dahil sa inasta niya.
"Hindi mo naman kasi agad sinabi." I mocked, lumapit ako at isiniksik ang kamay sa braso niya.
"Do i need to say it first? dapat alam mo na." lumakad na ito kaya nagpatianod na lang ako sa kaartehan niya, daming alam.
Sa paglalakad ay hindi ko maiwasan mapangiti, sinusulyapan ko siya minsan ngunit diretso lang ang tingin niya sa daan at base sa tinatahak namin ay patungo siya sa mga tatlong hardenero.
Pansin ko agad na walang suot pang-itaas ang dalawa habang kinakausap sila ni mang mario na hawak ang kabayong sinakyan namin ni miguel noon.
Miguel stop when we reach them, Hes eyes suddenly glared at me kaya nilihis ko ang tingin sa kabila na halos ikabali ng aking leeg. Ayaw ko na lang tumingin sa tatlong binata, baka sumpungin na naman ito ng sakit niya. Mahirap na baka hindi niya pa ako isama sa bandang huli.
"Aalis na kayo?" tanong ni mang mario, bumitaw ako sa pagkakahawak at nakabaling parin ang paningin sa iba, Para na akong may stiffneck sa lagay ko.
"Yeah, pakisabi kay mommy na isinama ko si luna.." anas niya, nakalimutan ko palang magpa-alam kay tita.
"Sige, kung ganon." sagot ni mang mario "Ang ganda niyo po ngayon maam luna." biglang papuri pa nito sa'kin, hindi ko tuloy maiwasan mapabaling sa kanila.
"A-ah hehe, wag niyo na akong t-tawaging maam." medyo nahihiya ko'ng sagot, nasa likuran niya ang tatlo na may kanya kanyang dalang gamit pang hardin.
"S-sige hija." sagot nito, tumango lang ako bilang tugon bago balingan si miguel.
Nakatingin na ito sakin, seryoso na naman, Ano pa ba.
Pero kalaunan din ay binalingan niya si mang mario na agad inabot sa kanya ang kabayo.
"Thankyou." anas ni miguel, muli siyang humarap sa'kin at walang pasabing binuhat ako paupo sa kabayo.
Para lang akong manikin sa kanya dahil wala itong kahirap hirap na sinalampak ako paupo, Sa gulat ay agaran akong humawak para hindi mahulog. Tinanguan niya lang si mang mario bago sumakay, Hindi man lang binalingan ang tatlo. Napaka-suplado niya talaga,
"Hold tight." he declaired, sinunod ko ang ginawa niya and in one shift move ay mabilis nitong napatakbo ang kabayo.
Ramdam ko ang katigasan ng kanyang dibdib habang nakakulong ako sa dalawa nitong bisig, Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ko maiwasan mapangiti.
"You look happy uh?" he suddenly asked, nilingon ko ito at nakitang seryoso siya habang nakatingin sa daan.
"Bawal bang maging masaya?" yumuko siya sa'kin ngunit binalik niya rin ang tingin sa harapan.
"Bakit ka masaya?"
"Bakit tinatanong mo?" muli niya akong binalingan, masama na ang tingin niya sakin na parang hindi nagustuhan ang sinagot ko.
"Why are you keep asking? Will you just answer my d*mn question!” Magkahalong inis at iritasyon ang makikita mo sa mukha niya kaya nakanguso akong tumingin sa harapan. "Oh baka kaya hindi mo masagot dahil may kinalaman ang mga hardenero sa pag ngiti mo, Bakit nagandahan ka ba sa katawan nila?”
Literal akong napamaang dahil sa huli niyang sinabi, Nilingon ko ito na halos hindi makapaniwala.
"T*nga ka ba!" I yelled at him. "Hindi ba pweding natutuwa ako dahil sa'yo? Ang lakas na din ng tama mo sa utak!" hindi ko maiwasan mainis kaya halos masabi ko na iyon sa kanya, salubong na salubong ang kilay niya habang nakatingin sa dinadaanan namin.
"Malay ko ba."
"Masyado ka kasing seloso! hindi naman dapat pinagseselosan mo." giit ko pa, nakatingin na rin ako sa daan na binabaybay namin.
"Hindi ko maiwasan, lalo na kung tinitingnan ka nila na parang hinuhuburan. Naiinis ako,"
"Tsk, Utak mo may diperensya na." sagot ko, napapaismid. "Bawasan mo ang kakaselos mo, hindi naman lahat katulad ni jasper." dinig ko ang buntong hininga niya matapos ko iyon sabihin.
"Fine." he sighed again, "Susubukan ko, pero hindi ko masasabing maaalis ko ang magselos."
"Ang gulo mo, bahala ka."
Naging tahimik na kami hanggang marating namin ang dakong pupuntahan, Nakababa si miguel habang hila niya ang kabayo. Nanatili akong nakasakay dahil hindi niya pa ako ibinababa. Maputik ang daan at tanaw ko ang ibat ibang alagang hayop na nakahilera sa bawat kulungan.
"Saan tayo pupunta?" pagbabasag ko sa katahimikan, tumingala ito habang naglalakad.
"Sa kwadra." tipid niyang sagot, napadaan kami sa manukan at hindi na gaanong maputik ang lupang tinatapakan nito kaya tinatawag ko siya.
"Miguel, gusto ko ng bumaba."
"No." I almost pouted when he said that, bumaling ito sakin "Maputik ang daan baka madumihan ka."
"Ayus lang sakin, para naman magkaroon ako ng karanasan." huminga ito ng malalim bago tumigil, sa isang senyas niya sa kabayo ay huminto ito kaya napangiti ako.
"Ano palang pangalan niya?" tanong ko ng makababa, tinutukoy ang kabayo.
"Mor." tipid niyang sagot, hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa ay hila si mor.
"Sa'yo yan?"
"Hmm." tumango ito kaya hindi na ako nagtanong, ang tipid niya kasing sumagot parang one question one answer lang.
Nang marating ang kwadra ng mga kabayo ay bumitaw na ako sa kanya, May sumalubong na dalawang lalakeng hindi naman gaanong katandaan baka kasing edad lang ni daddy ang mga ito.
"Miguel, Kamusta? Buti napasyal ka?" tanong ng isa,may galak sa kanyang mukha na parang natutuwang masilayan si miguel.
"Tinitingnan ko lang ang lagay dito tsong, mukhang maganda ang kundisyon ng mga kabayo." sagot ni miguel, nilibot ko muna ang tingin at naglakad sa di kalayuan. Hahayaan ko munang makipagusap si miguel mukhang matagal tagal ang kamustahan nila.
"Halika, pumasok ka." huling dinig ko sa kanila bago maglakad sa mga alagang manok, may dalawang lalake doon na abala sa pagpapatuka ng mga manok.
Lumapit ako at naki-usisa, Napatingin agad sila sakin "Magandang umaga, bisita ka ni miguel?" tanong ng may kaputian ang buhok, ngumiti ako.
"Opo." sagot ko at muling tumingin sa mga alaga. "Bakit po ang lalaki nila?" curious na tanong ko, maputi sila at sobrang taba.
"45 days ang mga iyan hija, may malaki pa diyan." napatango ako bago balingan ang mga binatang may dalang tubig, halos kakarating lang nila.
"Pakisabi sa nanay mo na maghanda ng miryenda, nandito si miguel at bisita niya." napalingon sila sakin ng sabihin iyon ng matanda, nangiti sila ng makita ako.
"Ano naman pangalan niya tay?" tanong ng nasa unahan.
"Aba't wag ka ng mag-usisa, sundin mo na ang utos ko!" sermon ng ama, napakamot tuloy siya sa ulo.
"Tinatanong lang naman." kamot ulong anas niya bago ngumiti sakin at maglakad paalis, nakasunod ang dalawa na nagbubulungan pa. Halatang nasa bente pa lang ang edad nila,
"Kumusta na pala si don fabio?" tanong ulit ng matanda, umalis na ang kasama niya at nagtungo sa loob upang bigyan ng inumin ang mga alagang manok.
"Hindi pa po maganda ang lagay niya, medyo mahina pa ito." sagot ko, wala naman ng sakit si don fabio kung baga sakit matanda na lang dahil may kaedaran na ito.
"Masyado na kasing matanda si don fabio, nahirapan pa siya lalo ng umalis si dante dito na sana siya ang kaliwas nito sa responsibilidad." anas ng matanda, napatango ako. Alam ko na ang tungkol doon.
"Kung papayag lang sana si miguel na siya ang mamahala dito magiging maayos na ang lahat." dugtong niya pa, napabuntong hininga ako at nanatiling tahimik sa tabi niya. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol doon,
Mababago ko naman kaya ang desisyon niya.
Lumingon ito sakin ng hindi ako sumagot "Anong pangalan mo hija?" tanong pa nito.
"Luna ho."
"Luna." tangong anas niya "Ngayon lang kita nakita dito, mukhang taga syudad ka."
"Opo, napasyal lang dito." tugon ko tumango siyang muli bago bumaling sa babaeng kakadating lang.
"Ito ba ang bisita ni miguel?"
"Oo, nakahapag handa ka ba?"
"Meron na doon, sakto nga at nakapag-luto ako ng kakanin." turan nito, lumingon siya sakin. "Halika doon ka muna sa silong, masyado ng mainit dito."
"Si miguel ho nasa loob pa." saad ko tinuturo ang kwadra ng kabayo, lumingon naman siya doon.
"Tatawagin ko na lang mamaya."
"S-sge po." anas ko na lang, iginaya niya na agad ako patungo sa kinaroroonan ng mga kasama niya sa di kalayuan.
Isa iyong open na silungan, Gawa sa kahoy iyon at parang malaking kubo na may mahabang lamesa sa loob. Nabaling ang tingin sakin ng mga taong nakaupo, nasa anim sila kasama ang tatlong binata na nagbubuhat ng tubig kanina.
"Magandang umaga ineng, Ikaw ba ang bisita ni miguel?" tanong ng matandang lalake, nakangiti akong tumango.
"Aba't ang gandang dilag mo naman." papuri nito, medyo nailang ako dahil sa sinabi niya, baka hindi ko na magawang umuwi ng manila ay lumaki na ang ulo ko dito sa natatanggap na papuri.
"Paupuin nyo muna ang bisita lolo, inusisa mo agad." sabat ng lalakeng nagtanong ng pangalan ko kanina.
"Sus, gusto mo lang ikaw ang mag-tanong." natawa silang lahat kaya pilit akong ngumiti kahit naiilang.
"Umupo ka na hija, wag mong pansinin ang mga iyan." anas ng matandang babae at pinaghila ako ng upuan. Naupo naman ako doon,
"Salamat po, kumain na rin kayo." turan ko, tumango siya at umikot sa lamesa para doon sa harap ko maupo.
Naupo ang lahat at hindi ko inaasahan na tatabi sakin ang binata kanina, Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at tinikman ang pagkain na nakahain sa hapag. Kahit bago sa panlasa ay masarap naman kaya nalibang ako sa pagkain.
"Anong pangalan mo?" tanong niya bigla sa kalagitnaan ng pagkain.
Humarap ako dito "Luna." tumango siya sa sinagot ko at kumagat sa hawak niyang suman.
"Ano mo si miguel? Boyfriend?"
"Kalixto!" suway ng lolo niya, natawa ako dahil sa reaction ng apo dahil nagulat pa ito.
"Kumakain ang bisita hindi mo tinitigilan." sermon pa nito, napakagat na lang ako sa pagkain at hinayaan na silang mag-lolo.
Maya-maya lang din ay dinig ko na ang boses ng mga kalalakihan, lumingon ako sa likod at nakita ko si miguel na diretsong nakatingin sakin. Hindi niya man lang pinapansin ang lalakeng kumakausap sa kanya, Parang nakadirekta agad ang piningin niya sakin ng makita ako.
"Tikman mo ito luna, Masarap yan." nalingon ako sa katabi ko ng may inilagay siya saking plato.
"Ano yan?" puno ng kuryusidad na tanong ko, kulay lila iyon at may kung anong bagay na nasa itaas.
"Kapit ang tawag namin dito, hindi ko lang alam kung anong pangalan sa ibang bagay." natatawang ani niya, naupo ang matandang babae sa tabi ko.
"Malagkit na kanin yan, tikman mo magugustuhan mo yan panigurado." Anas pa niya, pinagitnaan nila ako kaya hindi na ako nakalingon sa likod kung nasaan na ba si miguel.
Pero panigurado kung nariyan siya at pinupukol na nito ako ng masamang tingin, wala ng pinagbago.
"O ayan na pala si miguel, Miguel hijo dito saluhan niyo na kami." anas ng matandang lalake na nasa harapan ko, dinig ko ang yapak nila papalapit sa lamesa. Naupo ang dalawang lalake sa kabila kaya nabaling ang atensyon ko sa kanila.
Sila 'yung kausap ni miguel kanina lang.
"Ilang buwan ka lang di nadalaw dito pero mas naging maaliwalas yata ang mukha mo ngayon." muling anas ng matanda, nilingon ko ito at nagtama agad ang mata namin ni miguel. Nakaupo na pala siya katabi ng matanda, Sa harapan ko mismo.
"Masaya lang ako na nakita ko kayo uli, kumusta na ho kaya dito?" tanong ni miguel, hindi na ito nakatingin sakin kaya inaabala ko na ang sarili sa pagkain.
"Maayos naman, walang pinagbago."
"Pero dapat namamahinga na kayo, Wag na kayong tumulong sa trabahong mabibigat." ani ni miguel, nag-aalala sa matanda. kung sabagay halos hindi na nalalayo ang edad nito kay don fabio.
"Hindi pwedi, Atsaka ehersiyo na rin iyon sa akin."
"Kung ganon ay h'wag na lang kayong masyadong nagpapagod." pagpupumilit pa ni miguel, kahit kanino maaalahanin siya.
"Matigas ang ulo ni tatay, Kami na lang ang nagsasawang sumuway sa kanya." singit ng babae saking tabi, Magkaka-maganak pala sila.
Napabuntong hininga na lang si miguel bago ilihis ang tingin sakin, bago sa katabi ko na kumakain na rin.
"Bakit hindi mo pa tikman iyan luna? Gusto mo ba hiwain ko para sayo?" biglang anas ng binata, hindi ko alam kung masarap ito dahil kakaiba ang kulay niya.
"Hindi na, ayos na sakin ito."
"Tikman mo rin ito, Siguradong babalik balikan mo ang lugar na ito pag nalasahan mo na yan." nakangiting turan niya, gaya ng sinabi nito ay siya na ang naghiwa. Binalingan ko agad si miguel na masama ang tingin sakin, wag niyang sabihin na pagseselosan niya pa ang batang ito. Palagay ko ay matanda naman ako ng limang taon sa kanya,
"Oh heto." inabot niya sakin ang tinidor, ngunit ng hindi ko kunin ay inilapit niya sakin.
"Ako na." anas ko, Balak pa niya yata akong subuan.
"Ahhh, tikman muna." pagsusubo niya sakin, umiling ako.
"Ako na lang." pag-uulit ko pa.
"Sige na, Isa lan---"
"Don't force her to eat that, young man." pagputol ni miguel sa sasabihin nito, napabaling kaming lahat sa kanya.
"Haaaa?" tugon ng binata, nilingon ko ito at mukhang hindi naintindihan ang sinabi ni miguel.
"Huwag mo siyang pilitin kung ayaw niya." pag-uulit nito sa wikang maiintindihan ng binata, parang ako pa tuloy ang nahiya dahil sa mga kasama namin.
Sinabi ko na nga ba, Kahit bata ay papatulan niya.
"Pasensya na." nahihiyang turan ng binata, Pinanlakihan ko ng mata si miguel ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay.
Nailing na lang ako at muling pinagpatuloy ang pagkain, Nagkanya-kanya na rin ng usapan ang iba kaya hindi na ako tumingin kay miguel. Alam ko naman na sasamaan niya lang ako ng tingin.
Matapos kumain ay dumiretso ako sa mga alagang hayop para doon gugulin ang oras, umalis din kasi si miguel kasama ng ibang trabahador, Mukhang iikutin nila ito kaya hindi na ako sumama. Siguradong hindi siya tututok sa ginagawa nito dahil nakasunod ako sa kanya, baka may lumapit lang sakin ay hindi na siya makapag-focus sa kausap.
Hindi ko akalain na ang isang malamig pa sa yelo noon ay isa palang selosong lalaki pag dating sa relasyon, Kung sabagay ako pa lang naman ang nagiging kasintahan niya.
Bumuntong hininga na lang ako bago maglakad lakad sa paligid, Abala na ang lahat sa mga gawain nila. Kanya kanya sila ng toka sa bawat trabahong nandito, kagaya sa kabila ay hindi sila kakikitaan ng pagrereklamo. Sanay na sanay na sila sa ganitong trabaho,
Nahinto ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa isang kulungan, Pansin ko agad na nandoon ang tatlong binata. Abala sila sa paglilinis habang nagkukwentuhan, naging ilag din sila sakin dahil narin siguro sa nangyari kanina.
Masyado yatang natakot kay miguel.
"Luna." mabalis akong napalingon ng may tumawag sakin, nangunot ang noo ko ng makitang si miguel iyon. Ang bilis naman niya yata?
"Akala ko mag-iikot kayo?" pagtatanong ko, seryoso na naman siya as usual.
"Sa palagay ko ay maayos naman banda dulo, hindi ko na kailangan pumunta doon." tamad nitong sagot, bumaling siya sa tinitingnan ko kanina at muling nilipat ang paningin sakin. "Namimihasa ka na yatang bumuntot sa lalakeng yan." anas niya, mahihimagan mo agad ang pagka-irita sa tinig nito.
"Nahihibang ka na ba? Bakit naman ako bubuntot diyan?" turan ko, pinapantayan ang titig niya. "Atsaka masyado pang bata para pagselosan mo yan."
"Bata?" natatawang tanong nito "Hindi na bata yan sa tantsa ko ay nasa bente tres na ang lalaking yan. At sa ganyang edad ay nagkakainteres na yan sa babae, Sa tingin ko rin ay interesado siya sayo." mahabang lintanya nito na halos ikalaglag ng aking panga.
"Masyado ka lang praning." naiiling na saad ko.
"Tch, ayaw mong maniwala? gusto ka ng lalakeng yan."
"Ewan ko sayo, gumagawa ka ng sarili mong imahinasyon." Tinalikuran ko na ito at naglakad na palayo sa kanya, Nadaanan ko pa ang tatlong binata at saktong paglagpas ko ay narinig ko ang usapan nila.
"Si luna oh, Sayang ang ganda pa naman pero mukhang kasintahan niya si miguel." dinig ko, hindi ko alam kung sinong nagsalita pero nahinto ako para lingunin si miguel.
"Shhh, wag kayong maingay." sita ng binata na katabi ko kanina, Nakita ko agad si miguel na nakasunod sakin.
"Di'ba ganyan 'yung tipo mong babae, taga syudad." bulong pa ng isa, kita ko agad ang pag igting ni miguel, kaya hinila ko na siya.
"Tsk." asik niya habang hila ko ito palayo doon.
"I am right uh?" tanong nito, hindi ko siya pinansin. "Ang babata pa nga nila sa paningin mo pero hindi ko gusto ang mga titigan nila sa'yo." huminto ako para harapin siya.
"Alam mo kasing baho ng lugar nito ang isip mo." singhal ko, nandito na kami ngayon malapit sa babuyan.
"Pero totoo naman 'yung iniisip ko."
"Hindi lahat totoo, minsan mali pala lahat ng pumapasok sa isip mo. Kaya please lang tigilan muna sila tinatakot mo ang mga bata.."
"tch." inirapan ako nito na parang babaeng natalo sa sagutan, Nanatili naman akong nakatingin sa nakasimangot niyang mukha.
"Halika na, umuwi na lang tayo." nilagpasan na ako nito at naglakad sa hindi maputik na daan, Agad naman akong sumunod dahil hindi ko na alam kung saan ang daan palabas.
"Aalis na tayo? Ang bilis naman?" tanong ko habang hinahabol siya dahil sobrang laki ng hakbang nito.
"Bakit? Wag mong sabihin na gusto mo pang manatili dito?"
"Hindi naman sa ganon, Ang aga pa kasi." nakangusong turan ko habang naglalakad, medyo bumagal ito dahil naging maputik ang daan.
"Mag tatanghalian na, ano pang maaga doon? sabihin mo gusto mo lang mag stay dito."
"Bal*w ka." bulong ko, hindi na siya nagsalita at nagfocus na lang sa paglalakad.
Nang makarating kami sa medyo tuyong lupa ay doon ko lang nakita na nasa kwadra na kami, May nakaparada ng sasakyan doon at may naghihintay naring tao sa driver seat.
"Nasaan si mor?" tanong ko, nililibot ang paningin sa paligid.
"Maiiwan siya dito."
"Bakit?"
"We're going home tomorrow." mabilis akong napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon. Bakit ba minamadali niya lahat ng bagay?
"I thought your gonna stay here." anas ko, nagtataka.
"Anong gagawin ko dito?" tanong nito, salubong ang kilay.
"Di'ba ikaw ang mamahala sa hacienda? Kung uuwi ka paano na dito?"
"Mamahala?" tanong niya ulit, hindi nawawala ang pagka-kunot ng kanyang noo.
"Oo, d'ba ikaw ang nais mamahala ni don fabio dito?"
"Yeah." sagot nito, iniwas ang tingin "But i'll never agree on that idea, Hindi ko pamamahalaan ang buong hacienda." muli niyang dagdag, mukhang desido talaga siya sa sagot niya.
"Pero, Paano na ang senior? Kawawa naman siya kung hindi ka papayag." pangungunsensya ko pa, muli siyang tumingin sa'kin pero hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"Wag na muna natin itong pag usapan."
"Uh bakit? Hindi ba pweding pag-usapan?"
"Oo, hindi. Sa susunod na araw na lang." binuksan na nito ang pinto ng sasakyan ngunit nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya.
"Anong pinagka-iba ng ngayon sa bukas?" tanong kong muli, napahilamos tuloy siya sa kanyang mukha.
"Magka-iba iyon, luna."
"Anong mag-kaiba? May magbabago ba sa sagot mo bukas kaya ipagpapabukas muna lang?" hinilot nito ang sintido na parang nakukulitan na sakin, pero hindi ako nagpatinag. Naalala ko pa ang sinabi ni tita elizabeth, ako lang daw ang magpapabago sa isip niya.
"Hindi mo kasi maintindihan, Ang isasagot ko ngayon ay pweding magkaroon ng ibang kahahantungan bukas, Kaya wag na muna natin pagusapan. wag kang makulit."
"Ikaw ang makulit." sumama ang tingin nito sakin at mariin akong tinitigan.
"Stop this luna, I don't want to talk about this issue. Hindi basta basta ang pagdedesisyon sa ganitong bagay, kung akala mo ay mainit na kanin lang iyon na kapag sinubo mo ay pweding mong iluwa, pwes ito hindi. This is hard decission maraming pweding magbago sa maling desisyon." hindi na ako nakasagot dahil sa mahaba at seryoso niyang sinabi, hinawakan na nito ang kamay ko at iginaya na ako papasok sa loob ng sasakyan.
"Kung gusto mong pag&usapan mamaya na lang." anas nito, sinuot niya ang seatbelt ko at hinalikan ako sa labi bago isara ang pinto.
Lutang lang akong nakatingin sa kanya habang naglalakad ito patungo sa passenger seat at doon siya naupo.
Napatingin pa ako sa rear mirror at nakitang nakangiti sakin ang driver, nilihis ko na lang ang tingin sa bintana hangga sa umandar ang sasakyan.
____