Chapter 32
Luna Pov
Tahimik ang mansyon ng maka-uwi kami, kakatapos lang ng tanghalian at halos namamahinga ang lahat. Naisipan ko munang tumungo sa kwarto dahil dumaan muna si miguel sa kwarto ng senior, mukhang aalamin ang kalagayan nito.
Pagpasok sa kwarto ay naupo muna ako, Nilibot ang tingin sa silid. Kahit ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin talaga maiwasan mamangha sa disenyo ng bahay, napaka-ganda at ang gaan sa mata ng bawat materyales sa bahay. Walang dudang mayaman ang nakatira,
Tumayo ako at nagtungo sa bagahe na nasa gilid ng kama, hindi ko na sinalingsing ang mga damit sa cabinet dahil baka maiwan at makalimutan ko lang sa oras na aalis kami. Hindi nga ako nagkamali, Nagyaya na agad si miguel na umuwi ng manila.
Kumuha ako ng simpleng bistida na kumportable sa katawan, Hinubad ko na rin ang suot na botas at kumuha ng tuwalya bago dumiretso sa banyo para maligo.
Hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom, Sobrang bigat sa tiyan ng kinain ko kanina. Nakakabusog, kahit na bago saking panlasa ay hindi ko maitatanggi na masarap ang kakanin nila.
Gawang probinsya nga naman.
Nang matapos maligo ay pinihit ko na ang pinto pabukas habang pinupunasan ang mahaba ko'ng buhok, Abala kong kinukuskos iyon ng magulat ako sa bulto ng isang tao na nakasandal sa gilid ng pinto. Halos maibato ko sa kanya ang hawak na towel dahil sa pagkabigla, ngunit wala man lang siyang naging reaksyon.
"Bakit ba ang hilig 'mong gulatin ako!" singhal ko habang hawak ang dibdib, nanatili siyang nakasandal habang nakatingin sakin.
"Hindi kita ginulat."
"Pero nagulat ako!" asik ko'ng muli, umayos siya ng tayo habang nakapamulsa.
"Nakakagulat pala ang kwagapuhan ko." ngising turan niya, natawa ako.
"Ang yabang mo, gwapong gwapo ka talaga sa sarili mo."
"Hindi naman" anas niya, naglakad ito patungong kama at doon naupo. "Pero gwapo naman ako hindi ba?" hirit niya pa kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi masyado." kunwaring seryosong sagot ko, Pero sa totoo lang ay gwapo siya ngayon lalo na at nakabihis na ito ng simpleng Jogging pants.
"Talaga?"
"Hmmm." tumango ako, pinipigilang ngumiti.
"tss, come here." tinapik nito ang kanyang hita, inuutusan akong umupo doon.
"Ayoko nga."
"Luna!"
"What? Akala ko ba pag-uusapan natin 'yung tungkol sa desisyon mo?" tanong ko, tinutukoy ang hacienda. Bumuntong hininga siya bago mag-pandekwatrong pambabae.
"Sinabi ko naman sa'yo, hinding hindi ko patatakbuhin itong hacienda." anas niya, nangalumbaba ito at iniwas ang tingin.
"Bakit? Ano bang problema?"
"Wala naman problema, Ayoko lang. Ano bang mahirap intindihin doon?" napairap ako dahil sa sagot niya.
"Kung wala naman palang problema e anong dahilan kung bakit ayaw mo?"
Muli siyang napabuntong hininga "Mas gugustuhin ko sa manila kesa dito." tugon niya, nilihis muli ang paningin.
"Bakit?"
"Wag mo ng itanong, basta gusto ko sa manila. Sanay na ako doon." naiiritang singhal niya at umayos ng upo, Pinagkrus ko ang kamay at masama itong tiningnan.
"Bakit hindi mo kasi sabihin kung bakit? Puro ka wala wala, nakakainis ka na ha!"
"Tsk."
"Ano?!"
"Fine!" sumusukong anas niya "Gusto ko sa manila kasi naroon ka, kung saan ka doon ako. Ano ayos na?" wala akong maisagot dahil sa tinuran niya, Nanatili akong nakatayo habang siya ay nakasimangot na nakatingin sa ibang bagay.
"A-ah kung.." napatingin ito sakin dahil hindi ko makapa ang nais kong sabihin.
"What?" taas kilay na ani niya.
"K-kung ganon.. D-dahil sa'kin kaya ayaw mo?" tanong ko, sa wakas ay nasabi ko rin kahit na nauutal.
"Parang ganon na nga." anas niya. "Kung gusto mong manatili dito ay papayag akong pamahalaan ang hacienda."
"Bakit sa bandang huli sa'kin pa yata ang desisyon." bulong ko, nakatingin sa kisame.
"Tsk!" asik niya kaya napatingin ako dito "Sa tingin mo ba ay mapapalagay ako kung nasa manila ka at nandito ako? Iisipin ko pa lang iyon ay sumasakit na ang ulo ko, lalo na't baka maghanap ka ng iba." naiiling akong natawa dahil sa sinabi niya, Hindi lang pala siya seloso. Praning din siya,
"Masyado ka kasing nag-iisip ng kung ano-ano, 'yung mga bagay na malayong mangyari ay iniisip mo. Hindi naman lagi ay kasama kita at magkadikit tayo, Paano na lang kung umuwi na sila daddy." anas ko, hindi ito sumagot kundi ay tumingin lang sakin.
"If ever naman na maiwan ka dito ay pwedi ka naman bumisita ng manila, At kung iniisip mo na maghahanap ako ng iba uunahan na kita, hindi ko gagawin iyon."
"I know." tipid niyang sagot, nakakatitig parin sa'kin.
"Kung ganon bakit mo naisip na maghahanap ako ng iba?"
"Baka lang naman hindi ba?" anas nito, tumayo siya at hinila ako para maiupo sa hita niya. "Natural malayo ako sayo at hindi kita mabibigyan ng sapat na oras, baka hanapin mo iyon sa iba at iwan mo ako." dugtong niya, nakagat ko ang labi dahil sa itsura niya.
Akala mo ay bata itong ayaw maiwan ng ina.
"Tiwala lang naman ang kailangan." saad ko, napatango ito at mariin akong tinitigan. Hindi ako naiilang sa titig niya kundi mas naiilang ako sa pusisyon namin, para akong bata na pinaupo niya lang basta sa hita niya habang nakapalupot ang kanyang kamay.
"Pero hindi pa ako pumapayag, pag-iisipan ko muna." anas niya, napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya.
"I give you one month to decide."
"Tsk." giit nito, salubong ang kilay. Natawa ako at inangat ang kamay para ayusin ang nakakunot nitong noo.
"Puro ka reklamo."
"Ang kulit mo kasi." anas niya, napatingin kami sa bintana ng bumuhos ang malakas na ulan.
Sobrang init lang kanina pero biglang umulan, May bagyo siguro.
"Luna." tawag niya, nilingon ko ito. Nakatingin na pala siya sakin.
"What?"
"Do you know what is the best thing to do when rainning?" biglang tanong niya, seryoso.
Napaisip naman ako. "Uhm, Sleep?"
"No.."
"Hindi? Ahm. Magkape?" sagot kong muli, umiling siya.
"Nope."
"Tsk e ano!"
"Hindi mo talaga alam?"
"Tsk, hindi! Ewan ko ba sa'yo, Sinagot na kita at yun yung ginagawa ko tuwing umuulan. Matulog o kaya nagkakape." Napaismid ito dahil sa sinabi ko ngunit bumalik rin ang tingin sa akin.
"Gusto mo talagang malaman kung ano?"
"Sabihin mo na lang." sagot ko, ngumiti siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pero ang lok* ay ngumisi lang at tumingin sa'king labi.
Lumapit ito kaya medyo inatras ko ang aking mukha, "Akala ko ba sasabihin mo?" tanong ko, nanatiling malayo.
"Oo nga."
"E ano--." TSSUUUPPP*
Hinalikan niya ako ng mabilis bago muling tumingin sa'kin, ngumisi siya at hinawakan ang aking batok upang mapalapit at mahalikan muli.
Nanatiling mulat ang aking mata habang nakatingin sa kanyang mata na nakapikit, Mukhang nakuha ko na kung anong nais niyang sabihin. Ang dami talagang pakulo ng lalakeng ito,
Nang mag-umpisang gumalaw ang kanyang labi ay wala sa sariling napasabay ako habang nakasuporta parin ang kanyang kamay saking batok. Ang isang kamay nito ay dumadausdos saking likuran na tila naghahanap ng makakapitan,
I bit his lips when he press my b*ot in the other side, naramdaman ko ang pag-ngiti niya. Hindi man lang alintana ang biglang pagkagat ko dito, kundi ay mas lalo pa nitong inangkin ang aking labi sa mapusok na paraan.
Napayakap ako ng tuluyan sa batok niya ng dumulas pababa ang kamay nito sa'king hita, At dahil sa nipis ng aking suot ay dama ko ang init ng kanyang haplos. Parang wala man lang epekto ang ulan at hindi man lang nagawa nitong palamigin ang aking katawan,
Muli siyang lumayo upang maghanap ng hangin, kapwa kami hinihingal habang nakatingin sa isa't-isa.
"Ito ba ang magandang gawin t'wing umuulan? Ang maghalikan?" tanong ko,
"Yeah, but I have lot of things to do." anas niya, hinaplos ang aking pisngi. "And I'll show you what it is." Hindi pa man ako nakakasagot ay muli na nitong inangkin ang aking labi.
He captured my lips in a manlyway, Kinagat niya pang-ibabang labi ko upang mapasok niya iyon ng tuluyan. Bumaba ang kamay nitong nakahawak sa'king pisngi, While his one hand still holding my back. Napadaing ako ng haplusin niya ang aking dibdib sa mabilis na paraan ngunit may diin.
He touch my right chest while his kiss starting to explore my neck back to my jaw, Unti-unti na akong nilalamon ng kainitan dahil sa pinaparamdam niya sakin. Ngunit napawi rin iyon ng marinig namin ang pagpihit ng pinto.
"Luna! Do you want cake, le--- OMYGOD Sorryy sorry!!" Naitulak ko si miguel dahil sa biglaang pagpasok ni tita, tumatawa ito kaya halos mamula ang aking mukha dahil sa nangyari.
"Oppss sorry again, I'll go bye." sinara nito ang pinto kaya napatingin ako kay miguel, nakatitig ito sa'kin habang salubong ang kilay. Muli na naman bumukas ang pinto kaya bumaling siya doon.
"Mom!" asik nito, natawa lang si tita elizabeth.
"Ilalock ko lang son." ani niya at muling sinara ang pinto,
Napalunok ako at humakbang paatras kaya napatingin siya sa'kin
"Where are you going?" tanong nito, hindi ko alam kung anong itatawag sa mukha niya dahil hindi na ito maipinta.
"A-ah, baka may g-gustong sabihin si tita, pupuntahan ko lang."
"Tsk! wala siyang gustong sabihin. Come here!" itinago ko ang kamay sa'king likuran ng tangkain niya iyon hawakan, Umatras pa ako kaya sumama lalo ang tingin niya.
"Luna!" he said in irratated voice, umatras akong muli. D*mn baka bumalik ulit si tita.
"Subukan mong lumabas!" pagbabanta nito.
"Babalik din ako, mabilis lang."
"Isa!"
"Promise." humakbang na ako patungong pinto at mabilis iyon binuksan at pabagsak na sinara, dinig ko pa ang pagtawag nito ngunit hindi ko na siya pinansin.
D*mmit muntik na kaming mahuli kanina, buti na lang at yun palang ang nagagawa namin.
Napalingon ako ng marinig ang pagpihit ng pinto kaya nagmadali akong tumakbo patungong hagdan, Nakita ko pa si tita na lumiko sa kusina kaya doon na ako dumiretso.
Sh*t ang epic talaga ng nangyari ngayon.
Nahuli kami ng mommy niya sa ganung eksena, Nakakahiya....
______