Maagap kong tinapik ang isang kamay ni Kris na naroon sa batok ko at nakahawak, mabilis lang naman iyon ngunit grabe kung maghumerentado ang puso ko, para na ako ngayong hinahabol ng mga kabayo't pati paghinga ko ay panandaliang tumigil. "A— ano bang ginagawa mo?" Utal kong sambit dito, hindi na alam kung saan pa titingin. Namamawis din ang magkabilaan kong palad sa pinaghalu-halong emosyon, nariyan ang kaba na hindi ko malaman kung para saan, ngunit mas nananaig ang pagkahiya. Bulgar na namula ang pisngi ko kaya napayuko ako. Kibit lamang ang naging balikat nito, tumagilid siya at humarap sa kaniyang kotse na naroon sa tapat namin. Nakapamulsa itong sumisipol, tila ba siya rin mismo ay nahiya sa biglaan niyang galaw. "Why do I have to lower my pride on you." Bulong nito sa hangin na u

