Chapter 4

1680 Words
Hating-gabi na ngunit nananatili pa rin akong nakaupo sa dulo ng kama ko. Nakatulala sa kawalan habang may hinihintay na sign— sign na nariyan at dumating na si inay. Anong oras na kasi at magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si nanay. Nag-aalala ako na baka naligaw iyon, ni hindi man lang kasi mag-text kung nasaan na siya. Malay niya bang maling ruta ang napuntahan no'n, hindi pa naman siya ganoong matandaanin sa lugar, lalong-lalo na sa kalsada o eskinita. Isa pa, saan ba kasi nagpunta iyon? Kung bakit naman kasi hindi ako ginising kaninang umaga para may kasama siya. Hindi sana ganito, hindi rin sana mangyayari iyong kasamaan ng hinayupak na lalaking 'yon. Shit. Hanggang ngayon ay nabubwisit pa rin ako kapag naaalala ko kung paano niya ako isawalang respeto. Huminga ako nang malalim saka naisipang bumaba na lang. May pag-iingat ang bawat hakbang ko dahil sa mga oras na ito ay natutulog na ang mga tao, pwera na lang doon sa guard na nagbabantay sa labas. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, hinayaan ko na lang din na nakapatay ang ilaw kaya naman ay halos magkandarapa ako sa kakakapa ng mahahawakan kong bagay, baka mamaya ay makabasag pa ako nito. Nang alam ko ng nasa sala na ako ay saglit akong huminto. Pagak akong natawa nang matantong para akong magnanakaw sa ginagawa ko. Paano na lang pala kapag may nakakita sa akin at isumbong ako kay Tita Carmen? Napakamot ako sa kilay ko dahil sa pinaghalong galit at iritasyon. Kung bakit naman kasi ginagabi iyon si inay? Baka napaano na 'yun. Jesus! Huwag naman sana, ano. Dumako ang tingin ko sa malaking pintuan ng bahay nang marinig ko ang mahinang kaluskos doon, hudyat na may tao. Dali-dali akong nagtungo roon para malaman kung sino iyon. Malamang naman na si inay na iyon, siya lang naman na ang wala sa kwarto nito, parang dalagita lang talaga. Tch, binuksan ko iyon sa pag-aakalang si inay pero nagkamali ako. "Ay, putcha!" Hindi ko na napigilan kaya napasigaw ako sa gulat. Nanlalaki ang matang hinawakan ko ang magkabila nitong braso para maialis sa pagkakayakap sa akin. Yuck! Bakit amoy alak ang hinayupak na ito? Malamang Tyra, naglasing iyan! Kadiri naman. Pinipilit ko itong itulak pero grabe ang laki ng katawan, sa kakatulak ko ay ako pa iyong natumba. Kaya ang ending, pareho kaming bumagsak sa sahig. Take note na nasa ibabaw ko siya. Mahabaging Diyos! Patawarin niyo po kami. Gustuhin ko mang sumigaw at gumawa ng ingay ay panandalian na lamang akong pumikit, pilit na pinapakalma ang sarili habang panay pa rin ang tulak sa katawan ng lalaking 'to. Nang wala nang magawa ay malakas ko itong kinurot sa tagiliran, ngunit tanging paghilik lang nito ang natanggap ko dahilan para humalimuyak ang hininga nito sa mukha ko. Sa pagkakataong iyon ay parang gustong tumiklop ng ilong ko nang maamoy ang mabahong amoy ng alak, masakit iyon sa ilong. Isama pa na sobrang dilim kaya hindi ko makita kung tama bang tulog siya o nantitrip lang. Saktong bumukas ulit ang pintuan at halos gusto ko nang magpakain sa lupa nang maaninagan kong si inay iyon. Binuksan nito ang switch ng ilaw kaya ang labas, napatakip ito ng bibig habang nakatitig sa akin na luwa ang parehong mata. "Inay, papangunahan na kita pero mali iyang iniisip mo." Mahinang pahayag ko. Halos maiyak na ako kasi sa totoo lang, kanina pa ako nabibigatan sa hinayupak na ito. Kinakabahan din kasi baka kung ano na ang pumasok sa isip ni inay na hindi naman totoo. "Anong ginagawa mo riyan, anak?" Pasigaw na bulong nito, kita ko pa ang pagkakakunot ng kaniyang noo. "Nay, tulungan niyo na lang po akong itayo ito, saka ako magpapaliwanag." Sa sinabi kong iyon ay agaran itong yumuko para tulungang matanggal ang pagkakayakap sa akin ng lalaki. Nang makatayo ako ay doon ko nakita ang itsura niya. Suot pa nito ang college uniform niya, halatang kagagaling lang ng school at dumeretso sa inuman para maglasing. Tch, sinasabi ko na nga ba't hindi siya mabuting anak. "Dalhin natin siya sa kwarto niya, anak, mukhang nalunod sa alak." Anang nanay na tinanguan ko. Baka rebelde ang hinayupak na 'to, hindi marahil mahal ng mama niya. Pinagtulungan na namin ni inay na makatayo iyong lalaki, dahil sa pasuray-suray ito ay inalalayan namin siyang maglakad. Ako sa kabilang braso habang si inay ay sa isa namang balikat. Humanda talaga ang lalaking 'to sa akin. Akala ba niya, ganoon lang kadali na kalimutan ang panggagago nito sa akin? Pwes! Makikita niya kung paano gumanti ang isang Tyra Nicole Fajardo. Nang marating namin ang tapat ng kwarto niya ay ako na ang nagbukas no'n. Agad ko ring binuksan ang ilaw at for the first time, nakapasok ako sa kwarto ng isang lalaki. Inakay namin ulit siya saka pinahiga sa king size bed nitong black and white. Wow! Kahit pala na mukhang bastos ito ay napapanatili nito nang maayos ang kwarto niya— sana pati ugali. "Sandali lang at kukuha ako ng maligamgam na tubig, diyan ka lang!" Sabi ni inay saka nagmadaling nagtungo sa isang pintuan na sa tingin ko ay banyo. Ang yaman talaga ng magulang ng walangyang 'to. Pati ba naman kwarto ay may sariling banyo? Tch, napatitig ako sa lalaking nakahilata sa kama. Mahahalata mong ang layo na nang narating ng panaginip nito dahil sa mukha niya, ang relaxing tingnan na para bang hindi nakakaranas ng pagod at stress. Mga mayayaman nga naman! Dumating si nanay na may dalang maliit na planggana na may kaunting lamang tubig. Ibinaba niya iyon sa side table saka naghanap ng bimpo na siyang ibinato naman nito sa akin. Kumunot ang noo ko saka itinaas ang bimpo na para bang sinasabing— anong gagawin ko rito, hello? Nananatiling nakatayo ako habang pinagmamasdan si inay na parang may kiti-kiti sa pwet. Hindi yata alam ang gagawin. Muli kong tinitigan anng lalaki, kung tutuusin pala ang amo ng mukha niya kapag tulog. Iyon nga lang kasing-sama ni Satanas ang ugali. "Dito ka muna, tatawagin ko lang 'yung isa sa mga katulong para matulungan tayo rito." Paalam niya sa akin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagmadali nang umalis si inay. Napabuga ako sa hangin, sa tuwing titingin talaga ako sa mukha nito ay naiirita ako marahil sa ginawa niya sa akin kanina. Napadako ang tingin ko sa basin na naroon sa side table at lumipat iyon sa mukha niya. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa at nag-iisip ng kung anong gagawin. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Pupunasan ka? Luh, asa ka. Kinuha ko ang basin saka walang-alinlangan na ibinuhos sa pagmumukha ng lalaking hindi ko alam ang pangalan. Basta ang alam ko ay anak siya ni Tita Carmen. Napansin kong nagsalubong ang kilay nito pero hindi naman nagmulat ng mata. Bahagya pa itong gumalaw at tumagilid ng higa saka dumapa sa kama. Pagak na napatawa ako sa kawalan. Ganoon ba ang mga lasing? Walang nararamdaman kapag natutulog? Malakas ang loob ko ngayon dahil alam kong wala namang nakakita sa ginawa ko, malamang tulog na ang mga tao. Sa ganitong paraan lang naman ako makakaganti sa kaniya, sana nga lang ay nakainom siya ng tubig katulad ng nangyari sa akin kanina sa pool. Bumukas ang pinto at pumasok si inay na kasama ang isang matandang kasambahay. "Oh! Anong nangyari riyan, Tyra?" Gulat na bulalas ni inay. Tumabi pa ito sa akin saka ako mahinang siniko habang iyong katulong naman ay abala na sa pag-aasikaso sa lalaki. Pinaharap nito iyon upang matanggalan ng damit pang-itaas. "Ang kulit kasi, 'nay. Pinupunasan ko na nga, tinatabig pa ako kaya ayan tuloy, hindi sinasadyang natabig niya ang planggana." Pagdadahilan ko na halata ang iritasyon sa boses. Ganiyan nga Tyra, magsinungaling ka! Tsk, parang ang sama ko naman sa ginawa ko. Hindi bale, ngayon lang talaga 'to. At least, nakaganti ako sa hinayupak na demonyong anak ni Satanas. Tiningnan ako ni nanay na para bang kinikilatis ako. Napasimangot ako kasi parang hindi naman siya naniniwala— kilalang-kilala niya talaga ako kung kailan ako nagsisinungaling. "Okay na ako rito, pwede na kayong matulog. Ako na lang ang bahala. Pasensya na sa abala. Naku naman kasi itong batang 'to!" Tila nahihiyang sambit ng katulong. Tumango-tango kami ni inay saka nagpaalam nang matutulog na kami kasi sobrang laking abala talaga ang ginawa ng lalaking iyon. Baka mamaya ay matagpuan ko na lang ang sarili na binubugbog siya. Parang gusto ko tuloy bumalik sa kwarto niya habang may hawak-hawak na takuri. Tingnan ko lang kung hindi pa kami maging magka-level sa kasamaan. "Nay." Pagtawag ko nang nasa tapat na kami ng kwarto ko. "Saan ka nanggaling? Hindi mo ba alam na pinag-alala mo ako ng husto?" Sandali naman niya akong binalingan, ngumuso pa ito at bahagyang sumimangot. Kita ko na ang wrinkles sa magkabilaan niyang mata. "Sa tatay mo, anak. Dinalaw ko lang sa sementeryo, hindi ko rin namalayan na nakatulog ako sa puntod niya." Malungkot nitong sabi, rason para mabahag ang puso ko. "Oh." Tila nangangapang saad ko. "Sige po, inay. Good night na. Basta po tandaan niyo na nandito lang ako." "Alam ko, anak." Aniya at ginulo ang buhok ko. Matapos ko siyang halikan sa pisngi ay mabilis na binuksan ko ang pinto at nagmadaling pumasok sa loob, pero hindi rin nagtagal ay muli ko iyong binuksan. Naroon pa rin sa labas si nanay pero naglalakad na ito patungo sa kwarto niya. Bahagya akong lumabas para makita ako nito, mabuti at napansin ako agad. "Gusto ko pong malaman kung anong pangalan ng anak ni Tita Carmen." Lakas ang loob kong pahayag. Napahinto ito sa pagpihit ng doorknob saka tumingin sa akin nang may pagtatanong sa mukha. Hindi naman masamang maging interesado sa pangalan, hindi ba? Pangalan lang naman iyon. Para kung sakali, papakulam ko siya kapag may ginawa na naman itong masama sa akin. O 'di kaya, magrerenta ako ng tao at ipapapatay ko siya. Ugh! Bakit ba ako ganito mag-isip ngayon? "Si Kris, anak. Kris Warren Yu."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD