Napakamot ako sa kilay ko habang ngumunguya ng pagkain. Gawain ko na iyon kapag naiirita ako sa isang bagay o sa isang tao. Mannerism yata ang tawag doon. Sumubo akong muli sa manok na kinakain ko. Mag-isa lang ako rito sa kusina, walang kahit isang katulong ang nasa paligid kaya ang boring sa pakiramdam. Paano at hindi na naman ako ginising ni inay kaninang umaga kaya ayun, mag-isa niyang tinapos ang labahan ng pamilyang Yu. Nawala sa isipan ko na sa pagtira namin sa mansion ay magsisilbing katulong si nanay dito. Ibig sabihin ay parang katulong na rin ako rito dahil ayoko namang magbuhay prinsesa sa hindi ko bahay. Sa sobrang lutang ko ngayon ay hindi ko na napansin na may tao na pala ang pumasok sa kusina. Hindi ko na sana ito papansinin at tutuloy na lang sa pagsubo nang mapagtanto

