"Ah... K— Kris!" Utal ang boses kong pagtawag sa pangalan niya. Imbes na lingunin ako ay dere-deretso itong lumabas ng bahay nila na parang hindi ako narinig. Tch, ang sama talaga ng ugali. Nagmadali akong lumabas para sundan siya, mukhang may lakad yata kaya nagmamadali. Base na rin sa suot nitong navy blue v-neck shirt na pinatungan ng white coat at black pants and shoes. Wow! Para lang siya iyong mga nakikita ko sa isang company— iyong mga businessman na nagmamay-ari ng malalaking company. Kung sabagay, mayaman naman sila kaya hindi malabong mayroon nga silang sariling business. Hindi na rin nakakapagtaka kung siya na mismo ang humawak o magmana dahil nag-iisang anak lang naman siya ng mga Yu. "Wait lang, Kris!" Muli akong sumigaw at sa pagkakataong iyon ay huminto na siya. Napatig

