Hindi nagtagal si Mirko at umalis din agad, gusto pa sana niyang ungasan si Kris ngunit ang sabi ay sa susunod na lang daw. Wala sa sariling naupo ako sa kaninang pwesto ko at natulala na lang sa kawalan. Mayamaya pa nang mapansin ko si Kris na lumabas mula sa loob, hawak nito sa isang kamay ang may kalakihang cup noodles na siyang umuusok pa gawa ng mainit na tubig. Ngumisi ito nang dumako ang tingin niya sa akin at walang pasabing naupo sa isang monoblock chair na nasa tapat ko mismo. Napangiwi na lamang ako, friend ba kami? "Sino 'yon?" Pagtatanong nito saka tuluyan nang nilantakan ang pagkain. Hindi ako sumagot sa kadahilanang nagulat ako sa uri ng pagkain nito, para kasi siyang mauubusan at grabe kung sunud-sunod itong sumubo, hindi na alintana kung mainit pa iyon. Anong nangyari

