Sa tinagal naming pagtambay ni Kris sa pool area ay tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib, hindi ko mawari pero sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong nakakausap ko siya ng matino. Tumingala ito sa kulay asul na kalangitan dahilan para may pagkakataon ako na mapagmasdan siya nang malapitan at matagal, nakakahanga lang talaga kung gaano kaperpekto ang pagkakahulma ng mukha niya. Mula sa malalalim nitong mga mata, sa pilik mata niyang biniyayaan ng naturang kulot, sa ilong na hindi pinagkaitan ng tulay, sa kaniyang labi na bahagya pang namumula at sa panga nitong well-sculptured. Ano ang pakiramdam na maging paborito ng Diyos? "Hmm, nasaan ang Daddy mo?" Pagbasag ko sa katahimikang namumutawi sa paligid. Pansin ko na hindi umuuwi ang asawa ni Tita Carmen which is iyong daddy ni Kris. Wel

