Wala sa sariling napabuntong hininga ako nang hindi ko na maaninag si Kris sa dilim, kasabay nito ay ang paglingon sa akin ni Mirko kaya pilit akong ngumiti nang balingan ko siya. "Saan tayo? May date tayo, hindi ba?" Sambit ko habang pigil din ang sarili sa totoong nararamdaman. Masakit— o baka masyado lang talaga akong umaasa kaya ngayon ay para akong nalugi. "Okay ka lang?" Imbes na sagutin ay iyon pa ang lumabas sa bibig niya. Ang kaninang maangas nitong istura ay unti-unting nagbago, lumamlam ang parehong mata niyang pinakatitigan ang mukha ko, animo'y tinatansya ang emosyon ko kaya lalo akong ngumiti. Ngunit nagulat lang ako nang hawakan niya ang magkabilaan kong pisngi, saka pa pinagtapat ang mukha naming dalawa dahilan para halos maduling ako. Bandang huli nang magbaba na lama

